"Jellah's POV""Grabe talaga si Sir Rod. Ikaw naman kasi. Hindi ka umattend sa klase niya kahapon," puna ko kay Sumi habang nasa sala kami at nanonood ng movie. Kung akala ninyo horror pa rin ang pinapanood namin, nagkakamali kayo."Nasabi ko na nga sa'yo ang dahilan diba?""Oo na," sagot ko na lang dahil parang ang hirap istorbohin ng isang to ngayon. Busy kasi sa pinapanood. Tsh! Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagpupunas ng luha. Napatingin ako sa kasalukuyang scene at para ko na ring gustong magpunas ng luha. L*tse kasi! Nakakaiyak. Huhuhu.Jack Dawson: Rose, you're no picnic, all right? You're a spoiled little brat, even, but under that, you're the most amazingly, astounding, wonderful girl, woman that I've ever known...Rose DeWitt Bukater: Jack, I...Jack Dawson: No, let me try and get this out.You're ama- I'm not an idiot, I know how the world works. I've got ten bucks in my pocket, I have no-nothing to offer you and I know that. I understand. But I'm too involved now. Y
Sino ang pipiliin ko 🎵ikaw ba na pangarap ko 🎵o siya bang kumakatok sa puso ko. 🎵 ( ̄﹏ ̄) ( ̄ˇ ̄)"Tigilan mo na nga yan Jellah Marie!"O, anong paiiralin ko 🎵isip ba o ang puso ko? 🎵"Arghhh! Jellah Marieeeee!""Wag ka ngang KJ. Hindi naman ikaw ang pinapatamaan ko e."I just rolled my eyes at her.Dalawa kayo sa buhay ko 🎵At ako ngayon ay kailangan nang mamili 🎵Isa lang ang maaari 🎵Inaasar-asar pa ako ng babaeng to. Hindi pala ako ang pinapatamaan ah?Alam mong narito ako 🎵Lagi para sa iyo 🎵Mahal kita nang labis 🎵Ngunit iba ang iyong nais 🎵Song Interpretation din ata ang plano ng babaeng to. Psh!At siya'y narito 🎵Alay sa 'ki'y 🎵wagas na pag-ibig 🎵Napailing-iling na lang ako.Dahil nalilito 🎵Litong-litong-lito 🎵Feel na feel pa niya ang pang aasar sakin.Sino ang iibigin ko? 🎵Ikaw ba na pangarap ko? 🎵O siya bang kumakatok sa puso ko? 🎵Oh, ano'ng paiiralin ko 🎵Hinayaan ko na lang siya sa kanyang kabaliwan saka umakyat sa kwarto namin.Sabado
"Sumi's POV" 1. Eye Liner ✔️ 2. Lips stick ✔️ 3. Blush on ✔️ 4. Powder ✔️ 5. Papable? Hmm! Wala pa... O____o"Hoy Jellah! Tigilan mo na nga yan. Ano na naman ba yan?" Irita kong sita sa kanya."Ano ba Sumi? Lunes na lunes, highblood ka.""E paano, hindi naman akto sa pupuntahan natin yang pinaglalagay mo sa bag mo. At ano raw? Papable, wala pa? May balak ka bang mamingwit ng lalaki sa Archer Academy at ilagay diyan sa bag mo?""Ang sungit sungit! Buti nga sasamahan pa kita dun e. At ang lagay ano? Ikaw lang mag isa ang pupunta at makakakita ng gwapo dun? Hindi ako makakapayag." Inilingan ko na lang siya.Lunes na ngayon at mamaya na magsisimula ang pagtetrain namin sa mga Llera's. Wala na ding klase dahil training na lang daw ang gagawin sa buong linggo kaya heto kami at nakacivilian ngayon.Grabe palang magpahalaga ng mga ganyang event ang professor ng La Llera University. Akalain mong ipapatigil talaga ang klase para lang mas mapagtuonan ng pansin ang event? Psh!Sa LLU d
"Sumi's POV""Tulungan ka na namin." Napatingin ako kay Alex at Kristoff. Ayan na naman ang dalawa. Psh!"Wag na. Ako na lang," seryosong sabi ko saka inagaw ang walis sa kanila. Pero mukhang malakas nga ata talaga ang mga lalaki dahil nang muli nilang kunin sa akin ang walis ay hindi ko na ito muling nabawi pa.Kanina pa nagsimula ang training at uwian na ngayon. Nagkalat ang mga basura at ako ngayon ang kailangan maglinis nito. Paano, yung apat na babaeng yun, nag unahan sa paglabas nang maannounce na kailangan linisin ang buong gym. Kaya heto at mag isa ko itong nililinis pero sadyang ayaw talagang magpaawat ng magpinsan. Napailing iling na lang ako. Habang naglilinis silang dalawa, ako heto at nakaupo lang. Ayaw nila akong palinisin. Babae daw kasi ako. Psh! E ano naman kung babae ako? Bawal nang maglinis? Ganun? Sus! Para-paraan talaga ang mga lalaki e, no!Habang abala sila sa paglilinis, ako naman ay abala sa pagscroll sa cellphone ko nang biglang may magpop na unregistered n
"Sumi's POV""Tara na." Chelina."T-teka pano yung mga kaibigan ko?" Natigilan sila sa paghila sakin."Kailangan mauna tayo sa kanila. Diba nga may gagawin tayo pagkatapos nito?" Lera."P-pero.." "Maiintindihan naman tayo nina Jellah e." Bethany.Napatango na lang ako saka sumama sa kanila. Maya-maya lang ay sabay na kaming lima na tinutungo ang canteen."Kami na lang ang oorder," ani Bethany saka niyaya sina Lera at Chelina. Naiwan naman kami ni Bharra sa mesa.Ito na ang ikalimang araw ng pagtetraining namin sa mga Llera at unti-unti na rin kaming nagiging malapit na apat sa isa't-isa bukod na lang kay Bharra na hanggang ngayon ay nananatili pa ring malamig ang pakikutungo sa akin."Bhar-----""Hindi porket kailangan nating magsamang lima ay kailangan na rin natin maging magkaibigang lahat at gusto kong malaman mo na kahit wala na si Audrey sa grupo namin, nasa kanya pa rin ang boto ko at sobra akong nanghihinayang sa paghihiwalay nilang dalawa dahil sa'yo," pagpipigil niya sa dapa
"Sumi's POV""Matulog ka na muna. Mahaba-haba pa ang magiging biyahe natin.""Bakit? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang humihikab. Mukhang kailangan ko nga munang matulog."Boracay."⊙﹏⊙"WHAT? Ano na lang magagawa natin dun kung pagdating natin e uuwi tayo agad?" Hapon na kasi kami umalis sa bahay e. Sabado nga pala ngayon at hindi ko alam nakain nito ba't biglang nag ayang magdate."Sino namang nagsabing uuwi tayo agad?" balewalang tanong niya habang ang paningin ay nananatiling nasa harapan."Wow! So, may balak kang mag overnight dun nang hindi sinasabi sakin? Alam mo bang bukod sa sarili ko at sa maliit na purse bag ko ay wala na akong ibang dala?" hysterical kong tanong pero siya ay kalmado pa rin. Ang sarap namang kadate nito."Baby, relax. Ako nang bahala dun, okay? We're going to rent a hotel later at bibili muna tayo ng extrang damit.""Pero hindi ako nakapagpaa-----""There's no need to worry. Alam na nila yun. Sila pa nga mismo nagsuggest na mag overnight tayo e.""WHA
"Sumi's POV""Hoy! Tulala ka diyan." "Ha?" napakurap-kurap ako saka inayos ang sarili ko. Tinaasan ako ng kilay ni Lera."Paano ka makakapagconcentrate sa pagtuturo niyan kung tulala ka. May problema ka ba?" nag aalalang tanong niya. Tanging iling lang ang sinagot ko pero halatang hindi siya naniniwala.Lunes na ngayon at ngayon na ang unang araw ng pagtetrain namin sa mga Llera's patungkol sa performances. Kami ni Lera ang nakatuka sa Theater Arts at ang iba naman ay sa pagkanta, pagsayaw at iba pa.Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto at ramdam ko ang pagsunod niya. Binigyan kasi namin ng mahabang break ang Llera's bago simulan ang training.Naupo ako sa upuan na malapit sa bintana at naupo din naman siya sa tabi ko. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na tinignan ako. Wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga at ituon ang paningin sa bintana at panoorin ang mga taong dumadaan."Naranasan mo na bang mainlove?" Wala sa sariling tanong ko at nadinig ko ang mahina niyang pagta
"Sumi's POV""Good afternoon, Llera's. Before we proceed to our designated area, I want to inform you that everyone should be inside the bus that we rent and kindly slow down your voices. Now, before we leave La Llera University, do you still have any questions?" Agad nagtaas ng kamay si Kristoff."Yes, Mr. Santiago?""Au----Dean, pwede bang sabay na lang kami ni Sumi sa kotse ko? I promise, I'll drive her safely."Agad naman napuno ng kantyaw at hiyawan ang buong gym. Nangunguna na doon ang mga kaibigan namin. Ngumiti naman si Dean saka tumango."Okay. Please, be careful.""I will, Dean."Sabay-sabay kami Llera's lumabas ng gym at nang makarating sa parking lot ay muli kaming kinausap ni Dean."Mag iingat kayo sa pagbibiyahe.""Yes, Dean," sabay naming sabi ni Kristoff.Hinarap ako ni Dean at marahang hinaplos ang buhok ko."Sumi iha, sana naman sagutin mo na ang pamangkin ko."Namula ako sa sinabi ni Dean. Grabe! Harap-harapan naman kung ipangalandakan ang pagkagusto niya sa akin. S
