Pasensya na sa delay updates. Thank you sa patuloy na pag-aabang ng kwento ni Dustin at Rihanna. This Chapter was dedicated to all readers nagbigay ng maraming gems. maraming salamat po sa inyong suporta.
Palaisipan para kay Dustin ang sinabi ng assassin, wala siyang kaalam-alam na buhay pa pala si Shane, gayung pinatay na ito ng mga tauhan niya. Talagang may mali, at iyon ang aalamin niya kya Scarlet Blade. “Saan ngayon si Lady S na sinasabi mo,” muling tanong niya rito. Hindi pa man sumagot ang assassin na tinanong niya, ng bigla na lang sumabog ang ulo nito. “Fuck!” mura ni Dustin ng matalsikan ng dugo ang damit na suot niya, kahit ang mukha niya, nahilamos rin ng maraming dugo galing sa sumabog na ulo ng assassin na kausap niya. Sinulyapan niya ang iba pang mga kasamahan nito na hindi pa niya tinanong. “Kung balak mo pa na magtanong sa amin , ikinalulungkot ko, wala kang makukuhang impormasyon galing sa amin. Kung gusto mo kaming patayin, gawin mo, aamin man kami at sa hindi, kamatayan pa rin ang naghihintay sa amin.” After the assassin's words, Dustin scowled at him. He already understood what he meant; they all had a microchip implanted in their skulls to explode when they br
Pagpasok sa loob ng private jet, agad na kinuhanan ni Rihanna ng pamalit na damit si Dustin. Ayaw naman niyang makita ng mga magulang niya, ang sitwasyon ni Dustin na nakakalat ang dugo sa damit. Baka isipin ng mga ito kung ano na naman ang nangyari sa kanila.Maingat na pinahiga ni Dustin si Rhayan sa malambot na kama sa loob ng private jet habang natutulog la rin ito."Luv, magpalit ka muna ng damit," saad ni Rihanna nang makalabas na si Dustin mula sa cabin ni Rhayan.Nakapamulsa na tinitigan ni Dustin ang asawa, habang kinukuha ang Plain White long Sleeve polo mula sa kamay nito. Bumaba ang kanyang tingin sa tiyan nito, bigla siyang na-excite na makita itong lumalaki."Bakit?" Kunot ang noo na tanong ni Rihanna. Hindi siya sumagot, bagkus puno ng pagmamahal niya itong niyakap ng mahigpit."Thank you, wife. Sa lahat ng yaman na binigay ng Diyos, ikaw ang pinakamahalaga para sa akin. Araw-araw akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa lahat ng babae na dumaan sa buhay ko, ikaw ang nagm
Kasalukuyan silang magkaharap sa hapunan sa loob ng palasyo ng maalala ni Rihanna na tanungin ang kanyang ama. “Dad, di ba sabi mo, mag best friend kayo ng daddy ni Dustin? Nandoon po ba kayo sa hospitall noong mga panahon na ipinanganak siya at nanganak din si mommy, kay Kuya Daniel?” Sandaling nag-isip ang hari bago sumagot. “Sa naalala ko, naunang nanganak ang mommy mo kay Daniel. Siniguro kong nilagay ng nurse si Daniel sa Nursery room. Nagkataon naman na tumawag sa akin si Santiago, ang daddy ni Dustin. Manganganak na raw ang asawa niya, kaya doon niya rin sa hospital dinala ang asawa kung saan ang mommy mo nanganak. Ang nakapagtataka lang dahil, nang e-request ng mommy mo si Daniel, dahil gusto niya itong makita, wala na raw ito sa loob ng nursery room. Syempre nagulat ako, paanong nangyari na nawawala si Daniel, kitang-kita ko na doon siya dinala. Pero si Dustin lang ang naiwan sa loob at wala na si Daniel.” mahabang paliwanag ni King Rhiannon. “Ang nakapagtataka lang po k
“Luv, dahan-dahan lang ha, ‘wag lang yung masyadong masakit.” mahinang saad nito habang papalapit sa kanya.Agad naman piningot ni Rihanna ang tainga ni Dustin ng makalapit na ito sa harapan niya.”Array, Luv, naman, masyado mo na akong sinasaktan,” reklamo nito.“Bakit, gusto mong umangal?” nagtitimpi na tanong ni Rihanna. Nainis siya sa ginawa nito kanina.“Hindi, panalo ka na,’’ sagot agad nito. “Ano tapos ka na ba?” dagdag nitong tanong.“Bakit?” tanong ni Rihanna.“It's my turn,” pagkasabi, agad niyang binuhat si Rihanna at inakyat sa kwarto nila.Napapa-iling na lang ang dalawang matanda dahil sa kakulitan ng mag-asawa. Muling binalingan ni King Rhiannon ng makahulugan na tingin si Donya Alice. Mukhang nahulaan nman ng huli ang mga titig nito.“Ay naku, Rhiannon, ‘wag ako, mga matatanda na tayo para gayahin pa ang ginagawa ng mga anak mo.” Tumayo na si Donya Alice, at hinahanap ang kanyang cellphone. Tinatawagan niya si Drake, ngunit hindi ito sumasagot. Naka off ang cellphone nit
Isinandal ni Drake ang likuran sa headboard ng kama, habang nakatitig sa babaeng katabi niya. Tulog pa rin ito, hindi niya akalain na birhen pa ito nang makuha niya. Nasabunot niya ang buhok. Naguguluhan siya ngayon, kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Maraming tumatakbo sa isipan niya at nagpapadagdag lalo ng sakit sa kanyang ulo. Masyado siyang maraming nainom kagabi, at hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Pakiramdam niya nag take-advantage siya sa sekretarya niya, porket alam niyang may gusto ito sa kanya. Tumagilid paharap sa kanya si Freya at niyakap ang baywang niya habang nakaidlip pa rin ito. “Freya,” mahinang tawag niya. Alam niyang gising na ito, ngunit ayaw pa nitong magmulat ng mata. “Sorry,” sa wakas naisatinig niya. Hindi niya alam kung humihingi ba siya ng sorry dahil ginalaw niya ito na kahit walang pagmamahal na namamagitan sa kanila, or humingi siya ng sorry, dahil hindi niya kayang panagutan ang nangyari sa kanila. Gulong-gulo talaga ang utak niya. Nasa kala
Abala si Rihanna sa pag-tipa ng mga codes laptop niya, ng biglang bumukas ulit ang pintuan ng kanyang opisina at ini-luwa ang fresh na fresh na mukha ng kanyang asawa. Nakakunot ang noo niya ng makita ito.“Luv, bakit ka nandito?”Napangiwi si Dustin dahil sa bungad na tanong ng asawa niya. “Luv, talaga bang ganyan ka? Sa tuwing pumupunta ako rito ‘yan kaagad ang tinatanong mo? Your my wife, hindi pa ba sapat na dahilan ‘yan kung bakit ako nandito?”“Dustin, alam mo parang ikaw na yata ang naglilihi ngayon, isang tanong lang iyong akin, dami mo nang sat-sat.” Doble na yata ang bunganga mo ngayon.” sermon ni Rihanna habang patuloy sa pagtipa sa laptop niya.Pumunta si Dustin sa kanyang likuran at hinalikan ang batok niya, dahilan upang panayuan siya ng balahibo.“Dustin ano ba, nawawala ako sa focus.” saway niya rito.Tiningan ni Dustin kung ano ang ginagawa niya, nagtataka itong nagtanong. “Bakit kaninong system na naman ba ‘yang kinakalkalikot mo?”“Kay Kuya Drake, nagresign kasi siy
“Gemma, Gemma, anong nangyari sa ‘yo?” umiiyak na tanong ni Myrna. Almost thirty five years na hindi sila nagkita ng kaibigan at ngayon, hindi niya inaasahan na makita niya ito sa ganitong kalagayan.Nakasalubong ang dalawang kilay ni Drake, na tiningnan si Myran na bigla na lang yumakap sa kanyang ina. Napalingon siya sa mga kasamahan nito na nakatayo mula sa pintuan. Nakita niya ang malamlam na mga mata ni Rihanna habang nakatingin sa kanya, at sa likuran naman nito si Dustin na umaalalay rito. Sa tabi naman nito ay si King Rhiannon at Mommy Alice niya na panay ang pahid ng mga luha habang nakatingin sa kanya. Waring hindi alam ng mga ito kung paano magpaliwanag.“Ku..Kuya, ang daya mo..’’ sinugod siya ng yakap ni Rihanna habang umiiyak. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang nangyari, bakit napa-sugod ang mga ito sa lugar niya.Gumanti rin siya ng yakap kay Rihanna at hinaplos-haplos ang buhok nito. “Sinasabi ko na nga ba, sanggang-dikit tayo, kaya pala gusto kong lagi kit
Maingat ang mga hakbang ni Dustin na pumasok sa loob ng silid nila ni Rihanna. Dahan-dahan siyang humiga sa tabi nito, at agad naman itong napayakap sa kanya. Masuyo niyang hinalikan ang noo nito, at pinahiga ang ulo sa kanyang bisig. Tila naramdaman naman ni Rihanna ang ginawa niya kaya agad itong nagtanong.“Luv, ano oras na, ngayon lang ba kayo nakauwi ni Kuya?” nakapikit nitong tanong.“Yes Luv, may pinag-usapan lang kami,” sagot ni Dustin, inayos niya ang kumot at hindi sinasadyang napadapo ang kanyang mga mata sa maliit na envelope na nakapatong sa bedside table malapit sa hinihigaan niya. Nasisinagan ito ng ilaw na galing sa lampshade kaya malinaw sa kanya kung anong klaseng sobre iyon. Inunat niya ang kanyang kabilang kamay upang maabot ang sobra mula roon. Napakunot ang noo niya ng makita na isa itong invitation galing sa Middleton Families ng West City. Kilala niya ang Middleton Families, dahil matagal na ng mga itong gustong makilala ang CEO ng DC Bank Corporation, ngunit w
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an