Hello po, kumusta po kayo? Maraming salamat po sa inyong lahat. Feel free to leave some comments and reviews. Ingat po kayo palagi <3 <3 <3
CHERRY’S POV Lihim kong pinunasan ang luha ko. Bumitaw na rin si Rico sa akin, nakahawak na siya ngayon sa baywang ko. “Nay, si Rico po. Asawa ko,” pakilala ko sa kanya kay nanay. “Nagkakilala na kami kanina anak. Siya pala ang pulis na pinag-uusapan ng mga kumare ko. Ang sabi daw kasi ng asawa ni General ay boyfriend siya ng anak nito.” saad ni nanay. Hindi na ako nag-komento. Pumasok na lang ako sa silid ng besty ko para kunin ang mga gamit ko. Pero narinig ko na si Rico na ang nakikipag-usap kay nanay. Bakit ba nila gustong-gusto si Rico para sa babae na ‘yon? Dahil siguro mayaman at gwapo na pulis siya. Kaya lahat ng mga may anak na pulis na babae ay gusto siya. “Nay, uuwi na po kami. Maraming salamat po, pakisabi na lang din po kay besty.” Nakangiting paalam ko kay nanay. “Sige anak, ingat kayo. Rico alagaan mo si Cherry, mahal ko ang bata na ‘yan.” “Opo nay,” sagot naman ni Rico kay nanay. Hawak ni Rico ang kamay ko at hinayaan ko lang siya. Tahimik ang naging biyahe nami
RICO’S POVHindi ko inaasahan na sasabihin niya ‘yon sa akin. Ang buong akala ko ay iiwan na niya ako. Kabado ako dahil sobrang seryoso niya habang nagsasalita siya. Hinapit ko siya at hinalikan ko rin siya pabalik. I love this woman so much.Wala akong tulog sa kakaisip kung nasaan siya. Hindi rin kasi niya sinasagot ang tawag at text ko kagabi. Mabuti na lang at may biglang dumating na babae kanina.( FLASHBACK )“Tao po!” rinig kong may tumatawag sa labas ng bahay.Bumangon ako at sumilip sa bintana. Sobrang aga pa, sa tingin ko ay alas sais pa lang ng umaga. May babae sa labas kayo lumabas ako. “Good morning po, ikaw po ba ang asawa ni Cherry?” Tanong niya kaagad sa akin.“Good morning, ako nga. May kailangan ka ba sa kanya?” “Ako po si Anne kaibigan niya,” sagot niya sa akin.“Ako naman si Rico kaya lang wala kas—”“Nasa bahay po siya, doon po siya natulog.” Sagot niya sa akin.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil buong gabi na akong hindi mapakali. Mabuti naman at doon lang siy
WARNING MATURED CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK!!CHERRY’S POVNagulat ako sa sinabi niya sa akin. Natulala ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Totoo ba ang naririnig ko ngayon? Inaalok ba talaga niya ako ng kasal? Baka guni-guni ko lang naman ang narinig ko. O baka natutulog pa ako at panaginip lang ang lahat ng ito.“C-Chiefy, anong sinasabi mo?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Gusto kong linawin dahil ayoko na mag-assume.“Cherry Cristobal, will you marry me? Wala akong singsing ngayon pero papayag ka ba na pakasalan ako?” Tanong niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha.“Seryoso ka ba?” Paglilinaw ko pa sa sinabi niya.“Halikan mo nga ako kung totoo ang sinasabi mo?” Utos ko sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan kaya nanlaki ang mga mata ko. OMG! Totoo nga inaalok nga niya ako. Ano ba ang dapat kong isagot sa kanya? Mag yes ba ako? Paano kung i-no ko kaya hahaha?! Lihim akong natutuwa sa naiisip ko.“Love,” tawag niya sa akin.“Kung seryoso ka naman sa aki
CHERRY’S POVNagising ako ng may humalik-halik sa pisngi ko. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Chiefy ko. Kung sabagay ay wala naman ibang manggugulo sa akin kundi siya lang. Masakit ang buo kong katawan. Hindi ba naman ako tantanan kagabi hanggang sa umabot kami ng madaling araw.“Ano oras na Chiefy?” Inaantok pa na tanong ko sa kanya.“Alas dos na love.” sagot naman niya sa akin.“Bakit hindi mo ako ginising?” Tanong ko sa kanya dahil ang alam ko ay flight namin mamayang gabi.“Kasi masarap ang tulog mo at alam ko na pagod ka. Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba love?" Tanong niya sa akin.“Hindi pa ako nakapag-ayos sa bahay, diba mamaya ang flight natin? At oo masakit, pakiramdam ko ay nalamog ako. Ang sakit ng katawan ko.” sagot ko sa kanya.“Love, bukas na lang tayo bumalik sa Manila.”“Huh? Bakit naman?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“May mahalaga kasi tayong gagawin mamaya.” Nakangiting sabi niya sa akin.“Anong gagawin? Sinasabi ko sa ‘yo, maawa ka sa akin. Halos