"Third Person's POV"Napadako sa itaas ng malaking building ang paningin ng isang babae na kakababa lang mula sa sinasakyan niyang motor.Kasunod niya ay ang apat pang motor. Isa isang bumaba sa kanya kanyang mga motor ang apat na babae saka sabay sabay na lumapit sa babaeng nauna pa sa kanila ng dating.Kung titignan mo ang ayos ng babae, maging ng kanyang mga kasamahan ay masasabi mong para silang nakahanda sa isang gyera na paparating.Mga nakasuot ng itim na damit, maging ang pang ibaba ay itim din. Sa madaling salita, nakaitim silang lahat at parehong handang handa."Demolisse," sabay sabay nilang pagbati at tumango lang naman ang tinawag nilang Demolisse saka muling sinuyod ng tingin ang buong building."Get ready!" Yun lang ang sinabi ni Demolisse pero sabay sabay na nanindig ang balahibo nilang apat. Ramdam na ramdam kasi doon ang sobrang lamig ng kanyang boses, maging ang nakakahindik at malamig nitong tono.Sabay sabay silang napalunok saka tinanaw si Demolisse na ngayon ay
"Alex's POV"["Doc Alex, may appointment po kayo ngayon."]"Okay. What time, Serena?"["At exactly 1 pm po, Doc! Meron pong tatlong lists of patients ang nakaassigned sa inyo para mamaya."]"Okay. Got it! I'll be there 10 minutes before 1."["Copy Doc!"]After the convo with my secretary, I ended the call then went down to meet my parents who's both preparing for our lunch."Hi Mom! Hi Dad!" bati ko saka humalik sa pisngi ni Mommy. Tinapik naman ako sa balikat ni Daddy saka kami sabay na naupo sa hapag."How's work, Son?" tanong ni Dad saka nagpunas ng tissue sa labi."Fine Dad! Tho, it's very exhausting. I feel tired every time I went home." I tiredly explained and they just both nod their head."That's how people in medical field feels, Son! Atleast you have felt what others also felt." Mom.Tumango tango na lang ako saka nagsimula na sa pagkain. Kumain na rin sila.Maya maya pa...."How's your cousin? I heard his now managing most of his parents company? Even your lola and lolo's c
"Emhir's POV""Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Bethany."Basta! Wag mo munang tatanggalin ang blindfold ah!" pag uutos ko. Kahit nagtataka man ay tumango na lang siya."Wag kang aalis ah! Babalik ako agad." Sa pangalawang pagkakataon ay tumango lang siya. Kung may ideya siya sa gagawin ko ay hindi ko alam. Pero sana ay wag niyang mahulaan ang plano ko sa hapon na ito.Miyerkules ngayon at dapat ay pareho kaming nasa trabaho. Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang makahanap kami ng kanya-kanyang trabaho.Sa kabutihang palad, lahat kami ay meron ng mga trabaho. Sina Alex at Billy ay ganap ng mga Doctor. Nagtatrabaho sila sa ospital na malapit lang sa La Llera University. Sa pagkakaalam ko nga ay parehong may duty ang dalawang yun ngayon.Sina Clyton at Phyrus naman ay ganap na ding Engineer. Bukod sa trabaho, nagsisimula na din sila sa paggawa ng sari-sarili nilang mga bahay. Lalo na si Clyton na kakapropose lang kay Lera last month. Sina William at Kelvin naman ay parehong chief a
"Clyton's POV""Hi honey! Ang aga mo naman. Namiss mo na ba agad ako?" ["Duh? Hindi no!"]"Talaga lang ah? Kaya pala alas seis ng umaga pa lang ay napatawag ka na."] Pang aasar ko at kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam ko nang namumula na naman siya. Mahina na lang akong napatawa.["Baka isipin mo namumula na naman ako ah!"] Mas lalo pa akong napatawa nang marinig ang sinabi niya. Ang defensive agad e!Nagklaro ako ng lalamunan."Gusto mo na bang makadate ako? At ang aga-aga mong nambulabog."Narinig ko ang mahina niyang pagmura dahilan para mapatikhim ako.["Wala ka talagang kasweetan kahit kailan,"] may tampong sambit niya.Napabangon ako mula sa pagkakadapa saka umayos ng upo."Joke lang, honey. Ito naman! Wag ka nang magtampo."["Hmmp! Anyways, kailangan kong umalis ngayon at obligado kang samahan ako."]"Ikaw ata ang walang kasweetan sa katawan eh, nag uutos ka ba?"["Oo. At bilisan mo diyan dahil maaga pa lang ay nakabihis na ako."]"Yes, Mrs. Perry," nakangiting sagot
"Phyrus POV""Hi baby! Busy ka ba ngayon?"["Hindi naman. Bakit? May gagawin ka ba, baby?"]Hindi muna ako sumagot para magpigil ng ngiti. Oo na! Sabihin ninyo mang nakakabakla pero wala eh. Malakas na tama ko kay Chelina. "Hmm!" Nagklaro muna ako ng lalamunan bago sumagot. "Meron sana. Pasyal naman tayo oh!" ["A-ah! A-ano kasi bab----"]Naramdaman ko ang pagtutol niya kaya inunahan ko na siya."Bawal tumanggi baby. Minsan lang ako mag aya eh,"kunwari nagtatampong saad ko. Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Pero maya-maya lang din ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.["Sige na nga! Tingin ko kailangan din kasi nating sulitin ang natitirang panahon na hindi pa tayo busy."]Bigla namang umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya."So, shall I fetch you later?"["Yeah. Sure! What time ba?"]Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko."I will prepare for now, then maybe before 10 ay nandiyan na ako."["Okay. See you!"]Napangiti ako."Yeah! See you baby!" Then she hang up
After Five Years...."Bethany's POV""Congratulations for the graduates.""Congratulations.""Congratulations.""For our suma cumlaude, Congrats." "Thank you!" Bawat bumabati sa akin ay pinapasalamatan ko. "Grabe babe! Hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na talaga tayong lahat sa college." Emhir."Oo nga eh," sagot ko habang nakangiti saka sinusuyod ng tingin ang buong gym ng La Llera University. Mamimiss ko ang paaralan na to.Nagdesisyon kaming pumunta sa isang restaurant para ipagdiwang ang pagtatapos naming lahat sa kolehiyo, pero hindi lang yun. Lahat kasi kami ay may mga award at ang ilan sa amin ay umabot pa sa top. Ako nga ay suma cumlaude pa."Congratulations." Tumingin kami sa dalawang bulto ng tao na paparating."Thank you," sabay-sabay naming sagot. Lumapit si Bharra sa amin saka nakipagbeso-beso.Oo. Pagkatapos ng lahat nang nangyari ay natanggap na rin namin siya at isa na nga siya sa mga kaibigan namin.Pagkatapos kasing umalis nina.... Hays! Sa halip na ma
Jellah's POV""Hay! Ano ba kasing nangyari?" Lera na parang problemadong-problemado talaga.Kasalukuyan kami ngayon nasa canteen habang pinapanood ang dalawa na kung umakto ay parang hindi magkakilala.Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na rin na hindi nagpapansinan sina Sumi at Kristoffer. Palagi kaming magkasama. Oo at kompleto nga kami pero kung umasta naman ay parang mga hangin lang sa isa't-isa."Babe, tignan mo oh!" Nginuso ni Cris ang dalawa at napadako naman ang paningin ko sa kanila. Tahimik na kumakain si Sumi habang si Ford naman ay inaabala ang sarili. Kunwari ay nagtitingin-tingin sa cellphone pero sigurado akong nakikiramdam lang din yan. Siniko ako ni Bethany at parang may naisip naman siya na ideya. Sinenyasan niya si Cris at tumango lang naman ito."Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na." Bethany na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Cris.Kung hindi pa halata, pwes nagpaparinig kami.Oo! Parinig talaga!"Oo nga e! Nagdalawang isip pa nga ako nun
"Sumi's POV"Sa isang senyas lang ni Julian ay sabay-sabay na silang sumugod.Unang nakalapit sakin ang dalawa. Napansin ko agad ang mga hawak nila. Mga naglalakihan at nagkakapalang tubo. Ngumisi ang dalawa saka pinaikot-ikot pa ang mga tubong hawak nila. Halatang nagmamayabang lang.Pasimpleng lumipat sa likuran ko ang isa saka umamba ng hampas sa akin pero bago pa man ako matamaan nito ay napailag na ako saka mabilis na hinuli ang pulo-pulsohan niya saka binalibag ito."AHHHHHH!" hiyaw niya matapos ko siyang pabato na binitawan. Lumapit naman ang kasama niya saka umamba din ng hampas pero katulad nung nauna, hinuli ko lang din ang pulo-pulsohan niya saka siya pasimpleng tinadyakan sa sikmura. Dahil dun ay impit siyang napasigaw, idagdag mo pa ang pagsipa ko dahilan para mapahiga siya at mawalan ng malay.Sa isang kumpas lang ng kanilang leader ay magkakasabay na sumugod sakin ang lima sa kanila. Pinaikutan nila ako saka nginisihan na parang mga demonyo.Katulad nung dalawa, may mga
"Sumi's POV"Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad ng aming napag usapan.*Flashback*Linggo ng gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas ng hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.Kahit sana hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong-puno ako ng emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad-lakad. Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate ng cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong s