"Kristoff's POV"Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nakatuon na sa ibang direksyon ang paningin niya kaya nagawa kong pagmasdan nang malapitan ang mukha niya.She has a long dark brown hair na medyo may pagkakulot. Kulay brown din ang makakapal niyang kilay. Mahahaba ang pilik mata. Even her eyes. Her brown mesmerizing eyes. Pakiramdam ko tuwing napapatingin ako, nahihipnotismo niya ako. Matangos din ang kanyang ilong and yeah! May dimple nga siya. Napako sa labi niya ang paningin ko. Isang beses ko pa lang siyang nahahalikan pero masasabi kong sobrang lambot nito. She don't need to put any lipstick dahil sobrang natural ng pagkapinkish ng kanyang mga labi.Now, what I am thinking? D*mn!Hindi ko nga alam kung gumagana pa yung utak ko para sa plano ko sa kanya. There is something within me na parang umaayaw na. Should I start my plan now? Pero kapag tinatanong ko kung para saan pa, bakit parang wala akong mahukay na tamang sagot? Bakit ang laki ng bahagi sakin ang hindi
"Kristoff's POV""I'll be sleeping here.""What? No way!""Why? Ayaw mo na bang masundan yung nangyari?" I asked, teasing her."Umuwi ka na sa condo mo," utos niya habang isa-isang sinusuot ang damit niya. I smirked while still looking at her."You'll surely enjoy love," I said smirking, while continue teasing her.Nang masuot na niya ang lahat ay pinulot niya ang damit ko saka pabato itong hinagis sakin.I have no choice. Ayaw ko namang magalit siya sakin. Isa-isa kong sinuot lahat ng damit ko at nang matapos ay nilapitan ko siya. "I'll fetch you tomorrow, then?" "No need! Kaya ko naman e!""I insist." Then, I kissed her.Hinatid pa niya ako sa labas ng gate nila.Nang makarating sa condo ay abot langit ang ngiti ko.D*mn! I didn't expect that something like that will happen to the both us."Holy sh*-------""Why are you late?""What are you doing here, ate?""I need to talk to you!""I'm tired." I was about to go upstairs when she called me with a warning tone. "Fine!" I sit besi
"Sumi's POV""I hope, I won't be able to see you here again, iha," ani Doctora."Don't worry, doc. The same feeling goes here." At nagngitian pa kami bago ako inalalayan nina kuya Carl. Si kuya at ate Bella ang nakaalalay sa akin, samantalang si Jellah naman ang may dala ng gamit ko.Nasa labas na kami ng hospital nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko muna ito bago sumakay sa kotse ng pinsan ko."Kuya?"["Pauwi na daw kayo? Take care, please."] I smiled a bit. Ehemm, kuya why do you always have to be so sweet?"Sure kuya. Mag ingat din kayo diyan."["Yes, we will! I'll call you some other time."]Nagpaalaman lang kami saka ko binaba ang tawag. Hindi naman masyadong nalalayo ang hospital at La Llera University sa condo namin kaya ilang minuto lang ay nakabalik na din kami.Nanatili pa sila doon ng ilang minuto hanggang sa magpaalam na sila."Babalik kami dito bukas, Glay.""Sure ate Bel. Ingat kayo.""Ingat din kayong dalawa dito." Nagbeso-beso lang kami saka na sila tul
"Sumi's POV""Bilisan mo na diyan," pag uutos ko sa kanya. "Oo na. Masyado kang excited e," reklamo niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Nilapitan ko na ang motor at nang makasakay ay agad itong pinaharurot. Dinig ko pa ang pagsigaw niya pero hindi ko na siya nagawa pang hintayin.*BROOM*"Kainis! Ba't mo ako iniwan?" maktol ni Jellah nang makarating sa parking lot ng LLU."Ang bagal mo kasi.""At ikaw naman! Masyado kang excited.""Bahala ka nga diyan.""Uy teka naman! Hintayin mo ako. Sandali!"Nang makarating sa hallway ay madami agad akong narinig na kung ano-ano."Grabe siya no!""Oo nga. Pumasok pa siya.""Dinig ko nga nagwala daw si Kristoff e.""Lagot siya. Galit na galit daw yun e. Malamang paaalisin na ni Kristoff yan.""Ginawan ba naman kasi ng masama ang girlfriend niya.""Pero alam mo, hindi ko pa rin gusto ang Audrey na yan. Dahil sa kanila nagkagulo na naman ulit ang magpinsang Santiago.""Tama ka riyan, Sandra. Bakit naman kasi tinanggap pa ni papa Kristoff yun e."
"Kristoffer's POV"Nagsimula na ang laro. Si Miss Mia ang magsisilbing referee namin. Pumito muna si Miss saka hinagis sakin ang bola. Unang laro pa lang ay mainit na ang labanan. Kasama ko sina Clyton, Phyrus, Cris at isang kaklase ko. Tigli-limang members ang bawat isang team. Kalaban naman namin ang pinsan ko. Kasama niya ang kagrupo niya na sina Kelvin at William. Maging si Emhir ay nasa grupo din nila at may isa pa na sa wari ko ay kaklase nila.Nang matapos mahagis sa akin ni Miss ang bola ay tumakbo agad ako papunta sa kabilang ring. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng pinsan ko pero bago pa man niya maagaw sa akin ang bola ay hinagis ko na ito at saktong nasa three point line ako. Kaya sa huli, nakathree points agad kami kahit kakasimula pa lang naman.Hindi lang laro ang ginagawa namin ngayon. Parang ensayo na rin ito para sa nalalapit na Sports Game Entry ayun kay Miss. Mabilis na dumaloy ang laro at nakakailang points na rin ang sa kabila. Nakahabol sila at umabot pa nga sa t
"Sumi's POV"Nasa classroom na kami ngayon at naghihintay na lang na pumasok si Miss Diah. Ilang minuto din kami naghintay at nang may pumasok na professor ay taka kaming napatingin sa kanya."Good morning, class. I'm sure you are all quite confused because you didn't expect to see me this early," panimula ni Miss Mia. "We had a meeting yesterday and there will be a changes of schedule during friday. Every friday, you won't be meeting your two other professors, you'll be meeting me instead." Nanatili siyang nagpapaliwanag habang kami naman ay patuloy na pinoproseso ang mga sinasabi ni Miss. Nanatiling tutok ang bawat atensyon namin sa kanya."Every friday, you will only have a half day of class." At dahil doon ay naghiyawan ang mga kaklase ko, pati na rin kami. "There will be an announcement later after my class. The Dean will have some important announcement later and that includes the event that will occur this coming August." Nagsipag ingay ang mga kaklase ko, samantalang nagkating
"Kristoffer's POV""Thank you, love. Pumasok ka muna." Tumango lang ako saka siya inalalayan papasok ng kanilang bahay."Ipagtitimpla muna kita ng Juice," aniya saka pumunta sa sala nila at nagtimpla ng juice."Heto o!" aniya at inabot sa akin nang matapos niya iyong matimpla. "Thank you," tanging nasabi ko na lang. Hindi ko muna ininom ang binigay niya. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon."Hindi mo ba muna iinumin yan? Pinagtimpla kita e," nagtatampong aniya."May sasabihin ka pa ba? May pupuntahan pa kasi ako e," nasabi ko na lang. Wala talaga ako sa mood ngayon at hindi ko alam kung bakit."Sorry na. Alam kong nagkasagutan tayo pero please. Nagselos lang naman ako e. Panay kasi ang tingin mo sa kanya at parang nakalimutan mo na na girlfriend mo ako." Sa kabila ng pagpapaliwanag niya ay hindi ko man lang nakitaan ng interest ang paliwanag niya. Naiinis na ako! Siya ba talaga ang may problema o ako? Baka ako na nga! Tsk!Tumayo ako at nilapag sa mesa ang baso na hangga
"Sumi's POV""Ah, kaya pala may patakbo-takbo kayong dalawa dito dahil dito ninyo gustong ituloy ang naudlot na moment ninyo kanina."Halos itulak ko si Kristoff palayo nang marinig ang boses ni Bethany. I heard him chuckled.Doon ko lang din napansin na nandito silang lahat at nakapayong. Tanging kami lang ni Kristoff ang naliligo na sa ulan."Bes, kung gusto ninyong maligo sa ulan, sana sinabi mo para masamahan ka namin." At bago ko pa mapigilan si Jellah ay sunod-sunod na nilang tinanggal ang payong at ngayon ay basa na din sila."Kung gusto ninyong magkasakit, sasamahan namin kayo. Magkasakit na tayong lahat tutal sabado naman bukas," ani Cris."Oo nga," pagsang ayon naman nila.Nag usap pa kami saglit saka nagdesisyon na umuwi na dahil ayaw din naman naming magkasakit."Kita-kita na lang tayo bukas sa bar na pinagtatrabuhan ng pinsan ko," sabi ko sa kanila."Sige. See you there, Sum," ani Cris."See you there, Cris." Napataas ang kilay ni Cris dahil sa biglang pagsingit ni Jellah
"Third Person's POV"Napadako sa itaas ng malaking building ang paningin ng isang babae na kakababa lang mula sa sinasakyan niyang motor.Kasunod niya ay ang apat pang motor. Isa isang bumaba sa kanya kanyang mga motor ang apat na babae saka sabay sabay na lumapit sa babaeng nauna pa sa kanila ng dating.Kung titignan mo ang ayos ng babae, maging ng kanyang mga kasamahan ay masasabi mong para silang nakahanda sa isang gyera na paparating.Mga nakasuot ng itim na damit, maging ang pang ibaba ay itim din. Sa madaling salita, nakaitim silang lahat at parehong handang handa."Demolisse," sabay sabay nilang pagbati at tumango lang naman ang tinawag nilang Demolisse saka muling sinuyod ng tingin ang buong building."Get ready!" Yun lang ang sinabi ni Demolisse pero sabay sabay na nanindig ang balahibo nilang apat. Ramdam na ramdam kasi doon ang sobrang lamig ng kanyang boses, maging ang nakakahindik at malamig nitong tono.Sabay sabay silang napalunok saka tinanaw si Demolisse na ngayon ay
"Alex's POV"["Doc Alex, may appointment po kayo ngayon."]"Okay. What time, Serena?"["At exactly 1 pm po, Doc! Meron pong tatlong lists of patients ang nakaassigned sa inyo para mamaya."]"Okay. Got it! I'll be there 10 minutes before 1."["Copy Doc!"]After the convo with my secretary, I ended the call then went down to meet my parents who's both preparing for our lunch."Hi Mom! Hi Dad!" bati ko saka humalik sa pisngi ni Mommy. Tinapik naman ako sa balikat ni Daddy saka kami sabay na naupo sa hapag."How's work, Son?" tanong ni Dad saka nagpunas ng tissue sa labi."Fine Dad! Tho, it's very exhausting. I feel tired every time I went home." I tiredly explained and they just both nod their head."That's how people in medical field feels, Son! Atleast you have felt what others also felt." Mom.Tumango tango na lang ako saka nagsimula na sa pagkain. Kumain na rin sila.Maya maya pa...."How's your cousin? I heard his now managing most of his parents company? Even your lola and lolo's c
"Emhir's POV""Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Bethany."Basta! Wag mo munang tatanggalin ang blindfold ah!" pag uutos ko. Kahit nagtataka man ay tumango na lang siya."Wag kang aalis ah! Babalik ako agad." Sa pangalawang pagkakataon ay tumango lang siya. Kung may ideya siya sa gagawin ko ay hindi ko alam. Pero sana ay wag niyang mahulaan ang plano ko sa hapon na ito.Miyerkules ngayon at dapat ay pareho kaming nasa trabaho. Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang makahanap kami ng kanya-kanyang trabaho.Sa kabutihang palad, lahat kami ay meron ng mga trabaho. Sina Alex at Billy ay ganap ng mga Doctor. Nagtatrabaho sila sa ospital na malapit lang sa La Llera University. Sa pagkakaalam ko nga ay parehong may duty ang dalawang yun ngayon.Sina Clyton at Phyrus naman ay ganap na ding Engineer. Bukod sa trabaho, nagsisimula na din sila sa paggawa ng sari-sarili nilang mga bahay. Lalo na si Clyton na kakapropose lang kay Lera last month. Sina William at Kelvin naman ay parehong chief a
"Clyton's POV""Hi honey! Ang aga mo naman. Namiss mo na ba agad ako?" ["Duh? Hindi no!"]"Talaga lang ah? Kaya pala alas seis ng umaga pa lang ay napatawag ka na."] Pang aasar ko at kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam ko nang namumula na naman siya. Mahina na lang akong napatawa.["Baka isipin mo namumula na naman ako ah!"] Mas lalo pa akong napatawa nang marinig ang sinabi niya. Ang defensive agad e!Nagklaro ako ng lalamunan."Gusto mo na bang makadate ako? At ang aga-aga mong nambulabog."Narinig ko ang mahina niyang pagmura dahilan para mapatikhim ako.["Wala ka talagang kasweetan kahit kailan,"] may tampong sambit niya.Napabangon ako mula sa pagkakadapa saka umayos ng upo."Joke lang, honey. Ito naman! Wag ka nang magtampo."["Hmmp! Anyways, kailangan kong umalis ngayon at obligado kang samahan ako."]"Ikaw ata ang walang kasweetan sa katawan eh, nag uutos ka ba?"["Oo. At bilisan mo diyan dahil maaga pa lang ay nakabihis na ako."]"Yes, Mrs. Perry," nakangiting sagot
