KINABUKASAN ay kaagad na lumakad sina Leopold at Julie. Nagtungo sila sa Golden Woods Corporation building at nag disguise bilang empleyado roon.
Binigyan sila ng pahintulot ni Mr. Decena na gawin ito at mabilis na pinagawaan ng pekeng identification cards upang hindi na sila mahirapan pa sa pag puslit dito.
Naunang pumasok si Julie sa establisyemento. Ilang minuto pa ang lumipas bago sumunod sa pag pasok si Leopold. Nagtanguan pa sila ni Julie nang mag salubong ang kanilang mata.
Kagyat na sumakay sa elevator si Leopold habang lulan naman ng isa pa si Julie. Patungo siya ngayon sa palapaf kung saan matatagpuan ang opisina ng Presidente ng kumpanya habang si Julie naman ay tutunguhin ang CEO’s office.
Ini-on niya ang suot na earpiece. “Good luck, Doc.”
“You too.”
Umayos mula sa pagkakatayo si Leopold nang marinig ang tunog ng elevator na sinundan nang pagbubukas nito. Pumasok mula sa labas ang isang ma
TAHIMIK ang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Julie at ng medical team mula sa operation room. May apat na oras na rin silang nasa loob nito.“I can’t believe that she wanted Andrea to die,” komento ni Leopold na para bang hindi pa rin makapaniwala sa narinig.“What an evil step-mother. What the hell is this? Snow white and the seven dwarves? And we are the dwarves?” wika naman ni Flint.“Does her father know about this?” Faustus asked.“We’re on our way to her father when the ambushed happened. We tried to defend ourselves but when we got out of the car they were gone and we only saw Atlas covered with his blood.” Jonas replied.Tumahimik ang waiting area kung saan sila naghihintay. Madarama mula rito ang galit na nadarama ng bawat isa dahil sa sinapit ni Atlas. Tumayo si Leopold at humakbang palapit sa pinto.“Where are you going?” tanong ni Flint sa lalaki.
BAGO tunguhin ni Leopold si Andrea sa isa sa mga flower shop nito ay nagtungo muna siya sa ospital upang dalawin ang anak.Nang marating niya ang silid kung saan ito inilipat kamakailan lang ay nakuha kaagad ng isang maliit na envelope na nakapatong sa table at naiipit ng flower vase ang kaniyang atensyon.Kunot-noo niya itong nilapitan at binuksan. Unusual ito para sa kaniya dahil ngayon lang siya nakakita ng isang kulay itim na envelope. May letter ito sa loob.I WILL TAKE EVERYTHING THAT MAKES YOU ALIVE. YOU SHALL KNOW PAIN. —K Binundol naman ng kaba si Leopold dahil dito. Tumakbo siya patungo sa labas ng silid upang tingnan kung maaabutan pa niya ang kung sino mang nag iwan ng liham.Subalit, sa kasamaang palad ay waa na siyang nakitang iba pang tao sa pasilyo bukod sa isang nurse na nagsasagawa ng rounds nito.Muli siyang bumalik sa loob ng silid at ini-lock iyon. Umikot ang kaniyang mga mata sa kabuuhan
PAGKATAPOS bisitahin si Lia sa ospital ay nagtungo naman sina Leopold at Andrea sa isang mall upang mag grocery.Pilit na sinusupil ni Leopold ang mga ngiti dahil sa ginagawang pagkapit sa kaniya ng dalaga. Nakakapit kasi ito sa kaniyang at napaka-cute na pagmasdan. Para itong isang bata na takot na mawala.Nagtatakbo pa si Andrea sa chips section ng supermarket habang tulak-tulak ang cart. Ligayang-ligaya ito sa pamimili ng mga snacks habang naaaliw naman na pinanonood lang siya ni Leopold.“Aren’t you going to choose, babe?” tanong sa kaniya ni Andrea na pansamantala pang huminto sa pagkuha ng isang supot ng chichirya.“Nah, I’m good. Just choose whatever you want,” tugon naman niya sa dalaga.Hindi naman na ito nag abala pa na pilitin siya at kaagad na bumalik ang mga mata sa mga snacks na nasa istante.Habang abala naman ito ay inilibot din niya ang mata sa paligid. Sa hindi kalayuan ay napansin niya a
MABABANAAG sa mukha ni Leopold ang magkahalong takot at pag aalala para kay Andrea.Mabilis din niyang hinubad mula sa dalaga ang suot nitong kulay asul na knitted cardigan at itinali sa tagiliran ni Andrea upang mapigil nito ang pagdurugo.“Why the fuck you didn’t tell me that you got shot?” Leopold hissed.Nanghihina namang ngumiti lang si Andrea. “You’re too busy.”“Kahit pa! Kahit pa kapakanan ng mundo ang nakataya uunahin pa rin kita!” galit na saad pa ni Leopold.Dahil dito ay hinaplos naman siya ni Andrea sa mga pisngi. “You’re so sweet. That’s why I love you so much, Leopold.”“I love you too. But we need to go to a nearby hospital, so please hang in there.” Tumango lang sa kaniya ang dalaga bilang tugon.Sa pagkakataong ito ay sa unahan na niya pinaupo si Andrea habang nakapaharap sa kaniya. Weird man ang kasalukuyan nilang ayos para sa ibang
ANDREA woke up groggily. Only the white ceiling of the room came into view when she opened up her eyes.She scanned her surroundings and then realized that she is in a hospital. Andrea tried to sit but the pang of her wound stopped her in doing so. She can still feel her hands trembling. She’s still weak.Where is he? she thought.Natigil siya sa pag iisip at napatingin gawi ng pinto nang bumukas ito. Iniluwa noon ang kaniyang daddy at lolo na mababakas sa mga mata ang puyat at pagod.“Thank God, you’re finally awake!” wika ng kaniyang lolo nang makitang nagmulat na siya.Nakasunod naman dito ang kaniyang ama na mababakas sa mukha ang kaligayahan ng mga oras na iyon.“Are you okay, Andy?” tanong ng lalaki sa kaniya. Kay tagal na rin mula nang tawagin siya nito sa palayaw niya. Kaya bahagyang natigilan pa si Andrea nang marinig ito.“Andy?” Ulit ng kaniyang ama nang hindi siya ka
HINDI kaagad nakapag bigay ng reaksyon si Andrea sa narinig mula kay Leopold. Hindi kaagad nag sink-in sa kaniyang isipan ang winika nito.“W-what did you say?”Sinalubong naman ni Leopold ang kaniyang mga mata. Pero parang may kakaiba kung paano siyang tingnan ng binata.Malamig ang mga mata nito na may halong iritasyon. Ngayon lang niya ito nakitang tumingin sa kaniya ng ganoon kaya naman hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon.“The woman you saw kissing me is my new girlfriend. We’re done, Andrea.” Malamig na tugon sa kaniya ni Leopold.Samu’t-saring emosyon ang bigla na lamang nadama ni Andrea. Pagkalito, galit, pagkabigo at sakit ng kalooban. Gusto niyang isipin na nagbibiro lamang ang lalaki. Subalit, makikita sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro.Pilit niyang nilunok ang kung ano mang bumabara sa kaniyang lalamunan. “B-but why? What about me?”
“DAMN IT!” sigaw ni Leopold dala ng sobrang galit dahil sa muling pagkakatakas ni Red.Nag sindi siya ng sigarilyo upang pawiin amg labis na frustration na kaniyang nadarama ng mga oras na iyon. Hindi pa siya nauubos ang isang stick nang bigla niya itong itapon.Naulinigan kasi niya ang pag dating ng kung sino man sa labas ng kaniyang tahanan. Inihanda niyang muli ang sarili dahil malamang ay mga tauhan ito ni Red.Nakatitiyak siyang pinabalik ng lalaki ang mga ito upang tapusin ang trabahong hindi nila napagtagumpayan kalahating oras pa lamang ang nagdaan.Hawak ang kitchen knife na naging kaagapay niya sa pakikipagbuno kanina ay nagtago siya sa gilid ng pinto at inabangan ang pagpasok ng mga bagong dating.Pinakiramdaman niya ang papalapit na hakbang ng mga ito. Base sa tunog na ginagawa ng mga ito ay marahil dalawang tao lamang ang dumating. Pabor naman ito sa kaniya dahil hindi na siya masyadong mahihirapan sa pakikipaglaban.
NAGPAPALIPAT-LIPAT ng pwesto si Leopold sa madilin na bahagi ng malawak na rest house suot ang necromancer suit na dinisenyo mismo ni Faustus upang mas mapadali at mas maging ligtas ang bawat miyembro sa tuwing magsasagawa ng assasination missions.Kulay itim ang necromancer suit upang maitago nito ng tuluyan sa kadiliman ang kung sino mang magsusuot nito. May installed bullet-proof vest din ito na kayang sumalo ng dalawang dosenang bala.Ang target ng assasination mission nila aa gabing iyon ay ang dayuhang kanang kamay ng isang mafia lord sa bansang italya. Nagtungo ito sa pilipinas upang magtago matapos nitong pagtaksilan at paslangin ang pinuno ng grupong kinaaaniban.Dahil na rin nga wanted ito sa maraming bansa ay hinahanap ito ng international authorities. At nang mapag-alaman ng mga ito na nagtatago sa pilipinas ang dayuhan ay kaagad silang humingi ng tulong sa gobyerno upang hulihin ito patay man o buhay.Hindi naman nabigo ang interpol dahil kag