"Sumi's POV""Ah, kaya pala may patakbo-takbo kayong dalawa dito dahil dito ninyo gustong ituloy ang naudlot na moment ninyo kanina."Halos itulak ko si Kristoff palayo nang marinig ang boses ni Bethany. I heard him chuckled.Doon ko lang din napansin na nandito silang lahat at nakapayong. Tanging kami lang ni Kristoff ang naliligo na sa ulan."Bes, kung gusto ninyong maligo sa ulan, sana sinabi mo para masamahan ka namin." At bago ko pa mapigilan si Jellah ay sunod-sunod na nilang tinanggal ang payong at ngayon ay basa na din sila."Kung gusto ninyong magkasakit, sasamahan namin kayo. Magkasakit na tayong lahat tutal sabado naman bukas," ani Cris."Oo nga," pagsang ayon naman nila.Nag usap pa kami saglit saka nagdesisyon na umuwi na dahil ayaw din naman naming magkasakit."Kita-kita na lang tayo bukas sa bar na pinagtatrabuhan ng pinsan ko," sabi ko sa kanila."Sige. See you there, Sum," ani Cris."See you there, Cris." Napataas ang kilay ni Cris dahil sa biglang pagsingit ni Jellah
"Sumi's POV"Nanguna ako sa paglakad at naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Maya-maya lang ay natanaw na namin ang lapida ng mga magulang ko. Nananatili siya sa likod ko dahilan para hindi ko matukoy ang reaksyon niya pero nasisigurado kong nagulat siya nang matindi. Nang tuluyan kaming makalapit ay agad akong umupo at naramdaman ko naman agad ang pag upo niya sa tabi ko."W-wala na pala sila." Hindi ako tumingin sa direksyon niya pero alam kong nakatingin siya sakin. Inabala ko ang sarili ko sa pag alala ng isang masalimuot na pangyayari sa nakaraan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang handa na ako ay agad kong sinimulan ang pagkwento."Hindi ko naabutang buhay ang mga magulang ko. Ang sabi sakin ni kuya pati na rin nina nana at apa ay bata pa lang ako namatay na sila. May sakit daw sa baga ang dalawa. Nagpaopera sila pero hindi nila kinaya. Hindi ko sila naabutan ng b-buhay." Nabigla ako sa biglaang paggaralgal ng tono ko. Nagbabadya na rin ang luha ko pero sa halip na pigil
"Sumi's POV"Mabilis na lumipas ang araw at bukas na ang aming exam. Panay ang review namin, ngunit panay din ang pangungulit sa akin ng magpinsang Santiago. Naging malapit na kami ni Kristoffer sa isa't-isa at panay na din ang pagbanat niya. Kung paano siyang bumanat ay ganun naman ang pagkapikon ko.Sino ba naman ang hindi mapipikon, kung wala siyang pinipiling lugar. Kahit saan ay banat ng banat. Magpapatalo ba naman ang pinsan niya? Psh! Naaalala ko pa nga nung isang beses na kumakain ako sa canteen, bigla nilang pinag aagawanan ang uupuan ko at kung ano-anong endearment pa ang tinatawag nila sakin."Sumiang, dito ka na." - Alex.Uupo na sana ako nang......"Baby, dito ka na." - Kristoff.Taka lang akong napapatingin sa kanila. Maging ang mga kaibigan ko at mga naging kaibigan ko na rin na grupo ni Kristoff ay papalit-palit lang ang paningin sa kanila."Dito uupo ang Sumiang ko.""Hindi! Dito siya sakin uupo.""Anong diyan? Hindi mo ba narinig? Sumiang ko yan e.""Wala akong paki
"Jellah's POV""Grabe talaga si Sir Rod. Ikaw naman kasi. Hindi ka umattend sa klase niya kahapon," puna ko kay Sumi habang nasa sala kami at nanonood ng movie. Kung akala ninyo horror pa rin ang pinapanood namin, nagkakamali kayo."Nasabi ko na nga sa'yo ang dahilan diba?""Oo na," sagot ko na lang dahil parang ang hirap istorbohin ng isang to ngayon. Busy kasi sa pinapanood. Tsh! Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagpupunas ng luha. Napatingin ako sa kasalukuyang scene at para ko na ring gustong magpunas ng luha. L*tse kasi! Nakakaiyak. Huhuhu.Jack Dawson: Rose, you're no picnic, all right? You're a spoiled little brat, even, but under that, you're the most amazingly, astounding, wonderful girl, woman that I've ever known...Rose DeWitt Bukater: Jack, I...Jack Dawson: No, let me try and get this out.You're ama- I'm not an idiot, I know how the world works. I've got ten bucks in my pocket, I have no-nothing to offer you and I know that. I understand. But I'm too involved now. Y
Sino ang pipiliin ko 🎵ikaw ba na pangarap ko 🎵o siya bang kumakatok sa puso ko. 🎵 ( ̄﹏ ̄) ( ̄ˇ ̄)"Tigilan mo na nga yan Jellah Marie!"O, anong paiiralin ko 🎵isip ba o ang puso ko? 🎵"Arghhh! Jellah Marieeeee!""Wag ka ngang KJ. Hindi naman ikaw ang pinapatamaan ko e."I just rolled my eyes at her.Dalawa kayo sa buhay ko 🎵At ako ngayon ay kailangan nang mamili 🎵Isa lang ang maaari 🎵Inaasar-asar pa ako ng babaeng to. Hindi pala ako ang pinapatamaan ah?Alam mong narito ako 🎵Lagi para sa iyo 🎵Mahal kita nang labis 🎵Ngunit iba ang iyong nais 🎵Song Interpretation din ata ang plano ng babaeng to. Psh!At siya'y narito 🎵Alay sa 'ki'y 🎵wagas na pag-ibig 🎵Napailing-iling na lang ako.Dahil nalilito 🎵Litong-litong-lito 🎵Feel na feel pa niya ang pang aasar sakin.Sino ang iibigin ko? 🎵Ikaw ba na pangarap ko? 🎵O siya bang kumakatok sa puso ko? 🎵Oh, ano'ng paiiralin ko 🎵Hinayaan ko na lang siya sa kanyang kabaliwan saka umakyat sa kwarto namin.Sabado
"Sumi's POV" 1. Eye Liner ✔️ 2. Lips stick ✔️ 3. Blush on ✔️ 4. Powder ✔️ 5. Papable? Hmm! Wala pa... O____o"Hoy Jellah! Tigilan mo na nga yan. Ano na naman ba yan?" Irita kong sita sa kanya."Ano ba Sumi? Lunes na lunes, highblood ka.""E paano, hindi naman akto sa pupuntahan natin yang pinaglalagay mo sa bag mo. At ano raw? Papable, wala pa? May balak ka bang mamingwit ng lalaki sa Archer Academy at ilagay diyan sa bag mo?""Ang sungit sungit! Buti nga sasamahan pa kita dun e. At ang lagay ano? Ikaw lang mag isa ang pupunta at makakakita ng gwapo dun? Hindi ako makakapayag." Inilingan ko na lang siya.Lunes na ngayon at mamaya na magsisimula ang pagtetrain namin sa mga Llera's. Wala na ding klase dahil training na lang daw ang gagawin sa buong linggo kaya heto kami at nakacivilian ngayon.Grabe palang magpahalaga ng mga ganyang event ang professor ng La Llera University. Akalain mong ipapatigil talaga ang klase para lang mas mapagtuonan ng pansin ang event? Psh!Sa LLU d
"Sumi's POV""Tulungan ka na namin." Napatingin ako kay Alex at Kristoff. Ayan na naman ang dalawa. Psh!"Wag na. Ako na lang," seryosong sabi ko saka inagaw ang walis sa kanila. Pero mukhang malakas nga ata talaga ang mga lalaki dahil nang muli nilang kunin sa akin ang walis ay hindi ko na ito muling nabawi pa.Kanina pa nagsimula ang training at uwian na ngayon. Nagkalat ang mga basura at ako ngayon ang kailangan maglinis nito. Paano, yung apat na babaeng yun, nag unahan sa paglabas nang maannounce na kailangan linisin ang buong gym. Kaya heto at mag isa ko itong nililinis pero sadyang ayaw talagang magpaawat ng magpinsan. Napailing iling na lang ako. Habang naglilinis silang dalawa, ako heto at nakaupo lang. Ayaw nila akong palinisin. Babae daw kasi ako. Psh! E ano naman kung babae ako? Bawal nang maglinis? Ganun? Sus! Para-paraan talaga ang mga lalaki e, no!Habang abala sila sa paglilinis, ako naman ay abala sa pagscroll sa cellphone ko nang biglang may magpop na unregistered n
"Sumi's POV""Tara na." Chelina."T-teka pano yung mga kaibigan ko?" Natigilan sila sa paghila sakin."Kailangan mauna tayo sa kanila. Diba nga may gagawin tayo pagkatapos nito?" Lera."P-pero.." "Maiintindihan naman tayo nina Jellah e." Bethany.Napatango na lang ako saka sumama sa kanila. Maya-maya lang ay sabay na kaming lima na tinutungo ang canteen."Kami na lang ang oorder," ani Bethany saka niyaya sina Lera at Chelina. Naiwan naman kami ni Bharra sa mesa.Ito na ang ikalimang araw ng pagtetraining namin sa mga Llera at unti-unti na rin kaming nagiging malapit na apat sa isa't-isa bukod na lang kay Bharra na hanggang ngayon ay nananatili pa ring malamig ang pakikutungo sa akin."Bhar-----""Hindi porket kailangan nating magsamang lima ay kailangan na rin natin maging magkaibigang lahat at gusto kong malaman mo na kahit wala na si Audrey sa grupo namin, nasa kanya pa rin ang boto ko at sobra akong nanghihinayang sa paghihiwalay nilang dalawa dahil sa'yo," pagpipigil niya sa dapa