"Phyrus POV""Hi baby! Busy ka ba ngayon?"["Hindi naman. Bakit? May gagawin ka ba, baby?"]Hindi muna ako sumagot para magpigil ng ngiti. Oo na! Sabihin ninyo mang nakakabakla pero wala eh. Malakas na tama ko kay Chelina. "Hmm!" Nagklaro muna ako ng lalamunan bago sumagot. "Meron sana. Pasyal naman tayo oh!" ["A-ah! A-ano kasi bab----"]Naramdaman ko ang pagtutol niya kaya inunahan ko na siya."Bawal tumanggi baby. Minsan lang ako mag aya eh,"kunwari nagtatampong saad ko. Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Pero maya-maya lang din ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.["Sige na nga! Tingin ko kailangan din kasi nating sulitin ang natitirang panahon na hindi pa tayo busy."]Bigla namang umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya."So, shall I fetch you later?"["Yeah. Sure! What time ba?"]Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko."I will prepare for now, then maybe before 10 ay nandiyan na ako."["Okay. See you!"]Napangiti ako."Yeah! See you baby!" Then she hang up
After Five Years...."Bethany's POV""Congratulations for the graduates.""Congratulations.""Congratulations.""For our suma cumlaude, Congrats." "Thank you!" Bawat bumabati sa akin ay pinapasalamatan ko. "Grabe babe! Hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na talaga tayong lahat sa college." Emhir."Oo nga eh," sagot ko habang nakangiti saka sinusuyod ng tingin ang buong gym ng La Llera University. Mamimiss ko ang paaralan na to.Nagdesisyon kaming pumunta sa isang restaurant para ipagdiwang ang pagtatapos naming lahat sa kolehiyo, pero hindi lang yun. Lahat kasi kami ay may mga award at ang ilan sa amin ay umabot pa sa top. Ako nga ay suma cumlaude pa."Congratulations." Tumingin kami sa dalawang bulto ng tao na paparating."Thank you," sabay-sabay naming sagot. Lumapit si Bharra sa amin saka nakipagbeso-beso.Oo. Pagkatapos ng lahat nang nangyari ay natanggap na rin namin siya at isa na nga siya sa mga kaibigan namin.Pagkatapos kasing umalis nina.... Hays! Sa halip na ma
Jellah's POV""Hay! Ano ba kasing nangyari?" Lera na parang problemadong-problemado talaga.Kasalukuyan kami ngayon nasa canteen habang pinapanood ang dalawa na kung umakto ay parang hindi magkakilala.Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na rin na hindi nagpapansinan sina Sumi at Kristoffer. Palagi kaming magkasama. Oo at kompleto nga kami pero kung umasta naman ay parang mga hangin lang sa isa't-isa."Babe, tignan mo oh!" Nginuso ni Cris ang dalawa at napadako naman ang paningin ko sa kanila. Tahimik na kumakain si Sumi habang si Ford naman ay inaabala ang sarili. Kunwari ay nagtitingin-tingin sa cellphone pero sigurado akong nakikiramdam lang din yan. Siniko ako ni Bethany at parang may naisip naman siya na ideya. Sinenyasan niya si Cris at tumango lang naman ito."Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na." Bethany na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Cris.Kung hindi pa halata, pwes nagpaparinig kami.Oo! Parinig talaga!"Oo nga e! Nagdalawang isip pa nga ako nun
"Sumi's POV"Sa isang senyas lang ni Julian ay sabay-sabay na silang sumugod.Unang nakalapit sakin ang dalawa. Napansin ko agad ang mga hawak nila. Mga naglalakihan at nagkakapalang tubo. Ngumisi ang dalawa saka pinaikot-ikot pa ang mga tubong hawak nila. Halatang nagmamayabang lang.Pasimpleng lumipat sa likuran ko ang isa saka umamba ng hampas sa akin pero bago pa man ako matamaan nito ay napailag na ako saka mabilis na hinuli ang pulo-pulsohan niya saka binalibag ito."AHHHHHH!" hiyaw niya matapos ko siyang pabato na binitawan. Lumapit naman ang kasama niya saka umamba din ng hampas pero katulad nung nauna, hinuli ko lang din ang pulo-pulsohan niya saka siya pasimpleng tinadyakan sa sikmura. Dahil dun ay impit siyang napasigaw, idagdag mo pa ang pagsipa ko dahilan para mapahiga siya at mawalan ng malay.Sa isang kumpas lang ng kanilang leader ay magkakasabay na sumugod sakin ang lima sa kanila. Pinaikutan nila ako saka nginisihan na parang mga demonyo.Katulad nung dalawa, may mga
"Sumi's POV"Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad ng aming napag usapan.*Flashback*Linggo ng gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas ng hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.Kahit sana hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong-puno ako ng emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad-lakad. Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate ng cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong s