PABAGSAK akong nahiga sa maliit kong kama at marahas na napapikit ng mga mata. Halos mag iisang buwan na ako sa pinagtatrabahuan kong club pero mukhang hindi pa rin nasasanay ang katawan ko sa pagod.
Tinanghali rin ako ng uwi ngayon kasi wala pa ‘yung kapalitan ko kanina. Hindi ko naman pupwedeng basta nalang iwanan ang club ng kulang sa tauhan at sigurado akong katakot takot na sermon ang matatanggap namin lahat kay Sir Ashton.
Nagsimula na akong magpaantok habang nagsscroll sa f******k at napakunot ako ng noo nang maramdamang humilab ang tiyan ko.
“Hindi ba ‘ko kumain kanina? Nako naman!”
Mabigat ang katawan na pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga upang tingnan kung anong pagkain pa ba ang natitira sa pinamili ko nakaraan. Pero ganoon nalang ang pagbusangot ng mukha ko nang makitang wala na pala.
Kailan ko naubos ang mga ‘yon?
Dali dali akong nagtapis ng twalya sa katawan dahil wala akong suot na bra. Palabas pa lamang ako ng apartment ko nang bumungad sa harapan ko ang mga kababata kong ang aga aga palang pero mga nagsisi pag inuman na.
“Oh ‘andyan ka pala, Queenie! Tara tagay ka muna!”
“Tigilan mo nga ako Jepoy. Ang tirik tirik ng araw oh, ngayon niyo pa talagang naisipang mag inom. Hindi lang bituka niyo ang sinusunog niyo kung hindi pati ang mga balat niyo!”
“Anong pinagsasasabi mo dyan Queenie eh wala naman nang masusunog sa amin, matagal na kasing sunog ang mga balat namin.” hirit pa ng isa sabay tawa nang malakas.
“Oo nga Queenie. Hindi naman kami tulad mo na kahit anong mangyari hindi nangingitim eh-”
“Ay anong akala niyo sa akin, may factory ng lotion? Hindi nauubusan ng mga pinapahid sa katawan? Ewan ko sa inyo. Dyan na nga muna kayo.”“Saan ka ba pupunta Queenie? May bibilhin ka ba? Gusto mo ako na para hindi kana maglakad sa arawan? ” tanong ni Jepoy habang mariin ang mga titig sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na sa tuwing naaalala kong nagkacrush ako noon kay Jepoy. Mabait kasi ito. Magalang at chinito. Maputi rin gaya ko. Iyon nga lang, simula noong mapabakarda, natuto nang mag inom, gaya na lamang ngayon.
“Ha? Hindi na Jepoy, okay lang. Dyan lang naman ‘yung tindahan ni Aling Nansing, malapit lang naman-”
“Ako na Queenie. Sayang naman kung maarawan ka lang. At saka nandito nalang din naman ako sa labas kaya ako na.”
Nagsimulang maghiyawan ang mga iba pa naming kaibigan at pabirong tinulak tulak si Jepoy.
“Oy si Jepoy! Pasimpleng duma damoves kay Queenie!”
“Hindi ba pre crush mo na si Queenie kahit noong mga bata palang tayo?”
“Sabi mo pa nga gusto mo nang ipaampon si Queenie sa mga magulang mo kasi naawa ka noong namatay si Ate Rachel, hindi ba?”
“Tumigil na nga kayo…” tumingin muli sa akin si Jepoy habang may nahihiyang ngiti sa mukha. “Queenie, ano bang bibilhin mo? Ako na ang bibili-”
“Hindi na, wala na pala akong bibilhin, sige maiwan ko na kayo.”
“Teka lang Queenie!”
“Lagot kayo, binadtrip niyo si Queenie…”
Hindi na ako muling lumingon kahit na nakailang beses na tawag sa akin sila Jepoy. Bigla nalang kasi akong nabadtrip nang banggitin nila ang pangalan ng nanay ko.
Hanggat maaari ay ayokong nakakarinig o nakakaalala nang kahit na ano tungkol sa ina ko. Hindi ko nga alam kung dapat ba siyang matawag na ina eh hindi naman niya ako inalagaan noon.
Pagak akong natawa nang makita ang isang picture frame na kuha noong bata pa ako. Tanging ang ina ko lamang at ako ang nandoon. Wala ang ama ko dahil ni minsan ay hindi ko man lang ito nakita.
Ni pangalan niya nga ay hindi ko alam.
“Ano pang ginagawa ng picture na ‘to dito? Akala ko matagal ko nang natapon ‘yan?”
Malakas kong itinumba ang naturang picture frame nang madaanan ko ito. Kaya hindi umuunlad ang buhay ko eh, patay na nga tapos nandito pa rin sa tinitirhan ko.
Muli nalang akong nahiga sa maliit kong kama kahit na ramdam na ramdam ko ang pagsigaw ng kung anumang mga bulateng gutom sa tiyan ko.
Bukod kasi sa nainis ako nang banggitin ng mga tropa ni Jepoy ang tungkol sa pagkamatay ng nanay ko, nahiya rin ako bigla nang maisip kong pabibilhin ko ang binata ng itlog at noodles.
D’yos ko naman kasi! Halos napunta lahat sa gastusin sa school ko ang lahat ng sinweldo ko noong nakaraan. No choice tuloy ako kung hindi magtipid na naman.
Pinilit kong ipikit ang mga mata ko kahit na nag aagaw ang atensyon ko tungkol sa kumakalam kong sikmura at pagkaantok.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang nang malakas na nag alarm ang cellphone ko.
Ala singko na naman, kailangan ko na naman mag asikaso at mahaba habang gabi na naman ako magtarabaho.
Halos trenta minutos lamang ang tinagal ko sa pag aasikaso para sa pagpasok. Nang matapos ay dali dali na agad akong lumabas ng pinto at naglock ng apartment.
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makitang hanggang ngayon ay nag iinuman pa rin sila Jepoy. Ngunit hindi kagaya kanina, langong lango na ang mga ito sa alak at mukhang isang tulak mo lang ay bigla na lamang babagsak.
“Oh Queenie.. Papashok kana ba? Anong orash palang ah.”
Mabilis akong napaatras nang manuot sa ilong ko ang matinding amoy ng alak. Sari saring amoy na nga ng alak at sigarilyo ang nalalanghap ko sa club tapos hanggang dito sa tinitirhan ko ay ganoon pa rin. Aba matinde!
“Oo Jepoy, excuse me-”
“Shandali lang… may shashabihin ako…”
Agad kong iniiwas ang katawan ko nang makitang hahawakan ako ni Jepoy sa braso. Bigla naman akong nakunsensya nang makita ang sakit sa mga mata nito sa ginawa ko.
“Shorry Queenie… hindi ko shinashadya-”
“Bukas mo nalang sabihin kung anong sasabihin mo, Jepoy kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho.”
“Shige Queenie.”
Isang pagtango ang agad kong ginawa at malalaki na ang hakbang na naglakad palayo. Naglalakad lamang ako papunta sa club na pinagtatrabahuan ko. Walking distance lang din naman kasi ang layo.
Bukod sa nakatipid na ako, nakapag exercise din ako kahit papaano.
“Ay kabayo!”
Halos takasan ako ng kaluluwa sa katawan nang bigla na lamang may sasakyan na malakas na bumusina sa likuran ko.
Mumurahin ko na sana kung sinuman ang driver ng kotseng iyon pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko.
Nagngingitngit ang mga ngipin ko na gumilid lalo sa daan. Halos mabunggo na nga ako ng mga poste sa sobrang paggilid ko pero ang lintik! Hindi ko alam kung trip lang ba ako ng driver at kahit na anong gilid o iwas ko sa kanya ay sunod pa rin ito nang sunod.
Nang hindi na makapagpigil ay mabilis akong huminto at hinarap ito.
“Ano bang problema mo? May sapak ka ba sa ulo? Ayan oh! Ang lawak lawak ng kalsada. Bakit sa likod ko pa gusto mong dumaan? Sino ka ba?!”
Hindi lumabas ang kung sinumang nasa loob ng sasakyan. Pinilit kong silipin ang loob pero masyadong malapad ang pagkakatinted ng bintana.
“Hoy ano? Hindi ka bababa dyan? Lumabas ka! Kausapin mo ko! Ganitong badtrip ako ay baka samain ka talaga sa akin-”
Naputol ang pagrereklamo ko nang biglang bumaba ang bintana ng sasakyan. Hinintay kong baka may lumitaw o lumabas na ulo doon pero halos lumilipas na ang ilang segundo ay wala namang nagpapakita sa akin.
“Ano?! Magtatago ka dyan? Takot ka pala eh!”
“Lumabas ka dyan!”
“Papansin ka eh, nananahimik akong naglalakad tapos isasali mo ako sa trip mo, labas!”
Akmang ihahampas ko sana ang bag ko sa hood ng sasakyan nang bigla na lamang bumukas ang pinto nito at iluwa noon ang taong hindi ko naman kilala.
“What do you think you are doing?”
Napalunok ako nang wala sa oras nang marinig ko ang nakakatakot na boses nito. Saglit akong sumulyap rito at ni isang emosyon ay wala akong mabasa. Para lang siyang batong mariin na nakatitig sa akin.
“I said what do you think you’re doing-”
“Ikaw kasi eh! Anong trip mo at sinusundan mo ako?”
“You’re blocking the way.”
“Anong you’re blocking the way eh nasa gilid ako. Abnormal ka ba?”
“Tss… eh sa gilid ko din gusto dumaan-”
“Eh di sana naglakad ka! Hay nako, makaalis na nga lang at baka ma late pa ako sa trabaho. Hindi ko sasayangin ang kikitain ko sa pagtatrabaho sa pakikipag usap ko sayo. Hindi na ‘oy-”
“What if I offer you a work? Sa akin ka magtrabaho…”
Biglang tumaas ang kilay ko at naningkit ang mga mata.
Well, kung titingnan naman mukha siyang mayaman. Maganda ang sasakyan at oo, may itsura sya. Pero ang tanong, anong trabaho naman ang iooffer nito sa akin.
“Mataas ka ba magpasahod?” nakatikwas ang kilay na tanong ko rito.
“Name your price-”
“Ay hindi na pala bale! Mas gusto kong magtrabaho kay sir Ashton, mabait na pogi pa! At higit sa lahat, ngiti palang ulam. So thank you but no thanks! Goodbye and goodnight!”
Akma na sana akong maglalakad muli nang marinig ko itong muling magsalita.
“Wait… Here's my calling card. Call me if you ever change your mind.”
Hindi ko sana tatanggapin ang maliit na papel na inaabot nito ngunit wala na akong nagawa nang bigla nitong kunin ang kamay ko at ilagay doon ang calling card na sinasabi nito.
“Teka-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na ring umalis at sumakay muli sa sasakyan ang binata. Halos malunok ko ang lahat ng usok galing sa kotse nito nang mabilis itong humarurot papalayo.
Bago ko itago ang papel ay saglit ko itong tiningnan.
“Red Wein Rivas… CEO of Rivas Cars Incorporation. Hmmm, maganda bang kompanya ‘yon?”
RED POV "ANO NA'NG balita sa pinapahanap ko sayo?" Dahan dahan kong ibinaba ang shot glass na hawak hawak ko nang marinig ko ang boses na iyon. I slowly turned my gaze at her and smiled anxiously. Unti unti rin akong naglakad palapit rito."Still no update, I can't find her-" "Do everything to find her! My God, Red! You have everything to find that leech then you are saying to me now that you can't find her? You're ridiculous-""Mom…" I tried to calm her. "I promise you that I am making and doing everything just to find that woman. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang taong sumira sa pamilya natin." "Dapat lang! That woman took your father's attention away from me! Even his love! Ni hanggang ngayon ay hindi sa atin umuuwi ang ama mo!""That's because he has a lot of business trips. He's busy, mom." "What do you think of me, son? Stupid? Kilala ko at alam ko kung bakit nagkakaganoon ang ama mo! Hindi naman magbabago ang pakikitungo niya sa akin kung wala siyang kinaba
QUEENIE POV"HOY 'TE! Ba't nakabusangot 'yang mukha mo? Mahina ba bigayan ng tip?" Pabagsak akong naupo sa tabi ng kaibigan kong si Janna at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan."Bayaran na naman sa school, Janna. Tapos pati 'yung apartment na tinitirhan ko, nagpadagdag pa ng upa." Lumbay kong sagot dito. Umalis sa pagkakaupo si Janna at naglakad patungo sa akin. Nilagay niya rin ang kanyang kamay sa balikat ko at pinisil pisil iyon. "Alam mo friend, sabi ko naman sayo, mag-stop ka muna sa pag aaral para makapag ipon. At kapag may ipon kana, doon ka ulit mag aral. Mahirap lumaban sa giyera pag nabibitin ka sa bala, bahala ka, baka mas lalong hindi ka lang makatapos sa ginagawa mo." Imbes na gumaan ang loob ko sa pagpapayo ni Janna ay mas lalo lang akong nanlumo. Ayoko naman sanang tumigil. Ito lang kasi ang tanging nagiging dahilan ko para magpatuloy. Ito ang nagbibigay ng direksyon sa buhay ko kaya hangga't maaari ay pinipilit kong mairaos ang pag aaral ko sa kabila
"HOY 'te! Tingnan mo oh! Kanina pa nakatitig sayo si kuyang gwapo. Sure ka bang ayaw mo sa kanya?" Mabilis akong napairap nang makita kung sino ang tinutukoy ni Janna. Halos dalawang linggo na noong magsimula akong tumanggap ng mga lalaking ite-table ako. Oo, may mga iba na manyak, bastos at hindi makaintindi na hanggang halik lang ako. Hello! Never nilang mababagsak ang bataan ko! Hanggang taas lang sila at doon lang ang kayang sikmurain ng katawan ko.At saka hindi na rin ako nag inarte, sa awa nga ng Diyos, nafully paid ko 'yung mga pending balance ko sa school. Nakapag exam ako at halos katatapos lang ng exam week namin."Hoy Queenie ano na?! Ayaw mo talaga?""Ayoko nga, Janna. At saka 'wag kang magulo. May customer ako dito." Saad ko at tinaboy pa ito. Ngunit ang gaga, hindi nagpatinag at hinila pa ako sa foreigner na customer ko para lang samahan siyang titigan ang lalaking hinalikan ko noon para makapasa sa test kuno ni Sir Ashton nakaraan. "Tingnan mo nga siya Queenie oh!
HALOS liparin ko na ang aming dining area nang sabihin sa akin ng aming katulong na umuwi raw ang aking ama. I might be hurt knowing that my father really has a mitress at ang malala pa roon ay halos kaedaran ko lang but I can not denied the fact that I can not hate him. I am still longing for my father’s love and attention. “Good morning mom, good morning dad!” Masaya kong bati sa mga magulang ko habang galak na galak na umupo sa tabi ng aking ina. My father just nod his head as an answer but his attention is still on the food in his mouth. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ngunit hindi ko nalang pinansin iyon. Seeing and having a peaceful breakfast together with my parents is already too much to ask for. Bakit pa ba ako mag iinarte?“Eat, son. You have to go with your father to meet our new investors-““I have so many things to do, Elena. Bakit hindi ikaw ang sumama sa anak mo?”“Fuck that bullshit Ricardo! Anong sinasabi mong you have so many things to do?! Ang sabihin
QUEENIE ROSE POV"HI, SIR... Want me to lit you cigar?" Malagkit na mga tingin ang agad kong ibinigay sa matandang lalaking nadaanan kong nakaupo sa isa sa mga table dito sa loob ng club. Unang araw ko ito sa trabaho kung kaya naman kahit na naiilang sa nakikitang mga kaganapan sa paligid ay isinasawalang bahala ko na lamang. Kailangan kong tiisin ang ganitong trabaho dahil ito lang ang alam kong may mabilis na kitaan ng pera.Mas lalo kong pinalamlam ang mga mata ko nang mapansin kong dahan dahan na bumaba ang tingin ng matanda sa katawan ko at tumigil sa may bandang dibdib ko."Sir?" "A-ahh... Y-yes of course! Go on, lit my cigarettes!" Agad akong yumuko upang masindihan ang sigarilyong nasa labi ng matanda. Ngunit halos madurog ang mga ngipin ko sa sobrang inis nang mabilis ako nitong hilain at piliting paupuin sa kandungan nito."Ah sir, excuse me. Hindi po pwede ang ganyan dito sa club namin-""Oh c'mon miss! Madami akong pera! Kahit na magkano ay kaya kong ibigay, just tel

PABAGSAK akong nahiga sa maliit kong kama at marahas na napapikit ng mga mata. Halos mag iisang buwan na ako sa pinagtatrabahuan kong club pero mukhang hindi pa rin nasasanay ang katawan ko sa pagod. Tinanghali rin ako ng uwi ngayon kasi wala pa ‘yung kapalitan ko kanina. Hindi ko naman pupwedeng basta nalang iwanan ang club ng kulang sa tauhan at sigurado akong katakot takot na sermon ang matatanggap namin lahat kay Sir Ashton.Nagsimula na akong magpaantok habang nagsscroll sa facebook at napakunot ako ng noo nang maramdamang humilab ang tiyan ko.“Hindi ba ‘ko kumain kanina? Nako naman!”Mabigat ang katawan na pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga upang tingnan kung anong pagkain pa ba ang natitira sa pinamili ko nakaraan. Pero ganoon nalang ang pagbusangot ng mukha ko nang makitang wala na pala. Kailan ko naubos ang mga ‘yon?Dali dali akong nagtapis ng twalya sa katawan dahil wala akong suot na bra. Palabas pa lamang ako ng apartment ko nang bumungad sa harapan ko ang mga ka