CHAPTER THREE: FAITH'S DATE
✧FAITH ZEICAN LEE✧ KASALUKUYAN akong busy sa opisina ko, may ni-re-review akong spreadsheet nang may kumatok sa pinto, kasunod ang pagbukas no’n. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino ‘yon dahil secretary ko lang naman na si Colleen ang kadalasang pumapasok dito. Bago rin may makapasok na iba, daraan muna sa kaniya para i-inform ako kung mayroon man naghahanap sa ‘kin. “Sir Faith.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mas matanda siya sa ‘kin nang dalawang taon kaya naiilang ako kapag tinatawag niya akong Sir. Pero siya naman ang may gusto n’yon. Sinabi ko na sa kaniya dati na kahit Faith lang ang itawag niya sa ‘kin ay walang problema. Pero ang katuwiran niya, kailangan niya raw akong i-address nang tama. “May naghahanap sa ‘yo." Dati rin siyang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa akin noong bago pa lang siya, pero 'yon ang sinikap kong ipaalis sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na may nag-po-po at opo sa akin na mas may edad sa akin. Gayon pa man, kahit naalis na niya ang paggamit ng 'po' at 'opo', hindi pa rin nawawala ang pakikipag-usap niya sa 'kin nang may respeto. 'Yon ang bagay na nagustuhan ko sa kaniya. "Sino?" "Chloe Herald, Sir." Bahagyang kumunot ang noo ko. Si Chloe? Oo nga pala. Isang linggo na ang lumipas. Ngayon week naka-set ang pagkikita namin, pero lagi akong busy kaya hindi ko ‘yon naalala. Wala naman kaming contact sa isa’t-isa para sabihan siya na i-re-schedule ang meeting namin. “Okay. Let her in.” Matapos niyang tumango ay tumalikod na siya at lumabas sa opisina ko. Nanatili ang tingin ko sa pintuan para abangan ang pagpasok ng babaeng magiging fiancé ko. At habang hinihintay ko ‘yon, kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay nanlalamig ang mga palad ko. Bakit ganito? During my two years at Lee Company, I’ve gone through a lot. I’ve faced influential figures in the business industry without feeling the kind of nervousness I’m experiencing now. What does this mean? Is it because of what Hope overheard from Uncle Ryan—that she’s bitchy, whiny, spoiled, and a materialistic airhead? I immediately sat up straight when the door opened, revealing a woman with short hair. She had a sleek bob cut and was about the same height as my younger sister, Summer. She wore minimal makeup and was dressed in a designer outfit that made her look . . . absolutely . . . stunning. I couldn’t deny her striking appearance. But just like me, she was stunned when she saw me. Her mouth was slightly open, and her eyes widened as she took in my appearance. She seemed momentarily frozen, her gaze fixed on me, clearly struck by my looks. Ako na ang kusang tumayo sa upuan ko dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya. I walked around my desk para makalapit ako sa kaniya, offering my hand for a shake. “Hi. I’m Faith Zeican Lee.” She blinked. “Oh. Hi. I, I’m Chloe.” ‘Tsaka niya tinanggap ang kamay ko, her lips forming a small smile. “Chloe Herald.” Wait. Bakit parang hindi ko nararamdaman sa aura niya ang pagiging bitchy? Mali ba ng nakuhang impormasyon ni Tito Ryan? Her smile is genuine, and she seems like a sweet girl. Nang magbitaw ang kamay namin, niyaya ko siyang maupo sa sofa na nasa bandang gitna ng opisina ko, but she refused. “No, thank you. Hindi naman ako magtatagal dahil may lakad pa ako. Gusto lang sana kitang ma-meet dahil siguradong tatanungin na naman ako ni Mom at Dad mamaya kung nagkita na tayo.” “I’m sorry. I’ve been busy lately, I—” “No.” She interrupted me, smiling. “It’s okay. You don’t have to apologize. I understand. P’wede naman tayong lumabas kapag hindi ka na busy. For now, ako na muna ang bahala sa parents ko. You can contact me kapag may time ka na. Here’s my calling card.” May inilabas siyang card sa purse niya at inabot sa ‘kin. “Mauna na ako. Bye. See you again soon.” I held her business card as I watched her exit my office. Once she was out of sight, I immediately turned to Colleen at her desk, which was adjacent to my office but separated by a glass wall. When she looked up at me, I gestured for her to come over. “Yes, Sir Faith?” "Please make a dinner reservation for me at a nice restaurant tonight for two people. Also, arrange a bouquet of flowers." “Copy, Sir.” -ˋˏ✄┈┈┈┈ “Wala na talaga. Finish na. May pa-flowers pa ‘yong tropa natin.” Humalakhak pa si Hope. Nakaupo sila ni Love sa paanan ng kama ko, habang nakaharap naman ako sa salamin, nag-aayos ng necktie. Kanina pa sila rito, pinanonood nila akong gumayak dahil nabanggit ko sa kanila ang dinner date namin ni Chloe. Alam na rin ni Mom at Dad dahil sinabi ko sa kanila ang naging pagsulpot nito kanina sa opisina, kaya alam din nilang lalabas ako ngayon to meet her. “Oo, mamadaliin ko na. Para ikaw na susunod,” biro ko kay Hope. “Sus! Matagal pa ako. Dahil pustahan tayo, hindi kayo magkakasundo ng fiancé mo. Na-pe-predict ko na, hindi s’ya ang para sa ‘yo.” “Hindi kaya para sa ‘yo ang prediction na ‘yan?” Love said mockingly at him. Taob na naman siya kay Love Andrei dahil napakamot siya sa ulo. “Si Faith ang usapan natin, ako na naman nakita mo, Andreng. No doubt, mahal mo talaga ‘ko.” Matapos kong gumayak, iniwan ko na sila ni Love na nag-aasaran sa kuwarto. I wore a three-piece black suit at bitbit ko na rin ang bouquet ng bulaklak na pina-ready ko sa secretary ko kanina. Mom and dad were waiting for me in the living room kaya dumaan muna ako ro’n. Naroon din si Summer, hawak na niya ang bago niyang phone na binigay ni Tita Baby sa kaniya. “Mom, Dad, I’m off to go.” I quickly captured their attention, causing them to glance in my direction. Mom swiftly rose from the couch beside Dad and came closer to me. Despite being in her forties, I couldn't help but think she was one of the most beautiful women I'd ever encountered. Her appearance defied her age completely. “Ang guwapo naman ng anak ko.” She cupped my jaw, habang nakangiti sa akin at pinagmamasdan ang porma ko. Daddy came closer to me as well, looking just as youthful as ever. At forty-eight, he seemed ageless, exuding a fresh and vibrant demeanor. “Remember what I told you, Faith?” I nodded. “Yes, Dad.” Gusto ni daddy na bigyan ko ng chance na kilalanin si Chloe kahit man lang isang linggo. Kapag naramdaman ko na hindi kami compatible, sila na ang bahalang makipag-usap kay Mommyla para iurong ang engagement ko. At ‘yon ang gagawin ko. Pero base sa first encounter namin kanina ni Chloe, mukhang deserve niya naman na kilalanin. Hindi niya ako pinakitaan ng dahilan para tanggihan siya. Siguro ay mali lang talaga ang nasagap na impormasyon ni Tito Betlog. Hanggang ngayon nga hindi ko pa ito natatanong kung sino ang source niya sa impormasyon na ‘yon. -ˋˏ✄┈┈┈┈ Pagdating ko sa restaurant kung saan kami magkikita ni Chloe, naabutan ko na siya roon sa table na naka-reserved para sa amin. Nakaramdam ako ng hiya nang i-approach ko siya dahil mas nauna pa siya sa akin. "My apologies for arriving late.” I handed her the flower bouquet. “Have you been waiting long?" She gave me a genuine smile matapos niyang pagmasdan ang bulaklak. “Not long. Halos kararating ko lang din. Thanks for the flowers anyway.” Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami naming napagkuwentuhan simula nang maupo ako sa harap niya. Maging ang pagkain namin ay hindi masyadong nagalaw. Binigyan niya ako ng introduction sa sarili niya; kung saan siyang school nag-aral, kung ano ang kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan at about sa parents niya. Matapos ‘yon, kung saan-saan na lumiko ang usapan namin. Medyo weird, pero nalibang ako, lalo na noong nabanggit niya ang mga creepy na lugar na nakikita niya raw kapag naghahalungkat siya sa g****e earth app. Pati ang mga hilig niyang panoorin na movie ay nabanggit niya. At habang nagkukuwentuhan kami, walang tigil ang pag-vibrate ng phone ko na nakapatong sa mesa, sa harap ko. Binoboma ni Hope ang family group chat namin na ‘DNA BUDDIES’ ang pangalan, na si Love ang nakaisip. Tanong nang tanong si Hope kung ano na raw ang lagay ng date ko. Kung mag-re-ready na raw ba siya ng wedding song na i-du-duet nila ni Tito Betlog sa kasal ko. As if! “If it’s emergency, you can go.” I looked up at Chloe. Napansin na niya ang maya’t-mayang pagbaba ng tingin ko sa screen ng phone ko, at may nabakas akong something sa mukha niya. Ngumili ako. “It’s one of my twin brothers. Si Hope. Kinukumusta lang ako,” I elaborated. Nang marinig niya ‘yon, her eyes softened. Tila nawala ang pangamba niya. “I wanted to meet them. ‘Yong dalawa mo pang kambal,” nakangiti niyang sabi. “Nabanggit na sa ‘kin noon ni Mommy na triplets nga raw kayo. Now that I finally meet you, I'm eager to meet the other two as well.” I chuckled. “Tingnan mo lang ako sa mukha, at para mo na rin silang nakita. We’re really identical. Dahil nga ro’n, nalilito pa rin sa aming tatlo ‘yong dalawa naming nakababatang pinsan. ‘Yong isa sa kambal ni Tito Ryan, si Meng, lagi s’yang napagtitripan ni Hope dahil hindi n’ya kami makabisado sa mukha. Kapag pumupunta sila sa bahay, dapat iba-iba ang kulay ng suot naming damit dahil doon magbabase si Meng. Minsan nga pinrank s’ya ni Hope, at para hindi mahuli si Hope, pinilit n’ya si Love na magpalit sila ng damit. Pinasuot n’ya kay Love ‘yong damit n’ya na naging palatandaan ni Meng. Si Love tuloy ang napag-initan.” Hindi ko napigilang mapangiti habang kinukuwento ko ‘yon. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko. "And there was this one time we decided to confuse Meng. Hope pranked her again, and afterward, the three of us agreed to wear identical outfits, even matching the colors. When Meng saw us, she was so frustrated that she started crying because she couldn't figure out which one of us to get back at. Ang ending, sinumbong n’ya na lang kaming tatlo.” -ˋˏ✄┈┈┈┈ Pasado alas dies ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Napasarap ang kuwentuhan namin ni Chloe dahil tawang-tawa rin siya sa mga kuwento ko tungkol sa kung paano namin pagtripan ang pinsan naming si Meng kapag narito sila sa bahay. Pagpasok ko sa loob, sinalubong agad ako ni Hope at Love, habang natanaw ko naman sa living room si Mom at Dad, bukas ang malaking flat screen TV at nanonood sila sa N*****x. Pero alam nilang dumating na ako dahil napalingon sila sa ‘kin. “How was your date?” tanong ni Love. Nakasunod na sila sa akin ngayon patungo sa kinaroroonan nila Mom at Dad. Bumati muna ako sa parents namin bago ako maupo sa couch, sa tabi nila. Nasa akin na rin ngayon ang atensyon nila. “Mukhang ayos ang date ng anak ko, ah? Malapad ang ngiti, eh.” Mom gave me a teasing smile. Si daddy rin ay bahagyang nakangiti sa akin. “Ano? Kakanta na ba ako? Tententenen! Tententenen! Tenenen, tenenen, tenenenen!” Muling dinunggol ni Love si Hope dahil magkatabi lang sila sa couch, katapat ko. Paano ba naman kasi, ‘yong wedding march niya, graduation march ang karugtong. “Ano’ng tingin mo kay Faith? Ga-graduate?” “Oo.” Si Hope, natatawa. “Ga-graduate na s’ya sa pagiging binata.” To be continued . . .CHAPTER FOUR: ENGAGEMENT PARTY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ ISANG buwan na kaming nasa dating stage ni Chloe. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para kilalanin siya, and so far, I'm starting to like her. Why not? She's a sweet girl. Kung noong una ay kinakabahan pa ako kapag nakakaharap siya, ngayon ay naging panatag na ako dahil hindi siya mahirap pakisamahan. Magaan siyang kasama at marunong siyang bumuhat ng usapan kapag napapansin niyang natatahimik ako dahil may pagkamahiyain ako minsan. Bulok ang source ni Tito Betlog na napag-alaman kong 'yong assistant niya, dahil may kaibigan daw ito na nagtatrabaho sa Herald company kaya nito iyon nasabi. Pero taliwas ang nasagap nilang balita sa nakita ko kay Chloe. She's kind and sweet. Mayroong pagkakataon na may nadaanan kami sa lansangan, isang matandang namamalimos. Usually, kapag may nakikita akong pulubi, humihinto talaga ako para magbigay. Pero no'ng time na 'yon, tiniis kong hindi muna huminto dahil naalangan ako na baka hindi maging ko
CHAPTER FIVE: POPPY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ "Hey, babe." Malapad ang ngiti sa 'kin ni Chloe nang pumasok siya sa opisina ko. Kararating niya lang, may bitbit siyang box ng pizza. Kapansin-pansin din ang engagement ring sa daliri niya. Si Mommy ang pumili niyon noong bumili ako, isinama ko siya dahil wala akong alam sa mga singsing. Hindi ko alam kung ano ang taste ni Chloe, at para masiguro ko na magugustuhan niya 'yon, si Mommy ang pinag-decide ko dahil pareho naman silang babae. "Hey." Tumayo ako sa working chair ko at sinalubong siya nang nakangiti. Noong magkaharap na kami, tumingkad siya para dampian ng halik ang pisngi ko. I had gotten somewhat used to it, as it had been two weeks since we officially got engaged. During those two weeks, she often came here at the company after her shift at Herald Enterprise para kahit papaano ay magkaroon kami ng bonding. Anyway, she's a finance manager at their company, so she's busy just like me. We only get time to go on dates during the weeken
CHAPTER SIX: DINNER ✧FAITH ZEICAN LEE✧ “Oo. Poppy is my sister, Faith.” Nakatingin pa rin sa akin si Chloe. “Sobrang mahiyain n’ya. Hindi s’ya sanay makihalubilo sa mga tao kaya hindi namin s’ya napilit na maki-join noong engagement party natin,” she explained. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Oo, halata nga na mahiyain si Poppy noong nakita ko siya noong gabing ‘yon. Parang ayaw niya akong kausapin. Narinig ko lang ang boses niya noong sinabi niya ang pangalan niya. Pero hindi ko na rin siya nakausap dahil agad na siyang umalis dala ang food niya. “Mas gusto n’ya nang nakakulong lang s’ya sa kuwarto kaysa makipag-socialize,” dagdag pa ni Mrs. Herald kasunod ang pagbuntong-hininga niya at pagbaling kay Chloe. “Chloe, tawagin mo Poppy, para maipakilala mo sa fiancé mo. Para makasabay na rin sa ating kumain.” Tumango agad si Chloe. “Yes, Mom.” ‘Tsaka siya tumayo sa upuan niya matapos niya akong sulyapan para magpaalam. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya sa d
CHAPTER SEVEN: GIFT FOR POPPY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ TULAD ko ay twenty-four na rin si Hope at Love, pero daig pa nila si Summer kung maghanap ng pasalubong sa tuwing manggagaling ako sa isang business trip. Tulad ngayon, kararating ko lang galing sa New Jersey, pero kinakalkal na ni Hope ang suitcase kong nasa paanan ng kama. Nakaupo rin si Love sa tabi niya at nakIkisali na rin sa paghahalungkat sa suitcase ko. Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa phone ko. Hinanap ko agad ang contact number ni Chloe para matawagan ko siya. Three days akong nanatili sa New Jersey for business purposes at masyado akong naging busy kaya naman hindi kami nagkausap. Gayon pa man, nangako naman ako sa kaniya na paglalaanan ko siya ng oras once na makabalik ako sa bansa. “Hello?” I spoke first nang sagutin niya ang tawag ko. “Babe! Oh my gosh! Nakabalik ka na?” I couldn't see her, but I could imagine her jumping for joy; it was evident in her voice. I smiled at the thought. “Yes. One hour a
CHAPTER EIGHT: POPPY'S CONDITION✧FAITH ZEICAN LEE✧MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Chloe sa pamilya ko habang nasa living room kami rito sa bahay. Matapos kasi ang dinner date namin ay naisipan naming pumasyal dito dahil sa request ni Mommy noong nakaraan na dalhin ko rito si Chloe. When I mentioned it to Chloe, she had no objections; instead, she was delighted.Mag-iisang oras na rito si Chloe at puro si mommy ang kakuwentuhan niya. Katabi ni mom si dad, pero madalang itong kumibo dahil tulad namin ay hindi kami maka-relate sa usapan nilang puro pampaganda. Chloe will be launching a new cosmetics product in the coming months. It's her own business, and I feel quite proud that her name will be featured on the products. She plans to call it CHLOE’S.“Sana next time ma-meet din namin si Poppy.” Natahimik kaming lahat sa biglang sinabi ni Hope na 'yon. Magkakatabi sila nila Love at Summer, pero tulad ni daddy ay madalang silang kumibo simula pa kanina dahil hindi rin sila maka-relate sa
CHAPTER NINE: SLEEPOVER ✧FAITH ZEICAN LEE✧ WALA na rin akong nagawa kun’di ang mag-stay kina Chloe dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitila ang ulan—pasado alas dies na ng gabi. ‘Yong sasakyan ko ay iniutos na lamang ni Mr. Herald sa driver nila na ipasok sa garahe. Nag-chat na rin ako sa DNA BUDDIES na hindi ako makakauwi ngayong gabi dahil nag-insist ang parents ni Chloe na dumito muna ako dahil madulas daw ang daan, ayaw nila akong payagang umalis. Pumayag naman si Mommy at Daddy, ang kaso ay inulan ako ng panunukso ni Hope matapos niyang gumawa bigla ng group chat na kaming tatlo lang nila Love ang miyembro. Inaasar niya ako na ngayong gabi na raw ako magiging isang ganap na tao. Tinatanong niya pa kung may dala raw ba akong condom, at pinaalala niya rin na hindi raw ito 100% na epektibo kaya pinag-iingat pa rin ako ng loko, dahil baka raw lumobo ang tiyan ni Chloe bago ang kasal namin. Akala niya ba katulad niya ako? Love chose not to participate in the teasing. Instead,
CHAPTER TEN: CHARMING VISITOR; POPPY.✧FAITH ZEICAN LEE✧Friday.6:03 P.M.KARARATING ni Chloe sa company. Dito siya ulit dumiretso sa opisina ko. This time ay hindi pizza ang dala niya kun’di iced coffee at fries. Lagi na talaga siyang dumadaan dito after ng working hours niya sa Herald Enterprise.“Good news?” Malapad ang ngiti niya nang ibaba niya sa harap ko ang para sa ‘kin noong nakalipat na ako sa sofa na gitna ng office. Wala kasing space sa working desk ko dahil maraming nakapatong na mga documents, naroon pa ang laptop ko. “Naipagpaalam ko na si Poppy kay Mom at Dad.” Nakaupo na siya ngayon sa tapat ko, magkaharap kami. Coffee table ang nakapagitan sa amin at naroon ang pagkain namin na dala niya. “Pumayag sila. ‘Yon nga lang, kailangan ko talagang samahan si Poppy. Hindi kasi s’ya sanay na maiwang mag-isa tapos hindi n’ya kilala ang mga nasa paligid n’ya. Sa bagay na ‘yon nag-wo-worry sila mommy.”“How ‘bout Poppy? Pumayag ba s’ya na lumabas?” I asked, curious.Tumango siya
CHAPTER ELEVEN: POPPY WITH THE LEE FAMILY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KATABI ni mommy si Poppy. Nasa kaliwa niya ito, habang nasa bandang kanan naman si dad. Kaharap nila kami ni Chloe. Nang dumating si Summer at maayos na ang itsura at damit, tumabi siya kay Chloe at nagsimula na ring maglagay ng pagkain sa plato niya. Si Mommy naman ay si Poppy ang inaasikaso. Siya ang nag-se-serve ng pagkain sa plato ni Poppy. “Ginising mo na ba ang Kuya Love mo?” tanong niya kay Summer. Pero hindi pa man nakasasagot si Summer ay dinig na namin ang pamilyar na footsteps ni Love, palapit sa amin. “Good morning,” mahina niyang bati pag-upo niya sa kabilang side ko. Poppy's eyes shot wide as she spotted Love, and we couldn't miss her audible gasp. Her eyes darted between us, clearly puzzled by our uncanny resemblance. I could almost imagine her shock if Hope were also here—it would be a real double-take moment. Dahil natatawa si Summer sa reaksyon niya, siya na mismo ang nag-explain kay Poppy. “Kambal sin
Epilogue FAITH ZEICAN LEE (Eight years old...) I was excited to leave school when I saw Lolo Don A waiting for us. Naroon na siya sa gate, nakatayo sa tabi ng itim niyang limousine, kasama niya ang personal assistant niyang si Sir Dan. Habang naglalakad kami nila Hope at Love palapit sa direksyon nila, takang napatanong si Love. “Saan kaya tayo dadalhin ni Lolo Don A?” “Baka mag-s-shopping or kakain tayo sa labas,” sabi ni Hope na hindi rin sigurado. Ako rin ay hindi sigurado. Ngayon lang kasi ginawa ‘to ni Lolo Don A, na nag-volunteer kay Daddy at Mommy na siya ang susundo sa amin sa school, gayong dapat ay sabay-sabay kaming uuwi nila Daddy mamayang hapon dahil sa Lee University naman kami pumapasok at kabila lang ng Elementary Department ang College Department kung saan namin pinupuntahan si Dad after ng klase namin. “Hi, Lolo Don A!” nakangiti kong bati sa kaniya paglapit namin, sunod na ring bumati ang dalawang kakambal ko. Maging si Sir Dan ay binalingan namin para
CHAPTER NINETY: THE WEDDING✧FAITH ZEICAN LEE✧One month later.HANGGANG ngayon, para pa rin akong nananaginip. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko since the moment I realized how much Poppy meant to me—ang pakasalan siya at makitang nakasuot ng magarbong wedding gown imbes na simpleng white dress lang.Standing in front of the mirror, I take a moment to soak it all in. The white suit looks better than I’d hoped. The fabric is smooth and cool, feeling like it was tailored just for me. The jacket fits perfectly, hugging my shoulders and chest just right without being too tight. The notched lapels give me a classic look, while the minimalist buttons keep it sleek and modern.I adjust the crisp white shirt underneath, noticing how it contrasts subtly with the suit. The silk tie adds a touch of elegance, its soft ivory hue blending seamlessly. The pocket square tucked into my jacket pocket finishes off the look, and I can’t help but smile.Habang ina-adjust ko ang tie ko para kalmah
CHAPTER EIGHTY-NINE: THE PROPOSAL✧FAITH ZEICAN LEE✧“BASED on my source, sugar lolo ni Chloe ang nagpalaya sa kaniya at ginamit lang ang pangalan mo para saktan si Sugarpop,” ani Hope. Kaharap ko sila ni Love, habang nakaupo ako sa paanan ng kama ko.Sumaglit ako ngayon dito sa bahay namin, kasama ko si Poppy para kuhanin ang iba ko pang gamit. Pero si Poppy ay nasa baba, kasama si Mom dahil wala si Summer ngayon, may lakad kasama ang mga kaibigan niya. At tiyempo ang pagdating namin dahil may balita na raw sila kung sino ang nag-send ng email kay Poppy.“Sino’ng source mo?” tanong ko sa kaniya, naninigurado.Natawa siya. “Si Detective Conan.” Ngunit agad din siyang sumeryoso nang samaan ko siya ng tingin. “’De joke lang. ‘Yong detective na pinahawak nila Mommyla sa kaso, of course! Hindi pa ba binanggit sa ‘yo ni Mommyla?”“Hindi pa.”“Hina mo talaga. Lagi kitang nauunahan sa balita.” He laughed.Wala pang nabanggit sa ‘kin si Mommyla, pero ang daddy ni Poppy ay mayro’n na. Hindi ng
CONTENT WARNING! Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER EIGHTY-EIGHT: FINALLY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ THE AFTERNOON sun bathed Villasis Park in a golden hue as we arrived back home from our vacation. The air was warm and welcoming, just like the familiar scent of the gardenias that lined the pathway leading to the main entrance. Naglalakad si Poppy sa tabi ko, her gaze taking in every detail of the estate. Ito ‘yong bahay namin na para talaga sa ‘min. Hindi lang namin nagawang tirahan noon dahil mas pinili ni Mom at Dad na mag-stay kami sa poder nila for Poppy’s safety. Pero kahapon, noong nasa hotel pa kami, tinanong kami ni Dad kung ano ang plano namin ni Poppy. Kung magsasama ba ulit kami sa bahay namin, sa Villasis Park o mansyon. Hindi ako sumagot agad dahil gusto kong i-consider ang suggestion ni Poppy kaya ang sabi ko sa kanila, mag-uusap
CHAPTER EIGHTY-SEVEN: OUTING PART VI - SEMINAR✧FAITH ZEICAN LEE✧THE first light of dawn seeped through the curtains, gently stirring me awake. Nagbaba ako ng tingin kay Poppy na nakayakap sa ‘kin, her breathing soft and steady. Without thinking, I pressed a kiss to her forehead, savoring the warmth of her skin against my lips.Nanatili akong pinagmamasdan siya habang natutulog, nag-aalanganin akong kumislot sa pag-aalalang magising ko siya. Hindi natuloy ang nangyari sa ‘min kagabi matapos niyang masaktan. Nang makita kong puno ng nerbyos ang mukha niya, I decided to stop and tell her na ‘tsaka na lang namin ituloy kapag ready na ulit siya. Natulog lang kaming magkatabi at magkayakap.Nag-beeped ang cell phone ko sa nightstand, inabot ko ‘yon at tiningnan kung sinong nag-text. Si Mom. Inuutusan na kaming mag-prepare at bumaba sa lobby para magkasabay-sabay raw ulit kami sa almusal. Doon kasi ulit ang breakfast buffet.Matapos kong reply-an si Mom, ginising ko na si Poppy. Ayokong mag
CONTENT WARNING!Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only. This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised.CHAPTER EIGHTY-SIX: OUTING PART V - WARNING!✧FAITH ZEICAN LEE✧SA ILALIM ng liwanag ng kuwarto, pumaibabaw ako kay Poppy at ginantihan ang halik niya. Half of my weight pressed down on her, and the warmth of our bodies melded together, deepening the connection between us.Her eyes were filled with anticipation and nervousness, and every touch of our lips seemed to ignite a new spark between us. I adjusted our kiss, transitioning from gentle touches to more passionate movements of our lips. Nang ibuka niya ang mga labi niya, I decided to enter her mouth with my tongue. Hindi niya ‘yon inaasahan, pero mahina siyang napaungol.Ginaya niya ang ginawa ko at ‘yong kaniya naman ang sinubukan niyang ipasok sa bibig ko. The sensation of our tongues meeting brought an intense pleasure, and each movement of
CHAPTER EIGHTY-FIVE: OUTING PART IV - FIRST REAL KISS✧FAITH ZEICAN LEE✧As I stepped out of the bathroom, the warmth of the shower still lingered on my skin, but it did nothing to calm the unease I felt deep inside. I pulled on a plain white t-shirt and pajama pants, yet the simplicity of the clothes couldn't lighten the heaviness in my chest.Nang igala ko ang tingin sa kuwarto para hanapin si Poppy, nakita ko siya sa balcony, nakatalikod sa ‘kin. Nakasuot na rin siya ng pantulog, pajamas din at mahaba ang manggas ng pang-itaas niya. Kahit nakatalikod siya sa ‘kin at hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko ang kaba niya.I knew that feeling all too well—dahil gano’n din ang naramdaman ko kanina nang ako naman ang sumunod na pumasok sa shower room after niya. I had felt the same tension, knowing that tonight would be the first time in a year that we would share the same room, the same bed, after everything that had happened between us.Lumabas ako sa balcony kung nasaan si Poppy—
CHAPTER EIGHTY-FOUR: OUTING PART III ꧁ POPPY ꧂ “N-NASAAN si Faith?” naiiyak kong tanong kay Kuya Hope matapos niyang ipaliwanag sa ‘kin na edited ang picture ni Faith at Ate Chloe. Maging ang screenshot na pinakita ko ay sinabi niyang fake rin daw. Ini-orient niya rin ako kung ano ‘yong photoshop dahil hindi ko alam ang tungkol doon nang banggitin niya. “Nasa hotel,” sabi ni Kuya Hope, sabay inabot niya sa ‘kin ang phone ko. “Hindi siya sumamang lumabas pagkakain. Ililipat niya raw ‘yong gamit niya sa room namin ni Andreng.” Pagkasabi niya no’n, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Ang bilis kong tumakbo palayo, pabalik sa hotel. Natandaan ko naman ang papunta sa room ko at nasa bulsa ko rin naman ang key card ko kaya tinungo ko agad ang elevator. Pagdating ko sa palapag na ‘yon, mabilis kong tinakbo ang room ko at binuksan sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa si Faith. Pero wala na siya roon, maging ang suitcase niya ay wala na rin. Siguradong nakalipat na siya sa room ni Kuya H
CHAPTER EIGHTY-THREE: OUTING PART II꧁ POPPY ꧂BANDANG alas dies, noong nakapagpahinga na kami matapos kumain ay ‘tsaka kami lumusong sa dagat. Ako, si Ate Summer, Si Tita Baby, Si Sunny at Meng, kami ang magkakasama. Si Mommy Keycee naman at Daddy Ace ay may sariling mundo at medyo malayo sa amin. Ang sweet nila dahil nakasakay pa si Mommy Keycee sa batok ni Daddy Ace.Medyo malayo rin sa amin si Daddylo at Mommyla. Samantalang si Faith, Kuya Hope at Kuya Love naman ang magkaka-bonding. Kahit medyo malayo sila sa amin, nakilala ko pa rin sila base sa kanilang suot. Pare-pareho silang naka-shorts, ngunit si Kuya Hope lang ang walang pang-itaas. Si Kuya Love ay may suot na itim na rash guard, habang si Faith naman ay puting T-shirt. Manipis ‘yon kaya nang mabasa ay bakat na bakat ang katawan niya.Ang saya nila dahil pinagtitripan nila si Kuya Hope. Pinagtutulungan nilang buhatin at ibinabalibag sa tubig. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Faith dahil may ngiti na ngayon sa mukha niya. Me