"Kristoffer's POV"Nagsimula na ang laro. Si Miss Mia ang magsisilbing referee namin. Pumito muna si Miss saka hinagis sakin ang bola. Unang laro pa lang ay mainit na ang labanan. Kasama ko sina Clyton, Phyrus, Cris at isang kaklase ko. Tigli-limang members ang bawat isang team. Kalaban naman namin ang pinsan ko. Kasama niya ang kagrupo niya na sina Kelvin at William. Maging si Emhir ay nasa grupo din nila at may isa pa na sa wari ko ay kaklase nila.Nang matapos mahagis sa akin ni Miss ang bola ay tumakbo agad ako papunta sa kabilang ring. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng pinsan ko pero bago pa man niya maagaw sa akin ang bola ay hinagis ko na ito at saktong nasa three point line ako. Kaya sa huli, nakathree points agad kami kahit kakasimula pa lang naman.Hindi lang laro ang ginagawa namin ngayon. Parang ensayo na rin ito para sa nalalapit na Sports Game Entry ayun kay Miss. Mabilis na dumaloy ang laro at nakakailang points na rin ang sa kabila. Nakahabol sila at umabot pa nga sa t
"Sumi's POV"Nasa classroom na kami ngayon at naghihintay na lang na pumasok si Miss Diah. Ilang minuto din kami naghintay at nang may pumasok na professor ay taka kaming napatingin sa kanya."Good morning, class. I'm sure you are all quite confused because you didn't expect to see me this early," panimula ni Miss Mia. "We had a meeting yesterday and there will be a changes of schedule during friday. Every friday, you won't be meeting your two other professors, you'll be meeting me instead." Nanatili siyang nagpapaliwanag habang kami naman ay patuloy na pinoproseso ang mga sinasabi ni Miss. Nanatiling tutok ang bawat atensyon namin sa kanya."Every friday, you will only have a half day of class." At dahil doon ay naghiyawan ang mga kaklase ko, pati na rin kami. "There will be an announcement later after my class. The Dean will have some important announcement later and that includes the event that will occur this coming August." Nagsipag ingay ang mga kaklase ko, samantalang nagkating
"Kristoffer's POV""Thank you, love. Pumasok ka muna." Tumango lang ako saka siya inalalayan papasok ng kanilang bahay."Ipagtitimpla muna kita ng Juice," aniya saka pumunta sa sala nila at nagtimpla ng juice."Heto o!" aniya at inabot sa akin nang matapos niya iyong matimpla. "Thank you," tanging nasabi ko na lang. Hindi ko muna ininom ang binigay niya. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon."Hindi mo ba muna iinumin yan? Pinagtimpla kita e," nagtatampong aniya."May sasabihin ka pa ba? May pupuntahan pa kasi ako e," nasabi ko na lang. Wala talaga ako sa mood ngayon at hindi ko alam kung bakit."Sorry na. Alam kong nagkasagutan tayo pero please. Nagselos lang naman ako e. Panay kasi ang tingin mo sa kanya at parang nakalimutan mo na na girlfriend mo ako." Sa kabila ng pagpapaliwanag niya ay hindi ko man lang nakitaan ng interest ang paliwanag niya. Naiinis na ako! Siya ba talaga ang may problema o ako? Baka ako na nga! Tsk!Tumayo ako at nilapag sa mesa ang baso na hangga
"Sumi's POV""Ah, kaya pala may patakbo-takbo kayong dalawa dito dahil dito ninyo gustong ituloy ang naudlot na moment ninyo kanina."Halos itulak ko si Kristoff palayo nang marinig ang boses ni Bethany. I heard him chuckled.Doon ko lang din napansin na nandito silang lahat at nakapayong. Tanging kami lang ni Kristoff ang naliligo na sa ulan."Bes, kung gusto ninyong maligo sa ulan, sana sinabi mo para masamahan ka namin." At bago ko pa mapigilan si Jellah ay sunod-sunod na nilang tinanggal ang payong at ngayon ay basa na din sila."Kung gusto ninyong magkasakit, sasamahan namin kayo. Magkasakit na tayong lahat tutal sabado naman bukas," ani Cris."Oo nga," pagsang ayon naman nila.Nag usap pa kami saglit saka nagdesisyon na umuwi na dahil ayaw din naman naming magkasakit."Kita-kita na lang tayo bukas sa bar na pinagtatrabuhan ng pinsan ko," sabi ko sa kanila."Sige. See you there, Sum," ani Cris."See you there, Cris." Napataas ang kilay ni Cris dahil sa biglang pagsingit ni Jellah
"Sumi's POV"Nanguna ako sa paglakad at naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Maya-maya lang ay natanaw na namin ang lapida ng mga magulang ko. Nananatili siya sa likod ko dahilan para hindi ko matukoy ang reaksyon niya pero nasisigurado kong nagulat siya nang matindi. Nang tuluyan kaming makalapit ay agad akong umupo at naramdaman ko naman agad ang pag upo niya sa tabi ko."W-wala na pala sila." Hindi ako tumingin sa direksyon niya pero alam kong nakatingin siya sakin. Inabala ko ang sarili ko sa pag alala ng isang masalimuot na pangyayari sa nakaraan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang handa na ako ay agad kong sinimulan ang pagkwento."Hindi ko naabutang buhay ang mga magulang ko. Ang sabi sakin ni kuya pati na rin nina nana at apa ay bata pa lang ako namatay na sila. May sakit daw sa baga ang dalawa. Nagpaopera sila pero hindi nila kinaya. Hindi ko sila naabutan ng b-buhay." Nabigla ako sa biglaang paggaralgal ng tono ko. Nagbabadya na rin ang luha ko pero sa halip na pigil
"Sumi's POV"Mabilis na lumipas ang araw at bukas na ang aming exam. Panay ang review namin, ngunit panay din ang pangungulit sa akin ng magpinsang Santiago. Naging malapit na kami ni Kristoffer sa isa't-isa at panay na din ang pagbanat niya. Kung paano siyang bumanat ay ganun naman ang pagkapikon ko.Sino ba naman ang hindi mapipikon, kung wala siyang pinipiling lugar. Kahit saan ay banat ng banat. Magpapatalo ba naman ang pinsan niya? Psh! Naaalala ko pa nga nung isang beses na kumakain ako sa canteen, bigla nilang pinag aagawanan ang uupuan ko at kung ano-anong endearment pa ang tinatawag nila sakin."Sumiang, dito ka na." - Alex.Uupo na sana ako nang......"Baby, dito ka na." - Kristoff.Taka lang akong napapatingin sa kanila. Maging ang mga kaibigan ko at mga naging kaibigan ko na rin na grupo ni Kristoff ay papalit-palit lang ang paningin sa kanila."Dito uupo ang Sumiang ko.""Hindi! Dito siya sakin uupo.""Anong diyan? Hindi mo ba narinig? Sumiang ko yan e.""Wala akong paki
"Jellah's POV""Grabe talaga si Sir Rod. Ikaw naman kasi. Hindi ka umattend sa klase niya kahapon," puna ko kay Sumi habang nasa sala kami at nanonood ng movie. Kung akala ninyo horror pa rin ang pinapanood namin, nagkakamali kayo."Nasabi ko na nga sa'yo ang dahilan diba?""Oo na," sagot ko na lang dahil parang ang hirap istorbohin ng isang to ngayon. Busy kasi sa pinapanood. Tsh! Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagpupunas ng luha. Napatingin ako sa kasalukuyang scene at para ko na ring gustong magpunas ng luha. L*tse kasi! Nakakaiyak. Huhuhu.Jack Dawson: Rose, you're no picnic, all right? You're a spoiled little brat, even, but under that, you're the most amazingly, astounding, wonderful girl, woman that I've ever known...Rose DeWitt Bukater: Jack, I...Jack Dawson: No, let me try and get this out.You're ama- I'm not an idiot, I know how the world works. I've got ten bucks in my pocket, I have no-nothing to offer you and I know that. I understand. But I'm too involved now. Y
Sino ang pipiliin ko 🎵ikaw ba na pangarap ko 🎵o siya bang kumakatok sa puso ko. 🎵 ( ̄﹏ ̄) ( ̄ˇ ̄)"Tigilan mo na nga yan Jellah Marie!"O, anong paiiralin ko 🎵isip ba o ang puso ko? 🎵"Arghhh! Jellah Marieeeee!""Wag ka ngang KJ. Hindi naman ikaw ang pinapatamaan ko e."I just rolled my eyes at her.Dalawa kayo sa buhay ko 🎵At ako ngayon ay kailangan nang mamili 🎵Isa lang ang maaari 🎵Inaasar-asar pa ako ng babaeng to. Hindi pala ako ang pinapatamaan ah?Alam mong narito ako 🎵Lagi para sa iyo 🎵Mahal kita nang labis 🎵Ngunit iba ang iyong nais 🎵Song Interpretation din ata ang plano ng babaeng to. Psh!At siya'y narito 🎵Alay sa 'ki'y 🎵wagas na pag-ibig 🎵Napailing-iling na lang ako.Dahil nalilito 🎵Litong-litong-lito 🎵Feel na feel pa niya ang pang aasar sakin.Sino ang iibigin ko? 🎵Ikaw ba na pangarap ko? 🎵O siya bang kumakatok sa puso ko? 🎵Oh, ano'ng paiiralin ko 🎵Hinayaan ko na lang siya sa kanyang kabaliwan saka umakyat sa kwarto namin.Sabado