CHERRY’S POV “C-Chiefy,” nauutal na tawag ko sa pangalan niya. Nakatayo ito sa harapan at kaunting distansya lang ang pagitan namin. Nakangiti siya sa akin. “Masaya ako para sa ‘yo, Cherry.” Nagulat ako dahil nandito rin si Ate Caye. Nakangiti ito sa akin at may ibinigay siya sa akin na bulaklak. Nandito kami sa may batis ngayon. Ngayon ko napansin at naunawaan ang lahat. Ngayon na pala ang kasal namin, kagabi ko lang nasabi sa kanya na pangarap kong ikasal dito pero ito kami ngayon. Nakatayo ako dito at hinihintay ako ng lalaking mahal ko. “A-Ate,” umiiyak na tawag ko sa kanya. “Congratulations, maging masaya kayo. Mahal na mahal ka ni Ate Caye,” umiiyak na rin ngayon si Ate. “Mahal na mahal rin kita ate,” niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nandito ang mga taong malalapit sa akin at sa kanya. Pero wala ang parents niya, nalungkot man ako pero sa tingin ko ay may dahilan siya. “Sige na baka mainip na ‘yon at baka akalain niya na ayaw mong magpakasal sa kanya.” Pabiro na sabi
RICO’S POV Alam ko na mabilis ang lahat pero hindi na ako makapaghintay pa na pakasalan siya. Ayaw ko na bumalik kami ng Maynila na hindi siya naging Mrs. Royo. “Hey bro, pwede mo ba akong puntahan dito sa Iloilo?” Tanong ko sa ko sa kaibigan ko na si Luke. “Bakit may problema ba?” Tanong niya sa akin. “Magpapakasal na ako bro,” sagot ko sa kanya. “WHAT?! Totoo ba ‘yan? Kailan? Saan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Mamayang gabi bro—” “Ano?! Mamayang gabi na agad?” Putol niya sa sasabihin ko. “Yes bro, hindi na ako makapaghintay.” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ang bilis mo rin Royo, akala ko ay nililigawan mo pa lang pero kasal na agad gusto mo. Pumayag na ba si Cherry?” Tanong niya pa ulit sa akin. “Hindi ako magpapakasal ng hindi siya puma-payag bro—” “Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Cherry dahil mapapana talaga kita kahit na pulis ka pa!” narinig ko na sigaw ni Caye. “Opo, Ma’am.” pabiro kong sagot. Itong asawa talaga ni Luke dragon talaga sa lahat n
CHERRY’S POVLihim akong natutuwa sa asawa ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero nagkunwari akong inosente at mas nilambingan ko pa. Pasalamat talaga ako sa buwanang dalaw ko dahil dumating na ito. Makapahinga rin ang pearly shell ko sa asawa ko. Masyado na kasi itong pagoda sa kagagawan ng mister ko. Balak niya kasi sana kanina bago kami umalis pero bigla na lang dumating. Natatawa nga ako sa reaksyon niya dahil alam ko na masakit talaga ang puson niya. Ang cute ng mister ko, natutuwa rin talaga akong asarin siya. Pero may pangamba sa puso ko. Lalo na sa parents niya, inaasahan ko na talaga ang reaksyon ni Carmie kaya hindi na ako nagulat. Pero hindi ko pa nakita ang daddy niya.“Love, are you okay?” narinig ko na tanong niya sa akin.Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang ako Rico.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko na kumunot ang noo niya.“O, bakit nakakunot ang noo mo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi tinawag mo ako sa pangalan ko.” Sagot niya sa akin.“Sabi mo huwag muna kita tawagin n
CHERRY’S POV“Okay ka lang ba?” Tanong niya bigla sa akin.“Oo naman, ikaw, okay ka lang ba?” Tanong ko rin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya alam ko na hindi siya okay.“Mister ko, ‘wag kang magalit sa kanila. Normal lang naman na ganun ang reaksyon nila. Kasi bigla ka na lang nag-uwi ng babae tapos pinakilala mo na asawa mo.” Sabi ko sa kanya.“Kahit na, hindi ka dapat nila ginanon. Hindi ko tanggap ang ganun love. Ang baba ng tingin nila sa ‘yo at nasaktan ako. Noong siya ang nag-asawa ay hindi ako komontra sa kanya, wala siyang narinig mula sa ‘kin. Hinayaan ko siya kasi alam ko na magiging masaya siya. Pero bakit sa ‘kin hindi niya kayang maging masaya?” Sagot niya sa akin.“Kasi gusto lang niya ang best para sa ‘yo. At handa kong patunayan sa kanila na mahal kita at walang halong pagkukunwari. Hayaan mo ako na gawin ang parte ko bilang asawa mo. Huwag natin isara ang pinto sa mga magulang mo, magiging masaya tayo kapag naging mas maunawain pa tayo sa kanila. Hangga’t wala
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun