HANDA NA SIYANG magbagong buhay. Iyon ang ipinangako niya para sa kanyang anak sa oras na mailabas niya ito nang ligtas. Ngunit ang tadhana, handang ipagkait sa kanya ang gumawa nang tama.Bago mawalan ng malay kanina si Merideth, nakita niya pa ang anghel na kokompleto sa kakulangan niya sa buhay. Naroon si Dylan at karga-karga niya pa bisig niya. Ngunit sa isang iglap, ganoon na lamang din ang pagbagsak niya sa kalbaryo ng pag-aalala nang malaman niyang may kumuha sa anak niya.“Sigurado ako, Nurse!” may diin na paggigiit ni Liberty. “Nakita ko pa si Dylan sa tabi ko. T-tapos sa sabihin niyo sa aking nawawala ang baby ko. Saan niyo siya dinala?” Tila masisiraan siya ng bait habang hindi maipaliwanag sa kanya ng mga nurse ang pagkawala ng anak niya sa hospital na kanyang pinag-anakan.“A-ang babaeng kasama ko,” desperada niyang sambit. “Baka may alam siya sa kinaroroonan ng anak ko—”“Malabo ho,” sagot kaagad ng isang nurse. “Nakita ko po ang itsura niya habang nasa loob po kayo ng o
GANOON NA LAMANG ang panlalaki ng mga mata ni Liberty nang makita ang sarili na nasa tagpo kung saan heto’t nakagapos na naman ang mga kamay niya at may kumuha sa kanya. Nasa tabi niya rin si Merideth at nakatingin sa kanya habang patuloy ang pag-iyak nito. Ano bang nangyayari at magkasama sila sa ganitong sitwasyon ngayon?“I’m sorry…” patuloy ang pagbagsak ng luha nito habang senserong nakatingin sa kanya at paulit-ulit na sinasabi ang katagang iyon.Ibinaling ni Liberty ang tingin sa kanyang paligid. Ang bahay na kinalalagyan nila ay gawa sa sawali. Walang laman ang halos may kalakihang kwartong iyon maliban sa mga karton na ipinagtabi-tabi. Naririnig niya rin ang huni ng ibon at paglagaslas ng tubig kahit gabi na. Dahil sa mabangong simoy ng hangin, hindi malabo na nasa probinsya sila.“Ang anak ko… kinuha nila si Dylan…” tila masisiraan ng bait si Merideth habang kausap siya. “Maniwala ka Liberty, gusto ko ng magbago. Pero ang pagbabago pala, hindi ganoon kadali lalo pa’t paulit-
ANG TATAY NI Duncan, pinatay nila? Ang kahindik-hindik na tanong na iyon ang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan. Bakit? Anong dahilan? Hindi niya maatim na isipin ang dahilan kung bakit pinatay ng dalawa ang panganay na Salvantez.“Mabuting ama ang tatay ni Duncan—”“Iyon ang alam mo! Galit, pambubugbog, pagiging kontrolado, takot, at pagpapanggap, lahat ng iyan, kailangang pagdaanan ni Duncan nang sabay-sabay sa harap ng ama niya.”Sa kabila ng pagkikwento ni Merideth, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lahat ng iyon ay naranasan ni Duncan habang nakakaharap sa kanya nang normal at tila walang nangyari.“Victoria and Benjamin had an affair, Liberty. That's why…”“Ano? Sigurado ka?"Habang nakikinig siya kay Merideth, hindi siya makapaniwala na totoo ang mga sinasabi nito. Napakahirap niyong paniwalaan.“Nang mga panahon na puro takot at pambubugbog ang inaabot ni Victoria at Duncan, ang tito ni Duncan ang nariyan para damayan sila. Isang araw, nahulog ang loob ni Victoria
PAULIT-ULIT NA NAGLALARO sa isipan ni Liberty ang malagim na sinapit ni Merideth. Hindi niya man nakita kung paano ito tinamaan ng bala, ngunit isang bagay ang sigurado siya, wala na ito. Isinakripisyo nito ang buhay para sa anak.Nang mag-heavy bleeding pa lamang kanina si Merideth at tamaan ng bala, tinanggap na nito ang kapalaran. Maaari, hindi ito nagsasabi, hindi niya lamang iyon napapansin ngunit kanina pa ito nauubusan ng dugo habang tumatakas sila dahil sa matindi nitong pamumutla.Sana’y isang bangungot lang sa kanya ang lahat. Hindi sana totoo na kailangan niyang ipaglaban ang buhay niya ngayon at ng sanggol na dala-dala niya. Kahit ang luhang bumabagsak sa kanyang mga mata na para sa dating kaibigan ay isa rin sanang ilusyon na kailangan niya lamang lagpasan upang bumalik sa reyalidad.Kailangang makatakas siya! Hindi siya bubuhayin ng mga tauhan ni Benjamin sa oras na matagpuan siya! Ang binata rin ang inaalala niya. Alam niyang guguho ang mundo nito sa oras na malagay sa
IYON ANG UNANG pagkakataon na hindi alam ni King ang gagawin. Nakailang paroo’t parito siya habang nasa himpilan ng pulisya. Hindi siya mapapakali hangga’t wala si Liberty sa tabi niya. Mababaliw siya kapag may nangyari sa mag-ina niya.Habang patuloy ang pagpaplano ng mga ito, lalong nawawalan ng pasensya si King. Kahit ang mga kaibigan niya na nasa kanyang tabi ay hindi rin siya maaawat. Nang makita niya ang hepe ng pulisya, napakabilis ng pagsugod niya rito kasabay ng paglipad ng kanyang kamao sa pisngi nito.“Bastard!” nangangalit ang pangang sambit niya. “If something happened to her, prepare your own funeral. I will not let you out of here alive!” Hindi makatingin sa kanya ang hepe at makikita rin dito ang matinding pagkadismaya.“I trusted you! I even told you about that necklace so you can protect her twenty-four seven—”“King…” pagpapakalma sa kanya ni Ruffa.Ganoon na lamang ang malakas na pagsigaw niya upang pakawalan ang galit.Nawala ang tracker ni Liberty nang pasukin n
WALANG NAGTANGKANG LUMAPIT kay King dahil sa nagbabagang galit nito na patuloy na sumasabog. Lahat ng magtangka, sila ang sumasalo sa lahat ng nararamdaman nito. Walang kahirap-hirap na napapataob nito kahit ang mga pulis na pilit na pinipigilan si King.Ang kaibigan niya lamang ang tanging makakapagpaamo sa pagwawala nito ngunit wala si Liberty para gawin iyon. Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi ang mga pulis habang patuloy ang search and rescue operation na ginagawa nila sa katubigan kung saan nahulog ang sasakyan.Dahil sa laki ng pagsabog at pagkalat ng apoy, hindi kaagad nakababa ang rescue team upang puntahan ang kaibigan niya kanina.“Bakit naman ganito, Friend…” ganoon na lamang ang panlulumo ni Ruffa nang sandaling iyon. Nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan ng kaibigan niya sa buhay. Ngayon lamang nito muling naramdaman ang sumaya ngunit ang kasiyahan na iyon, kaagad ding binawi sa kaibigan niya na para bang hindi ito nararapat na ma
KINAILANGANG ITALI SI King sa kinahihigaan nitong. Iyon lamang ang tanging paraan upang hindi nito masaktan ang sarili. Dahil sa pag-aalala nilang makakaibigan, hindi nila magawang iwan si King sa takot na makagawa ito ng magiging dahilan ng pagsisisi sa huli.Matinding pag-iingat din ang ginawa nila. Hindi nila binabanggit ang pangalan ni Liberty sa tuwing magigising ito matapos na turukan ng pangpakalma. Wala itong kinakausap na kahit sino sa kanila kahit ang mommy pa nito. Iniiwasan din nilang papuntahin ito nang papuntahin sa hospital dahil hindi pa tuluyang magaling ang ginang na maaaring maging dahilan ng paglalalang muli ng sakit nito.Hindi niya rin magawang banggitin dito na ang bangkay na nakuha ng pulisya ay ang katawan ni Merideth. Namatay ito dahil sa heavy bleeding maging sa tama ng bala.Sa kabila ng balitang nalaman, hindi nila magawang magsaya. Isang buhay na naman ang nagwakas dahil sa kasamaan ni Benjamin. Wala rin silang matibay na ebidensyang makapagtuturo kay Ol
“ANG BABY KO?” “Maayos siya. Kumalma ka!”“Cole, anong nangyari?”Ganoon na lamang ang pag-awang ng bibig ng dating kapitbahay niya dahil sa naging tanong niya.“Talaga ba? Pagkatapos mo ako ma-stress, tatanungin mo sa akin kung anong nangyari, Liberdad?” nakapamaywang na tanong nito sa kanya.“That’s why I’m asking,” nakangusong sagot niya.“Mapapatay ako ng mahal na hari kapag nalaman niyang kasabwat mo ako rito!” galit na turan nito.“This is the only way…” sagot niya sa kaibigan. “Atsaka nangyari na!”“So, kapag napatay ako, bawi na lang sa next life?”“Kapag naisip nilang patay na ako, magiging madali ang pagkilos nila.”“He will go ballistic if he finds out!” “Tapos na nga eh…” sagot niya sabay himas sa kanyang tiyan. “Wala complication na nangyari habang tulog ako?”“Bukod sa mga galos mo at bali mo, wala naman ng ibang nakita ang doktor.”“Ang baby ni Merideth—”“He’s fine,” sagot nito. “Kailangan siyang ilagay sa incubator. That little dude is a fighter too…”“Thank you for
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa