Alam niyang isang pagkakamali na sinabi niya ang tungkol sa sitwasyon ng kanyang anak ngunit may karapatan rin si Rheniel na malaman ang tungkol sa anak nito. “Pvtangina!” Narinig niya ang malutong na mura nito. Napaigtad siya ng bigla nitong sinipa ang wall ng deck. Napa Hilamos ito ng kamay sa mukha at muli siyang tinitigan. Halata sa mga mata nito ang kagustuhan na sumbatan siya, Ngunit walang boses na lumabas sa labi nito. Alam niyang naintindihan din siya nito kung bakit niya ito ginawa. Kinuha ni Rheniel ang cellphone at tinawagan si Richard. Vice president niya ito ngunit ito na rin ang ginawa niyang kanang kamay noon pa man dahil kabisado na nito lahat ng gustong ipagawa niya. “Saan ka?” tanong niya sa dominanteng boses. “Nasa bahay ni Suzete Boss, ngunit wala na sila rito.” “Si Gab?” nagsimula ng uminit ang dibdib niya sa iniisip na baka totoo nga ang sinabi ni Brenda. “Wala na rin dito, Boss. Mukhang magulo ang bahay nila. Halatang pinasok—” “Pvtang Ina! Ano ang nang
Bumitaw sa paghawak si Rheniel sa braso ni Brenda. Tumalikod siya at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana ng chopper. Mabuti dahil silang dalawa lang ang sakay ng chopper maliban sa piloto nito. Hindi sila maiilang kung hahantong man sila sa malalim na argumento. “Ano ang plano mong gawin?” biglang tanong ni Rheniel habang nakatingin pa rin sa labas.“Hayaan mo na muna akong mag-isa na pumunta at makipagkita kay Tito Esmael.” Nakita ni Brenda ang pagtigas ng kamao ni Rheniel habang nakakuyom ito. Hindi pa rin ito lumilingon sa kanya ngunit alam niyang pinipigilan lang nito ang nararamdaman na kontrahin na naman siya. “Gusto ko lang siguraduhin ang kaligtasan ni Gabrien.” dagdag sa sinabi niya.“Then what?” Binalingan siya na may namumuong luha sa sulok ng mga mata nito. “Sasama ka sa kanya kasama si Gab? Iiwan mo na naman ako?” May bahid ng pait ang boses ni Rheniel habang nakatitig sa babaeng mahal niya.Hindi makasagot si Brenda. Kahit siya hindi rin alam kung ano ang gagawin s
Mabilis na tinawagan ni Rhayan si Rheniel habang nasa biyahe sila papuntang Villa Mercedes.“Fuck, Rheniel, sagutin mo ang phone.” Bakas ng iritasyon at pag-alala ang boses ni Rhayan habang walang tigil sa pag ddial ng numero ni Rheniel.“Kuya,”“Hoh! Sa wakas sinagot mo na rin. Saan ka na ngayon? Nabasa mo ba ang text ko?”“Hindi. Nasa labas na ako ng Villa.” sagot nito.“Tangina, huminto ka, huwag mong ituloy.” malakas ang boses ni Rhayan para lag marinig ni Rheniel.“Huh? Bakit? Kuya nakikita ko na si Brenda, hawak na niya si Gab.” sagot muli nito. Alam ni Rhayan na hindi pa rin nito humihinto ng sasakyan.“Maraming nakabaon na landmine sa paligid ng Villa!”Boom!“Fuck! Rheniel!?” Malakas na mura at pagtawag ang lumabas sa bunganga ni Rhayan ng marinig ang malakas na pagsabog.“Tangina, Kuya sumabog ang SUV na sinasakyan ng mga tauhan ko.”“Pvtangina, Lendon, balansehin mo ang mga tauhan. Hold muna ang biyahe nila. Tangina Rheniel tumuloy ka pa rin ba?” Pinagalitan niya ito matapo
“Bren–Brenda, lumaban ka.” Hawak ni Rheniel ang tiyan niya habang tinatakpan ito ng tela upang mapigilan ang paglabas ng maraming dugo. Ang kabilang kamay naman niya ay pilit inaabot ang kamay ni Brenda. Gusto niyang iparamdam dito na ang pagmamahal niya.“Ma–hal, I’m…so..rry..” Pinilit din ni Brenda na hawakan ang kamay ni Rheniel habang hilam sa luha ang mga mata nito. “Sa…kaling..hin..di..ko..na..magawang ….lu…maban, sana…lumaban…ka..pa..ra sa an..anak natin.”“No, sabay..tayong lalaban..sabay tayong lalaban, mahal. Nangako ka hindi mo na ulit ako iiwan, Brenda kailangan ka namin ng anak mo.” Pilit ni Rheniel na bumangon nang makita na pumikit na ng mga mata si Brenda. “Brenda,” muling tawag niya at gustong tanggalin ang mga nakatali sa katawan niya ngunit agad siyang pinigilan ni Rhayan.“Bro, kapit lang, malapit na tayo sa hospital.” Pinilit ni Rhayan na patatagin ang ang kilos at boses niya upang hindi panghinaan ng loob si Rheniel.Binitawan ni Rheniel ang paghawak sa tiyan ni
SAMANTALANG ISANG ORAS ANG NAKALIPAS, nagising si Rihanna. Nakita niya ang maraming mukha na nakatambad sa kanya. Ang kanyang triplets na sina Zeck, Zeyven at Eignzo, Ang dalawang babae sa quadruplets na sina Dharyne at Dharylle.“Si Rheniel?” Agad siyang bumalikwas ng bangon.“Mom, Nandoon na si Dad, at Dustniel.. Hindi nila pababayaan si Rheniel.” Wika ni Dharylle at niyakap ang ina.“Isa pa yan, ang ama ninyo. Nakakasama siya ng loob. Siya ang unang nakakaalam ng tungkol sa nangyari kay Rheniel ngunit inilihim niya sa akin. Hindi niya ako sinama na pumunta ng ospital.” Humagulgol ng iyak si Rihanna.“Mom, intindihin mo na lang si Dad. Sobrang mahal ka no’n kaya hindi niya muna sinabi sa’yo dahil nakakasama sa kalusugan ninyo.” Paliwanag ni Dharyn.“Mas lalong sumama ang loob ko dahil sa ginawa niya.” Giit ni Rihanna sa mga anak.“Mom, hinimatay nga kayo ng malaman n’yo ang nangyari kay Rheniel di ba? Kaya may dahilan din si Dad, kung bakit hindi niya sinabi.” Pinahid ni Dharyll an
Dapat kanina pa siya dumiretso sa Tipoca City upang personal na makipaghiwalay rito, ngunit dahil sa nangyari kay Rheniel at sa kanyang ina, naisip niyang set aside muna ang sariling problema. At para na rin bigyan ng space ang problema nila ni Seidon. Nakahanda na siyang hiwalayan ito at ilihim ang kanyang pagbubuntis. Umangat siya ng mukha ng marinig ang magkasunod na katok sa window glass ng sasakyan niya. “What?” iritado niyang tanong ng mabuksan na niya ito. “Ma’am, tumatawag po si Sir Seidon.” Pinakita nito sa kanya ang cellphone at agad naman niyang nakita ang caller name. “Ikaw na ang bahala dumiskarte. Basta huwag na huwag mong sabihin sa kanya kung saan ako nakatira, kung saan ako ngayon o kung saan ako pumupunta. Clarix?” Nakita niyang napakamot ng batok ang personal bodyguard niya na in-assign ng kanyang Kuya Rhayan upang magbantay sa kanya. “Bakit po ba ayaw n’yong sagutin Ma’am?” Parang iiyak ang mukha nito. “Mamaya sa akin naman magagalit si Sir Seidon.” Galit niyan
“What do you mean?” Nagpanggap siyang hindi alam ang pinagsasabi nito. Nakita niya ang pagguhit ng galit sa mukha ni Seidon ngunit binalewala niya iyon. “Still asking, huh? Are you trying to hide my son from me?” Hinawakan nito ang braso niya habang tinitingnan siya nito na para bang magnanakaw siya. Agad niyang tinabig ang kamay nito. Pakialam ba nito sa anak niya? At saan naman nito nalaman na lalaki ang anak nila? The heck..she’s only five weeks pregnant at hindi pa na reveal ang gender ng anak niya. Masyadong assuming ang lalaking ‘to. “Still pretending?” Mapang-uyam na tanong nito. “So what? Tapos na sa atin ang lahat.” Mahina ngunit madiin niyang pagkakasabi. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito dahil sa sinabi niya. Ramdam niya ang pagpipigil nito ng galit na saktan siya. Ewan ba niya kung sadyang nanlalabo lang ang mga mata niya kaya ang tingin niya sa mga mata nito parang nanlalabo na rin dahil sa pagpigil nito. Hinawakan nito ang dalawang balikat niya at pinagdikit an
Hindi makapaniwala ang mga mata ni Dharylle habang nakatingin ngayon sa Kuya niya. Magkasunod siyang umiling. “Kuya, ayokong magpakasal sa kanya. Sinampal niya ako, at hindi ko matatanggap ‘yun. Sabihin na natin may pagkakamali din ako, pero hindi iyon sapat na dahilan upang saktan niya ako!” Nagsimula na siyang maglabas ng kanyang sama ng loob. Iyon lang ang hinintay ni Rhayan upang umamin ang kapatid niya. Kinailangan pa niyang daanin ito sa pananakot para lang umamin ng saloobin nito. Wala naman talaga siyang balak na ipakasal ang lalaking ‘yun sa kapatid niya. Gusto niyang malaman kung ano ang puno’t-dulo kung bakit biglang ayaw nito sa lalaki. Sa pagkakaalam niya mula kay Ciela, si Seidon ang the only Heir ng Albrecht Hotels & Retail Chains sa buong Europe. Katunayan halos lahat ng mga branded clothes na sinusuot nila ay nanggaling sa mga giant malls na pagmamay-ari nito. Ngunit nagkaroon ng brain cancer si Seidon at the age of Twenty one bago pa man ipasa sa mga kamay nito ang
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an