Are you guys enjoying the story so far? Hahaha.
CHAPTER TWENTY-SIX: CHLOE'S DARK SIDE✧FAITH ZEICAN LEE✧PAGBUKAS ko sa pinto ng kuwarto ko, agad din akong natigilan doon sa tapat. Hawak ko pa rin ang doorknob at hindi ako natuloy humakbang dahil sa natanaw kong suot ni Chloe. Instead na suotin niya ang ternong pajama na hiniram ko kay Summer, T-shirt ko ang suot niya. Mukhang nanguha siya sa cabinet ko.There shouldn't have been anything wrong with that. But the problem was, she was only wearing a T-shirt that reached down to her thighs, just enough to cover her underwear. Besides that, she wasn't wearing anything else below.“Sorry, babe. Hindi kasi ako sanay magsuot ng damit ng iba. Pero itong T-shirt mo, okay naman. Mas komportable ako rito.” Ngumiti siya nang malapad.Nag-aalinlangan man ay napilitan na akong pumasok sa loob at kinabig ko ang pinto pasara. Hindi ko ‘yon ni-lock. Dumiretso ako sa kama at pumuwesto na sa gilid para magkaroon siya ng space. But instead of lying down beside me, she walked over to the door and lock
CHAPTER TWENTY-SEVEN. JELLY-JELLY-FAITH✧FAITH ZEICAN LEE✧“SIR Faith?” Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin kay Colleen matapos niya akong tawagin. Tila nawala sa isip ko na nasa harap siya ng mesa ko at ipinaliliwanag sa akin ‘yong tungkol sa bagong project. Pero mula kaninang nagsalita siya, parang wala akong narinig.Naglalakbay ang utak ko dahil dalawang linggo na ang lumipas matapos umalis ni Chloe at Poppy sa bahay, pero hanggang ngayon ay hindi pa ulit namin nakikita si Poppy dahil sa tuwing kokontakin ni mom si Mrs. Herald para hiramin si Poppy, Mrs. Herald refuses and seems to be making excuses that Poppy is busy. However, they never specify what Poppy is busy with.Si Chloe naman ay palaging dumaraan dito sa opisina ko tuwing hapon bago siya umuwi sa kanila gaya ng nakagawian niya. Pero simula nang marinig ko ang mga binitawan niyang masasakit na salita sa kapatid niya, I've lost interest in her. She senses this and believes it's because of what happened that night she
CHAPTER TWENTY-EIGHT: DINNER✧FAITH ZEICAN LEE✧ISANG linggo mahigit na kaming nag-aaral ni Poppy tuwing gabi through online. Meaning, isang linggo na rin akong puyat. Eleven ng gabi ang simula namin hanggang 1 a.m. At kaya lang ako nagtatagal nang hanggang ala una ay dahil bago pa man kami magklase ay lumalaklak na ako ng kape. Then, kapag muli akong nakaramdam ng antok, magkakape ulit ako para maituloy ko ang pagtuturo kay Poppy.At nakatutuwa na kahit papaano ay natututo na siyang magbasa nang Tagalog. Alam na niyang mag-Abakada. Although hindi pa siya gaanong mabilis at mahusay, pero nababasa na niya kahit papaano ang mga letra. Higit sa lahat, naituro ko na sa kaniya kung paano isulat ang pangalan niya.Ang problema nga lang, hindi pa rin siya pinapayagan ng parents niya na muling pumunta sa bahay. Chloe, on the other hand, has visited us several times this past week. She comes over even without an invitation from me. Pero okay lang dahil fiancee ko naman siya, sa ngayon. And whe
CHAPTER TWENTY-NINE: BA-LAT (BIRTHMARK) ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KANINA pa ako hindi mapakali at pasulyap-sulyap sa phone ko. Hinihintay ko ang message ni Summer kung nagtagumpay siyang hiramin si Poppy sa mga magulang nito. She didn’t want any of us—Love, Hope, or myself—to accompany her because she was worried it might make it even harder for Poppy to be allowed out. Ang laging biro pa naman niya kay Hope ay dakilang may balat sa wetpu. Si Tita Baby naman kasi ay wala na sa bansa kaya hindi niya ito kasama. Noong isang araw pa sila umalis ni Chloe papuntang Singapore. Halos kinse minutos pa lamang ang lumipas simula nang magsabi sa akin si Summer na naroon na siya sa mansyon nila Poppy, pero ‘yong kinse minutos na ‘yon, pakiramdam ko ay fifteen years na. Bakit hindi pa siya nagpaparamdam? Puntahan ko na kaya sila? “Sir Faith?” Nag-angat ako ng tingin kay Colleen nang pumasok siya sa opisina ko. "Here are the documents you requested from the marketing team." Inabot niya sa ‘kin ‘yong m
CHAPTER THIRTY: POPPY'S FIRST BUFFET EXPERIENCE✧FAITH ZEICAN LEE✧LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil church day namin. Pero dahil masyado pang maaga, nanatili muna ako sa kama ko nang ilang sandali, habang nag-s-scroll sa phone ko. May mga messages sa akin si Chloe kagabi pa at ngayon ko lang ‘yon nabasa dahil hindi ko hawak ang phone ko kagabi. Iniwan ko ‘yon sa kuwarto kagabi habang nasa sala kaming lahat, nagkukuwentuhan, kasama si Poppy. At hanggang sa pumasok ako sa kuwarto kagabi para matulog ay hindi ko man lang naisipang buklatin ang phone ko para i-check dahil masyado akong nalibang.Nangungumusta si Chloe kaya ni-reply-an ko siya. Kinumusta niya rin si Poppy. Mukhang alam na niyang narito sa amin si Poppy, siguro ay ipinaalam sa kaniya ng parents niya. At ang bukambibig niya sa mga message niya sa akin ay siya raw ang fiancé ko. Lagi niyang ipinaaalala ‘yon, halatang matindi na ang selos niya kay Poppy.Dahil ayoko siyang bigyan ng alalahanin, at ayoko rin na magin
CHAPTER THIRTY-ONE: EVERYONE LOVES POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧“Hi, My Popsieeee!”Popsie? Malapad agad ang ngiti ni Mommyla, nakabuka pa ang mga braso niya habang sinasalubong si Poppy papasok sa loob ng bahay nila. Nasa bandang likuran kami ni Poppy, at kararating namin dito dahil inimbita ulit kami ni Mommyla for barbeque dinner. Kami-kami lang ngayon. Hindi namin kasama ang pamilya ni Poppy.“Hi po, Mommyla,” malapad ang ngiting bati ni Poppy sa kaniya, kasabay ang pagyakap nila sa isa’t-isa.Ikalawang linggo na sa amin ni Poppy, at itong nakaraang linggo, tatlong beses kaming dito nag-dinner kina Mommyla. Tuesday, Thursday, Friday, at ikaapat ngayong Saturday. Pero sa tatlong gabi na ‘yon, napakadali lang din nakuha ni Poppy ang loob ni Mommyla kaya close na rin sila ngayon. Kung paanong naging close agad sa amin si Poppy noon, gano’n din sila ni Mommyla.May mga pagkakataon pa nga na nagseselos na si Summer kay Poppy, dahil noon ay siya ang favorite na apo ni Mommyla. Ngayon ay na
CHAPTER THIRTY-TWO: GAME OVER✧FAITH ZEICAN LEE✧NAGMAMANEHO na ako pauwi sa bahay. Madilim na sa daan dahil pasado alas siete na. Hindi katulad dati na alas sais pa lang nasa bahay na ako. Pero okay lang kahit late akong umuwi. Ang mahalaga, nabili ko ‘yong gusto ni Poppy na regalo para sa birthday niya.Noong nakaraang linggo kasi na tinanong siya ni Summer noong naroon kami kina Mommyla, tumanggi siya. She said she didn't need a gift; it was enough for her to be with us on her birthday. That was so touching. Muntikan na akong maiyak. Lalo na at sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamababaw ang luha.Ganunpaman, hindi pumayag si Summer na hindi siya magsabi ng gusto niya because she said Poppy deserved a gift. At noong nagsalita na si Poppy, sinabi niya na gusto niya raw ng aso. Nami-miss niya raw kasi ‘yong aso niya dati noong bata pa siya—si Juana. ‘Yong aso raw na ‘yon ang naging palagi niyang kasama noon sa tuwing iniiwanan siyang mag-isa sa mansyon. Ito rin daw ang nakakatab
CHAPTER THIRTY-THREE: FAVORITE GIRL✧FAITH ZEICAN LEE✧NASA cottage ako, si Hope, Love, Mom at Dad. Hapon na kaya nag-p-prepare na sila ng dinner naming Samgyup sa mesa. Idea 'yon ni Love dahil nalaman namin na hindi pa rin na-experience ni Poppy ang mag-samgyeopsal.Halos katapat lang ng cottage namin ang dagat. ‘Yong hotel naman kung saan kami naka-check in ay malapit lang din at nilalakad lang namin mula rito. Kaming triplets ang magkakasama sa kuwarto. Si Summer at Poppy. Then, si Mom at Dad.Habang busy ang parents namin at si Love sa paghahanda ng mga kailangan, busy naman si Hopia sa pagbubuklat sa song book dahil kakanta raw siya. May videoke kasi sa cottage namin dahil si Hope mismo ang nag-request no’n kanina pang umaga pagdating namin dito. Talagang namana niya rin ang pagkahilig ni Tito Betlog sa musika. Ang totoo, kaninang umaga pa siya kumakanta. Hihinto lang kapag napagod. Huminto rin siya noong lumusong siya sa dagat kaninang bandang alas dies.“I always knew you were