LILURA ÁSVALDR ODESSA
Nang makatulog si Mama agad akong umalis babalik ako bukas bago ako tumuloy incase na tanggapin pa ako ng taong ‘yun. Kailangan ko din malaman kung paano ako makaka lapit sa taong target ko. Hindi ko pa nabasa ng buo ang info ng target ko. “Boss pasok ako..” paalam ko sa guard. Tumango ito habang kumakain ng tingin ko ay Mani. “Sige lang, kilala na kita..” wika nito kaya nakipag fist bump ako dito at pumasok na ako sa loob. Sumalubong sa akin ang ingay ng paligid dahil malalim na ang gabi, marami din nag sasaya at nag aalis ng stress para sa buong araw na ito. Nag tungo ako sa counter at nakita ko si Jessica doon, umupo ako sa gilid at kumaway dito. “Oh nandito ka ulit, tatanggapin mo offer ni boss?” Tanong nito. Tumango ako bago sumagot. “Oo kailangan ko talaga eh..” sagot ko dito. Magsasalita ito ng may mag salita sa likod ko. “Pumunta ka sa address na ito bukas ng umaga 10 am at huwag ka male-late. Bago ang lahat ano ang pangalan mo?” Tanong nito sa akin. Ng kukunin ko ng papel agad nitong binawi. “Lilura Odessa po sir..” pakilala ko. Muling inabot sa akin nito ang papel. “Okay mag dala ng ibang documents mo bukas ito na ang address..” sagot nito at umalis na ito agad ng kunin ko na ang papel. “Goodluck! Galingan mo baka ma promote ka bilang personal assistant..” kinikilig nitong sagot na kina asim ng mukha ko. “Wala akong plano na pumasok sa ganung position, mas gugustuhin ko pa mag linis ng bahay..” naka ngisi kong sagot at tumayo na ako. “Mauna na ko maaga ako bukas dadaan pa ako hospital..” paalam ko dito. “Hey!” Tawag nito at nag mamadali itong may kung anong kinukuha sa bulsa niya. “Pahingi number mo, aalis kana lang ng hindi man lang nag bibigay ng number..” naka nguso nitong sagot. Natawa naman ako at tumango agad kong tinipa ang cellphone number ko sa cellphone nito at inabot ito sa kanya. “Sa unang sahod ko gala tayo amusement park libre ko. Bye..” paalam ko at kumaway na ako na kina tango nito dahil dumadami na ang tao ngayon sa bar. Nag lakad ako pauuwi sa bahay para kunin ang importanteng gamit ko at ilagay sa hideout ko. Habang naglalakad ako nakita ko si Sir Val may kasama itong dalawang tao lalaki mukhang kaibigan nito. Lumingon pa ito pati ang kasama nito. Habang may babaeng lumapit kay Sir Val at humalik sa pisngi nito. Tinago ko ang kalahati ng mukha ko kung saan tago ang labi ko at ilong. “Ano aasahan mo sa mayaman?” Bulong kong tanong at tumayo lang ako dahil tatawid ako. Naka pamulsa ako at napansin ko ang isang building na under construction pa. Malaki ang damage nito, mukhang galing ito sa pag sabog at ang nakaka pag taka may mga parte ng Maynila na ang lalaki ng mga sira mas lalo ang bilibilid parang pinasabog ito. Nakarinig ako ng harurot ng motor pero hindi ako lumingon dahil distracted ako sa maraming gamo-gamo sa street lights. “Rhysands ang bag ko! Oh my gosh!!” Maartent tili ng babaeng kasama ni Sir Val. Nakita ko ang parating na motor sa gawi ko, patungo ito sa kaliwang kalsada kung nasaan ako naka tayo. Kumuha ako ng bato, ngunit hindi aabot kaya nang tumapat sa akin ito. Tumalon ako paikot sa ere at pag harap ko isang malakas na tuhod ang sinalubong ko sa helmet nito na kina basag nito. Nilabas ko ang manipis pero matulis kong Licata Knife binato ko ito sa gulong ng mabilis at hindi napapansin. Pag tapak muli ng paa ko sa semento tumayo lang ako ng parang walang nangyari. Nag lakad na ako patawin at pa-simple ko lang hinila ang manipis na tali ng Licata ko at tinago ko sa manggas ng aking suot na itim na jacket. May suot akong arm holster sa loob ng jacket ko at nag lakad ako palayo ng hindi lumilingon. RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Nagulat ako sa ginawa ng babaeng ‘yun pero yung gulat napalitan din agad dahil tinawag ako ni Summer. Who is she? She’s my ex girlfriend, lagi itong naka sunod sakin para makuha ako ulit tulad ng dati pero hindi na ako interesado sa kanya. “Ano ba Val, kunin mo naman ang bag ko!” Utos nito at tinulak ako, nilingon ko at tiningnan ko ito ng malamig. “Tingin mo may pakialam ako sa bag mo? May kamay at paa ka diba? Do it for your own self..” malamig kong sagot dito at iniwan ko ito. “Oy pare! Teka! Bye!” Paalam ni Nevan Ramsey, iniwan ko sila at nag tungo ako sa sasakyan ko. “Sa mansion tayo..” utos ko sa driver ko, yumuko ito at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan. “Baba mo ako kuya Gaston sa amin,” utos ni Nevan sa driver ko inayos ko ang suot ko at umupo ako ng maayos. Nang mag sara ang pinto nag salita ako. “Alam ko nakita mo ang ginawa ng babaeng ‘yun..” hindi tanong ang ginawa ko. “Kung siya kaya kunin mong bodyguard para sa magulang mo marami din nagbabanta sa kanila. Mas lalo kainitan ngayon at puntirya ang uncle mo, lagi pa naman suma-sama sila Ninong at Ninang.” Suhestyon nito. Umiling ako bago mag salita. “Hindi na muna ngayon, baka isipin niya na dahil sa nakita natin kaya ko ito gagawin..” sagot ko dito. “Eh bakit? Eto naman talaga ang gagawin mo, huwag mo na patagalin pa. Baka bigla mag resign ‘yan..” naka ngisi nitong sagot. Nilingon ko ito at nag salita. “Tigilan mo ako, wala akong plano pumatol sa katulong.” Sagot ko. Tumawa lang ito ng malakas at umiling. “Edi ako na lang ang pu-porma ang ganda pa naman niya kahit wala gaanong emosyon ang mga mata niya..” wika nito na kina iling ko na lang. Tama walang emosyon ang mata ng babaeng ‘yun, miski ang pangalan nito ay wala din halos buhay. Hindi ko alam paano nagagawa ng isang magulang ang mag bigay ng ganitong pangalan sa kanilang mga anak. LILURA ÁSVALDR ODESSA KINAUMAGAHAN maaga ako nag tungo sa hospital dala ko na ang gamit ko upang mag paalam sa mama ko. Matapos ko maibilin sa hospital nurses at sa Doctor ni Mama ay umalis na rin ako at sumakay na lang ako ng jeep patungo sa address na binigay sa akin ni Sir Val. “Manong dito na lang po huwag niyo na po ipasok..” kalabit ko sa driver at binigay ko ang bayad ko. Bumaba na ako at nag tungo sa guardhouse. “Sir, ako po si Lilura Odessa nag apply po sa mga Maxilliano bilang katulong..” pakilala ko sa sa dalawang guard. Bago pa ito maka sagot narinig ko ang parating na sasakyan. Sabay kami napalingon sa likod. “Ito na pala si Sir Val.. saglit lang miss..” wika ng guard sa akin kaya tumango ako at tumabi. Nang bumaba ang bintana si Sir Val ang sumilip. “Sumakay ka at umupo ka dito sa tabi ko..” utos nito kaya tumango ako, yumuko ako bilang pagpapaalam sa guard. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at sinara ko ito ng maayos. “Nandyan sila Mommy at Daddy, bumati ka sa kanila mabait naman sila.” Bilin nito habang umaandar ang sasakyan. Tumango ako at hindi na sumagot. “Ang sahod mo naman ay maayos na.. lahat, kahit ang tutuluyan mo sa loob ng mansion. Mas mainam kasi na manatili ka sa bahay para kapag kailangan ka madali ka matatawag..” paliwanag nito sa akin. “Expected ko na po ‘yan sir, ayos lang po sa akin. Pero pwede po ba ako mag request ng sabado at linggo ay vacant ko?” Tanong ko dito. Kailangan ko ang dalawang araw na ‘yun. Una tumingin ito sa akin kaya napakamot ako ng pisngi. “Sige pwede naman, pero pag urgent you need to come. Mas lalo may mga party kami na ginagawa sa mansion kung minsan..” sagot at pag payag nito. Tumango ako ng mabilis. “Okay po naiintindihan ko po Sir..” sagot ko. Tama naman ito kailangan ko din pumunta kapag urgent, at mag stay kung may bisita. Hindi nag tagal nakarating kami sa napaka taas na gates na kulay puti pag pasok ng sasakyan nakita ko ang bahay na kulay asul. Malaki ito at puro salamin, nang bumaba si Sir Val bumaba na rin ako at sumunod dito. “Sunod ka lang nasa dining sila siguro ngayon..” wika nito mahina lang pero naririnig ko naman. Tumango ako at hindi na sumagot. Pag pasok namin nanampal ng yaman ng pamilya na ito, at doon ko nakita ang isang family portrait nakita ko doon ang isang babaeng nasa nasa mids 50’s na babae. “Mom, dad at Viatrix ito si Lilura Odessa ang bago nating katulong galing siyang Russia upang doon maging OFW..” pakilala sa akin ni Sir Val sa pamilya niya. “This is my Mom Aurelia, my dad Ernest and my sister Viatrix Renese.” Pakilala ni sir sa pamilya niya sa akin. Ngumiti ang ginang sa akin. “Magandang araw po..” magalang kong bati at yumuko ako. “Ang ganda mo naman para maging katulong, hija pwede ka maging wife ng anak ko..” wika ni Mrs. Maximilliano, napa ngiwi naman ako at hindi umimik. “Mom, stop. Mamang Celci? Paki hatid si Lilura sa magiging silid niya..” utos ni sir Val sa isang babae. “Halika..” wika ni Manang Celci tumango ako at sumama dito ng tahimik. Napa lingon pa ako sa likod nakita kong naka sunod ng tingin sakin ang magulang ni Sir Val, dahil doon napa iling na lang ako.LILURA ÁSVALDR ODESSA HABANG PINA-PALIWANAG SA AKIN ni Manang Celsi lahat ng rules sa bahay nag papalit naman ako ng damit ko bilang katulong. Sinabi nito lahat ng rules na siyang nakabisado ko agad. “Nakikinig ka ba hija?” Tanong nito. “Opo, kabisado ko na ang rules ng mansion at ng mga may-ari..” sagot ko at sumunod ako dito, dahil dadalhin ako nito sa itaas upang ituro ang mga kwarto ng amo namin at mga bawal pasukin dito. “Siguro naman kilala mo ang pamilya na ito? Kilala sila sa pagiging pulitiko mula pa sa mga ka-lolohan nila..” wika nito. “Hindi ko sila kilala, wala naman akong panahon para gawin ‘yun. Saka pare-pareho lang mga pulitiko sa mata ko, kailangan nila ng boto ng mga tao pero kapag nailuk-lok na sila nakakalimutan na nila ang tungkulin nila..” sagot ko at namulsa ako. Lumingon naman ito sa akin na nanlalaki ang mata. “Hindi mo dapat iparinig ‘yan sa nga Maximlliano! Sigurado ako na mapapagalitan ka..” may gigil sa boses nila. “Isa mababa
LILURA ÁSVALDR ODESSA SA ISANG LINGGO ko na nag trabaho sa pamilya ng mga Maximilliano doon ko nalaman na lahat sila ay luminya rin sa pulitiko. Nag paalam ako na aalis ako dahil pupunta ako sa mama ko at sa hideout namin. Gustuhin ko man mag dala ng motor sa mansion hindi ko ginawa dahil baka mag taka pa sila. Kung sasabihin ko naman na pinahiram lang sa akin hindi ko alam kung papayag sila. Habang nasa daan ako patungo sa hideout sinabi ko naman na gabi na ako makakarating. Dahil nanatili muna ako sa hospital. Napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa isang tabi. Hanggang itabi ko ang motor ko dito at doon ko nakita ang isang duguang tao na hindi ko matuloy kung lalaki. “Tinapon daw ‘yan dito mukhang sangkot sa bawal na gamot..” wika ng isang lalaki naka tayo lang. Nawala ako sa focus ng tunog ang earpiece ko, “Dumeretso ka sa bar kung saan ka nagpunta ng nakaraan. Bilisan mo!” Utos ni Kohen sa akin. Hindi na ako kumibo at agad kong binalik ang motor ko at mab
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Kung ganun kailangan na natin mag handa para sa anniversary at announcement ng kasal ni Val at Summer. Maganda ito upang mas lalo manalo ang uncle mo Val sa pagiging Senate President..” nakatayo kami sa gilid habang nag uusap ang buong pamilya sa magaganap na okasyon sa kanila. Si Donya Aurelia ang nag salita kanina, plano nila na ipakasal si Sir Val sa ex girlfriend nitong Summer ang pangalan. Para mas makuha nila ang boto ng tao. Hindi ko po nakikita ang target ko kung sino sa kanila, gusto ko ito makita bago mag simula ang kampanya. “Fine, papayag ako pero pumayag din kayong gagawin kong impyerno ang buhay ni Summer habang nasa loob kami ng iisang bahay at sa kasal na ito..” naka ngising wika ni Sir Val, nanatili lang akong walang kahit anong reaksyon sa mga naririnig ko habang ang ibang katulong tulad ko ay nagbubulungan. “Val! Akala ko ba mahal mo pa si Summer lagi kayo lumalabas diba?” Tanong ni Don Ernest sa kanyang anak. Natawa
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ibig sabihin may hawak ang bago ninyong katulong na hindi niyo alam kung ano?” Tanong ni Nevan sa akin. Nandito kami ngayon sa opisina at pinag uusapan ang nangyari sa mansion sa nagdaang dalawang araw. “Simula ng araw na ‘yun ay halos dumi-distansya na si Lura sa pamilya namin. Hindi lang ito gaano halata pero kung ako ang tatanungin.. oo at napapansin ko ito..” pag ku-kwento ko dito. Pinaglalaruan ko ang hawak ng ballpen ko. “Pero alam mo? Hindi maipag kakailala na misteryosa ang atake ng bago niyong katulong, saka ang ganda niya..” papuri nito sa kay Lura. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin at umiling. “Huwag mo na tangkain, dahil mukhang hindi umuubra ang lalaki sa kanya..” sagot ko dito at tumawa pa ako. “Tomboy?” Tanong nito na kina kibit balikat ko. “Not sure but maybe? Hindi ko pa siya gaano kilala kaya hindi ko masasabi. Pero base sa mga kilos niya sanay itong kumilos bilang isang lalaki..” sagot ko bago ako sumandal sa a
LILURA ÁSVALDR ODESSA ARAW NG SABADO day off ko nakipag kita ako kay Kohen sa malapit na Coffee shop. “Kung ako tatanungin? Kukunin ko na itong offer ng amo mo, para mas makalapit ka sa magiging target mo..” wika ni Kohen na kina iling ko. “Look Li, this is a win win situation for 6 months you will be his wife at sa loob ng mga buwan na ‘yun tapusin mo na ang mission mo. Hindi ko alam paano mo gagawin pero para mas mapalapit ka sa target mo tanggapin mo na ito, matapos nito iwan mo na ang trabaho ako na ang bahala magpadala ng annulment papers sa magiging asawa mo..” paliwanag nito. “Panalo ka parin, una may matatanggap ka naman na pera sobra na ito para maipagamot si Tita ang mama mo..” pangungumbinsi nito na kina hilot ko sa sentido ko. “Parang sobrang komplikado nito sa parte ko Kohen, paano kung mag bago pa ang mangyayari imbes na tanging mission ko lang magawa ko. Biglang nag iba dahil sa kasal na ‘yan..” sagot ko dito at ininom ko ang kape na order nito. Malam
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Aalis na po kami mama, pagaling po kayo babalik po ako sa sunod kong day off..” paalam ko sa mama ko at humalik ako sa noo nito. “Mag ingat ka din, salamat Kohen anak ha?” Pasasalamat ni Mama kay Kohen. “Para saan naman po? Wala naman po akong ginawa..” pag tataka na tanong ni Kohen sa mama ko, tumayo ako upang maka upo si Kohen. “Kasi lagi ka nandyan sa anak ko, ako dapat nagbabantay sa kanya pero ikaw itong nandyan..” wika ni mama. Lumingon si Kohen sa akin at ngumiti ito. “Wala po ‘yun para ko ng nakaka batang kapatid si Lilura, kaya wala po kayo dapat ipagpasalamat..” nakangiting sagot ni Kohen sa mama ko. Ngumiti si Mama at tumango. “Mauna na po kami, dadalaw po ako ulit..” paalam ni Kohen kay mama. Tumango ito at binilinan kami na mag ingat. Hinintay ko muna na maka tulog si Mama bago kami umalis ng tuluyan, “Ikaw wala kang plano pa sabihin sa girlfriend mo ang tungkol sa pagiging assassin mo?” Tanong ko kay Kohen. Nasa l
LILURA ÁSVALDR ODESSA Hindi ko inaasahan na makikita ko si Sir Val dito, nasa labas kami ng Peryahan dahil dito lang may kainan ng street food na gusto namin ni Kohen. “Siya ang amo mo diba?” Tanong ni Kohen pabulong pa ito kung mag tanong. Tumango lang ako at hindi ko pinansin si Sir Val na kasama ang kaibigan nito at si Miss Summer. “Tinanggap mo na ba ang offer sayo?” Bulong muli ni Kohen. “Hindi pa.. pinag iisipan ko pa ng husto..” sagot ko dito habang tumutusok ng kwek-kwek at nilagay ko ito sa isang plastic cup. “Good, huwag muna parang hindi pa ata maka-wala sa anino ng ex niya yan eh..” malokong sagot nito na kina tawa ko. “Sira.. hayaan mo siya hindi ko na trabaho pa mangialam sa ganyan..” sagot ko at nag salin din ako ng matamis na gravy at maanghang na suka. Gumilid ako at nakita kong naka tingin sa akin ng hindi ko malaman kung masama o galit si Sir Val. Iniwasan ko ito ng tingin at humarap ako sa mismomg perya nakita ko ang pag ikot ng Ferr
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO KINAUMAGAHAN may mga dumating na pulis sa mansion kaya ito na naman kami at nagagambala. “Don Ernest pasensya na po sa abala, dito po kasi tinuro ni Miss Summer Foster ang may gawa po sa kanya kung bakit po siya nasa hospital ..” paghingi ng paumanhin niya Officer Rey. “Ayos lang, oo dito nakatira ang naka alitan ni Summer. Manang paki tawag si Lilura..” utos ni Dad. Bumaba na ako ng tuluyan at nakipag kamay dito. “Kung hindi naman nakakaabala, ano ba ang gusto gawin ni Summer? Mag sampa ng kaso?” Tanong ko kay Officer Rey. “Opo sir, Serious Physical Injury po ang gusto ikaso sa kanya..” sagot nito na kina iling ko. Nakita kong lumabas na si Lilura tulad ng lagi ko nakikita dito lagi lang itong nakasimangot. “Kakasuhan ba ako?” Bungad nitong tanong na kina gulat ko. Napaka arogante ng ugali ng babaeng ito. “Y-yun ang gusto ni Miss Summer at ng kanyang Ina..” hindi maiwasan na mautal ni Officer Rey ng sumagot ito. Nagkatinginan kami n
THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ONE WEEK NA ANG LUMIPAS ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko makita ang asawa ko, ito na rin ang libing ni Uncle at Summer. Pinag sabay sila, until now hindi namin alam sino ang pumatay kay Summer. At unti-unti na namin naiintindihan ang lahat ng nanyari, kumalas na para tilang apoy ang baho ni Uncle at ng ka partido nito lahat ng kanilang ginawa. Hindi ako ma-panghihinaan ng loob alam ko nasa paligid lang ang asawa ko, hahanapin ko siya kahit gaano pa katagal. Kahit gusto ko ikanta ang asawa ko sa mga nakita ko ng gabi ng event hindi ko ito nagawa. Gusto ko siyang protektahan kahit sa ganitong bagay lang, alam ko wala akong nagawa para tulungan siya ng kasama ko pa si Lilura kaya ito na lang ang magagawa ko. Tama si Flame sa mga sinabi niya sa hospital, kailangan ko mamili kung ang asawa ko ba o ang malalaman ko. Ayoko makulong ang asawa ko.. “Anak umuwi na tayo..” nagising ako sa pag iisip ng mag salita si mommy. “Mauna na po kayo..” sagot ko a
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano sabi mo? Wala na ang ina ng asawa ko sa hospital?” Tanong ko kay Theo. “Opo sir, wala na po kanina pa pong madaling araw inilabas ang ina ni Ma’am Lilura..” sagot ng tao ko. “Anak ano ba nangyayari?” Tanong ni mommy. Hindi ko alam kung dapat ko na ba sabihin sa kanya ang natuklasan ko sa asawa ko. “Theo, huwag kang titigil gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko!” Utos ko dito sa kabilang linya. Kahit alam ko na imposible dahil protektado ito ng mga mafia. Kailangan ko subukan hanapin pa rin ito, isa pa hindi ito lalayo dahil malubha ang lagay ni Mama Nathalie kaya imposible na mailayo niya ito ng husto. “Anak?! Ano ba nangyayari?!” Tanong ni Mommy muli. “Ito lang po muna ang sasabihin ko gusto ko pa ma-kumpirma ang lahat bago ko sabihin sainyo ang alam ko.” Maka hulugan kong wika. Nag katinginan ang ama ko hahang si Via naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam. Alam ko na may alam siya, tauhan siya ni Flame,
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Habang buhat ko ang asawang babae ni Mr. Forbes bigla na lang may malakas na tunog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ng pinaka kinatatakutan na ng mga kriminal. Bakit siya nandito? “Siya si Flame Lavistre!” Sigaw ng isa sa mga bisita. Tama siya si Flame nakatayo lang ito at naka tingin sa aming lahat. Naka pamulsa lang ito at tila diyos na nakatingin sa amin. “Ikaw ba ang lumason sa mga tao dito?!” Tanong ni Dad agad kong binaba si Tita at agad kong sinundan si Dad. “Huwag kayong lalapit ako na..” wika ko kay mommy at nag lakad na ako para sundan si Dad. Sa isang iglap ang kasiyahan namin ay nagbago dahil sa mga pagkalason ng mga constituents ni Uncle. “Inutos ko, yeah ako..” pag amin nito. Napa atras kami ni Dad ng biglang nag labasan ang mga tauhan nito at agad humarang sa daan. Mas nagulat ako dahil ang mga waiter kanina ay tauhan din nito. May dalawang tao ang tumabi kay Flame sa itaas. Napansin ko ang suot na sing-s