Share

chapter 7

Author: Tiraycute062
last update Huling Na-update: 2023-07-14 12:07:59

Napatingin silang lahat ng may humintong dalawang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Ganoon na lamang ang gulat ng bumaba sa parehas na sasakyan ang dalawa gwapong nilalang walang iba kundi si Mayor Montel at si Luiz Velasquez. Ang isa sa mga mayayaman na tao dito sa bayan nila. Pasimple ko tiningnan ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay paatras na kung maglakad tila tatakas ang mga ito.

"Ang gwapo talaga ni Mayor, pati na si Mr. Velasquez!" Komento ng mga kababaihan kita sa mga ito ang paghanga sa mga bagong dating na bisita ni Belyn.

"Maganda, araw po Mayor," naririnig niyang bati ng mga tao sa mga bagong dating.

"Magandang araw din po sa inyong lahat!" Nakangiti tugon ng Mayor nila sa mga kapitbahay at bisita.

Nakita niyang naglakad si William patungo sa dalawa bagong dating na bisita. Kaya ang mga tilian ng kababaihan ay lalo pang umingay ang paligid ng magsama ang tatlo.

Ang mga kababaihan naman ay parang mga bulateng inasinan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Naririnig pa nga niya ang bulungan ng mga tao sa kanilang paligid.

"Grabe ang gwapo talaga ng magkakaibigan na 'yan?!” wika ng isang dalaga.

"Oo nga halos lahat sa kanila walang tapon. Napaisip nga ako kung bakit napangasawa ni Belyn ang isang William Hernandez?” parinig naman ng isa na kinataas ng kanyang kilay, impakta talaga ang mga kapitbahay nila.

"Kaya nga, siguro ginayuma ni Belyn, kaya napangasawa niya.” Dagdag na gatong ng isang pa kasamahan nito.

Lalapitan sana niya ang grupo ng mga kababaihan ng mahagip ng paningin niya ang dalawa kaibigan na nakayuko naglalakad patungo sa likod bahay nila.

Bago niya puntahan ang dalawa, narinig pa niya ang boses ng binata na kausap ang kanyang ina.

"Mama Ed's, Okay lang po ba na iniimbitahan ko po ang mga kaibigan ko?” Pagpapaalam ng binata sa kanyang ina.

Pinaikot niya ang kanyang mata, nandito na nga mga kaibigan at pinagkaguluhan na ng kanyang mga kapitbahay.

“Nag paalam pa siya ng lagay na yan ah!” Aniya sa kanyang isipan.

"Oo, naman hijo," rinig naman niyang tugon ng Mama niya sa binata.

"Hoy, kayong dalawa saan kayo pupunta ah? Gulat niyang at natatawang tanong sa magpinsan na halos itago na ang mga katawan huwag lang makita ng mga bagong dating na bisita.

"Ay Palaka…!" Gulat na sambit ni Rina ng magsalita siya sa likuran ng mga ito.

"Sss," ani ni Rina habang ang hintuturo nito nakalagay sa labi,pinapahiwatig nitong huwag siyang maingay.

"Ano kaba naman Belyn!? aatakihin ako sa puso sa ginawa mo, eh!" Panenermon na saad ni Rina.

"Ang ingay mong bruha ka!!” inis na sabi naman ni Em sa kanya.

"Bakit kasi nagtatago kayo?" Tanong pa niya sa dalawa dalaga.

"Ay talagang nagtatanong ka pa no?!” asar pang muli wika ng kaibigan.

"Hindi mo ba nakikita yung mga bagong dating ah!?” gigil na anas pa nito habang pasimple tinitingnan ang kausap ng kanyang asawa.

"Si mayor lang naman ang bagong dating at ang kasama nitong kaibigan na mga asawa ninyo?” May diing turan niya sa dalawa.

"Bunganga mo Belyn!" Nanlalaking matang sita ni Em sa kanyang.

"Kainis! bakit kasi pumunta pa ang mga yan rito?!” Nakaangal na wika naman ni Rina.

"Ewan ko!?” sagot pa niya sa dalawa.

"Narinig ko nagpaalam si William kay mama na inimbitahan niya daw ang mga kaibigan niya kaya siguro narito ang mga 'yan!" Balewalang sagot niya sa dalawang kaharap.

"Andito ka lang pala?" Baritonong boses ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.

Dahan-dahan sila tatlo lumingon, nakita nila ang dalawa lalaki kasama ang asawa niya nakatayo di kalayuan sa kanilang tatlo magkakaibigan.

"Tatakasan nyo ba kami?" seryoso tanong pa ng mga ito sa kanilang tatlo.

Nagkatinginan silang tatlo, at hindi alam kung ano isasagot mabuti na lang talaga malayo kami sa mga bisita kung hindi lagot na talaga.

Umayos silang ng tayo ng kanyang mga kaibigan habang nakikipag titigan sa tatlong lalaki. Totoo nga ang sinabi ng iba na wala itulak kabigin sa mga ito, Lahat ay walang tapon may kanya kanyang kakisigan at gwapong taglay ang bawat isa.

"Kainis ka Belyn!! kung hindi mo kami hinarangan ni Rina nakatakas na sana kami!." Gigil na bulong ni Em sa kanya.

"Bakit ako ang sinisisi mo, ah!?" taas kilay na balik-tanong sa kanyang kaibigan.

"Ang ingay mo kasi, kaya tayo nahuli!" Segunda naman ni Rina sa pinsan nito.

"Kung may balak kayo takasan kami ay huwag na ninyo tangkain pa? Dahil mahihirapan lamang kayong mahahanap at mahahanap namin kayo? kahit saan man kayo magpunta!." Sambit ni Mayor Montel sa kanila at mariing nitong tiningnan si Em. Habang papalapit sa aming tatlo.

"Ahh..ehh! Hindi naman kami tatakas ah!" kinakabahang sagot ng kaibigan sa tanong ng lalaki kaharap na nila ngayon.

"Siguraduhin niyo lang!" Malamig na wika naman ng isang lalaki nakatingin kay Rina.

Matamaan lang naman siya tinitingnan ng kanyang asawa.

"Okay balik na tayo sa party baka hinahanap na tayo ni Mama Ed's!” singit naman wika ng asawa niya nagulat pa siya ng lumapit ito sa kanyang tabi sabay hawak sa palapulsuhan niya, napaindat siya dahil sa boltahe ng kuryente ang naramdaman niya sa paghawak ng binata sa kanyang palapulsuhan.

"Sandali!" Pigil niya rito.

Lumingon naman ang binata sa kanya at nakita niya sa mukha nito pagtataka.

"Why!?" Maikling tanong nito. At tila nagtataka dahil sa pag kunot ng noo.

"Sinong may sabi sayong hawakan mo ang aking kamay ha?!" Mataray niyang saad sa binata.

"Hindi ibig sabihin na tanggap ka ng magulang ko bilang asawa, ay may karapatan ka ng hawakan ako?" Asar na sambit pa niya sa lalaki.

Nagkatitigan sila dalawa, ngunit siya rin ang unang bumawi ng tingin rito dahil hindi niya matagalan ang mga titig ng binata na para siyang natutunaw kapag nakatingin sa mga mata nitong parang chocolate.

Huminga muna ito ng malalim pagkatapos ay naka pamayawang na humarap sa kanya.

"Okay fine!! kung ayaw mo magpahawak di wag!" Asar na sagot nito pagkatapos tumalikod na at naglakad palayo sa kanya ang binata.

Bigla naman siya nakaramdam ng guilty sa sinabi niya sa lalaki. Pero mas okay na 'yon dahil ayaw niya may maramdaman para rito. Aniya sa kanyang isipan.

Dumating na rin pala ang kanyang Ama, may mga kasama itong katrabaho. Lalapitan sana niya ang kanyang magulang ng magulat siyang may humarang sa kanyang daraan at bigla na lang siyang niyakap nito. Hindi agad siya makapag react, sa pagkagulat niya.

"Belyn!" bulong na tawag nito sa kanyang pangalan habang patuloy pa rin siyang niyayakap ng mahigpit.

Naririnig niya ang mga bulongan ng mga taong nakakita sa kanila.

"Grabe kahit nandyan ang asawa nakipag yakapan siya sa iba!" narinig niyang salita ng ibang bisita.

"Kaya nga!" Segunda naman ng iba.

Naitulak niya ang lalaking pangahas na yumakap sa kanya bigla.

"Sino ka?!" Galit na taning niya habang pinagmamasdan niya ang lalaki gwapo ito at matangkad sa kaniya pero mas gwapo pa rin si chocolate. Ani ng kanyang isipan.

"Belyn, ikaw nga!" hindi makapaniwala saad nito.

"Ang tagal natin hindi nagkita?" Masaya turan pa nito sa kanyang harapan at hinawakan pa siya sa magkabilang balikat.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa lalaki na tuwang tuwa.

"Sandali lang ha, Mr hindi kita kilala eh! at sino kaba na bigla na lamang yumakap?!! Angil niya rito.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" Tila may halo pagtatampo ang boses ng lalaki.

"Hindi!?" Maikling sagot niya.

"Ako ito si Jepoy, yung kababata mo?" Anas pa nito sa kanya.

"Jepoy, yung lagi may uhog sa ilong?!" Bigkas niya rito habang tinitigan ang kaharap na binata.

Sunod-sunod naman tumango ang binata, at sumilay rito ang ngiti sa labi.

"Oo, ako nga!!" Masayang tugon nito pagkatapos ginulo ang kanyang buhok.

"Nakakapag tampo ka naman hindi mo ako naalala!?" Malungkot na anas pa ni Jepoy.

"Sorry, medyo nag iba kasi ang mukha mo kaya hindi kita na tandaan." hinging paumanhin niya habang napapakamot sa ulo niya.

"Ikaw nga hindi din kita nakilala ang ganda muna ngayon ah! At may laman na ang katawan mo hindi ka na mukhang tingting!" Natatawa wika nito at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.

"Ay, grabe ka naman Jepoy, anong tingting sinasabi mo riyan, ah?

"Kawayan naman ako noon, kahit paano may laman ang katawan ko!?” Nakanguso sagot niya rito.

Wala siyang pakialam kahit mag bulongan ang mga kapitbahay nila, wala naman siyang masama ginawa.

"Saka gumanda ka na ngayon ah!” puri pa ng binata sa kanya.

"Bakit hindi ba ako maganda noon!? kung makapagsalita ka sa akin!" sinusungitan niya ito.

Masaya siyang makita muli ang kababata, mas lumaki pa ang katawan nito at gumwapo pa ngunit sa taglay nitong kagwapuhan ay hindi ito pagkakamalang berde ang dugo nito dahil isang binabae ang kanyang kababata.

Akmang yayakapin muli siya ni Jepoy nang may humila sa kanyang baywang. Napatingin siya kung sino at madilim na mukha ni William ang kanyang nabungaran.

"Hindi ka ba nahihiya!? Nakikipag yakapan ka sa iba tapos kung makipag usap ka tila kayo lang ang tao sa paligid!?” Pabulong ngunit may diing sabi nito sa kaniya.

"Diba ayaw mong mag pahawak sa kamay? Bakit pumapayag kang yakapin ng bwisit na lalaking ito!?" Dagdag na sabi pa nito na kami lang dalawa ang nakakarinig.

Wala siyang maisagot sa sinabi ng binata sa kanya, hindi naman niya alam na yayakapin siya ni Jepoy hindi ba niya nakita na bigla na lang ito sumulpot sa daan at pagkatapos niyakap na siya ng kababata. Sabi lang niya sa kanyang isipan.

Nang wala siyang maisagot ay pinisil nito ang kanyang beywang. Napaigtad siya sa ginawa nitong pag pisil, tatanggalin sana niya ang kamay nito nakahawak sa kanyang balakang ngunit lalong lang hinigpitan ang pagkakahawak nito. Napatingin siya sa binata seryoso lamang itong nakatingin kay Jepoy. At tila naghahamon ng away ang itsura.

"Sino siya?" Takang tanong ni Jepoy habang nakatingin rin kay William.

"Asawa niya ko bakit!?" Si William ang sumagot sa tanong ni Jepoy.

Napatingin rin sa kanya si Jepoy at waring kinaklaro kung totoo ba ang sinasabi ni William.

"Totoo ba ang sinabi niya Belyn!? Asawa mo ang lalaking ito!?" Hindi makapaniwala tanong pa ng kababata niya sabay turo kay William.

Tumango siya kay Jepoy.

"Yes, may problema ba doon kung ako ang asawa ni Belyn?!” Walang gatol na sagot nito kay Jepoy.

"Grabe may nagkamali sayo? Hindi makapaniwala tanong ni Jepoy, tila inaasar siya sa klase ng pagtawa ng kanyang kababata.

Aba't ang baklitang ito kung makatawa parang wala akong karapatan na mag asawa ah, sabihin kaya niya sa magulang nito ang dugo ng anak nila hindi pula kundi berde. Salita niya sa kanyang isipan. Mamaya ka sa aking bakla ka.

"Masamid ka sana baklita ka!." mahinang bulong niya.

"Aba, ano tingin mo sa akin ah na hindi ako pwede mag asawa!?” Inis niyang tugon rito at masamang titigan ang lalaki.

Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi bagkus tumingin lang ito sa kanyang tabi at nag pakilala.

"Hi, pre Jepoy nga pala," sabay lahat ng kaliwang kamay nito sa harapan ni William.

Tiningnan muna ng kanyang asawa ang kamay ni Jepoy na nakalahad sa kanilang harapan. Akala nga niya hindi nito tatanggapin ang pakikipag kamay ng kababata niya. Bahagya lang ito nakipag kamay at agad din binitawan ng binata ang kamay ni Jepoy. Napatingin naman siya sa kababata, nakita niyang bahagya itong kinilig, kaya ng tumingin sa gawi niya ay binigyan ito ng matinding irap at nagbabantang tingin.

Nginisian lamang siya nito.

“Bwisit kang bakla ka malilintikan ka talaga sa akin!” Bulong niya sa kanyang sarili. Hanggang sa kantahan na siya ng mga bisita ng happy birthday. Sabay noon ang pag ihip niya sa kandila ng cake marahan siyang pumikit at nang wish. At ng siya ay namulat nagkatinginan sila ng binata. Ngumiti ito sa kanya ngunit sinimangutan lang niya ito.

"Happy birthday anak!" Sabay na bati ng kanyang magulang at pagkatapos lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Bumulong pa ang kanyang Ina, "anak ang wish ko sana bigyan mo na kami ng apo ng papa mo, para may inaalagaan naman na akong baby."

"Ma!" ani niya sa ina na tila binigyan ito ng pabalang.

"Oh, bakit hindi ka na bumabata Anak? kami naman ng Papa mo hindi na rin bumabata may edad na kami. Panahon na siguro para bigyan ninyo kami ng apo ni William, anak?" Nakangiti saad pa nito.

"Mama, wala pa po sa isip ko ang bagay na yan!" Sagot na lang niya sa ina.

"Hay sus…kailan ba papasok sa isipan mo ang bumuo ng sariling pamilya?” palatak pa ng ginang sa anak na si Belyn.

"Hindi mo ba napapansin na si lord na ang gumagawa ng paraan para makapag asawa kana?” Mariing saad pa ng kanyang ina.

"Basta Ma, huwag na ho muna nating pag usapan pa tumataas ang balahibo ko kapag naiisip ko ang mga bagay na yan.” Anii pa niya sa ina.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fritz Ecasama
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 8

    Habang pagabi ay humupa na rin ang mga tao sa kanila. Iilan na lang ang natitira mga kainuman na lang ng kanyang Ama, ang tanging naiwan ay si Jepoy, dahil ang dalawa niyang kaibigan ay tumakas na at tinakasan sina Mayor, pati ang kasama nitong kaibigan na asawa ni Rina. Natatawa na nga lang siya sa kanyang sarili, dahil habang busy sa pag kain ang mga bisita ay tumatakas naman ang dalawa sa likod bahay namin. Nagtext pa si Rina na dapat daw bukas ng madaling araw ay bihis na siya para pumunta sa kabilang bayan kung saan gaganapin ang kasal ni Rizza. Walang nagawa si na Mayor kundi umalis upang sundan ang mga asawa ng mga ito."Hoy, bruha saan mo naman nakilala ang asawa mo!?” Bulong na tanong ni Jepoy sa kaniya."Yawa ka, hindi kita ma reach! Isang Hernandez pa ang napangasawa mo, ganda ka te?!” Pang aasar pa nito na tila hindi makapaniwala na naging asawa niya ang isa sa pinakamayaman tao sa bayan nila.Sino ba naman ang hindi susuwertihin kung isang sikat at tanyag na billionaire

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 9

    Belyn, samahan mo na si William sa kwarto mo malalim na ang gabi." saad ni Ginang Ed's sa anak nito."Hijo, dito ka na lang muna matulog ha!" Delikado na kung uuwi ka pa sa bahay mo. At mukhang uulan pa? Baling naman ni Ginang Ed's sa manugang nito."Naku, Ma huwag na po," tangging saad ng binata. "Kaya ko pa naman pong umuwi." magalang ng binata kay ginang Ed's."Hindi, hijo dito ka na lang muna aba'y lumalakas na ang ulan sa labas tapos hatinggabi na bukas na lang ng maaga ka umalis, ah sige kami ng ama ninyo ay aakyat na rin sa itaas, Belyn huwag mo paalisin yang asawa mo ha malilintikan ka talaga sa akin anak?" bilin ni ginang Ed's sa anak nito at binigyan ng babalang tingin."Opo Ma," tipid lang na sagot ng Anak."Siya sige kami rin ay matutulog na," sagot pa ng ginang at tuluyan na nga umakyat ang magulang niya sa kwarto ng mga ito.Naiwan sila dalawa ni William sa sala kapwa sila tahimik wala gusto mag salita. Huminga muna si belyn ng malalim bago mag salita."Huwa

    Huling Na-update : 2023-07-15
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 10

    Nang pumasok si William sa loob ng kwarto ng kanyang asawa ay hindi niya ito nakita. Narinig na lamang niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napatingin siya paligid ng silid. Simple lang ang ayos ng kwarto. Hindi nga lang ganoon kalaki. Humakbang siya papalapit sa kama. Dahil sa tama ng alak ay nahihilo na rin. Dala ng pagod sa maghapon, nakakaramdam na siya ng antok. Humiga muna siya sa kama upang ipikit lamang ang mga mata ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kama ng asawa.Naalimpungatan siya nang may maramdaman siyang kumagat sa kanyang pisngi. Kaya agad siyang nag mulat ng mga mata. "Shit!" mura niya nang kinagat siya ng lamok. Napatingin siya sa may maliit na sofa dito sa loob ng kwarto ng asawa. Nakita niya itong nakahiga roon at balot ng kumot ang buong katawan nito.Nagbuntong-hininga na lamang siya. Isipin na mas gusto pa nitong matulog sa maliit na sofa para lang hindi siya makatabi nito sa pagtulog.Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa

    Huling Na-update : 2023-07-18
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 11

    "Shit! Para bang mga aso ang mga 'yan kahit na saan tayo magpunta nandoon din ang tatlong kupal...!"mahina at mariing bulong ni Rina.Napatingin din si Belyn kung saan nakatingin ang kaibigan at nakita nga niya sa katabing lamesa ang asawa niya kasama ang ibang mga kaibigan nito.Nasa table din ng mga ito ang Governor ng lalawigan nila, hindi niya akalaing mag kakilala pala ang mga ito. Tila nga nagsama-sama ang mga mayayamang tao sa kasal ni Rizza at Isagani. Napatingin ang asawa niya sa kanya, ngumiti ito ngunit inirapan lamang niya ang lalaki. "Masasabi ko talagang ang liit ng mundo!" Buntong-hininga saad ni Em. Ng nakaupo na sila tatlo."Oo nga eh, maliit talaga nakipaghalikan ka na nga kanina sa simbahan,eh?! Komento ni Rina sa pinsan nito."Hoy!" bruha hindi ko kagustuhan na halikan ako ng lalaking 'yon, ah!" Pagtatanggol naman ni Em sa kanyang sarili."Sinabi mo eh!" May magagawa ba ako?! Balewalang sagot pa ni Rina sa pinsan nito.Na ngayon ay namumula ang mukha dahil naa

    Huling Na-update : 2023-07-19
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 12

    Dahan-dahan nag mulat ng mga mata si Belyn. At ganoon na pang ang gulat niya ng nasa isang magandang kwarto na siya. "Shit, nasaan ako?! Bulalas na tanong pa niya sa kanyang sarili habang sapo-sapo nito ang dalawang kamay ang kanyang ulo niya. At bumalik ang lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay tao, dahil may nagtakip sa kanyang ilong, upang mawalan siya ulirat."Malaman ko lang kung sino ang gumawa nito sa akin. Siguraduhin kong babalatan ko siya ng buhay." Galit na turan pa niya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama. At napatingin siya sa buong paligid, napagtanto niyang siya lamang ang naroon sa loob ng silid."Teka nasaan ang mga kaibigan ko?" Nilukob siya ng kaba at pag alala para sa kanyang mga kaibigan. Dahil hindi niya kasama ang mga ito sa loob ng kwarto kung saan siya naroon. Kaya agad siyang tumayo sa kama at akmang maglalakad na sa may pintuan ng bumukas ito. Ganoon na lang pag lalaki ng kanyang mga mata ng makilala kung sino ang pumasok."Ikaw!?" G

    Huling Na-update : 2023-07-20
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 13

    Nakatingin lamang siya sa kamay nila mag-asawa, habang bumababa sila sa hagdan patungo sa komedor. Hindi malaman ni Belyn kung bakit apektado siya sa ginawang paghalik ng lalaki kanina. At ang hindi pa niya maintindihan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Na ngayon lamang nangyaring."Shit!" Siguro kailangan ko pumunta sa doctor upang magpa check up. Baka may sakit na ako sa puso?" Aniya sa kanyang isipan.Nang makarating na sila sa komedor, ay hawak pa rin nito ang kanyang mga kamay, "Good morning, manang Helen!" Bungad na bati ni William sa dalawa tao na nasa komedor. Napalingon ang mga ito."Good morning din po senyorito at senyorita!" magalang na bati ng mga ito sa kanila."Manang Helen ito pala ang asawa ko si Belyn Daragoza Hernandez po." Nakangiti pag papakilala ng lalaki sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil kahit sa kasamahan nito sa bahay pinapakilala siyang asawa."Napakaganda naman ng asawa mo Hijo!" Nakangiti puri ng ginang sa kaniya."Kaya nga kuya William, ang ganda

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 14

    Nang masiguro na nilang maayos na ang lahat ng dadalhin nila papunta sa bukid ay pumasok na sila sa sasakyan. Akala ni Belyn na unang pumasok ang kanyang asawa ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang may humawak sa kanyang braso upang makasakay siya sa loob ng sasakyan. Napatingin siya kung sino. Walang iba kundi ang kanyang asawa.Saglit siyang natigilan at napatitig sa mukha ng kanyang asawa habang inaayos nito ang paglalagay ng seatbelt sa kanyang katawan. Kaya amoy na amoy niya ang panglalaki nitong pabango."Ayan, ayos na!" masayang wika nito nang mailagay na ang seatbelt at sabay angat ng tingin. Huling huli nito na nakatitig siya. Kaya agad siyang napaiwas ng tingin at sa ibang direksyon ito ibinaling.Tumaas lamang ang sulok ng labi ni William sabay sabi ng, "Sobra ba akong gwapo, Chocolate, kung kaya natulala ka na?" natatawang sabi pa nito sa kanya."A-ano?" mariing tanong niya at napatingin muli sa lalaki. "Sinong may sabi sa'yong gwapo ka?""Ikaw. 'Yon ang nakikita ko s

    Huling Na-update : 2023-07-23
  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 15

    Huwag mo nga akong dinadaan sa pangbobola riyan!" nakataas-kilay na saad niya. "Oh, baka sinabi mo rin 'yan sa kababata mong si Glory, 'no?" nakaismid na saad pa niya sa asawa.Ngunit nginisian lamang siya ng lalaki. Lumapit ito sa kanya para hawakan ang kanyang mga kamay."Anong nginingiti mo diyan?"Ngumiti muna ito sa kanya bago magsalita. "Wala lang. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may isang taong nagseselos!" nakangising sagot pa nito."Aba't— sinong magseselos? Ako?" turo niya pa sa kanyang sarili."Yes, ikaw. Sino pa ba?"Napatawa siya dahil sa sinabi nito. "Nagpapatawa ka ba, Mister? Ako? Nagseselos sa'yo? Kapal ng mukha mo para sabihan akong nagseselos! Kahit nga maghalikan pa kayong dalawa, wala akong pakialam sa inyo, 'no!" asar na sambit pa niya."Talaga lang ha! Hindi ka magselos kahit halikan ko si Glory sa harapan mo?" pabulong na wika nito at mas nilapit pa ang mukha nito sa kanyang mukha kaya langhap na langhap niya ang mabangong hininga ng lalaki."At talagang may

    Huling Na-update : 2023-07-28

Pinakabagong kabanata

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 2 book2 Secret Indentity

    Chapter 2 Sa isang maliit na bakery shop na puno ng masasarap na amoy ng sariwang tinapay, kasalukuyan inaayos ni Cedrick, ang mga bagong lutong tinapay sa estante ng kanyang breky, abala siya sa paghahanda ng kanyang mga produkto nang biglang nakita niya ang isang babaeng may matamis na ngiti na nakatayo sa entrada ng kanyang tindahan."Hi, lover boy," nakangiti wika ng babae. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ng pagiging mapang-akit."Hi, miss beautiful," magiliw na tugon niya. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" nakangiti saad naman ni Cedrick sa babae. Ang kanyang mga mata ay pasimple hinagod ang malulusog na dibdib nito, halos wala na itong tinatago. Sa sobrang ikli ng suot nito, kaunting galaw lang ay panigurado kita na ang kaluluwa ng babae."Wala naman," sagot ng babae, ang boses ay bahagyang nanginginig. Ang kanyang mga mata nito marahang hinagod ng tingin si Cedrick.“Gusto, ko lang bumili ng mga tinapay,” mapang-akit na wika ng babae.“Sabi raw nila napakasarap daw ng mga

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 1 book 2 Secret Indentity

    Ang Pagbagsak ng TiwalaHalos hindi makagalaw si Peanut dahil sa nasaksihan niyang pangluluko ng kanyang kapatid at nobyo na si Max. Sa mismong silid ng kapatid niya, kitang-kita ang kababoyan ng mga ito. Hindi naman sana niya makikita ang dalawang taksil kung hindi niya narinig ang ingay ng mga ito.Ang ingay na iyon, ang ingay na nagpabagsak sa kanyang mundo, ay nagmula sa silid ng kanyang kapatid. Ang silid na dati ay simbolo ng pagmamahal at pagkakaisa, ngayon ay nagiging isang pugad ng pagtataksil at panloloko."Max, sayo na ako. Bakit ayaw mong makipaghiwalay kay Pea?" Mapang-akit ang boses ng kapatid, at ang kanyang desperadong paghingal ay may bantas na daing.Ang mga salitang iyon, ang mga salitang nagpapatunay sa kanyang pinakamalalim na takot, ay tumama sa kanya na parang isang kidlat. Ang kanyang kapatid, ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ng buong puso, ang babaeng itinuring niyang kaibigan at kapatid, ay nagtataksil sa kanya."Will you stop bringing that up in bed? You'r

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 62

    Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Ang bawat pagsikat ng araw ay nagdadala ng bagong pag-asa, bagong lakas, at bagong pasasalamat sa aking puso. Ang aking asawa, si William, ay tuluyan nang gumaling mula sa kanyang karamdaman. Ang bawat araw na nakikita ko siyang naglalakad, nakangiti, at nagkukuwentuhan ay isang himala, isang regalo mula sa Panginoon. Ang aking pasasalamat ay walang hangganan. Ang aking puso ay nag-uumapaw sa kagalakan dahil binigyan Niya ng pangalawang buhay ang aking mahal."Chocolate," ang masuyong boses ni William, na nagpapaalala sa akin ng kanyang pagmamahal sa matamis. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakayakap sa aking likuran, marahan din nitong hinihimas ang hindi ko pa kalakihan na umbok na tiyan. “Yes, im pregnant. Limang buwan na akong buntis,” kaya mas pinili namin na magbakasyon na lang muna para masulo namin ang isa't-isa. Ang kanyang kayap ay nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal at proteksyon. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan,

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 61

    Nasa labas lamang ako ng operating room kung saan inooperahan ang asawa kong si William. Ang aking mga paa ay parang gawa napako sa sahig bg hospital, hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang aking mga mata ay nakatuon sa pulang ilaw na nagmumula sa loob ng silid, isang ilaw na sumisimbolo ng pag-asa at takot sa parehong oras. Halos mawalan ako ng malay nang makita ko ang dugo mula sa katawan ng aking asawa. Ang dugo na iyon, ang dugo ng lalaking minamahal ko ng buong puso, ay nagmula sa isang bala na dapat ay para sa akin. Siya ang nabaril ni Elina, sinalo ng aking asawa ang bala na dapat ay tumama sa akin. “Ikaw ang dapat mamatay!” sigaw ni Elina at nakita ko kung paano nito iputok ang baril na hawak sa akin, ngunit ganon na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita William. Sa isang iglap, si William ay tumakbo sa harap ko, itinulak ako palayo sa panganib. Ang putok ng baril ay nag-ingay sa buong paligid, ang bala ay tumama sa dibdib ni William. “William!” Malakas kong siga

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 60

    Elina POV Napuno ng tensyon ang sitwasyon sa pagdating ng mga kaibigan ni William. Ngunit mas hinigpitan ko ang kapit sa babae hawak-hawak ko ngayon at mas diinan ko pa ang tutok ng baril sa sentido nito. “Subukan, ninyo lamang lumapit siguradong sabog ang utak ng babaeng ito,” pagbabanta ko sa mga kaibigan ni William na dahan-dahan lumalapit sa akin. Habang lumalapit ang mga ito. Umatras naman ako habang kapit-kapit pa rin ang asawa ng taong pinakamamahal ko. "Elina, bitawan mo 'yang baril!" nakikiusap na saad ni William sa akin at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala na kahit kailan ay hindi ko nakita noon. Sunod-sunod akong umiling habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit, hindi mo na lamang ulit ako?!” lumuluhang sambit ko. “Diba? Nagmamahalan naman tayo! Bakit ngayon ang hirap mong mahalin? Kasalanan bang ibigin kang muli na dating akin ka naman? Ngunit dumating lang ang bwesit na babaeng ito.” Naglaho na parang bola ang pagmamahal mo sa akin!” madamdamin kong

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 59

    "Please, Elina, nakikiusap ako, tama na!" nakikiusap ni William sa babae, na pareho nating alam na walang nangyari sa ating dalawa."No!" mariin nitong sagot habang patuloy na umiiling. "Anak mo ang dinadala ko!" giit pa niya habang kita sa mukha ni Elina ang matinding galit."William, anak mo ito. Bakit ayaw mong maniwala! Hindi ba mahal mo naman ako? Noon pa tayo dalawa ang nagmamahalan at nangako sa isa't-isa na magsasama hanggang sa dulo ng ating buhay?" mariing sinabi ni Elina habang nakatitig sa mukha ng dating kasintahan."Oo, nagkasundo tayo. Noon. Ngunit ano ang ginawa mo? Mas pinili mo ang lokohin at saktan ako kaysa sa mahalin ako. Binigay ko ang lahat ngunit hindi ka nasiyahan at naghanap ka pa ng ibang lalaki. Sana matanggap at mapatawad kita kung isang beses mo lang ako niloko, ngunit hindi. Maraming pagkakataon na nagpaka-tanga ako para hindi masira ang ating relasyon, pero sa kabila ng aking pasensya at pagtitiis, nauubos din pala kaya napapagod na ako.“Ako na ang nak

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 58

    "Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ng babae, mataray na binalingan ako at tinaasan ang kanyang kilay.Natatawa na lamang ako sa sarili habang tinitingnan ang babae. Parang ang lakas ng loob nito na magtanong kung ano ang ginagawa niya sa opisina ng aking asawa.Nginitian ko siya at tinapatan ang kanyang mapanuring tingin."Luh! Dapat ako ang magtanong niyan sa'yo! Anong ginagawa mo dito sa opisina ng aking asawa!" pinagdiinan ko ang salitang "asawa" para malaman ng babae na alam kong siya ang hindi dapat nandito.Ngunit sa halip na matinag ang babae, ngumisi pa ito at tila nanalo na kung umasta sa akin."Ah, ikaw pala ang asawa ni William," sabi ng babae, kasabay ng kanyang paglapit sa amin ni William.Tumango ako, “Oo ako, nga!” seryoso sagot ko sa ex ng aking asawa.Bumaling ng tingin ni Elina kay William, nginisian pa nito ang aking asawa tila may nais ipahiwatig at alam na alam ko kung ano ibig nitong sabihin.At naiirita ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin asawa n

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   chapter 57

    Pagkarating nila sa company agad silang bumababa ni William sa kotse ng iparada nito sa parking area ang sasakyan.Hawak kamay silang pumasok sa loob ng company.Halos lahat ng employee binabati silang dalawa.“Good morning, ma'am Belyn at sir William!” nakangiti bati ng mga staff.“Good morning guys!” tugon nilang mag-asawa.Napangiti ako sa mainit na pagtanggap ng mga empleyado ng aking asawa sa amin pagdating. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Balik-bati ko sa mga ito na puno ng kasiyahan ang puso ko.nagpapasalamat rin nag aking asawa sa mga staff nito at binati rin ang mga empleyado. "Salamat sa inyong lahat! Masaya kami na makita kayong lahat ngayong umaga," sabi ni William sa mga staff nito.Habang naglalakad sila patungo sa kanilang mga opisina, hindi maiwasang mapansin hawakan ni William ang kamay ng asawa niya ng mahigpit. ang pagkakapit ng kamay nilang dalawa ni Belyn isang munting senyales ng pagkakaisa at suporta sa isa't isa.Napapangiti na lamang ako sa pinaggagawa ng a

  • Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita   Chapter 56

    William pov Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi habang pababa ng hagdan. Labis ako natuwa sa nalaman hindi ako ang totoong ama ng dinadala ni Elena at hindi ko rin ito ginagalaw ng gabing sinasabi nitong may nangyari sa amin dalawa. Sa hotel kung saan ako naroon ng panahon nasa macau ako.Ang laki ng pasasalamat ko sa aking asawa na si Belyn, napakatalino nito ang lahat at sa lahat ng tumulong para malaman ang totoo. Ito rin ang dahilan para sabihin nito ang totoo pagkatao sa akin. hindi naman ako nagalit kung naglihim naman ito sa akin ng katauhan nito. Na isa itong agent at nagtatrabaho sa malaking organisasyon. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil alam ko naman kung saan ito nabibilang isa lang ang humahawak sa aking asawa wala iba kundi ang pinsan kong si Agatha.Pagbaba ko ng hagdan ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kusina upang ipagluto ng masarap na almusal ang asawa ko.Naabutan ko sina manang pati na rin ang ibang kasambahay na naghahanda ng ag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status