Hello po, ito po ang unang story na hindi sa ending ang kasal hahaha. Sana ay samahan niyo sila Cherry at Rico sa bagong buhay nila bilang mag-asawa. Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi <3 <3 <3
RICO’S POV Alam ko na mabilis ang lahat pero hindi na ako makapaghintay pa na pakasalan siya. Ayaw ko na bumalik kami ng Maynila na hindi siya naging Mrs. Royo. “Hey bro, pwede mo ba akong puntahan dito sa Iloilo?” Tanong ko sa ko sa kaibigan ko na si Luke. “Bakit may problema ba?” Tanong niya sa akin. “Magpapakasal na ako bro,” sagot ko sa kanya. “WHAT?! Totoo ba ‘yan? Kailan? Saan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Mamayang gabi bro—” “Ano?! Mamayang gabi na agad?” Putol niya sa sasabihin ko. “Yes bro, hindi na ako makapaghintay.” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ang bilis mo rin Royo, akala ko ay nililigawan mo pa lang pero kasal na agad gusto mo. Pumayag na ba si Cherry?” Tanong niya pa ulit sa akin. “Hindi ako magpapakasal ng hindi siya puma-payag bro—” “Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Cherry dahil mapapana talaga kita kahit na pulis ka pa!” narinig ko na sigaw ni Caye. “Opo, Ma’am.” pabiro kong sagot. Itong asawa talaga ni Luke dragon talaga sa lahat n
CHERRY’S POVLihim akong natutuwa sa asawa ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero nagkunwari akong inosente at mas nilambingan ko pa. Pasalamat talaga ako sa buwanang dalaw ko dahil dumating na ito. Makapahinga rin ang pearly shell ko sa asawa ko. Masyado na kasi itong pagoda sa kagagawan ng mister ko. Balak niya kasi sana kanina bago kami umalis pero bigla na lang dumating. Natatawa nga ako sa reaksyon niya dahil alam ko na masakit talaga ang puson niya. Ang cute ng mister ko, natutuwa rin talaga akong asarin siya. Pero may pangamba sa puso ko. Lalo na sa parents niya, inaasahan ko na talaga ang reaksyon ni Carmie kaya hindi na ako nagulat. Pero hindi ko pa nakita ang daddy niya.“Love, are you okay?” narinig ko na tanong niya sa akin.Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang ako Rico.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko na kumunot ang noo niya.“O, bakit nakakunot ang noo mo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi tinawag mo ako sa pangalan ko.” Sagot niya sa akin.“Sabi mo huwag muna kita tawagin n
CHERRY’S POV“Okay ka lang ba?” Tanong niya bigla sa akin.“Oo naman, ikaw, okay ka lang ba?” Tanong ko rin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya alam ko na hindi siya okay.“Mister ko, ‘wag kang magalit sa kanila. Normal lang naman na ganun ang reaksyon nila. Kasi bigla ka na lang nag-uwi ng babae tapos pinakilala mo na asawa mo.” Sabi ko sa kanya.“Kahit na, hindi ka dapat nila ginanon. Hindi ko tanggap ang ganun love. Ang baba ng tingin nila sa ‘yo at nasaktan ako. Noong siya ang nag-asawa ay hindi ako komontra sa kanya, wala siyang narinig mula sa ‘kin. Hinayaan ko siya kasi alam ko na magiging masaya siya. Pero bakit sa ‘kin hindi niya kayang maging masaya?” Sagot niya sa akin.“Kasi gusto lang niya ang best para sa ‘yo. At handa kong patunayan sa kanila na mahal kita at walang halong pagkukunwari. Hayaan mo ako na gawin ang parte ko bilang asawa mo. Huwag natin isara ang pinto sa mga magulang mo, magiging masaya tayo kapag naging mas maunawain pa tayo sa kanila. Hangga’t wala
CHERRY’S POV“Okay lang,” sagot ko kay Carmie.“Sorry talaga ate, nabigla lang kasi ako na nagpakasal na si kuya.” Sabi pa niya ulit sa akin.“Kalimutan na natin ‘yun. Kumain kana ba? Sabay kana sa amin.” Sabi ko sa kanya.“Thank you, ate.” Nakangiti na sabi niya sa akin.Lumipat sa likuran ko si Rico at yumakap siya sa akin sabay bulong sa tainga ko.“Thank you, love.” Malambing niyang bulong sa akin.“I love you po, kumain na tayo.” Sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin. At hinila na niya ako na umupo na kami sa couch. Sabay kaming tatlo na kumain. Tahimik lang si Carmie kaya hindi na rin ako nagsalita. Nakikiramdam lang ako sa kanya. Hindi ibig sabihin na okay na kami ay dapat maging kampante na ako sa kanya. Isa sa natutunan ko na hindi ibig sabihin na humingi na ng sorry ay okay na ang lahat. Sobrang sariwa pa ng mga nangyari kagabi kaya imposible na okay na agad kaming dalawa. Lalo na alam kong may lihim siyang pagtingin sa asawa ko kahit na kapatid lang ang turing sa
RICO’S POVHindi ko hahayaan na tratuhin nila ng ganun ang asawa ko. Kaya kong kalabanin ang daddy ko kapag patuloy niya kaming hadlangan ni Cherry. Mahal na mahal ko ang asawa ko at hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Wala akong problema noong nag-asawa siya kaya huwag niya akong pakialam, dahil matino ang asawa ko.Nagising ako na wala sa tabi ko ang asawa ko kaya nakaramdam ako ng takot. Mabilis akong lumabas sa unit ko dahil na rin sa pagkataranta ko. Thank God dahil namalengke lang pala siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ngumiti dahil sobrang maalaga at responsable ang asawa ko. Masasabi ko na tama ang babaeng pinili ko ngayon.She cooked breakfast and prepared my stuff. Hindi ko inakala na ganito pala kasarap sa feeling na may nag-aalaga sa 'yo. Masaya ako dahil pumunta siya sa presinto para sabay kaming maglunch. Naging maayos na rin sila ni Carmie at natatawa na lang ako dahil pinagseselosan niya ito.Nagseselos rin ako sa isa kong kasamahan. Kaya pala lagi n
CHERRY’S POVNaiinis ako sa kanya kasi huling-huli ko siyang nakatingin sa babaeng palabas dito sa restaurant. Mukhang kilala niya ang babae na ‘yon. Hindi na lang ako nagsasalita at hindi rin nagtanong sa kanya. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang bulyawan at kumprontahin. “Love, kanina ka pa tahimik?” Tanong niya sa akin.“Pagkatapos natin dito ay umuwi na tayo kaagad.” Sagot ko sa kanya.“Nagtatampo ka ba sa akin?” Malungkot na tanong niya sa akin.“Sino ‘yun?" Tanong ko sa kanya.“Akala ko kakilala ko.” Sagot niya sa akin.“Ex mo ba?” Direktang tanong ko sa kanya dahil naiinis na talaga ako.“Hindi ako sigurado kung siya nga ba. Pero wala na akong pakialam sa kanya, love.” Sagot niya sa akin kaya lalo akong nainis.“Walang pakialam, pero sinundan mo ng tingin.” Naiinis na sabi ko sa kanya.“Love, I’m sorry.” Sabi niya sa akin.“Siguraduhin mo lang na wala ka na talagang nararamdaman doon dahil iiwan talaga kita.” Naiinis na sabi ko sa kanya.“Love, wala
Warning!! Matured content! Read at your own risk!! (R18+)RICO’S POVNagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na ipoposas niya ako. Maang akong nakatingin sa kanya pagkatapos niya akong halikan.“Mister ko, uwi na tayo.” Malambing pa na sabi niya sa akin.“Love, paano tayo uuwi? Pakikuha ng susi dito sa pocket ko.” Utos ko sa kanya.“No! Hindi puwede, nakauwi nga tayo dati na may posas diba? Sa susunod kasi magtago ka na lang sa loob ng kotse mo. May pa post ka pa na para kang model. Sarap tusukin ng mga mata ng mga babae dito.” Sabi niya pa sa akin na halatang nagseselos na naman. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o magkakamot ako ng kilay sa ginagawa niya. Pero mapapangiti na lang ako dahil ang cute niyang magselos. Dati pinapangarap ko na makita siyang nagseselos pero ngayon binabawi ko na dahil nasobrahan naman siya. Nakakatakot siyang magselos at anytime pwede niya akong iwanan.“Love, uwi na tayo.” Sabi ko sa kanya.“Okay,” mataray pa na sagot niya sa akin.“Love, nag
CHERRY'S POVKaagad kong nilinis ang sahig. Nang matapos ako ay balak ko ng bumalik sa silid namin. Pero nag-aalala pa rin ako. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa asawa ko. Biglang bumukas ang pintuan kaya mabilis akong tumakbo at niyakap ko kaagad ang asawa ko."Hindi ka pa ba natutulog, love?" Tanong niya sa akin."Nag-aalala ako sa 'yo. Kaya hindi ako makatulog." Sagot ko sa kanya at mas lalo ko pa siyang niyakap. “Sorry, love.” Pabulong na sabi niya sa tainga ko.“You don’t need to be sorry, siguro kailangan kong sanayin ang sarili ko. Chiefy, mangako ka akin na mag-iingat ka palagi.” malambing na saad ko sa kanya.“Opo, misis ko. Gusto ko pang makita ang mga magiging anak natin. Love, sa mga susunod na araw ay magiging busy ako. Baka hindi kita masundo sa trabaho mo, kaya balak ko sana na kumuha na lang ng driver para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Chiefy, nakalimutan mo na ba? marunong akong magdrive, kaya hindi na kailangan ng driver. Saka pwede naman akong magcommute
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun