"Lera's POV"Tuesday afternoon.Muling tinawag ni Miss Mia ang atensyon naming lahat kaya nagsipagtigil kami sa kanya-kanyang ginagawa saka lumapit kay Miss Mia para makinig sa mga sasabihin niya."This afternoon will be our last game and tomorrow until thursday morning will be your free time. Thursday afternoon until friday afternoon will be the championship game. Saturday night, we'll be meeting and we will have a bonfire. Then sunday night, we'll be having a social night. You can come with your partner. Sunday night is the night for you and your love one. Para talaga sa mga couple ang gabing yun at malay ninyo, sa mga single diyan baka dun ninyo na rin makilala ang mga lalaking makakatuluyan ninyo." Napatili ang karamihan na parang kilig na kilig. Napatawa naman si Miss Mia sa naging reaksyon nila. "Hindi lang yun para sa mga couple, kundi para na rin sa mga taong may lihim na pagtingin. So, if you are secretly admiring someone, sunday or social night is the chance for you to bloom
"Sumi's POV"Wednesday afternoon."Ano kayang masarap lutuin mamaya?" Biglang tanong ni Justine. Siya nga pala ang nakatuka sa pagluluto mamayang gabi.Kasalukuyan kaming nasa isang cottage ngayon. Umukopa pa kami ng isang cottage para dito na raw kami tumambay tuwing freedom namin. Wala namang naging problema sa bayarin dahil ang mga lalaki na mismo ang mga nagbayad. Nagpapalakas eh. Lalo na sina Phyrus at Clyton.Asus! Yung mga lalaki na yun talaga. Ayaw pa kasing umamin, e halata namang may namumuo nang pagtingin sa mga kaibigan ko. Bukod na lang kay Bethany na halatang siya ang may gusto."Sinigang na isda." Biglang sabat ni Lera."Adobong manok." Jellah."Pancit." Alex."Mechado." Kristoff."Pochero." Ako."Caldereta." Cris."Chicken Afritada." William."Tinola." Clyton."Tocino." Emhir."Kare kare." Lera."Chop suey." Jellah."Menudo." Clyton."Bulalo." Emhir.Biglang tumaas ng kamay si Alex."Since, hindi pa tayo kumakain ng dessert magmula nang dumating tayo dito, ba't di na l
"Sumi's POV"Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian nang magsidatingan ang mga kasamahan ko. Agad silang nagkanya-kanya ng upo saka nagsimulang lantakan ang niluto kong tinola na manok."Pwede na talaga kayong magpakasal ni Kristoff." Bigla akong nasamid sa sinabi ni Jellah. Dali-dali naman akong inabutan ng tubig ni Kristoff, ngunit nakatanggap ng masamang tingin sa akin matapos ko siyang mahuli na tawang-tawa."Sarap na sarap ka eh, no?" naaasar na puna ko na ang ibig sabihin ay sa pagtawa niya sa akin. Pero sadyang iba nga ata ang ikot ng bituka ng isang to."Sa luto mo? Oo naman. Pero mas masarap yun-----" Bago pa siya makatapos sa walang kabuluhan niyang salita, pinuno ko ng pagkain ang bibig niya dahilan para tatawa-tawa siyang ipagpatuloy na lang ito.Matapos lang ang trenta minutos na pahinga ay tinipon-tipon na kaming lahat para sa championship ng tatlong laro. Isang laro sa hapon na ito at dalawa bukas.Pumunta sa gitna si Miss Mia habang kami naman ay nakapaikot sa kanya.
"Lera's POV"Matapos kong maisuot ang binigay na goggles ni Miss Nierra sa akin ay agad akong tumabi sa mga kasamahan ko."Okay, before we proceed let me ask you one question. Are you now ready?" Miss Mia."Yes, Miss," sabay naming sagot na lahat."Okay then. Walo muna ang sasalang sa pag unahan ng paglangoy and all girls muna tayo bago ang boys. As we call on your names, please step forward. Trisha Aina Canete, Chena Cruz, Hazel Benice, Jessa Crome, Glecey Magbanua, Nicole Ashti, Bea Ruth and Heleyra Idell." Nagstep forward nga kaming lahat saka sabay-sabay na lumapit sa unahang bahagi ng swimming pool. Nahagip ng mata ko ang biglaang pagngisi ni Trisha habang may tinatanaw. Sinundan ko kung nasaan ang paningin niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang magbigayan ng makahulugang tingin sina Trisha at Bharra.Hindi na ako magtataka kung may binabalak na masama ang dalawang to. Sa halip na pansinin sila ay muli kong tinuon kay Miss Mia ang atensyon ko saka nakinig sa
"Jellah's POV""Good morning, Tagayt------awwwww!" Napadilat ako nang makatanggap ng isang sapok galing sa kung sino man yun. Sumama ang tingin ko sa kanya."Arghhh! Bakit ba, Sumi? Masakit yun ah!" reklamo ko habang napapahawak sa ulo ko."Wala na tayo sa Tagaytay kaya bumangon ka na diyan kung ayaw mong malate sa klase." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya."Ay! Oo nga pala! Hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Napabangon ako at napansin na bihis na bihis siya ngayon."Teka! Hindi ka nakauniporme. Hindi ka ba papasok?" Puna ko nang mapansin na nakabihis pang alis siya."Hindi. Pupunta akong airport." Nanlaki uli ang mata ko saka napatakbo sa kanya saka siya niyugyog sa balikat. Nagulat naman siya sa inasta ko."Iiwan mo na ba ako? Aalis ka? Bakit hindi ka nagsasabi? Ayaw mo na ba akong makasama? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? Ano? Sabihin mo! Galit ka ba sakin? May nagawa ba akong hindi mo gust-------AWWWWWW! Mas masakit na yun ah!" "Tumigil ka nga, Jellah Marie! Nariri
"Kristoff's POV""Waiter." Kinumpas ko pa ang daliri ko.Agad naman na lumapit ang isang waiter."Yes, Sir?""Give me another bottle of this," sabay turo ko sa isang bote na ngayon ay wala nang laman. "Baka malasing ho kayo, Sir? Nakakailang shot na po kasi kayo." Umarko ang kilay ko sa sinabi niya."JUST GIVE ME ONE D*MN SHOT!""Y-yes, Sir!" Agad naman siyang tumalima.Ilang minuto lang ang itinagal niya at dumating na din siya dala-dala ang isa pang bote ng tequila.Nag alinlangan naman siyang iwan ako pero sa isang senyas ay agad din siyang tumalima.Binuksan ko ang bote saka mabilis na nilagok ito. Unti-unti ko na ding nararamdaman ang epekto ng alak sa sistema ko. Unti-unti na akong napapikit at kasabay nun ang pag alala kung bakit nga ba ako nasa bar ngayon at nagpapakalasing.*Flashback*Pauwi na ako sa condo ngayon nang mahahip ng mata ko ang motor ni Jellah. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya sa halip na sa condo ako dumeritsu, naisipan ko siyang sundan. Alam ko naman kung
"Sumi's POV"Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad ng aming napag usapan.*Flashback*Linggo ng gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas ng hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.Kahit sana hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong-puno ako ng emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad-lakad. Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate ng cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong s
"Sumi's POV"Sa isang senyas lang ni Julian ay sabay-sabay na silang sumugod.Unang nakalapit sakin ang dalawa. Napansin ko agad ang mga hawak nila. Mga naglalakihan at nagkakapalang tubo. Ngumisi ang dalawa saka pinaikot-ikot pa ang mga tubong hawak nila. Halatang nagmamayabang lang.Pasimpleng lumipat sa likuran ko ang isa saka umamba ng hampas sa akin pero bago pa man ako matamaan nito ay napailag na ako saka mabilis na hinuli ang pulo-pulsohan niya saka binalibag ito."AHHHHHH!" hiyaw niya matapos ko siyang pabato na binitawan. Lumapit naman ang kasama niya saka umamba din ng hampas pero katulad nung nauna, hinuli ko lang din ang pulo-pulsohan niya saka siya pasimpleng tinadyakan sa sikmura. Dahil dun ay impit siyang napasigaw, idagdag mo pa ang pagsipa ko dahilan para mapahiga siya at mawalan ng malay.Sa isang kumpas lang ng kanilang leader ay magkakasabay na sumugod sakin ang lima sa kanila. Pinaikutan nila ako saka nginisihan na parang mga demonyo.Katulad nung dalawa, may mga