Home / Romance / Kidnapped by the Billionaire After Divorce / CHAPTER 176: This is Jealousy 

Share

CHAPTER 176: This is Jealousy 

Author: Rigel Star
last update Huling Na-update: 2024-10-24 14:21:41

KASWAL NA NAKIKINIG lamang si Liberty ng balita sa kwarto niya nang araw na iyon nang sa ganoon ay maging updated pa rin siya mga mangyayaring balita sa kahit na anong may kinalaman sa business nila. Ngunit, nang papikit na ang mga mata niya dahil sa antok, ganoon na lamang ang pagtataka niya nang marinig sa balita ang pangalan ni King.

Nali-link ito sa babae na kababata raw nito. Sa pagbabalik nito sa bansa, umingay ang pangalan ng nasabing babae matapos na makita sa isang hotel na kasama si King at ang kababata raw nito na si Lindsay.

Nang mga sandaling iyon, tila may kung anong sumipa sa kanyang dibdib matapos maalala na hindi nga pala umuwi kagabi si King. Nagpaalam pa ito sa kanya na aalis ngunit dahil sa kanilang tampuhan ay hindi niya pinansin ang binata at hinayaan itong makaalis ng bahay.

Dumagdag pa sa insecurities na nararamdaman niya nang malaman ang mga achievement na nagawa sa matagal na panahon ng nasabing doktor sa loob at labas ng bansa.

“This is all wrong…” mahina ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
177 na pero ganun parin ang takbo ng kwento.yong laging nasasaktan etc.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 177: The Another Threat 

    “WHAT DO I gain with this proposal of yours?” “You’re asking me as if you’ll gain nothing.” Umiling na sambit ni Lindsay.It’s about his mind games. Ganoon ang basehan ng madalas na pakikipag-usap ni Lindsay sa kanyang dating nobyo at kababata na si King. Katulad nito, sa isang ibang bansa rin siya nag-aral. Dahil highschool romance ang relasyon na nangyari sa kanila ni King, masasabi niyang isa iyon sa mga memorya na babaunin niya hanggang sa tumanda.“How stupid are we?” hindi niya napigilang sambit sa binata kasabay ng kanyang pag-iling.Naalala niya pa ang mga panahong handa nilang ibigay ang lahat para sa isa’t isa nang walang hinihiling na kapalit para lamang pareho nilang makuha ang mga naisin. Ngunit nasaan na ang dating sila? Nasaan na ang tila mga paro-parong nararamdaman niya sa tuwing makikita ito?Si King ang pinaka-isnaberong lalaking nakilala niya ngunit para sa kanya ay nabago iyong lahat kapag sila lamang dalawa kaya masasabi niyang napakaswerte niya. Maibabalik pa

    Huling Na-update : 2024-10-24
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 178: Repents of Indulgence

    HAPON NA NANG makarating si Liberty sa hospital para sa follow up test na gagawin sa kapatid bago ito madala sa ibang bansa. Hindi iyon naging ganoon kadali dahil na rin sa mga nangyaring komplikasyon sa kapatid niya noong nakaraang buwan.Ipinapanalangin niya na maging maayos na ang lagay nito nang magtuloy-tuloy na ang pagpapagaling nito sa ibang bansa. Hiling niya rin na dahil sa mas advance na teknolohiya roon ay magkaroon ng kasagutan kung bakit hindi ito pa rin ito nagigising pagkatapos ng matagal na pagkakaratay.“Yes po. Kailangan na mayroong isang doktor tututok sa kalagayan ng kapatid niyo. Siya ang kasama kapag dinala siya sa ibang bansa,” pangungumpirma ng kausap niya.“Ganoon po ba?”“Hindi po iyon magiging ganoon kadali dahil na rin sa sensitive case ng kapatid niyo. “Kung sa benepisyo lang ho, makikinabang po ang kapatid niyo kapag nadala siya roon dahil specialty nila. Ang transportation po ang inaalala namin…”Bahagya ang naging pagtango ni Liberty. Kung hindi siya s

    Huling Na-update : 2024-10-24
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 179: She Set her Up

    MATAGAL ANG NAGING pakikipag-usap sa kanya ni Lindsay nang magkakilala sila nang aksidente. May mga ibinahagi ito sa kanya na naging dahilan upang makilala niya ito nang lubusan. Nang bumalik sa bansa, dito nito piniling magtrabaho nang pansamatala dahil na rin sa isang pasyente na kailangan nitong tutukan nang mabuti.Nasa ganoong pag-uusap din sila nang magkwento ito ng tungkol sa bidding na gaganapin. Makakatulong daw ang pagtitipon na iyon upang makalikom ito ng pondo na magagamit sa pagpapatayo ng hospital.Habang tumatagal ang kanilang usapan at nakilala niya ito, lalong nanliliit si Liberty sa sarili niya. Tila ba’y sinasampal siya ng mundo sa katotohanang ito ang nararapat kay King at hindi siya. Ano bang laban niya sa babae? Narito na ang lahat. Habang siya ay heto't mukhang kulelat.“Nakabilis ng sumpa ng nanay…” mahina niyang bulong sa sarili.Hindi niya rin alam kung bakit narito siya ngayon at pinaunlakan ang imbitasyon nito lalo pa’t ang naturang bidding na iyon ay para l

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 180: She’s on Fire

    SAGLIT PA NA binalot ng pagtataka si Liberty nang mga sandaling iyon matapos na balingan ang mga tao at ibalik ang tingin kay Olga na naroon pa rin ang tingin sa doktora na walang malay. Kita ang takot dito habang hindi alam ang gagawin upang tulungan ang doktora. Nang magsimula ang bulungan ng mga naroon, naging malamlam ang mga mata ni Liberty. “I may be desperate to find love but I am not naive.” Gusto niyang mailing sa itinatakbo ng buhay niya. Luma na ang ganitong tagpo sa kanya.“Anong sinasabi mo?” tanong ni Celine sa kanya na labis niyang ikinailing.“Really?” tanong niya sa mga ito. “Ginawa niyo na sa akin ito dati, uulitin niyo na naman?”Bakas ang gulat sa mukha ni Celine nang sabihin niya iyon.“Hanggang kailan ka papayag na maging tuta ng isang iyan—”“Watch your language, Liberty!”“That’s what I’m doing!” malakas at may diing sambit ni Liberty. “Hindi kita pinakulong nang gawan mo ako ng kwento. Pero iba na ito. Buhay na ang tinalo niyong dalawa! Both of you are crazy

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 181: An Old Acquaintance

    “I CAN GIVE you my alibi,” sambit niya sa mga pulis na patuloy ang pagkwestyon sa kanila.Nasa presinto sila ngayon kung saan naroon din si Olga at Celine. Gusto siyang samahan ni King ngunit siya na mismo ang tumanggi. Mas kailangan ito ngayon ni Lindsay na dinala na rin sa hospital upang malaman ang kalagayan ng babae. “Here, this is my last phone call history,” ipinakita niya sa mga ito ang oras ng pag-uusap nila ni Carleen. “Magagawa ko bang gumawa ng isang krimen habang nagbibigay ako ng instruction sa assistant ko tungkol sa application na dine-develop namin?”Hindi niya tinatanggal ang tingin sa pulis na kaharap niya ngayon. Ipinapakita niya rito kung gaano siya kaseryoso sa kanyang mga sinasabi.“Can’t you find any CCTVs na malapit sa banyo?”“Kami ang bahalang magresolba niyan,” matigas na sambit ng pulis. “Gusto kong malaman ang buong pangyayari—”“Ano pa bang gusto niyong malaman?” naiinis na tanong ni Liberty. “Ang mga sinabi ko, iyon na iyong lahat. Wala akong tinanggal,

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 182: The Dark Motives 

    WALA NA ANG binata nang magising siya kinabukasan. Sa dami ng nangyari, nakatulog siya kama ng hindi nakapagpalit ng damit na suot niya sa bidding kaya ganoon na lamang ang gulat niya na pantulog na ang suot niya nang magising kanina. Saka niya naalala ang tagpo kung saan kinausap pa siya kagabi ng binata. “I know I'm not a good person, Liberty. I've committed more sins that you can’t even imagine. But if there's one thing I'm sure of, it's my love for you. That is true even if we turn the world upside down…”Hindi niya alam kung totoo ang mga narinig na iyon sa binata o parte lamang ng panaginip niya. Kung anuman sa dalawa, sana’y sinabi ito sa kanya kung kailan maririnig niya nang walang pagdududa na galing iyon sa bibig nito mismo.“He should have told me personally…”Ngunit kailangan niya pang humiling nang sobra? Kulang pa ba ang mga ibinibigay sa kanya ng binata?“I won’t settle for less…” Ganoon na ang nangyari sa relasyon nila ni Duncan. Hindi na iyon mauulit sa pangalawan

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 183: Face the Truth 

    HINDI MAPAKALI NANG araw na iyon si Liberty. Gusto niyang puntahan ang binata kahit hindi niya alam ang sasabihin dito. Ang mahalaga lamang sa kanya nang sandaling iyon ay makita si King.“Bakit hindi mo puntahan, Hija?” nakangiting tanong sa kanya ng mama ni King. “Kung iyan ang sinasabi ng puso mo, bakit ipagpapabukas mo pa?”“Hindi po ba kalabisan kung pupuntahan ko siya ngayon at magkikita naman kami sa susunod na araw?”“Ang tanong, kakayanin mo ba ang pag-iisip nang matagal?”Ganoon na lamang ang paglunok nang malalim ni Liberty. Gustong-gusto niya talagang makita ang binata upang maayos ang tampuhang namagitan sa kanila. Ngunit nahihiya siya na amining ganito niya na kamahal si King para maging apektado sa hindi nila pag-uusap.“Sige na, Hija. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano, okay?” Hindi niya maiwasang huwag maantig sa pag-aalagang ipinapakita sa kanya ng nanay ni King. Hindi niya naramdamang iba siya magsimula nang tumira siya sa bahay nit

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 184: Love is Crazy

    BUONG GABI NA gising si Liberty nang araw na iyon. Inalagaan niya ang binata na nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot. Madaming bumabagabag sa kanyang isipan habang patuloy ang pagbabantay niya rito. Naiisip niya pa lang ang maraming posibilidad na maaaring mangyari sa oras na naituloy sana ni Olga ang pagtatangka sa lalaki ay hindi niya na kinakaya.Hanggang ngayon din, napapatanong siya sa sarili kung saan nanggagaling ang lakas niya upang makipaglaban sa mga katulad ni Olga na walang ginawa kung hindi ang manira ng buhay. Ang manabunot o manampal? Hindi niya akalain na magagawa niya kung ang dating siya ang humarap dito. Hindi niya hahayaan na marumihan ang kamay niya ng mga katulad nila na walang delikadesa.Ngunit dahil pala sa simpleng pagmamahal na salita, magagawa niya ang mga na hindi niya akalain na magagawa. Kapag si King pala ang usapan, kaya niyang itaya ang lahat ng mayroon siya para lamang dito.Natatakot man siyang aminin ngunit ganoon niya na kamahal ang binata na ha

    Huling Na-update : 2024-10-26

Pinakabagong kabanata

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   Special Chapter 1: Nakaw na Saging

    “D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   EPILOGUE

    DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 224: The Little Brother

    “KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 223: She’s Giving Birth

    “KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 222: The Tragic Death 

    HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 221: Between the Two

    “A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 220: The Meet Up

    HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 219: Surprise to Him

    HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 218: Glad you’re Okay

    HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa

DMCA.com Protection Status