Hello po, kumusta po kayo? thank you po sa mga patuloy na nagsusuporta sa story na ito. daily update na po ito ulit. Sure na po talaga hahaha. Thank you so much po at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHERRY'S POVNagkatinginan kami ng asawa ko dahil pareho kaming hindi makapaniwala na si kuya Alfred ang boyfriend ni Carmie. Kahit ako ay nabigla rin. Iniisip ko tuloy kung wala bang alam si Carmie sa alitan ng dalawa at nakuha pa niyang maging boyfriend si kuya. Kung sabagay ay baka mahal naman nila ang isa't-isa. Inanyayahan na namin sila sa hapagkainan. Nakatingin sa akin si Kuya. Siguro ay nagtataka siya kung bakit kasama ko si Rico."Ikaw pala ang boyfriend ni Carmie, kuya. Gaano na kayo katagal?" Nakangiti na tanong ko sa kanya."One week na rin. Bakit ka pala nandito, Cherry?" Tanong naman niya sa akin."Dito ako nakatira—""May relasyon ba kayo? At bakit dito ka nakatira?" Nakakunot ang noo na tanong sa akin ni kuya."She's my wife," si Rico na mismo ang sumagot sa tanong ni kuya."Wife? Really?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya sa akin."Mukha ba akong nagbibiro, Alfred?" Seryosong tanong ng asawa ko."Chiefy," tawag ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya para pakalmah
CHERRY'S POVPagkalabas ko sa building ay kaagad kong nakita ang asawa ko. Sinundo niya ako. Akala ko ay marami siyang trabaho ngayon. Sinalubong niya ako at hinalikan niya ako sa labi. Ngumiti naman ako sa kanya. Kaagad na nalusaw ang tampo na nararamdaman ko sa asawa ko. Ewan ko ba pero sobrang matampuhin na ako ngayon. Palagi kong gustong subukin ang pagmamahal at pasensiya niya."Hi," nakangiti na bati niya sa akin."Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya dahil 'yon naman ang sabi niya sa akin."Gusto kitang sunduin dahil baka isabay kana naman ng iba." Sabi niya sa akin na alam kong may kahulugan."Sorry, Chiefy kung hindi ko sinabi sa 'yo. Nakalimutan ko rin kasi, pero sino pala ang nagsabi sa 'yo?" Tanong ko sa kanya dahil napapaisip ako kung paano niya nalaman."Si Carmie sinabi sa kanya ni Alfred." Sagot niya sa akin."Sorry ulit, 'yun na ang first at last na sasabay ako sa kanya." Humingi ako ng paumanhin sa asawa ko.Ngumiti ito sa akin at pinatakbo na ang kotse niy
RICO'S POVHindi ako mapakali dahil alam ko na nagtatampo na naman ang asawa ko. Hindi ko rin naman siya masisi dahil kagagawan ko rin naman ang lahat. Pinaramdam ko sa kanya na apektado ako tuwing nasa paligid si Alfred. Hindi ko lang kayang itago ang galit na nararamdaman ko tuwing nasa paligid siya.Wala na akong pakialam sa nakaraan namin pero bumalik siya sa buhay ko. Matagal ko ng kinalimutan na naging parte siya ng buhay ko. After he betrayed me ay babalik siya para magpakilala na boyfriend ng kapatid ko. Alam ko na may gusto siya sa asawa ko. Nakikita ko sa mga mata niya. Tuwing nakatingin siya kay Cherry at hindi niya ako maloloko dahil alam ko na ginagamit lang niya ang kapatid ko. At 'yun ang kinatatakutan ko ang agawin niya sa akin ang asawa ko. Lalo na ngayon may kinalaman siya sa kaso na hawak ko. I changed my work schedule. Ayoko na isabay pa niya ang asawa ko. Kapag masaya ako ay doon niya sinisira ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang naging kasalanan ko sa
CHERRY'S POVHinatid ako ng asawa ko sa tapat ng company building. Pagpasok ko ay nakasabay ko si Alfred pero hindi ko siya pinansin. Lately ay narealize ko na kailangan ko na yatang gumawa ng paraan para alisin niya ako sa trabaho. Halos lahat ng kapalpakan ay ginagawa ko para lang mapagalitan niya ako pero hindi niya ginagawa. Madalas ay ako pa ang kinakampihan niya. Kaya marami na ang may galit sa akin.Hindi ko na kayang pumasok pa dito. Dahil nasasaktan ako tuwing hinahatid ako ng asawa ko. Nasasaktan ako dahil ang kumpanya na pinapasukan ko ay kumpanya na pinaghirapan niya. Hindi ako mapakali at mabilis akong gumawa ng resignation letter. Kumatok ako sa opisina niya."Come in," narinig ko na sabi niya.Pumasok ako at nagulat ito nang makita niya ako. Pero kaagad rin siyang ngumiti sa akin."Cherry, ikaw pala. May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin."I'm here to give you my resignation letter. Gusto ko ng mag-resign." Sabi ko sa kanya."What?!" Gulat na bulalas ni Alfred sa aki
RICO'S POVI was happy when she decided to resign. Masaya talaga ako dahil sa totoo lang una pa lang ay ayaw ko na siyang magtrabaho doon. Sinabi niya sa akin na gusto niyang nagtrabaho kay Caye. Hindi ako pumayag dahil alam ko na may pangarap rin ang asawa ko. Alam ko na gusto niyang magtayo ng sarili niyang business. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya umaasa sa pera ko. Nahihiya pa nga siya tuwing inaalok ko siya.Nagpaalam siya na pupunta sa bahay nila Caye at pinayagan ko naman siya. Sinundo ko siya after ng work ko. Pero habang nasa daan kami pauwi ay may biglang bumaril sa amin. Hindi ako makakilos ng maayos dahil kasama ko ang asawa ko. Hanggang sa tumawag ako ng back-up. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang mga kasamahan ko.Nakita ko kung paano natakot ang asawa ko. Kaya habang bumaba siya ay bigla itong nahimatay. Pero nagulat ako dahil may tama siya ng baril sa tagiliran. Nataranta ako at mabilis ko siyang dinala sa ospital. Umiiyak ako dahil takot na takot a
CHERRY'S POVHindi ko talaga inaasahan na matatamaan ako. Sa totoo lang ay halos wala akong naramdaman. Nagising na lang ako na nasa ospital na ako. Ramdam ko at nakikita ko na sinisisi ng asawa ko ang sarili niya. Pero hindi naman niya 'yon kasalanan. Kaya hindi niya puwedeng sisihin ang kanyang sarili dahil alam ko naman na hindi niya 'yon kagustuhan.Sa tingin ko rin ay malaking sindekato ang kalaban niya ngayon. Kaya nakakaramdam rin ako ng takot para sa kaligtasan ng asawa ko. Nanatili ako sa bahay kasama si Luzy. Habang nakatingin ako sa bago naming kasambahay ay hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Nakasuot man siya ng mahabang palda ay alam ko na may kagandahan siyang taglay. Makinis ang mga kamay niya na para bang anak mayaman. Pero baka sadyang ganun lang siguro ang kutis niya."Luzy, ilang taon kana?" Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa kanya."Twenty eight na ho ako, Mam." Mahinhin na sagot niya sa akin."Mas matanda ka pala sa akin. Kaya ate na lang ang itatawag ko sa '
CHERRY'S POVSa wakas ay magaling na ang sugat ko. Kahit ba magaling na ako ay dito pa rin ako sa bahay namin. Ayoko ko talaga na bigyan ng alalahanin si Rico. Lalo na ngayon ay busy siya sa trabaho. Nagtatampo pa nga siya dahil sa regla ako noong mga nakaraan. Para itong bata talagang nagpapalambing."Alam mo Cherry, ang swerte mo sa asawa mo." Biglang sabi sa akin ni ate Luzy."Opo, ate. Mabait at mapagmahal na lalaki si Rico. Alam ko rin na nais na niyang magka-anak kami pero hindi pa talaga kami biniyayaan eh. Pero alam ko na malapit na." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Sa tingin mo matutuwa kaya siya kapag may anak siya?" Biglang tanong niya sa akin."Sigurado ako, ate. Mahilig siya sa mga bata lalo na sa mga inaanak niya. Malambing siya ate, hindi lang halata." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Sana ganun rin ang ama ng anak ko. Kung sakaling ipakilala ko siya ay sana mahalin rin niya ang anak ko." Sabi nito sa akin."Mangyayari 'yan ate, karapatan din ng anak mo na makilala ang
CHERRY'S POVGabi na at naghihintay ako sa pag-uwi ni Rico pero wala pa siya. Hindi man lang siya tumawag sa akin. Hindi rin nagtext kung uuwi ba siya o hindi. Pero kahit na ganun ay matiyaga akong naghihintay sa pagdating niya. Nakatulog na lang ako pero walang Rico na dumating. Bumangon ako para bumaba. Habang pababa ako sa hagdan ay napaisip tuloy ako kung pinuntahan siya nang babae kahapon. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot. Pero nagulat na lang ako dahil kakauwi lang niya ngayon. Kaya bumalik ako sa silid namin para sundan siya. Pagkarating niya sa kwarto namin ay diretso kaagad siya sa banyo para magshower. Ramdam ko na may kakaiba sa kanya. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong ko sa kanya paglabas niya sa banyo."Sorry, nasa trabaho ako buong gabi." Parang balewala lang na sagot niya sa akin.Hindi na ako sumagot at lumabas na ako sa silid namin. Sa tingin ko ay matutulog siya ngayon. Hinihintay ko na magkwento siya sa akin. Pero mukhang it
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun