Kamusta po kayo? sa mga nahihirapan mag unlock ng story ko, pwede kayong manpod ng ads, o di kayay mag invite ng friedns upang magkaroon kayo ng maraning bonus pang unlock. Gusto ko man ilibri ang mga chapter ng libro ko, wla akong magagawa dahil si GN na ang nagmamay-ari nito. Binili na niya ang rights sa libro ko at akoy magsusulat lamang. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta, pagbigay ng gems at pag-aabang sa bawat update ko. asahan po ninyong worthit palagi ang bawat chapter na ilalatag ko. God bless you all. from; Rising Queen/Scorpion Queen
Pagdating ng mansyon, hindi na hinayaan ni Dustin na humawak ng mga mabibigat na bagay si Rihanna. Ultimo ang pagsuot ng bedroom slippers nito, si Dustin pa ang nagpapa-suot sa paa ni Rihanna dahil ayaw nitong nahihirapan ang asawa niya."Luv, akin na ang suklay, ginawa mo naman walang silbi ang kamay at paa ko eh," saad ni Rihanna. Kakatapos lang nilang mag shower ni Dustin. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa harap ng salamin ng kanilang walk-in closet at nakatayo naman si Dustin sa kanyang likuran habang sinusuklay ang kanyang buhok. Ingat na ingat pa ito sa pagsusuklay ng buhok niya, sa takot na baka ma-hila at masaktan siya. Ngayon niya pa lang napansin ang pagiging sweet ni Dustin. Simula ng nalaman nito na buntis siya sa pangarap nitong kambal, mas lalo pa siya nitong minahal. Kanina pa niya inaagaw ang suklay, ngunit ayaw nitong ibigay sa kanya."Luv, pwede bang kahit dito man lang, hayaan mo akong pagsilbihan ka? Sa dami ng sakripisyo mo sa akin noon, hindi pa sapat itong gin
"Put***ng… tang 'na naman Blade! Ilang beses ko bang sabihin sa inyo, na pinaka ayaw ko sa lahat ang umaalis kayo na walang paghahanda! Palibhasa masyado kayong nagyayabang sa mga sarili ninyo na kaya n'yo na lahat! Na porket isa kayong Black Dragon, wala ng mangahas na kalabanin kayo! Hindi porket dumaan kayo sa mga madugong training at marami na ang napatay ninyo, napaka untouchable n'yo na! Nakalimutan n'yo na bang tao rin kayo? Pagkakamali lang ng isa, pwedeng madamay lahat ng kasamahan ninyo sa operasyon. Hindi ako gumastos ng bilyon sa training n'yo ng ilang taon para lang maging walang silbi dahil hindi n'yo naman ginagamit ang mga utak ninyo! Hindi ko ito sinasabi kay Scarlet Blade lang ha, lagi nyong tandaan, lalo na kayong mga leader ng team ninyo. Ang kaligtasan ng mga tauhan nyo, laging nakasalalay sa mga mga balikat n'yo! Kaya be responsible! Bilang leader, you'll first need to master yourself. Kailangan sa sarili mo palang leader ka na. Paano ninyo pamunuan ang maraming
"Luv, saan ka galing?" namamaos na tanong ni Rihanna ng nararamdaman na humiga si Dustin sa tabi niya. Sinulyapan niya ang antigong orasan sa wall, alas onse na nang gabi. "Hindi ka pa ba natulog mula kanina?" dagdag niyang tanong. Binalot siya ng hubad na katawan ni Dustin kaya naramadaman agad ang init ng katawan nito ng masagi sa balat niya. Nakasuot lang siya ngayon ng silk spaghetti strap na night dress kaya ramdam na ramdam talaga niya ang init ng makulong siya sa mga bisig nito. Siniil siya ni Dustin ng mainit na halik sa labi bago ito sumagot."Nagpahangin lang ako sa labas luv. Sorry, nagising ba kita? Bumalik ka na muna sa pagtulog." Malambing nitong sabi at muli siyang pinaunan sa bisig nito habang niyayakap. "Hindi na ako makatulog." gumanti na rin siya ng yakap. Hinalikan ni Dustin ang tungki ng ilong niya, tila nagustuhan naman niya ang paglanghap ng mabangong hininga nito. Bahagya siyang bumangon at itinukod ang siko sa unan. Nagtataka si Dustin kung ano ang ginagawa
“Nabanggit mo kanina ang tungkol sa Black Lion, ano naman iyon?” Natutuwa si Dustin dahil sa pagiging matanong ng asawa niya. Wala na yata itong plano na matulog. Sinulyapan niya ang orasan sa wall ng kanilang silid, past midnight na. Plano sana niyang madaling araw silang aalis para walang sagabal sa daan ngunit nagdesisyon na lang siyang mamayang Alas otso na lang sila aalis. Pinuyat na yata siya ng buntis ngayon.“Luv,”Napabalik siya sa kanyang sarili ng marinig ang tawag ni Rihanna. Naghihintay na ito ng sagot niya.“Bakit ba interesado kang malaman ang tungkol sa Black Lion?” natutuwa niyang tanong.“Gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa ang Black Lion,” sagot agad nito.“Dati kasi, mahilig na akong maghunting ng mga ibon sa gubat. Pumupunta ako ro’n, every weekends. Habang bitbit ang aking Airsoft Gun, nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad sa gitna ng gubat ng bigla akong sinalakay ng Black-Maned Lions. Muntik na ako ro’n, akala ko ‘yon na ang katapusan ng buhay ko,
"Master, parating na po ang chopper, " narinig niyang wika ni Mr. Stuart mula sa earpiece na suot niya."Copy," mabilis niyang sagot habang isinuot ang bullet proof vest kay Rhayan at Rihanna upang may proteksyon ang katawan ng mga ito sakaling lumabas sila. Dalawa lang ang bullet proof vest na nakita niya sa loob ng sasakyan, kaya minabuti niyang ipa-suot ito sa mag-ina niya.Bang! Bang!“Ahhh! Daddy, I’m scared. Are we going to die?” umiiyak na tanong ni Rhayan ng tumama ang bala sa tinted glass window ng kanilang sasakyan. Niyakap ni Rihanna ang anak, upang maibsan, ang takot na nararamdaman nito. Puno ng pag-alala ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Dustin.Mabuti nalang at isang Alpine’s armored Bentley Bentayga bulletproof car ang kanilang sinakyan, kung nagkataon, kanina pa tinamaan ng mga bala ang mag-ina ni Dustin, sa loob. Sinadya niyang ito ang gamitin, dahil kakambal ng pamilya niya ang panganib sa daan. Protektado sila ng sasakyan na ito against bullet such as 7.62
Halos dalawampung Dragon Knights na ang napatay nila, ngunit patuloy pa rin sa pagdami ang grupo ng ng mga ito na hindi nila alam kung saan nanggaling. Tila ba alam na ng mga ito na dito sila sa dadaan sa rooftop. “Tangina,” mura ni Dustin sa sarili. May traydor talaga sa mga tauhan niya, at alam ng mga kalaban ang bawat plano at galaw niya. Sa oras na malaman niya kung sino ang traydor, maghanap na ito ng butas ng karayom na pwedeng pagtaguan, dahil siguraduhin talaga niyang siya mismo ang papatay. Gulat ang mga Dragon Knights, dahil sa dami nila, ngunit nahihirapan pa rin silang lapitan ang mag-ina. Ito lang naman ang inutos sa kanila. Ngunit hindi nila inaasahan na ganito pala kalupit kapag lumaban si Dustin. Ang alam nila, pinuno ito ng Black Dragon, which is kaya na rin nilang pantayan, dahil, lahat ng training ng Black Dragon, itinuro na rin sa kanila ng mahabang panahon. Ngunit nakapagtataka dahil lahat sila, halos nakaramdam ng panghihina sa bawat tama ng mga sipa nito sa k
Palaisipan para kay Dustin ang sinabi ng assassin, wala siyang kaalam-alam na buhay pa pala si Shane, gayung pinatay na ito ng mga tauhan niya. Talagang may mali, at iyon ang aalamin niya kya Scarlet Blade. “Saan ngayon si Lady S na sinasabi mo,” muling tanong niya rito. Hindi pa man sumagot ang assassin na tinanong niya, ng bigla na lang sumabog ang ulo nito. “Fuck!” mura ni Dustin ng matalsikan ng dugo ang damit na suot niya, kahit ang mukha niya, nahilamos rin ng maraming dugo galing sa sumabog na ulo ng assassin na kausap niya. Sinulyapan niya ang iba pang mga kasamahan nito na hindi pa niya tinanong. “Kung balak mo pa na magtanong sa amin , ikinalulungkot ko, wala kang makukuhang impormasyon galing sa amin. Kung gusto mo kaming patayin, gawin mo, aamin man kami at sa hindi, kamatayan pa rin ang naghihintay sa amin.” After the assassin's words, Dustin scowled at him. He already understood what he meant; they all had a microchip implanted in their skulls to explode when they br
Pagpasok sa loob ng private jet, agad na kinuhanan ni Rihanna ng pamalit na damit si Dustin. Ayaw naman niyang makita ng mga magulang niya, ang sitwasyon ni Dustin na nakakalat ang dugo sa damit. Baka isipin ng mga ito kung ano na naman ang nangyari sa kanila.Maingat na pinahiga ni Dustin si Rhayan sa malambot na kama sa loob ng private jet habang natutulog la rin ito."Luv, magpalit ka muna ng damit," saad ni Rihanna nang makalabas na si Dustin mula sa cabin ni Rhayan.Nakapamulsa na tinitigan ni Dustin ang asawa, habang kinukuha ang Plain White long Sleeve polo mula sa kamay nito. Bumaba ang kanyang tingin sa tiyan nito, bigla siyang na-excite na makita itong lumalaki."Bakit?" Kunot ang noo na tanong ni Rihanna. Hindi siya sumagot, bagkus puno ng pagmamahal niya itong niyakap ng mahigpit."Thank you, wife. Sa lahat ng yaman na binigay ng Diyos, ikaw ang pinakamahalaga para sa akin. Araw-araw akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa lahat ng babae na dumaan sa buhay ko, ikaw ang nagm