"Sumi's POV"Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian nang magsidatingan ang mga kasamahan ko. Agad silang nagkanya-kanya ng upo saka nagsimulang lantakan ang niluto kong tinola na manok."Pwede na talaga kayong magpakasal ni Kristoff." Bigla akong nasamid sa sinabi ni Jellah. Dali-dali naman akong inabutan ng tubig ni Kristoff, ngunit nakatanggap ng masamang tingin sa akin matapos ko siyang mahuli na tawang-tawa."Sarap na sarap ka eh, no?" naaasar na puna ko na ang ibig sabihin ay sa pagtawa niya sa akin. Pero sadyang iba nga ata ang ikot ng bituka ng isang to."Sa luto mo? Oo naman. Pero mas masarap yun-----" Bago pa siya makatapos sa walang kabuluhan niyang salita, pinuno ko ng pagkain ang bibig niya dahilan para tatawa-tawa siyang ipagpatuloy na lang ito.Matapos lang ang trenta minutos na pahinga ay tinipon-tipon na kaming lahat para sa championship ng tatlong laro. Isang laro sa hapon na ito at dalawa bukas.Pumunta sa gitna si Miss Mia habang kami naman ay nakapaikot sa kanya.
"Lera's POV"Matapos kong maisuot ang binigay na goggles ni Miss Nierra sa akin ay agad akong tumabi sa mga kasamahan ko."Okay, before we proceed let me ask you one question. Are you now ready?" Miss Mia."Yes, Miss," sabay naming sagot na lahat."Okay then. Walo muna ang sasalang sa pag unahan ng paglangoy and all girls muna tayo bago ang boys. As we call on your names, please step forward. Trisha Aina Canete, Chena Cruz, Hazel Benice, Jessa Crome, Glecey Magbanua, Nicole Ashti, Bea Ruth and Heleyra Idell." Nagstep forward nga kaming lahat saka sabay-sabay na lumapit sa unahang bahagi ng swimming pool. Nahagip ng mata ko ang biglaang pagngisi ni Trisha habang may tinatanaw. Sinundan ko kung nasaan ang paningin niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang magbigayan ng makahulugang tingin sina Trisha at Bharra.Hindi na ako magtataka kung may binabalak na masama ang dalawang to. Sa halip na pansinin sila ay muli kong tinuon kay Miss Mia ang atensyon ko saka nakinig sa
"Jellah's POV""Good morning, Tagayt------awwwww!" Napadilat ako nang makatanggap ng isang sapok galing sa kung sino man yun. Sumama ang tingin ko sa kanya."Arghhh! Bakit ba, Sumi? Masakit yun ah!" reklamo ko habang napapahawak sa ulo ko."Wala na tayo sa Tagaytay kaya bumangon ka na diyan kung ayaw mong malate sa klase." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya."Ay! Oo nga pala! Hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Napabangon ako at napansin na bihis na bihis siya ngayon."Teka! Hindi ka nakauniporme. Hindi ka ba papasok?" Puna ko nang mapansin na nakabihis pang alis siya."Hindi. Pupunta akong airport." Nanlaki uli ang mata ko saka napatakbo sa kanya saka siya niyugyog sa balikat. Nagulat naman siya sa inasta ko."Iiwan mo na ba ako? Aalis ka? Bakit hindi ka nagsasabi? Ayaw mo na ba akong makasama? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? Ano? Sabihin mo! Galit ka ba sakin? May nagawa ba akong hindi mo gust-------AWWWWWW! Mas masakit na yun ah!" "Tumigil ka nga, Jellah Marie! Nariri
"Kristoff's POV""Waiter." Kinumpas ko pa ang daliri ko.Agad naman na lumapit ang isang waiter."Yes, Sir?""Give me another bottle of this," sabay turo ko sa isang bote na ngayon ay wala nang laman. "Baka malasing ho kayo, Sir? Nakakailang shot na po kasi kayo." Umarko ang kilay ko sa sinabi niya."JUST GIVE ME ONE D*MN SHOT!""Y-yes, Sir!" Agad naman siyang tumalima.Ilang minuto lang ang itinagal niya at dumating na din siya dala-dala ang isa pang bote ng tequila.Nag alinlangan naman siyang iwan ako pero sa isang senyas ay agad din siyang tumalima.Binuksan ko ang bote saka mabilis na nilagok ito. Unti-unti ko na ding nararamdaman ang epekto ng alak sa sistema ko. Unti-unti na akong napapikit at kasabay nun ang pag alala kung bakit nga ba ako nasa bar ngayon at nagpapakalasing.*Flashback*Pauwi na ako sa condo ngayon nang mahahip ng mata ko ang motor ni Jellah. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya sa halip na sa condo ako dumeritsu, naisipan ko siyang sundan. Alam ko naman kung
"Sumi's POV"Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad ng aming napag usapan.*Flashback*Linggo ng gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas ng hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.Kahit sana hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong-puno ako ng emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad-lakad. Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate ng cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong s
"Sumi's POV"Sa isang senyas lang ni Julian ay sabay-sabay na silang sumugod.Unang nakalapit sakin ang dalawa. Napansin ko agad ang mga hawak nila. Mga naglalakihan at nagkakapalang tubo. Ngumisi ang dalawa saka pinaikot-ikot pa ang mga tubong hawak nila. Halatang nagmamayabang lang.Pasimpleng lumipat sa likuran ko ang isa saka umamba ng hampas sa akin pero bago pa man ako matamaan nito ay napailag na ako saka mabilis na hinuli ang pulo-pulsohan niya saka binalibag ito."AHHHHHH!" hiyaw niya matapos ko siyang pabato na binitawan. Lumapit naman ang kasama niya saka umamba din ng hampas pero katulad nung nauna, hinuli ko lang din ang pulo-pulsohan niya saka siya pasimpleng tinadyakan sa sikmura. Dahil dun ay impit siyang napasigaw, idagdag mo pa ang pagsipa ko dahilan para mapahiga siya at mawalan ng malay.Sa isang kumpas lang ng kanilang leader ay magkakasabay na sumugod sakin ang lima sa kanila. Pinaikutan nila ako saka nginisihan na parang mga demonyo.Katulad nung dalawa, may mga
Jellah's POV""Hay! Ano ba kasing nangyari?" Lera na parang problemadong-problemado talaga.Kasalukuyan kami ngayon nasa canteen habang pinapanood ang dalawa na kung umakto ay parang hindi magkakilala.Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na rin na hindi nagpapansinan sina Sumi at Kristoffer. Palagi kaming magkasama. Oo at kompleto nga kami pero kung umasta naman ay parang mga hangin lang sa isa't-isa."Babe, tignan mo oh!" Nginuso ni Cris ang dalawa at napadako naman ang paningin ko sa kanila. Tahimik na kumakain si Sumi habang si Ford naman ay inaabala ang sarili. Kunwari ay nagtitingin-tingin sa cellphone pero sigurado akong nakikiramdam lang din yan. Siniko ako ni Bethany at parang may naisip naman siya na ideya. Sinenyasan niya si Cris at tumango lang naman ito."Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na." Bethany na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Cris.Kung hindi pa halata, pwes nagpaparinig kami.Oo! Parinig talaga!"Oo nga e! Nagdalawang isip pa nga ako nun
After Five Years...."Bethany's POV""Congratulations for the graduates.""Congratulations.""Congratulations.""For our suma cumlaude, Congrats." "Thank you!" Bawat bumabati sa akin ay pinapasalamatan ko. "Grabe babe! Hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na talaga tayong lahat sa college." Emhir."Oo nga eh," sagot ko habang nakangiti saka sinusuyod ng tingin ang buong gym ng La Llera University. Mamimiss ko ang paaralan na to.Nagdesisyon kaming pumunta sa isang restaurant para ipagdiwang ang pagtatapos naming lahat sa kolehiyo, pero hindi lang yun. Lahat kasi kami ay may mga award at ang ilan sa amin ay umabot pa sa top. Ako nga ay suma cumlaude pa."Congratulations." Tumingin kami sa dalawang bulto ng tao na paparating."Thank you," sabay-sabay naming sagot. Lumapit si Bharra sa amin saka nakipagbeso-beso.Oo. Pagkatapos ng lahat nang nangyari ay natanggap na rin namin siya at isa na nga siya sa mga kaibigan namin.Pagkatapos kasing umalis nina.... Hays! Sa halip na ma