Wag niyo na kasi problemahin yang love na yan! Masaya maging single try niyo! Hahaha
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO BUMABA AKO NAG babakasali na nandito ang asawa ko. Nagising ako ng wala ito sa tabi ko, nakita ko na alas dos na ng madaling araw. Nakita ko na may taong nakahiga sa sofa, mabilis akong lumapit dito at nakita ko na tulog na tulog ang asawa ko. Napa hilamos ako ng mukha ko at umupo ako sa lilkod ng asawa ko. Hinawi ko ang buhok nito. “Sorry sa ginawa ko..” hinalikan ko ang pisngi nito at dahan dahan ko itong binuhat. Mabuti hindi ito nagising, dinala ko ito sa silid namin dalawa. Dahan dahan at tahimik ko itong binaba sa kama, kinumutan ko ito ng maayos. Kinuha ko ang singsing na binato nito sa akin sa mukha kahapon&. “Kahit ilang beses mo pa ito hubarin at itapon sa mukha ko. Hinding hindi ko papalitan ang asawa ko..” ngumiti ako ng maalala ko paano ito mag react. Alam ko nag selos ito, kaso brutal lang mag selos. Natawa naman ako at umiling. “Unang beses ko maka kita ng babaeng amazona kung mag selos. Ang lakas mo..” bulong ko dito at humalik a
LILURA ÁSVALDR ODESSA Naka kamay lang ako habang kumakain. “Masarap dito walang halong biro, masarap ang manok nila saka itong fried rice.” Papuri ni Sir val. “Kain lang po ng kain, bayad na po ‘yan..” sagot ko at sinalinan ng waiter si Sir Val ng ice tea. Ganun din ang iba namin kasama. “Val.. pwede mo ba pabalikin na si Orville? Baka wala na makain ang isang ‘yun..” tanong ko dito. “Bakit wala ba siyang inaasahan?” Tanong ni Don Ernest. Umiling lang ako at sumubo ako ng sili na labuyo. “Okay sige, bukas na bukas tatawagan ko na siya..” sagot ni Sir Val kaya ngumiti ako lalo akong ginanahan kumain. Kumain lang kami ng kumain, gustong-gusto ni sir Val ang mga pork grill dito. Kaya hinayaan ko itong kumain, nilagyan ko pa ito ulit sa plato ng kanyang gusto. MATAPOS NAMIN KUMAIN, nag gala gala muna kami sa loob ng mall. Humawak si Sir Val sa kamay ko na kina lingon ko.. “I’m sorry, hindi na mauulit ang nangyari. Please stay with me..” pakiusap nito at paghingi nito ng tawa
LILURA ÁSVALDR ODESSA- MAXIMILLIANO LAHAT KAMI NASA ISANG restaurant, para sa advance party ni Arthuro. Buong restaurant ang nirentahan para maging pribado. Inalalayan ako ni Val pababa ng sasakyan, lahat kami naka formal attire ako ay naka long plain black tube dress lang ako. Naglagay ako ng ruby pendant necklace para naman hindi ako mukhang plain na plain. Nag desisyon ako na palampasin na lang ang ginawa ni Val at ng babae niya. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na matutuloy ang plano ko. Suot ko ang personal na binili ni Val na Silver high heels. Nag lakad kami paakyat nauna ako dito. Ang daan kasi ay may apat na baitang. “Your back is amazing..” nagulat ako ng biglang pinag hahalikan ni Val ang likod ko. “Huy, ano ka ba may mga tao..” awat ko dito, pero nanatali itong mahigpit na nakahawak sa waist ko. “So? I don’t care your my wife not them..” sagot nito na kina irap ko. “Mahiya ka naman, private yan ginagawa hindi sa public..” sagot ko dito. Mabuti wala gaano
LILURA ÁSVALDR ODESSA- MAXIMILLIANO PAGDATING NAMIN sa mismong lugar kung saan nagkaroon ng debate ang mga tatakbo sa higher position. Nakaupo ako sa tabi ni Val, habang si Arthuro at ang ka debate nito ay nakatayo sa stage nakaharap sa kanila ang camera. Napapanood sila sa buong Pilipinas. Panay ako linga ng linga dahil hindi ako gaano mapakali. Hindi ko mailagay ang earpiece, hanggang habang nagsasalita si Arthuro. “Punta muna ng cr, Val..” paalam ko kay Val. Tumango ito. “Mag ingat ka..” paalala nito tumango at ako tumayo, payuko akong nag lakad hanggang.. “Lahat kayo! Walang kikilos! Kundi tatapusin ko ang babae na ito!” Sigaw ng lalaki, siya yung bodyguard ng isa sa mga senador na tatakbo. “Hon!” Tawag sakin ni Val pero bago pa ako maka lingon may yumakap sa likod ko at sinakal ako gamit ang braso nito. Naramdaman ko ang malamig na nguso ng baril sa ulo ko. “Sige iputok niyo! Butas ang bungo nito!” Banta nito. Nakita ko ang takot ng mga taga network, natataranta sil
LILURA ÁSVALDR ODESSA ISANG LINGGO NA ANG LUMIPAS simula ng mangyari ang sa tv network. Maraming humanga pero marami din ang kinuwestyon ang pagkatao ko, hinayaan ako ni Val na umalis muna para makasama ko naman ang mga kaibigan ko. Ang totoo niyan andito ako sa hospital, hawak ko ang kamay ni mama na nanatiling tulog. Kaka tulog lang ni Mama dahil nagamot na ito, nag umpisa na ang halalan lahat ng channel at balita ito ang laman. Hindi ako bumoto dahil hindi rin naman ako rehistrado, pero ang pamilya ni Val at si Val ay bumuto na sila. Nakita ko pa sila na lumabas na tv, alam ko naman na mananalo si Arthuro. Nakausap ko si Kohen sinabi nito na dayaan na magaganap pero hindi ito lalabas agad, kapag oras na uupo na ito saka na ako kikilos para sa mission ko. Napa lingon ako ng may pumasok sa pinto. “Ito pinadala ni Manang, pagkain mo daw sabi ng asawa mo..” wika nito at inilapag nito sa mesa. Tumayo naman ako. “Salamat pero sana hindi na sila nag abala..” wika ko at nilabas k
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Paano mo nakilala ang asawa ko? Kilala mo ang nanay niya?” Sunod sunod kong tanong dito. Nanatili itong naka tayo at naka pamulsa pa, kung umasta ito tila hindi isang babae. “Hindi ng buo, pero sapat na para sa information na gusto ko makuha..” sagot nito na naging dahilan para nag salubong ang kilay ko. “Paano, eh isa kang mamat*y tao?” Takang tanong ko dito. Natawa naman ito at umiling. “Simple. Hawak ko ang info ng mga taong gusto ko makilala at potential na kunin ko bilang tauhan ko..” tumingin ito sa akin ng seryoso. Nawala ang ngisi nito kanina at mabilis itong napalitan ng pagiging seryoso. “Para saan at bakit nandito ang ina ng asawa ko? Sa info na nakuha ng kapatid ko hindi ito ang hospital..” tanong ko dito. Tama yun pumunta ako sa unang hospital pero sinabi na wala na ito dito. “Dahil sakin, pinalipat ko ang ina niya dito para mas dugtungan ang buhay ng ina niya. But unti unti ng bumibigay ang ina ng asawa mo, nasa sayo na kung sasab
LEVANA HIDEDEA ÓRTIZ - LAMBRIX “Here the result of the DNA na pinagawa mo sa akin, may bayad ‘yan, dahil rush yan..” sagot ni Amber sakin at kinuha ko naman ang hawak nitong DNA. “Oo na alam ko naman ‘yan..” sagot ko at binuksan ko na ang white envelope. “Hindi ko akalain na magagawa ni Tito Oswald ang ganyan..” seryosong wika nito kaya kinabahan ako. Agad nito pinigilan ang kamay ko. “Paano kung postive? Paano mo sasabihin sa iba mong kapatid?” Tanong ni Amber. “Hindi ko alam, ang tanging alam ko lang kailangan ko ng sagot..” pag pakakatotoo ko dito na sagot. “Kung ano man maging resulta nito? Tatanggapin ko at pilit kong aalamin bakit at paano..” sagot ko sa kaibigan ko. Tumango ito at binitawan ang kamay ko. Nang buksan ko ang papel, nang basahin ko ang ibabang parte nito napa luha ako ng makita ko ang.. “99.99% positive..” wika ko at hindi ko mapigilan hindi mapa luha ng husto. Nakita ko na tumayo si Amber at niyakap ako. “Kapatid ko si Ásvaldr? Paano nangyari yun? Ka
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Ano sabi mo? Inaalam ni Levana ang tungkol sakin?” Tanong ko kay Knight.. “Si Kohen mismo nag sabi na kapatid ka ng mga Lambrix dahil may DNA daw na dala si Ashen Veil. Ano gagawin mo? Paano ka ngayon haharap sa kanila? At paano kung sabihin agad ni Ashen Veil sa mga kapatid niya? Gulo ‘to, kilala mo mga kapatid nun mga amazona..” Paliwanag ni Knight sa akin. Lumingon ako sa asawa ko na naka upo, nasa isang dinner kami kasama ang buong pamilya. Ngayon lalabas ang resulta ng botohan. “Sa ngayon huwag na muna natin isipin, kapag tapos na ito..” bulong ko dito at nag lakad na ako pabalik ayoko na muna isipin ito. Lumapit ako sa asawa ako at umupo ako sa tabi nito. “May problema ba?” Tanong nito. Ngumiti ako at umiling. “Wala naman may sinabi lang ni Orville pero okay na..” sagot ko dito, ngumiti ito at pinagtuunan na namin ang malaking screen kung saan ilalabas ang mga count ng botohan. Kung saan na lugar ang may pinakamaraming boto na nakuha ni Arthuro.
THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ONE WEEK NA ANG LUMIPAS ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko makita ang asawa ko, ito na rin ang libing ni Uncle at Summer. Pinag sabay sila, until now hindi namin alam sino ang pumatay kay Summer. At unti-unti na namin naiintindihan ang lahat ng nanyari, kumalas na para tilang apoy ang baho ni Uncle at ng ka partido nito lahat ng kanilang ginawa. Hindi ako ma-panghihinaan ng loob alam ko nasa paligid lang ang asawa ko, hahanapin ko siya kahit gaano pa katagal. Kahit gusto ko ikanta ang asawa ko sa mga nakita ko ng gabi ng event hindi ko ito nagawa. Gusto ko siyang protektahan kahit sa ganitong bagay lang, alam ko wala akong nagawa para tulungan siya ng kasama ko pa si Lilura kaya ito na lang ang magagawa ko. Tama si Flame sa mga sinabi niya sa hospital, kailangan ko mamili kung ang asawa ko ba o ang malalaman ko. Ayoko makulong ang asawa ko.. “Anak umuwi na tayo..” nagising ako sa pag iisip ng mag salita si mommy. “Mauna na po kayo..” sagot ko a
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano sabi mo? Wala na ang ina ng asawa ko sa hospital?” Tanong ko kay Theo. “Opo sir, wala na po kanina pa pong madaling araw inilabas ang ina ni Ma’am Lilura..” sagot ng tao ko. “Anak ano ba nangyayari?” Tanong ni mommy. Hindi ko alam kung dapat ko na ba sabihin sa kanya ang natuklasan ko sa asawa ko. “Theo, huwag kang titigil gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko!” Utos ko dito sa kabilang linya. Kahit alam ko na imposible dahil protektado ito ng mga mafia. Kailangan ko subukan hanapin pa rin ito, isa pa hindi ito lalayo dahil malubha ang lagay ni Mama Nathalie kaya imposible na mailayo niya ito ng husto. “Anak?! Ano ba nangyayari?!” Tanong ni Mommy muli. “Ito lang po muna ang sasabihin ko gusto ko pa ma-kumpirma ang lahat bago ko sabihin sainyo ang alam ko.” Maka hulugan kong wika. Nag katinginan ang ama ko hahang si Via naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam. Alam ko na may alam siya, tauhan siya ni Flame,
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Habang buhat ko ang asawang babae ni Mr. Forbes bigla na lang may malakas na tunog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ng pinaka kinatatakutan na ng mga kriminal. Bakit siya nandito? “Siya si Flame Lavistre!” Sigaw ng isa sa mga bisita. Tama siya si Flame nakatayo lang ito at naka tingin sa aming lahat. Naka pamulsa lang ito at tila diyos na nakatingin sa amin. “Ikaw ba ang lumason sa mga tao dito?!” Tanong ni Dad agad kong binaba si Tita at agad kong sinundan si Dad. “Huwag kayong lalapit ako na..” wika ko kay mommy at nag lakad na ako para sundan si Dad. Sa isang iglap ang kasiyahan namin ay nagbago dahil sa mga pagkalason ng mga constituents ni Uncle. “Inutos ko, yeah ako..” pag amin nito. Napa atras kami ni Dad ng biglang nag labasan ang mga tauhan nito at agad humarang sa daan. Mas nagulat ako dahil ang mga waiter kanina ay tauhan din nito. May dalawang tao ang tumabi kay Flame sa itaas. Napansin ko ang suot na sing-s