Hindi ako pumapatay ng character ng walang dahilan. Congratulation po sa mga nakahula ^^
‘NASAAN TAYO, COLE?” tanong ni Liberty nang mapansin niyang iba ang kulay ng silid at hindi iyon hospital.“Nasa bahay tayo ni Lindsay,” may kakaibang ngiting sagot nito.“Lindsay… hindi ni doktora…”Kaagad na naglaho ang ngiti ng dati niyang kapitbahay nang makita ang pagdududa mula sa kanya.“Bakit ngayon mo lang pala sinabi sa ‘kin? Ilang araw na akong nandito!”“Nagtanong ka ba?” pamimilosopong sagot ni Cole.Napakamot na lang sa kamay si Liberty. Kung papatulan niya si Cole, siguradong stress lang ang aabutin niya. “Pwede na ba akong tumayo? Ilang araw na akong naka-bed rest.”“Pwede naman na raw sabi ni doktora!” pinakadiinan pa nito ang huling sinabi. “Huwag ka lang daw magpapagod at ma-stress dahil sa ginawa mong stants sa pagtalon sa kotse. Akala niya siguro superhero siya…”“Cole, I can hear you!” pinandilatan niya ito ng mata. “Ano na naman ba iyang kinaiinit ng ulo mo?”“Iyong kontrabida sa buhay mo, gumawa ng eksena sa lamay mo. Nag-iiyak doon at nangako na siya na raw a
KING, DON’T TELL anyone. I’m alive.Ang mga katagang iyon ang pinanghawakan ni King bago buuin ang isang desisyon na hindi niya akalaing magagawa. Alam ng mga nakapaligid sa kanila kung gaano niya kamahal si Liberty. Magtataka ang mga ito kung mag-iiba ang kinikilos niya matapos na tawagan ng kasintahan. Sapat na sa kanya ang dahilan na buhay ito para lumaban siya at magpatuloy sa buhay. Kaagad na nabuo ang pagpapasya sa kanya. Kailangan na ipa-cremate ang katawan ng kung sinumang dinala sa pulisya upang hindi na magkaroon ng pagkakataon ang kahit na sinong paimbestigahan pa ang bangkay na nakuha nila.Hindi malabo na si Cole ang may gawa ng palabas na ito. Alam niya kung paano tumakbo ang utak ng kaibigan. Para maisakatuparan ang gusto nilang mangyari kailangan niya ring maging parte niyon.“This is crazy…” paulit-ulit niyang sambit habang isinasadya na pagmukhaing nawawalan ng kontrol ang kotse niya. Sa isipin na ganito rin ang nangyari kay Liberty ay hindi niya lubos-maisip kung p
ITO NA ANG PINAKAMABAGAL na pitong buwan sa buhay ni King. Habang lumilipas ang mga araw, pakiramdam niya’y unti-unti siyang namamatay. Wala siya sa tabi ng kasintahan habang lumalaki ang tiyan nito. Hindi niya nasubaybayan ang paglaki ng bata sa sinapupunan ng kanyang nobya na isa sa mga pinagsisihan niyang hindi naranasan.Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari, sinulit niya sana ang dalawang buwan na kasama si Liberty noong naglilihi pa lamang ito. Sana’y kinain niya na ang pinaglilihian nito kahit isinusuka niya pa iyon.Nang mawala ang babaeng minamahal sa kanyang tabi, pakiramdam niya’y bumalik siya sa dati. Isang Salvantez na walang pakialam sa kahit na sino maliban sa mga pangarap niya sa buhay at kanyang mommy.Kung paano magpanggap na walang naaalala ay napakahirap para sa kanya. Laking pasasalamat niya na lamang na walang sumusubok na magtanong sa kanya ng tungkol kay Liberty. Alam niya sa sarili, sigurado siya, mawawalan ng saysay ang lahat ng binuo niyang pagpapang
WALANG ESPESYAL NA nangyari sa pitong buwan na lumpias sa buhay ni Liberty. Pakiramdam niya ay siyang patay na buhay at humihinga lamang sa mundo dahil kailangan. Dahil narito ang anak niya at kailangan siya para mabuhay. Dahil hinihintay niya na magising ang kapatid na unti-unti na ring nagiging torture sa kanya. Araw-araw, ang binata ang nagiging laman ng panaginip niya. Ang haplos nito na nakakapagbigay ng init sa kanya, pakiramdam na may tahanan siyang uuwian, na hinihintay siya nito kapag nagtagumpay ang kanilang plano…Bukod sa mga balitang natatanggap niya mula kay Cole, wala na siyang alam na iba tungkol sa binata. Hindi niya na rin alam kung katulad niya ba ay hindi rin ito nakakakain nang maayos. Kung nakakatulog ba ito sa gabi nang siya ang laman ng isipan. Huminto na ang oras sa kanya nang iwan niya ang binata at magdesisyong lumayo para maprotektahan ang kanilang anak…Natatakot siya. Mahal pa kaya siya nito katulad ng pagmamahal dito? Hindi niya alam. Ang huli niyang n
“SURPRISE, MY LOVE!” nakangiting bati sa kanya ni Olga nang papuntahin siya nito sa isang venue na inakala ni King na kikitaing kliyente. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang makikitang maraming tao sa lugar. Ang iba roon ay businessman, maimpluwensyang tao sa kanilang bayan, mga reporter, at kahit sikat na artistang malalapit kay Olga ay naroon. “This is our engagement party!” pagpapaliwag pa rin sa kanya ni Olga na may malapad na ngiti. “Nagulat ka ‘no?”Alam niya kung gaano na kabaliw sa kanya ang babae ngunit hindi niya akalain na may mas titindi pa pala sa mga masasaksihan niya. Pilit na pinapakalma ni King ang sarili. Pinipigilan niya ang sarili na sumabog sa galit ngunit sinasagad na siya ng babae. Lalo pang nadagdagan ang inis niya nang magsimulang mag-flash ang mga camera sa kanilang direksyon. Matindi rin ang pagkakalingkis sa kanya ni Olga…Ilang beses niya pang sinusubukang magpigil ngunit ang malungkot na mukha ni Liberty ang nakikita niya habang nakapikit ang kan
“WHAT THE FVCK, Charles?” gulat na tanong ni King nang suntukin siya ng kaibigan. “Para saan iyon?” hawak niya ang panga na tila tumagilid dahil sa lakas ng suntok nito.“That’s for betraying us!” gigil na sambit nito. “Ang daming nailuha ni Ruffa pero hindi mo sa amin sinabi na buhay si Liberty!”“I have my reasons…”“Reasons mo mukha mo!” nakapamaywang na sambit ni Charles. “Alam mo, dapat sa ‘yo ipinapatapon sa Bermuda Triangle o kaya ipinapakain sa Piranha. Hindi na dapat binubuhay ang katulad mo—what?” inis na tanong ni Charles sa kanina pa kalabit nang kalabit na si Ruffa.“Matagal ko ng alam na buhay si Liberty. Hindi ko lang sinasabi…”“Ano?!” hindi makapaniwalang tanong ni Charles. “Ako lang ang hindi nakakaalam?”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Charles dahil sa pag-amin ng kasintahan nito. “Pinagkaisahan niyo ako?” eksaheradong tanong pa rin ni Charles.Ganoon na lamang ang pag-iling ni King. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ito lang ang hindi nakakaalam. Sa ingay
KAAGAD NA NAGKAROON ng warrant of arrest ang pulisya upang hulihin si Duncan nang makuha ang lahat ng ebidensyang itinuro ng kapatid ni Liberty. Ang mga kuha sa cellphone ni Lenard ang magdidiin sa magtyuhin ukol sa krimen na ginawa ng mga ito. Mula sa video na kanilang nakalap ay nagpapakita kung paano nila isagawa ang pagpatay sa ama ni Duncan hanggang kung paano nila palabasin na ito mismo ang tumapos sa sariling buhay. Dahil wala pa si Lenard sa bansa kaya naman ang lahat ng komunikasyon na namamagitan sa kanila ay tanging sa cellphone lamang.Sinigurado ni Jude na sa pagkakataong iyon ay wala ng takas ang mga taong kailangang magbayad sa batas. Ipinagkadiinan sa kanila ni Liberty na kinakailangang mahuli nila si Duncan kung gusto nilang mapalabas si Benjamin sa lungga nito. Kaya ganoon na lamang ang pagmamadali nila na makakuha ng warrant of arrest. Nasa labas na sila ngayon ng kumpanya ng mga Salvantez. Hindi na nila nagawang pumasok sa loob upang hindi makagawa ng komusyon sa
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa