Luv, sorry na..please.. Hindi na ito mauulit, promise. Pipigilan ko na ang selos ko. Magbabago ako para sa'yo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ang bilis-bilis kong magselos. Kapag may ibang lalaki na lumalapit sayo, pakiramdam ko iiwanan mo na ako." Parang iiyak na wika ni Dustin.Bahagyang natigilan si Rihanna, dahil sa sinabi ni Dustin. Parang nahulog na kasi ito sa obsession. At hindi normal ang ganun. Siguro dahil sobrang mahal siya nito, ngunit hindi healthy ang maging takbo ng relasyon nila kapag manatiling ganito si Dustin. "Kamusta ang pakiramdam mo, sumasakit pa rin ba ang ulo mo?"Nagtaka naman si Dustin sa naging tanong ni Rihanna. "Huh, bakit?""Sagutin mo na lang ang tanong ko." "Minsan kumikirot. Pero hindi na kagaya ng dati. Naubos ko na kasi yung binigay mong gamot. Hindi ko alam kung saan ka bumili n'yon, kaya hindi na ako nakabili ulit. Bakit? Akala mo ba baliw pa rin ako?" Nakangiti nitong tanong sa kanya."Ano naman
"Luv, kailangan ko pa bang gawin ito? Pwede naman na simpleng evening gown lang ang suotin ko. Hindi naman si Charles ang sadya ko doon, kundi ang daddy niya. Ayaw ko nga sanang pumunta eh, kaya lang nakakahiya naman, baka sabihin tinatanggihan ko ang paanyaya niya." Nagmamaktol na wika ni Rihanna, habang nagsusuot ng magarbong evening gown na binili pa ni Dustin mula sa sikat na fashion designer. "Kailangan mo yan Luv. CEO ka ng SmithCom Corp. Isa ka sa tinitingala ng maraming kababaihan. Kailangan hindi ka nagmumukhang kawawa sa paningin ng ibang mga kakumpetensya mo sa negosyo." Hindi na hinayaan pa ni Dustin na hubarin ni Rihanna, ang kanyang suot na evening gown. Ito na ang kusang nagsara ng zipper ng gown niya sa likod. Si Dustin pa talaga ang nag -asist sa kanya upang magbihis. Ayaw kasi nito, na ang bakla ang mag bihis sa kanya pagkatapos siyang malagyan ng make-up. Lalaki pa rin daw kasi ito, at ayaw nitong nakikita ng ibang lalaki ang loob ng kanyang katawan. Kahit kailan
“Why Luv, are you interested in Larson Industries?" Nakangiting tanong ni Dustin sa asawa. "Do you remember me telling you for a long time that I want to buy Larson Industries, and more specifically, the CEO? It wasn't just that I was thinking of you at the time; I actually did it. You promised to kill Larson Industries' CEO once I brought him home, after all. I didn't want to get your hands dirty, so I just let him go." Nang-aakit ang boses ni Rihanna habang sinasabi 'yun kay Dustin. Mas lalo pa niyang dinikit ang katawan niya sa asawa, at nagustuhan naman ni Dustin ang kapilyuhan niya. "Oh? I should call my secretary right now. Larson Industries will be ready for you when you wake up tomorrow. Wait, what will you do with Larson Industries?" Biglang pinahaba ni Rihanna ang nguso niya at sinabi, "I just want to burn it." "Huh?" Sumilay ang ngiti sa labi ni Dustin. Hinalikan niya ang noo ng asawa. Hindi niya alam kung bakit kinikilig siya sa pang-iinis nito kay Zack. "If you really
Paanong nangyari na lahat ng sinabi ni Dustin nagkatotoo? Naisip niyang tanungin ang kanyang secretary."Ano daw ang dahilan, bakit bigla na lang nila hinatak ang Larson Industries?""As per order daw ng president ng DC Bank Corporation, Sir." Agad namang sagot ni Aliza. "May sinabi ba sila kung sino ang President ng DC Bank?""Tinanong ko po sila, ang sabi, Dustin Crawford daw ang President ng DC Bank Corporation.""What!? Are you sure?" Tila nabingi bigla si Zack at kailangan pa niyang ipaulit sa kanyang sekretarya ang sinabi nito."Narinig ko po talagang Dustin Crawford ang pangalan ng may-ari na binanggit ni Mr. Bolton, sir."Nahilamos ni Zack ang kanyang mukha. Paanong nangyari na si Dustin Crawford ang presidente ng DC Bank? Wala itong silbi sa paningin niya, katunayan, malapit pa nga itong nabaliw dahil sa kagagawan ni Shane. Ngunit ngayon, walang mapaghambingan pala ang kayamanan nito. No wonder na kaya nitong ipasara ang lahat ng operation ng mga Airlines sa isang pitik lang
Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay ng makita ang nakatalikod na babae habang kaharap naman ang kanyang ama."Pinatay ko ang sarili ko Rhiannon! Alam mo ba 'yun!? Nanatili akong patay upang protektahan lang ang anak ko mula sa kamay ng pamilya at asawa mo! Kaya hindi ako papayag hangga't hindi mo ibigay sa akin si Rihanna!""Alice, anak ko rin si Rihanna! At Ilang taon ko pa lang siya nakasama, hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin at ang apo ko!" Galit na rin ang boses ni Rhiannon habang kausap si Alice."At ako!? Tiniis kong mawalay sa anak ko! Tiniis kong magpanggap na patay, kahit na sa loob ng dibdib ko ang sakit-sakit na makita siyang nag-iisa na lumalaban sa buhay! Pero mas pinili ko 'yun para lang mabuhay siya! Dahil hindi titigil ang demonyong asawa mo hangga't hindi niya nauubos ang angkan ko! Ngunit putang ina, wala kang ginawa para ipaglaban kami ng pamilya mo, Rhiannon! Wala!" Umiiyak na sigaw ni Alice, habang dinuro-duro ang dibdib ni King Rhiannon."Sa tingin mo ba ikaw
Kinabukasan, nagising si Rihanna sa loob ng silid na familiar sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin, agad niyang nakita ang nakasabit na picture frame sa wall ng silid. Kuha nila ito ni Dustin sa city hall ng New Hampshire noong bagong kasal sila. Napangiti siya, dahil nakatingin siya sa camera, samantalang si Dustin, nakahalik naman sa pisngi niya. Natutuwa siya dahil nasa dating ayos pa rin ang silid nila ni Dustin. Bumalikwas siya ng bangon. "Teka, bakit nga pala nandito ako sa silid namin? Paano ako nakarating dito? Kagabi lang nandoon ako sa palasyo…" kinakausap niya ang sarili ng bigla siyang natigilan nang maalala na naman, ang kanyang ina. "Si mommy..buhay si mommy?" Hindi na naman niya mapigilan ang mga luha niya. Nasa ganun siyang sistema ng bumukas ang pintuan ng silid. Umangat siya ng mukha at tumingin sa direksyon ng pintuan. Ang nag-aalala na mukha ni Dustin ang nakita niyang papalapit sa kanya."Luv, bakit ka umiiyak?" Niyakap siya ni Dustin at hinalikan sa noo.
Nasa childrens sections sila at katabi lang nito ang infants wear at baby section. Nagtaas ng kilay si Rihanna ng makita na maraming dinadampot na mga baby needs si Dustin. Nagtataka siya dahil hindi naman siya buntis, at mas lalong wala naman silang bagong silang na anak."Luv, anong gagawin mo diyan?" Takang tanong niya, habang abala pa rin ito sa pagpili ng Crib.Pinulupot ni Dustin ang kamay nito sa baywang niya. "Luv, gusto ko lang maranasan yung pakiramdam na namimili ng mga gamit para sa baby natin. Isa pa, hindi magtatagal, masusundan na si Rhayan, kaya hinahanda ko na ang lahat."Humagalpak ng tawa si Rihanna dahil sa sagot ng asawa niya. "Dustin, ano ka ba. Hindi mo pa nga alam kung mabubuntis ako eh. Isa pa sakaling mabuntis man ako, hindi pa natin alam kung ano ang gender ng magiging baby natin. Tapos, namimili ka na n’yan. Hindi ka naman siguro excited ano?"Nakamot ni Dustin ang ulo dahil sa reaksyon ng asawa niya. "Ah, basta, hayaan mo na lang ako na pumili. Panlalaki at
“Mommy, tahan na, tingnan mo yang mga mata mo, namumugto na sa ka iiyak. Mula kagabi ka pa ganyan.” pag-aalo ni Drake sa kanyang ina. “Son, sobrang sakit, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Limang taon siyang nandito sa Wales, ngunit nadaig ako ng kaduwagan upang kausapin siya. Nakuntento lang ako sa mga stolen pictures na pinapakita mo sa akin. Hinintay ko pa talaga na dumating si Minerva.” “Mommy, hayaan mo na munang makapag-isip si Rihanna. Don’t worry, tutulungan kita upang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi rin madali ang mga pinagdaanan mo ng mahabang panahon. Saksi ako kung paano ka nagtiis at naghirap na hindi makita ang ‘yung, anak.” Tinapik-tapik ni Drake ang likod ng ina habang nakayakap ito sa kanya. “Salamat anak, kung buhay lang sana si Daniel, siguro kasing edad mo siya. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Kahit papaano,
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an