Share

chapter 6

Author: Tiraycute062
last update Last Updated: 2023-07-13 04:03:10

Nakasimangot pa rin si Belyn habang tinatanaw sa labas ang mga taong nag-aayos ng catering na ipinadala ng hudyo niyang asawa.

"Kainis! Imbes na wala kaming bisita, magkakaroon pa dahil sa h*******k na lalaking 'yon," asar na wika niya.

"Nako! Nako talaga! Kung maaari ko lang tirisin ang tukmol na lalaking baliw na iyon ay ginawa ko na!" sambit pa ni Belyn sa kanyang sarili.

Ayaw kasi niya ng maraming tao at lalo't alam naman niyang chismosa ang kanilang kapitbahay. Hindi naman nilalahat ng dalaga. Meron kasi na mapaggawa ng kwento na hindi alam ang totoo. 'Yun ang ayaw na ayaw ng dalaga. Kaya umiiwas siya sa maraming tao.

"Ma!" tawag niya sa kanyang ina na busy sa ginagawa nitong pag-aayos sa ibang handa.

"Oh, bakit, anak?" Bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin ng ina.

"Mama, talaga bang inimbintahan mo ang ating mga kapitbahay?" tanong niya kay Ginang Eds.

Wala naman kasi silang kamang anak na malapit nasa malayong lugar ang kapwa pamilya ng mama at papa niya.

Alam kasi ng ginang na ayaw ng kanyang anak sa maraming tao. Kaya huminto ito sa ginagawa at lumapit sa anak nitong nagkandahaba ang nguso.

"Anak, sa daming pagkain na pina-catering ng asawa mo. Tapos nakapagluto pa tayo. Aba, hindi natin mauubos ang lahat ng mga 'yan. Baka masayang lang," mahinahong paliwanag ni Ginang sa anak nito.

Ngayon lang naman ito anak, kaya hayaan mo na. Ikaw… gugustuhin mo bang masayang o mapanis lang ang mga pagkain kaysa ipakain natin sa mga tao? 'Di ba ayaw mo rin?" dagdag na tanong pa ni Ginang Eds sa anak nito.

"Tapos tigilan mo ang pagnguso mo, para ka tuloy s**o riyan! Baka mahanginan ka. Sige! Habang buhay ka nang nakanguso. Pwede na nga 'yang sabitan ng mga kaldero. Tamang tama, marami akong isasabit sa'yo!" natatawang biro pa ng ina ni Belyn sa kanya.

"Mama naman! Sino bang matutuwa sa pinaggagawa ng lalaki 'yon? Alam naman ninyo na ayaw ko sa maraming tao!" nagreklamong tugon niya sa kanyang ina.

"Ay naku, ang kulit mong bata ka! Ang pagkatanda ko ay isang beses lamang kita inire ngunit ang kulit-kulit mo!" tila naririnding saad ng mama niya sa kanya.

"Sinabi ko na sa'yong hayaan mo na. Hindi ka ba masaya na nag-effort ang asawa mo para sa'yo oh? Bihira na ang lalaki na nagpapaganyan para sa kanyang asawa.

"Ay, doon ka na nga sa kwarto mo. Maligo ka na para sa birthday party mo. Siguradong darating na ang papa mo kasama rin ang mga kasamahan niya sa trabaho. Sinabi kong magdala siya ng mga bisita," wika pa ng mama niya. Wala siyang nagawa kundi umalis sa harapan ng ina.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo rito, muling nagsalita si Ginang Eds sa anak.

"Anak, mag-dress ka naman para maging isang Dalagang Pilipina ka!" pabirong saad pa nito at sinabayan pa ng tawa.

"Mama naman!" Nasa boses ang pagkainis. Wala na talaga. "Nasira na ang araw niya dahil sa hudyong, 'yon."

Ang dalawa niyang kaibigan ay pinagtatawanan siya kaya masamang tingin ang binato niya sa dalawang ito.

"Bakit hindi ka na lang kasi maging masaya? Tama naman kasi si Mama Eds. Aba'y nag-effort ang asawa mo kahit busy. Nagawa pang magpa-catering para sa'yo!" turan ng dalawa niyang kaibigan na bruha. Wala na talaga siyang kakampi sa bahay na ito, kaya napaismid siyang tumingin kay Rina at Em.

Hindi na lang niya pinansin pa ang pagbibiro ng mga ito. Walang imik na umakyat siya sa itaas ng bahay nila para pumasok sa kanyang silid upang maligo. Halos isang oras siyang nagtagal sa loob para mapawi lang ang inis na nararamdaman niya. Nagbabad siya sa tubig nang maisipan nang lumabas ay nakita niya ang dalawang kaibigan na nakahiga sa kanyang kama.

Kaya itinasan niya ng kilay ang dalawang ito.

"Hay! Sa wakas! Lumabas ka rin. Akala namin diyan ka na titira sa loob ng banyo eh!" asar na wika ni Rina.

"Grabe ang tagal mo, inabot ka na ng isang oras sa loob. Anong ginawa mo, ah!" pang-uusisa naman na tanong ni Em. Lalong nakasalubong ng mga kilay niya.

"Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?" balewalang sagot niya habang naglalakad patungo sa kanyang cabinet.

"Oo naman, 'no!" tugon pa nito sa kanya.

Napatirik ang mata ni Belyn dahil sa kanyang kaibigan. Ewan ba kung minsan ito napaka-slow kung mag-isip. "Bulag ka ba?" inis na turan niya pa rito.

"Hindi mo ba nakikita na bagong paligo ako? Ano pa ba ang ginagawa sa loob ng banyo, 'di ba maligo?" May inis na sa boses ng dalaga.

"Palibhasa kasi ligo-uwak lang ang alam mo, eh!" pang-aasar pa niyang dagdag.

"Hoy, hindi naman ligo-uwak ako, 'no! Siguro mga ligo-pusa o aso naman," pagsasakay na biro pa ng kaibigan.

"Hindi nga sa biro. Isang oras ka maligo. Napakatagal mo naman. Siguro maliban sa pagligo mo, may iba ka pang ginawa, 'no?" mapanghusgang tumingin ito sa dalaga.

"Hoy, Em! Huwag mo nga akong itulad sa'yo! Ang dumi ng iniisip mo. Hindi ko gawain 'yun," may diing wika ni Belyn sa kaibigan.

"Kung iyon ang iniisip mo!" dagdag na saad pa ng dalaga.

"Ay luka ka! Hindi naman 'yun ang gusto kong sabihin sa'yo! Siguro inaano mo 'yang pechay mo para kapag nag-honeymoon na kayong dalawa ay walang sagabal!" napahagikgik na wika pa nito sa kanya.

"Nako, Belyn. Huwag mo na lang pansinin ang pinsan ko dahil hindi na naman nakainom ng gamot kaya medyo maluwag ang turnilyo sa utak!" singit na wika ni Rina. Sabay tingin nito sa pinsan.

"Ay wow ha! Alalahanin mong magpinsan tayong dalawa rito, Rina. Baka nakakalimutan mo. Ipaalala ko lang sa'yo, ah!" Nasa boses ni Em ang tila nagtatampo sa pinsan.

Inirapan lang ni Rina ang pinsan nitong nage-emote sa gilid ng kama niya.

Napapailing na lamang siya sa dalawa. Simula pagkabata ay sila nang tatlo ang magkasama. May isa pa pala silang kaibigan, si Rizza. Busy ito sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigan. Kaya malabo nilang makasama ngayon sa mga lakad nilang tatlo. Lalo't mag kakaroon na ito ng pamilya. Ang mapapangasawa ay isang Mayor rin na tulad ni Em.

"Teka nga. 'Di ba malapit na ang kasal ni Rizza? Sa makalawa na 'yon, 'di ba?" biglang tanong niya sa mga kaibigan.

"Ay, oo nga! Sa makalawa na ang kasal ni Rizza. Lahat tayo ay abay niya. Paano pala tayo tatakas sa mga lalaki? Kailangan nating pumunta sa kasal ng ating kaibigan baka magtampo ang isang 'yon."

"Bahala na takas tayo. Bukas ng umaga. Ready naman ang mga gamit naming dalawa ni Rina," wika pa ni Em habang papasok ito sa loob ng banyo.

"Happy birthday, Belyn!" mga bati ng kanilang kapitbahay.

"Salamat po!" nakangiti saad niya sa mga ito.

"Ay, iba na! May pa-catering services ka na ngayon, ah. Hindi ka na ma-reach!" Kuminto pa ng mga ito sa kanya.

"Oo, at sa sosyal na restaurant ka pa nag-catering?" ani pa ng iba.

"Siguro may naging mayaman na boyfriend ka sa Hongkong, 'no!" saad pa ni Aling Marites. Tamang tama ang pangalan nito isa itong dakilang Marites ng lugar nila.

"Nako, Aling Marites. Wala akong naging boyfriend sa Hongkong po. Ang ginawa ko lang po doon ay magbanat ng buto," nagtitimping sagot niya pa sa ginang.

"Ho, talaga ba, Belyn?" Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-usisa sa kanya.

Ito talaga ang ayaw niya. Kaya ayaw niyang mag-imbita ng mga kapitbahay na makikitid ang utak at pakialamera sa buhay ng may buhay.

"Nako, Marites. Totoong sinabi ng anak ko na wala itong boyfriend!" singit na wika ng Mama niya. Marahil siguro naiinis na rin ito sa panay tanong ng kapitbahay.

"Ang asawa niya ang nagpa-catering niyan!" dagdag na turan pa ni Mama na ikinagulat ng lahat ng naroon.

Laglag naman ang panga napatingin siya sa aking ina.

"Mama!" tawag niya sa kanyang ina at babalang tingin na waring huwag nang sabihin pa sa mga taong narito sa kanilang bakuran.

"Hala, totoo bang may asawa ka na, Belyn?" tanong bigla ng isang kapitbahay na tila hindi naniniwala sa sinabi ng kanyang ina.

"Aba'y oo naman! Bakit ako magsisinungaling sa inyo, 'no!" pagmamalaking wika ni Ginang Eds sa mga kapitbahay na usisera.

Napatampal ang dalaga sa noo, dahil sa sinabi ng kanyang ina.

"Talaga lang ha? Bakit hindi namin nabalitaang kinasal na 'yang anak mo, Eds?" nakataas kilay na anas ng kapitbahay nilang si Aling Marites.

Lihim na lang siyang napairap sa mga ito. Kanina ay pinipilit na may boyfriend siya sa Hongkong, tapos ngayon naman ay ayaw maniwalang may asawa siya. Ang mga tao nga naman talaga oh!

"Oo nga, ba—" natigil ang akmang sasabihin ni Mama nang may humintong sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Ilang sandali lang ay lumabas ang taong sakay ng kotse noon.

At laking gulat ng dalaga nang makita ang kinaiinisan niyang lalaki. Walang iba kundi ang lalaking si William.

"Shit!" mura niya sa kanyang isipan nang makita ang lalaki na naglalakad papasok ng kanilang bakuran. May dala itong isang bouquet ng red rose. Lihim siyang napangiti dahil isa sa mga favourite niyang bulaklak ang dala ng lalaki. Ang gwapong tingnan nito sa suot na White t-shirt at maong pants na tinernuhan pa ng white shoes. Para itong isang model kung maglakad.

Huminto ang lalaki sa kanyang mama at nagmano pa.

"Uy, sis. Laway mo tumutulo na!" mahinang bulong ni Em kay Belyn. Hindi na namalayan ng dalagang nasa tabi na niya ang kaibigan. Dahil masyado siyang nakatutok sa binata.

"'Di ba si Sir William Hernandez 'yan?" tanong ng mga kapitbahay nila.

Ngumiti ang lalaki sa mga taong narito sa loob ng kanilang bakuran.

"Hi!" bati ng lalaki nang tumapat ito sa kanyang harapan.

"Flowers for you!" wika nito sabay abot ng mga bulaklak sa kanya.

Tumingin muna siya sa binata tapos sa mga bulaklak na hawak nito. Hindi niya alam kung kukunin niya ba o hindi. Nagdadalawang isip siya.

At sa huli ay tinanggap niya rin. Ayaw naman niyang mapahiya ang lalaki.

"Salamat!" tipid na sagot niya rito.

"Hoy, Belyn. Huwag mong sabihin na si Sir William ang asawa mo?" nagtatakang tanong ng mga kapitbahay niya at nasa boses ng mga ito ang inggit.

Magsasalita na sana siya nang unahan siya ng lalaki.

"Opo, ako nga po ang asawa ni Belyn. Belyn Daragoza Hernandez na po ngayon dahil dala na niya po ang aking apelyido," magalang na sagot ng lalaki sa mga kaharap.

Nagsibulungan ang mga naroon na tila ba ayaw maniwala sa sinasabi ng binata sa kanila.

"Talaga? Napakaswerte mo naman, Belyn. Isang billionaire ang napangasawa mo!" saad ng kanilang kapitbahay.

Kita sa mga mata ng kanyang kapitbahay ang inggit. Ang iba naman ay natuwa. At binabati sila ng congrats na malugod naman nilang nginingitian. Nagpapasalamat sa mga ito.

"Saan naman kayo nagpakasal? Bakit wala naman kaming nabalitaang kinasal ka, Sir William?" mausisang tanong ni Aling Marites sa kanila.

"Saka paano mo nakilala si Sir William, Belyn, 'di ba ilang taon ka sa Hongkong?" dagdag na tanong pa ni Ginang Marites sa kanya.

"Sa Hongkong po kami nagpakasal at matagal na po kaming magkasintahan. Sa susunod na buwan po ay dito na kami magpapakasal sa simbahan po."

"Hay nako. Tama na nga 'yan. Panay tanong kayo sa manugang ko. Ang mabuti pa kumain na lang kayo at hayaan na ninyo ang mag-asawa ha!" singit na saway ni Mama niya kay Aling Marites.

"Sige na kumain na kayo. Doon ho masasarap ang pagkain. Kumain kayo nang kumain!" ani pa ni Ginang Eds sa mga kapitbahay nila.

"Hijo, pagpasensyahan mo na ang mga kapitbahay namin, ha!" hinging paumanhin ng Mama ni Belyn sa binata.

"Ayos, lang ho, Ma!" nakangiti sagot pa ng lalaki.

"O siya. Iiwanan ko muna kayo ha? Asikasuhin ko muna ang ibang bisita," ani pa ng Mama niya.

"Okay po!" sabay tango nito.

"Ikaw na lalake!" sita niya rito nang makapagsolo na silang dalawa ni William.

"Anong, pinag—" Natigil naman ang kanyang sasabihin nang may dalawang kotse ang huminto muli sa harapan ng bahay nila. At lumabas muli ang dalawang gwapong nilalang. Napatingin siya sa dalawang kaibigan. Nakita niya ang gulat rin sa mga mata ng mga ito.

Related chapters

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 7

    Napatingin silang lahat ng may humintong dalawang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Ganoon na lamang ang gulat ng bumaba sa parehas na sasakyan ang dalawa gwapong nilalang walang iba kundi si Mayor Montel at si Luiz Velasquez. Ang isa sa mga mayayaman na tao dito sa bayan nila. Pasimple ko tiningnan ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay paatras na kung maglakad tila tatakas ang mga ito."Ang gwapo talaga ni Mayor, pati na si Mr. Velasquez!" Komento ng mga kababaihan kita sa mga ito ang paghanga sa mga bagong dating na bisita ni Belyn."Maganda, araw po Mayor," naririnig niyang bati ng mga tao sa mga bagong dating."Magandang araw din po sa inyong lahat!" Nakangiti tugon ng Mayor nila sa mga kapitbahay at bisita.Nakita niyang naglakad si William patungo sa dalawa bagong dating na bisita. Kaya ang mga tilian ng kababaihan ay lalo pang umingay ang paligid ng magsama ang tatlo.Ang mga kababaihan naman ay parang mga bulateng inasinan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Naririnig p

    Last Updated : 2023-07-14
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 8

    Habang pagabi ay humupa na rin ang mga tao sa kanila. Iilan na lang ang natitira mga kainuman na lang ng kanyang Ama, ang tanging naiwan ay si Jepoy, dahil ang dalawa niyang kaibigan ay tumakas na at tinakasan sina Mayor, pati ang kasama nitong kaibigan na asawa ni Rina. Natatawa na nga lang siya sa kanyang sarili, dahil habang busy sa pag kain ang mga bisita ay tumatakas naman ang dalawa sa likod bahay namin. Nagtext pa si Rina na dapat daw bukas ng madaling araw ay bihis na siya para pumunta sa kabilang bayan kung saan gaganapin ang kasal ni Rizza. Walang nagawa si na Mayor kundi umalis upang sundan ang mga asawa ng mga ito."Hoy, bruha saan mo naman nakilala ang asawa mo!?” Bulong na tanong ni Jepoy sa kaniya."Yawa ka, hindi kita ma reach! Isang Hernandez pa ang napangasawa mo, ganda ka te?!” Pang aasar pa nito na tila hindi makapaniwala na naging asawa niya ang isa sa pinakamayaman tao sa bayan nila.Sino ba naman ang hindi susuwertihin kung isang sikat at tanyag na billionaire

    Last Updated : 2023-07-14
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 9

    Belyn, samahan mo na si William sa kwarto mo malalim na ang gabi." saad ni Ginang Ed's sa anak nito."Hijo, dito ka na lang muna matulog ha!" Delikado na kung uuwi ka pa sa bahay mo. At mukhang uulan pa? Baling naman ni Ginang Ed's sa manugang nito."Naku, Ma huwag na po," tangging saad ng binata. "Kaya ko pa naman pong umuwi." magalang ng binata kay ginang Ed's."Hindi, hijo dito ka na lang muna aba'y lumalakas na ang ulan sa labas tapos hatinggabi na bukas na lang ng maaga ka umalis, ah sige kami ng ama ninyo ay aakyat na rin sa itaas, Belyn huwag mo paalisin yang asawa mo ha malilintikan ka talaga sa akin anak?" bilin ni ginang Ed's sa anak nito at binigyan ng babalang tingin."Opo Ma," tipid lang na sagot ng Anak."Siya sige kami rin ay matutulog na," sagot pa ng ginang at tuluyan na nga umakyat ang magulang niya sa kwarto ng mga ito.Naiwan sila dalawa ni William sa sala kapwa sila tahimik wala gusto mag salita. Huminga muna si belyn ng malalim bago mag salita."Huwa

    Last Updated : 2023-07-15
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 10

    Nang pumasok si William sa loob ng kwarto ng kanyang asawa ay hindi niya ito nakita. Narinig na lamang niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napatingin siya paligid ng silid. Simple lang ang ayos ng kwarto. Hindi nga lang ganoon kalaki. Humakbang siya papalapit sa kama. Dahil sa tama ng alak ay nahihilo na rin. Dala ng pagod sa maghapon, nakakaramdam na siya ng antok. Humiga muna siya sa kama upang ipikit lamang ang mga mata ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kama ng asawa.Naalimpungatan siya nang may maramdaman siyang kumagat sa kanyang pisngi. Kaya agad siyang nag mulat ng mga mata. "Shit!" mura niya nang kinagat siya ng lamok. Napatingin siya sa may maliit na sofa dito sa loob ng kwarto ng asawa. Nakita niya itong nakahiga roon at balot ng kumot ang buong katawan nito.Nagbuntong-hininga na lamang siya. Isipin na mas gusto pa nitong matulog sa maliit na sofa para lang hindi siya makatabi nito sa pagtulog.Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa

    Last Updated : 2023-07-18
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 11

    "Shit! Para bang mga aso ang mga 'yan kahit na saan tayo magpunta nandoon din ang tatlong kupal...!"mahina at mariing bulong ni Rina.Napatingin din si Belyn kung saan nakatingin ang kaibigan at nakita nga niya sa katabing lamesa ang asawa niya kasama ang ibang mga kaibigan nito.Nasa table din ng mga ito ang Governor ng lalawigan nila, hindi niya akalaing mag kakilala pala ang mga ito. Tila nga nagsama-sama ang mga mayayamang tao sa kasal ni Rizza at Isagani. Napatingin ang asawa niya sa kanya, ngumiti ito ngunit inirapan lamang niya ang lalaki. "Masasabi ko talagang ang liit ng mundo!" Buntong-hininga saad ni Em. Ng nakaupo na sila tatlo."Oo nga eh, maliit talaga nakipaghalikan ka na nga kanina sa simbahan,eh?! Komento ni Rina sa pinsan nito."Hoy!" bruha hindi ko kagustuhan na halikan ako ng lalaking 'yon, ah!" Pagtatanggol naman ni Em sa kanyang sarili."Sinabi mo eh!" May magagawa ba ako?! Balewalang sagot pa ni Rina sa pinsan nito.Na ngayon ay namumula ang mukha dahil naa

    Last Updated : 2023-07-19
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 12

    Dahan-dahan nag mulat ng mga mata si Belyn. At ganoon na pang ang gulat niya ng nasa isang magandang kwarto na siya. "Shit, nasaan ako?! Bulalas na tanong pa niya sa kanyang sarili habang sapo-sapo nito ang dalawang kamay ang kanyang ulo niya. At bumalik ang lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay tao, dahil may nagtakip sa kanyang ilong, upang mawalan siya ulirat."Malaman ko lang kung sino ang gumawa nito sa akin. Siguraduhin kong babalatan ko siya ng buhay." Galit na turan pa niya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama. At napatingin siya sa buong paligid, napagtanto niyang siya lamang ang naroon sa loob ng silid."Teka nasaan ang mga kaibigan ko?" Nilukob siya ng kaba at pag alala para sa kanyang mga kaibigan. Dahil hindi niya kasama ang mga ito sa loob ng kwarto kung saan siya naroon. Kaya agad siyang tumayo sa kama at akmang maglalakad na sa may pintuan ng bumukas ito. Ganoon na lang pag lalaki ng kanyang mga mata ng makilala kung sino ang pumasok."Ikaw!?" G

    Last Updated : 2023-07-20
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 13

    Nakatingin lamang siya sa kamay nila mag-asawa, habang bumababa sila sa hagdan patungo sa komedor. Hindi malaman ni Belyn kung bakit apektado siya sa ginawang paghalik ng lalaki kanina. At ang hindi pa niya maintindihan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Na ngayon lamang nangyaring."Shit!" Siguro kailangan ko pumunta sa doctor upang magpa check up. Baka may sakit na ako sa puso?" Aniya sa kanyang isipan.Nang makarating na sila sa komedor, ay hawak pa rin nito ang kanyang mga kamay, "Good morning, manang Helen!" Bungad na bati ni William sa dalawa tao na nasa komedor. Napalingon ang mga ito."Good morning din po senyorito at senyorita!" magalang na bati ng mga ito sa kanila."Manang Helen ito pala ang asawa ko si Belyn Daragoza Hernandez po." Nakangiti pag papakilala ng lalaki sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil kahit sa kasamahan nito sa bahay pinapakilala siyang asawa."Napakaganda naman ng asawa mo Hijo!" Nakangiti puri ng ginang sa kaniya."Kaya nga kuya William, ang ganda

    Last Updated : 2023-07-21
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 14

    Nang masiguro na nilang maayos na ang lahat ng dadalhin nila papunta sa bukid ay pumasok na sila sa sasakyan. Akala ni Belyn na unang pumasok ang kanyang asawa ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang may humawak sa kanyang braso upang makasakay siya sa loob ng sasakyan. Napatingin siya kung sino. Walang iba kundi ang kanyang asawa.Saglit siyang natigilan at napatitig sa mukha ng kanyang asawa habang inaayos nito ang paglalagay ng seatbelt sa kanyang katawan. Kaya amoy na amoy niya ang panglalaki nitong pabango."Ayan, ayos na!" masayang wika nito nang mailagay na ang seatbelt at sabay angat ng tingin. Huling huli nito na nakatitig siya. Kaya agad siyang napaiwas ng tingin at sa ibang direksyon ito ibinaling.Tumaas lamang ang sulok ng labi ni William sabay sabi ng, "Sobra ba akong gwapo, Chocolate, kung kaya natulala ka na?" natatawang sabi pa nito sa kanya."A-ano?" mariing tanong niya at napatingin muli sa lalaki. "Sinong may sabi sa'yong gwapo ka?""Ikaw. 'Yon ang nakikita ko s

    Last Updated : 2023-07-23

Latest chapter

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 2 book2 Secret Indentity

    Chapter 2 Sa isang maliit na bakery shop na puno ng masasarap na amoy ng sariwang tinapay, kasalukuyan inaayos ni Cedrick, ang mga bagong lutong tinapay sa estante ng kanyang breky, abala siya sa paghahanda ng kanyang mga produkto nang biglang nakita niya ang isang babaeng may matamis na ngiti na nakatayo sa entrada ng kanyang tindahan."Hi, lover boy," nakangiti wika ng babae. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ng pagiging mapang-akit."Hi, miss beautiful," magiliw na tugon niya. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" nakangiti saad naman ni Cedrick sa babae. Ang kanyang mga mata ay pasimple hinagod ang malulusog na dibdib nito, halos wala na itong tinatago. Sa sobrang ikli ng suot nito, kaunting galaw lang ay panigurado kita na ang kaluluwa ng babae."Wala naman," sagot ng babae, ang boses ay bahagyang nanginginig. Ang kanyang mga mata nito marahang hinagod ng tingin si Cedrick.“Gusto, ko lang bumili ng mga tinapay,” mapang-akit na wika ng babae.“Sabi raw nila napakasarap daw ng mga

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 1 book 2 Secret Indentity

    Ang Pagbagsak ng TiwalaHalos hindi makagalaw si Peanut dahil sa nasaksihan niyang pangluluko ng kanyang kapatid at nobyo na si Max. Sa mismong silid ng kapatid niya, kitang-kita ang kababoyan ng mga ito. Hindi naman sana niya makikita ang dalawang taksil kung hindi niya narinig ang ingay ng mga ito.Ang ingay na iyon, ang ingay na nagpabagsak sa kanyang mundo, ay nagmula sa silid ng kanyang kapatid. Ang silid na dati ay simbolo ng pagmamahal at pagkakaisa, ngayon ay nagiging isang pugad ng pagtataksil at panloloko."Max, sayo na ako. Bakit ayaw mong makipaghiwalay kay Pea?" Mapang-akit ang boses ng kapatid, at ang kanyang desperadong paghingal ay may bantas na daing.Ang mga salitang iyon, ang mga salitang nagpapatunay sa kanyang pinakamalalim na takot, ay tumama sa kanya na parang isang kidlat. Ang kanyang kapatid, ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ng buong puso, ang babaeng itinuring niyang kaibigan at kapatid, ay nagtataksil sa kanya."Will you stop bringing that up in bed? You'r

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 62

    Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Ang bawat pagsikat ng araw ay nagdadala ng bagong pag-asa, bagong lakas, at bagong pasasalamat sa aking puso. Ang aking asawa, si William, ay tuluyan nang gumaling mula sa kanyang karamdaman. Ang bawat araw na nakikita ko siyang naglalakad, nakangiti, at nagkukuwentuhan ay isang himala, isang regalo mula sa Panginoon. Ang aking pasasalamat ay walang hangganan. Ang aking puso ay nag-uumapaw sa kagalakan dahil binigyan Niya ng pangalawang buhay ang aking mahal."Chocolate," ang masuyong boses ni William, na nagpapaalala sa akin ng kanyang pagmamahal sa matamis. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakayakap sa aking likuran, marahan din nitong hinihimas ang hindi ko pa kalakihan na umbok na tiyan. “Yes, im pregnant. Limang buwan na akong buntis,” kaya mas pinili namin na magbakasyon na lang muna para masulo namin ang isa't-isa. Ang kanyang kayap ay nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal at proteksyon. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan,

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 61

    Nasa labas lamang ako ng operating room kung saan inooperahan ang asawa kong si William. Ang aking mga paa ay parang gawa napako sa sahig bg hospital, hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang aking mga mata ay nakatuon sa pulang ilaw na nagmumula sa loob ng silid, isang ilaw na sumisimbolo ng pag-asa at takot sa parehong oras. Halos mawalan ako ng malay nang makita ko ang dugo mula sa katawan ng aking asawa. Ang dugo na iyon, ang dugo ng lalaking minamahal ko ng buong puso, ay nagmula sa isang bala na dapat ay para sa akin. Siya ang nabaril ni Elina, sinalo ng aking asawa ang bala na dapat ay tumama sa akin. “Ikaw ang dapat mamatay!” sigaw ni Elina at nakita ko kung paano nito iputok ang baril na hawak sa akin, ngunit ganon na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita William. Sa isang iglap, si William ay tumakbo sa harap ko, itinulak ako palayo sa panganib. Ang putok ng baril ay nag-ingay sa buong paligid, ang bala ay tumama sa dibdib ni William. “William!” Malakas kong siga

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 60

    Elina POV Napuno ng tensyon ang sitwasyon sa pagdating ng mga kaibigan ni William. Ngunit mas hinigpitan ko ang kapit sa babae hawak-hawak ko ngayon at mas diinan ko pa ang tutok ng baril sa sentido nito. “Subukan, ninyo lamang lumapit siguradong sabog ang utak ng babaeng ito,” pagbabanta ko sa mga kaibigan ni William na dahan-dahan lumalapit sa akin. Habang lumalapit ang mga ito. Umatras naman ako habang kapit-kapit pa rin ang asawa ng taong pinakamamahal ko. "Elina, bitawan mo 'yang baril!" nakikiusap na saad ni William sa akin at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala na kahit kailan ay hindi ko nakita noon. Sunod-sunod akong umiling habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit, hindi mo na lamang ulit ako?!” lumuluhang sambit ko. “Diba? Nagmamahalan naman tayo! Bakit ngayon ang hirap mong mahalin? Kasalanan bang ibigin kang muli na dating akin ka naman? Ngunit dumating lang ang bwesit na babaeng ito.” Naglaho na parang bola ang pagmamahal mo sa akin!” madamdamin kong

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 59

    "Please, Elina, nakikiusap ako, tama na!" nakikiusap ni William sa babae, na pareho nating alam na walang nangyari sa ating dalawa."No!" mariin nitong sagot habang patuloy na umiiling. "Anak mo ang dinadala ko!" giit pa niya habang kita sa mukha ni Elina ang matinding galit."William, anak mo ito. Bakit ayaw mong maniwala! Hindi ba mahal mo naman ako? Noon pa tayo dalawa ang nagmamahalan at nangako sa isa't-isa na magsasama hanggang sa dulo ng ating buhay?" mariing sinabi ni Elina habang nakatitig sa mukha ng dating kasintahan."Oo, nagkasundo tayo. Noon. Ngunit ano ang ginawa mo? Mas pinili mo ang lokohin at saktan ako kaysa sa mahalin ako. Binigay ko ang lahat ngunit hindi ka nasiyahan at naghanap ka pa ng ibang lalaki. Sana matanggap at mapatawad kita kung isang beses mo lang ako niloko, ngunit hindi. Maraming pagkakataon na nagpaka-tanga ako para hindi masira ang ating relasyon, pero sa kabila ng aking pasensya at pagtitiis, nauubos din pala kaya napapagod na ako.“Ako na ang nak

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 58

    "Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ng babae, mataray na binalingan ako at tinaasan ang kanyang kilay.Natatawa na lamang ako sa sarili habang tinitingnan ang babae. Parang ang lakas ng loob nito na magtanong kung ano ang ginagawa niya sa opisina ng aking asawa.Nginitian ko siya at tinapatan ang kanyang mapanuring tingin."Luh! Dapat ako ang magtanong niyan sa'yo! Anong ginagawa mo dito sa opisina ng aking asawa!" pinagdiinan ko ang salitang "asawa" para malaman ng babae na alam kong siya ang hindi dapat nandito.Ngunit sa halip na matinag ang babae, ngumisi pa ito at tila nanalo na kung umasta sa akin."Ah, ikaw pala ang asawa ni William," sabi ng babae, kasabay ng kanyang paglapit sa amin ni William.Tumango ako, “Oo ako, nga!” seryoso sagot ko sa ex ng aking asawa.Bumaling ng tingin ni Elina kay William, nginisian pa nito ang aking asawa tila may nais ipahiwatig at alam na alam ko kung ano ibig nitong sabihin.At naiirita ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin asawa n

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 57

    Pagkarating nila sa company agad silang bumababa ni William sa kotse ng iparada nito sa parking area ang sasakyan.Hawak kamay silang pumasok sa loob ng company.Halos lahat ng employee binabati silang dalawa.“Good morning, ma'am Belyn at sir William!” nakangiti bati ng mga staff.“Good morning guys!” tugon nilang mag-asawa.Napangiti ako sa mainit na pagtanggap ng mga empleyado ng aking asawa sa amin pagdating. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Balik-bati ko sa mga ito na puno ng kasiyahan ang puso ko.nagpapasalamat rin nag aking asawa sa mga staff nito at binati rin ang mga empleyado. "Salamat sa inyong lahat! Masaya kami na makita kayong lahat ngayong umaga," sabi ni William sa mga staff nito.Habang naglalakad sila patungo sa kanilang mga opisina, hindi maiwasang mapansin hawakan ni William ang kamay ng asawa niya ng mahigpit. ang pagkakapit ng kamay nilang dalawa ni Belyn isang munting senyales ng pagkakaisa at suporta sa isa't isa.Napapangiti na lamang ako sa pinaggagawa ng a

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 56

    William pov Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi habang pababa ng hagdan. Labis ako natuwa sa nalaman hindi ako ang totoong ama ng dinadala ni Elena at hindi ko rin ito ginagalaw ng gabing sinasabi nitong may nangyari sa amin dalawa. Sa hotel kung saan ako naroon ng panahon nasa macau ako.Ang laki ng pasasalamat ko sa aking asawa na si Belyn, napakatalino nito ang lahat at sa lahat ng tumulong para malaman ang totoo. Ito rin ang dahilan para sabihin nito ang totoo pagkatao sa akin. hindi naman ako nagalit kung naglihim naman ito sa akin ng katauhan nito. Na isa itong agent at nagtatrabaho sa malaking organisasyon. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil alam ko naman kung saan ito nabibilang isa lang ang humahawak sa aking asawa wala iba kundi ang pinsan kong si Agatha.Pagbaba ko ng hagdan ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kusina upang ipagluto ng masarap na almusal ang asawa ko.Naabutan ko sina manang pati na rin ang ibang kasambahay na naghahanda ng ag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status