"Grabe nakakapagod!" bulalas na wika ni Em habang paupo ito sa sofa nina Belyn.
Kasabay rin nitong umupo ang pinsan niyang si Rina. Magkatabi silang dalawa at si Belyn naman ay nasa isahang sofa."Ay napagod ka? Hindi halata, 'no? Parang kami lang dalawa ni Rina ang nagkikilos sa loob ng kusina. Panay kain lang naman ang inatupag mo. Tapos nagreklamo ka pa!" pasaring na wika niya Belyn sa kanyang kaibigan.Sumimangot naman ang kanyang kaibigan. "Aba, bruha ka! Nakakapagod kaya tumikim ng mga nilulutong pagkain ni Mama Eds?" nakangusong katwiran pa nito sa dalawang kaibigan."Anong nakakapagod doon, ah? Pagtikim lang naman ginawa mo. Mabuti nga nabusog ka pa kaysa pagod," ani naman ni Rina kay Em.Magsasalita pa sana siya nang may nag-doorbell sa labas ng bahay nila. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo para tingnan sa labas kung sino.Nakakunot ang noo ni Belyn nang may mga tao siyang nakita sa labas ng gate nila. Agad siyang lumapit sa kanilang gate para malaman kung anong kailangan ng mga ito."Sino po sila?" marahan niyang tanong sa mga ito."Ma'am, kayo po ba si Belyn Daragoza?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ito ng white polo shirt at ganoon rin ang iba nitong mga kasama, kahit ang dalawang kasama nitong babae."Yes, ako nga po ano po kailangan nila?" magalang na balik-tanong pa ni Belyn sa kausap nitong lalaki."Ako si Apolo!" pagpapakilala nito sa kanya."Kami po ang tinawagan ni Mr, William Hernandez, para daw po mag-catering kami sa birthday ng kanyang asawa na si Belyn Daragoza!" paliwanag nito sa dalaga."What?!" takang tanong niya sa kaharap."Sandali lang wala naman siyang sinabi sa akin na nagpa-catering siya!" Nagtataka talaga niyang saad sa mga ito.Mababakas din sa mga mukha ng kaharap ang pagtataka."Nako s–" magsasalita pa sana si Belyn sa kaharap nito ng tumunog ang kanyang cellphone.Kaya agad niyang sinagot ito kahit hindi pa nakikita kung sino ang caller."Hello!" sagot ni Belyn sa kabilang linya."Hi, chocolate!" baritonong boses ng nasa kabilang linya.Napakunot ang noo ko nang mabosesan ko ito. Walang iba kundi ang h*******k na lalaking si William."Hoy, magaling na lalaki ka!" Taas boses na wika niya sa kabilang linya."Bakit nagpadala ka pa ng catering services rito sa bahay namin?" mariing wika niya sa lalaki. "Hindi ko naman na kailangan pang ng ganito, eh dahil nakapagluto na kami ng aking handa," dagdag na bulyaw ng dalaga sa kausap nitong si William."Chocolate, wala namang masama kung magpadala ako ng catering services d'yan sa bahay ninyo. Asawa kita at kaarawan mo," may karapatan naman akong gawin 'yon di ba, mahinahon na sagot ng lalaki sa dalaga."Yon na nga, eh. Hindi ko naman sinabi sa—" putol naman ang sasabihin ni Belyn dahil bigla muling nagsalita si William sa kabilang linya."Relax, kagustuhan kong na magpadala ng catering services kaya sa ayaw at gusto mo, tanggapin mo na 'yang simpleng regalo ko sa'yo," seryoso saad ng binata sa kanya pagkatapos ay binabaan ng tawag si Belyn."Bastos!" inis na inis niyang sigaw sa kabilang linya dahil hindi man lang siya nakasagot.Kahit nagngingitngit sa asar sa lalaki ay wala naman siyang magagawa kundi papasukin na ang grupo ni Apolo para i-set-up na nila ang mga pagkain pati para maayos na rin ng mga ito ang venue."Anong meron? Nagpa-catering services ka?" panabay na tanong ng dalawa niyang kaibigan at nasa boses ng mga ito ang pagtataka."Kung alam lang namin na nagpa-catering ka, 'di sana hindi na kami napagod sa pagluluto kanina," ani ni Rina habang nakatingin sa mga taong isa isang pinapasok ang mga gamit sa kanilang mine garden."Loka! Hindi ako nagpa-catering niyan 'no," mariing sagot niya rito."Ano ako tanga, pagkatapos kong mag pagod sa pagluluto. Magpacatering ako," nakairap na saad niya."Ang lintik na lalaking 'yon. Nunca maggastos ako sa catering at wala naman akong ibang bisita kundi kayo lang dalawa. Bakit pa ako magpapa-catering?!" dagdag na turan pa niya sa mga ito."Ang sweet naman ng asawa mo. Talagang nagpaganyan pa para sa birthday mo. Tingnan mo. Sikat na restaurant pa ang nag-catering sa kaarawan mo, Belyn!" tuksong wika ni Em sa kaibigan."Tigilan mo ako, Em. Baka itong inis ko sa hudyong lalaking 'yon ay sa iyo ko ibunton!" may diin na saad niya sa kaibigan.Nag-akto naman na nag-zipper ng bibig si Em.Iniwan niya ang dalawa sa labas, para pumasok sa loob ng kabahayan upang ipaalam sa ina na may pinadalang catering services ang William na 'yon.Samantalang sa opisina ni William napapailing na lamang ito nang ibaba ang hawak na cellphone sa ibabaw ng kanyang table. Pagkatapos kasi nitong kausapin ang asawa para ipaalam rito ang ginawa niyang pag-hire sa isang sikat na restaurant sa kanilang bayan upang mag-catering sa birthday ng babae."Kakaiba talaga ang babaeng 'yon," wala sa sariling saad niya habang paupo siya sa kanyang swivel chair. Bumalik na siya sa kanyang trabaho. Nais niyang matapos agad ang paperworks niya para makapunta siya sa bahay ng kanyang asawa.Napaangat siya ng ulo nang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.Hindi siya tumugon, bagkus pinagpatuloy lamang niya ang pagpirma sa mga papel na kailangang matapos agad.Bahagyang bumukas ang pinto, at iniluwa noon ang kanyang secretary na si Jordan."Sir," ani nito sa kanya. "Yes, Mr Pelar!" maikling sagot niya rito habang hindi tinitingnan ang kanyang secretary."Sir, may bis–" hindi na natapos ng kanyang secretary ang sasabihin nito ng pumasok sa kanyang opisina si Elena."I told you na busy ako, Mr, Pelar!" mariing kausap niya sa binatang secretary. Sabay lipat ng tingin niya sa bagong dating na dalaga."Sorry po, Sir. Sinabi ko naman po kay Miss Elina na busy kayo. Kaso nais daw po kayong makausap," nauutal na paliwanag nito sabay yuko."Sige, ako na ang bahala sa kanya. Pwede ka na ulit bumalik sa table mo," seryosong turan ng lalaki sa secretary nito.Tumango lamang si Jordan sa kanyang boss, pagkatapos ay isinarado na ang pintuan ng office ng kanyang boss."Anong kailangan mo, Elina? Sabihin mo na. Ang dami kong pang kailangang tapusin," walang ganang wika niya sa dalagang papalapit sa kanyang pwesto."Ah, naparito ako upang ayain ka sana lumabas, honey!" mapang-akit na wika ni Elina sa binata."Don't call me that," may diing wika nito."Why? Mag-boyfriend and girlfriend pa naman tayo, honey!" malandi pang wika ni Elina Kay William."Matagal na tayong tapos, Elina. Ipaalala ko lang sa'yo noong niloko mo ako. Matagal ko nang tinapos kung ano man ang namagitan sa atin. At pwede ba umalis ka na? Dahil inaabala mo ako sa aking trabaho!" inis na wika pa ng lalaki sa dalagang kaharap.Sadyang makulit ang kanyang ex-girlfriend. Nagawa pa nga nitong lumapit sa kanyang likuran at akmang hahawakan siya nito. Agad namang tumayo si William sa pagkakaupo. Umiwas siya sa akmang paghawak ng ex niya."Please, it's a pity to stop me. We've done it a long time ago!" wika niya at madiin niyang sabi pa sa dalaga."May asawa na ako, Elina, at hindi magandang makita tayong dalawa rito sa loob. Baka biglang pumunta 'yon at kung ano pang isipin sa ating dalawa," dagdag na turan niya."What?!" sigaw nito sa nalaman. "No, hindi ako papayag. Dapat ako lang ang asawa mo, William. Walang iba!" histerikal na saad pa nito. Nakikita ni William ang galit sa mukha ng dating nobya."Im sorry, Elina. Ang atin ay matagal nang tapos. Makakahanap ka rin ng lalaking para sa'yo, kaya please lang. Mag-move on ka na!" sincere niyang wika rito. "At pwede bang tigilan mo na ang pagpunta rito sa office ko? Hindi ka ba napapagod sa tuwing pupuntahan mo ako pinagtatabuyan lamang kita?" dagdag na sambit pa ng lalaki rito."No! Please, William. Bumalik ka na sa akin. Kung may nagawa akong kasalanan noon, patawarin mo ako. Aaminin ko naging marupok ako, dahil nawawalan ka na ng time para sa akin. Kaya nagawa ko ang bagay na 'yon," lumuluhang saad pa nito sa kanya. "Ngayon, nandito na ulit ako. Ibalik na lang natin ang dati. Please, honey," pakiusap pa nito kay William at akmang hahawakan ang kamay ng binata.Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang lalaki bago alisin ang pagkakawak ni Elena sa kanya. Mataman niyang tinitingnan ang dating nobya.Noon ay mahal na mahal niya ito. Almost 8 years ang naging relasyon nilang dalawa. Inaamin naman niya may pagkukulang siya sa babae, noong mga panahong sila pa. Dahil naging busy siya sa trabaho. Ngunit kahit ganoon ay ginagawa niya ang lahat para maging masaya lamang ito. Ibinigay niya ang luho, ano mang hilingin nito sa kanya. Pero ganoon talaga. May mga taong hindi makuntento kung ano ang meron sila.Nahuli niya itong may kahalikang iba. Noong unang ay gumawa ito ng kasalanan sa kanya. Pinalampas lang niya dahil siya rin ang may kasalanan, ngunit akala niya ay hindi na mauulit pa. Hanggang sa naging dalawa, tatlo, at paulit-ulit na lang ang ginagawa nito sa kanya. Ang huli ay nakita niya itong nakikipagtalik sa mismong condo ng babae kaya minabuti na lang niyang tapusin na ang lahat sa kanila ng dalaga. Oo, masakit sa kanya dahil minahal niya ang dalaga sa 8 years na iyon. Pero parang kapatid na lang ang tingin niya rito ngayon."Hindi na natin maibabalik pa ang dating tayo. Dahil hindi na mabubuo pa ang relasyon na sa umpisa pa lang ay may basag na. Tulad na lang sa bagay kapag nasira na, mahirap nang ibalik pa!" makahulugang sambit pa niya sa dalaga. "I have to go. Kailangan ko nang puntahan ang asawa ko!" Pinagdiinan pa ni William ang salitang asawa.Kinuha muna niya ang gamit pagkatapos ay iniwan ang ex sa loob ng kanyang opisina. Kahit sinigaw nito ang kanyang pangalan ay hindi siya nag-abala pang lumingon dito."Mr. Pelar, ikaw na ang bahala rito. May pupuntahan ako. Kapag tapos ka na ay pwede ka na ring umuwi," paalam ni William sa kanyang secretary."Okay po, sir. Ingat po kayo!" magalang pang wika sa kanya at yumuko pa ito tanda ng paggalang.Tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya rito. Pagkatapos ay tinalikuran na ang kanyang secretary at pumasok sa private elevator.Sa loob ng opisina ni William, naroon pa rin ang dalagang si Elena. Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi ni William na may asawa na ito. Bakit hindi niya nalaman? At sino ang babaeng yon? Gigil na saad pa niya sa sarili habang nakakuyom ang kamao."Hindi ako papayag na kung sino lang na babae ang papakasalan mo, William. Dapat ako lang. Ako lamang ang nararapat sa'yo!" mariing wika pa nito pagkatapos ay nagmadali siyang lumabas sa opisina ng dating nobyo.Nakita pa niya ang secretary ng binata agad siyang lumapit dito."Sinong demonyitang babae ang pinakasalan ng amo mo?" galit na wika ni Elina sa secretary ni William."Ano po, ma'am?!" bakas sa mukha nito ang pagtataka."Bingi ka ba? Ang sabi ko, sinong babae ang pinakasalan ng amo mo?!" sigaw pa nitong muli."Sorry po, ma'am. Hindi ko po alam ang tinutukoy ninyo. Wala naman pong sinasabi si Sir William na nag-asawa na siya!" mahinahong katwiran pa nito kay Elina."Sinungaling!" galit na sigaw pa nito. "Alam kong pinagtatakpan mo lamang ang boss mo," giit na wika pa ng dalaga rito."Hindi ko po talaga alam, ma'am. Wala akong alam sa sinasabi ninyong asawa ni Sir William!" sagot pang muli nito.Totoo naman talagang wala siyang alam sa sinasabi ng dating nobya ng kanyang boss. Marahil ay sinabi lang ng kanyang boss na may asawa na siya upang tigilan na siya ng ex-girlfriend nito. Dahil araw-araw kasi itong pumunta sa office ng kanyang amo. Kaya siguro ay nagawa na nitong magsinungaling upang lubayan na ito."Siguraduhin mo lang na totoo ang sinabi mo. Kapag hindi at nagkabalikan kami ng amo mo, ako mismong magsasabi kay William na tanggalin ka na!" pagbabanta pa ni Elina sa binatang secretary.At walang paalam na nilisan nito ang opisina ng dating nobyo.Napapailing na lamang si Jordan sa ugali ng babae. "Kaya siguro iniwanan ni Sir William ang babaeng 'yon. Sayang. Ang ganda ng mukha. Pero ang ugali naman ay masama!" iling na komento pa ni Jordan bago rin umalis upang umuwi na.Nakasimangot pa rin si Belyn habang tinatanaw sa labas ang mga taong nag-aayos ng catering na ipinadala ng hudyo niyang asawa."Kainis! Imbes na wala kaming bisita, magkakaroon pa dahil sa hinayupak na lalaking 'yon," asar na wika niya."Nako! Nako talaga! Kung maaari ko lang tirisin ang tukmol na lalaking baliw na iyon ay ginawa ko na!" sambit pa ni Belyn sa kanyang sarili.Ayaw kasi niya ng maraming tao at lalo't alam naman niyang chismosa ang kanilang kapitbahay. Hindi naman nilalahat ng dalaga. Meron kasi na mapaggawa ng kwento na hindi alam ang totoo. 'Yun ang ayaw na ayaw ng dalaga. Kaya umiiwas siya sa maraming tao."Ma!" tawag niya sa kanyang ina na busy sa ginagawa nitong pag-aayos sa ibang handa."Oh, bakit, anak?" Bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin ng ina."Mama, talaga bang inimbintahan mo ang ating mga kapitbahay?" tanong niya kay Ginang Eds.Wala naman kasi silang kamang anak na malapit nasa malayong lugar ang kapwa pamilya ng mama at papa niya.Alam kasi ng gi
Napatingin silang lahat ng may humintong dalawang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Ganoon na lamang ang gulat ng bumaba sa parehas na sasakyan ang dalawa gwapong nilalang walang iba kundi si Mayor Montel at si Luiz Velasquez. Ang isa sa mga mayayaman na tao dito sa bayan nila. Pasimple ko tiningnan ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay paatras na kung maglakad tila tatakas ang mga ito."Ang gwapo talaga ni Mayor, pati na si Mr. Velasquez!" Komento ng mga kababaihan kita sa mga ito ang paghanga sa mga bagong dating na bisita ni Belyn."Maganda, araw po Mayor," naririnig niyang bati ng mga tao sa mga bagong dating."Magandang araw din po sa inyong lahat!" Nakangiti tugon ng Mayor nila sa mga kapitbahay at bisita.Nakita niyang naglakad si William patungo sa dalawa bagong dating na bisita. Kaya ang mga tilian ng kababaihan ay lalo pang umingay ang paligid ng magsama ang tatlo.Ang mga kababaihan naman ay parang mga bulateng inasinan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Naririnig p
Habang pagabi ay humupa na rin ang mga tao sa kanila. Iilan na lang ang natitira mga kainuman na lang ng kanyang Ama, ang tanging naiwan ay si Jepoy, dahil ang dalawa niyang kaibigan ay tumakas na at tinakasan sina Mayor, pati ang kasama nitong kaibigan na asawa ni Rina. Natatawa na nga lang siya sa kanyang sarili, dahil habang busy sa pag kain ang mga bisita ay tumatakas naman ang dalawa sa likod bahay namin. Nagtext pa si Rina na dapat daw bukas ng madaling araw ay bihis na siya para pumunta sa kabilang bayan kung saan gaganapin ang kasal ni Rizza. Walang nagawa si na Mayor kundi umalis upang sundan ang mga asawa ng mga ito."Hoy, bruha saan mo naman nakilala ang asawa mo!?” Bulong na tanong ni Jepoy sa kaniya."Yawa ka, hindi kita ma reach! Isang Hernandez pa ang napangasawa mo, ganda ka te?!” Pang aasar pa nito na tila hindi makapaniwala na naging asawa niya ang isa sa pinakamayaman tao sa bayan nila.Sino ba naman ang hindi susuwertihin kung isang sikat at tanyag na billionaire
Belyn, samahan mo na si William sa kwarto mo malalim na ang gabi." saad ni Ginang Ed's sa anak nito."Hijo, dito ka na lang muna matulog ha!" Delikado na kung uuwi ka pa sa bahay mo. At mukhang uulan pa? Baling naman ni Ginang Ed's sa manugang nito."Naku, Ma huwag na po," tangging saad ng binata. "Kaya ko pa naman pong umuwi." magalang ng binata kay ginang Ed's."Hindi, hijo dito ka na lang muna aba'y lumalakas na ang ulan sa labas tapos hatinggabi na bukas na lang ng maaga ka umalis, ah sige kami ng ama ninyo ay aakyat na rin sa itaas, Belyn huwag mo paalisin yang asawa mo ha malilintikan ka talaga sa akin anak?" bilin ni ginang Ed's sa anak nito at binigyan ng babalang tingin."Opo Ma," tipid lang na sagot ng Anak."Siya sige kami rin ay matutulog na," sagot pa ng ginang at tuluyan na nga umakyat ang magulang niya sa kwarto ng mga ito.Naiwan sila dalawa ni William sa sala kapwa sila tahimik wala gusto mag salita. Huminga muna si belyn ng malalim bago mag salita."Huwa
Nang pumasok si William sa loob ng kwarto ng kanyang asawa ay hindi niya ito nakita. Narinig na lamang niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napatingin siya paligid ng silid. Simple lang ang ayos ng kwarto. Hindi nga lang ganoon kalaki. Humakbang siya papalapit sa kama. Dahil sa tama ng alak ay nahihilo na rin. Dala ng pagod sa maghapon, nakakaramdam na siya ng antok. Humiga muna siya sa kama upang ipikit lamang ang mga mata ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kama ng asawa.Naalimpungatan siya nang may maramdaman siyang kumagat sa kanyang pisngi. Kaya agad siyang nag mulat ng mga mata. "Shit!" mura niya nang kinagat siya ng lamok. Napatingin siya sa may maliit na sofa dito sa loob ng kwarto ng asawa. Nakita niya itong nakahiga roon at balot ng kumot ang buong katawan nito.Nagbuntong-hininga na lamang siya. Isipin na mas gusto pa nitong matulog sa maliit na sofa para lang hindi siya makatabi nito sa pagtulog.Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa
"Shit! Para bang mga aso ang mga 'yan kahit na saan tayo magpunta nandoon din ang tatlong kupal...!"mahina at mariing bulong ni Rina.Napatingin din si Belyn kung saan nakatingin ang kaibigan at nakita nga niya sa katabing lamesa ang asawa niya kasama ang ibang mga kaibigan nito.Nasa table din ng mga ito ang Governor ng lalawigan nila, hindi niya akalaing mag kakilala pala ang mga ito. Tila nga nagsama-sama ang mga mayayamang tao sa kasal ni Rizza at Isagani. Napatingin ang asawa niya sa kanya, ngumiti ito ngunit inirapan lamang niya ang lalaki. "Masasabi ko talagang ang liit ng mundo!" Buntong-hininga saad ni Em. Ng nakaupo na sila tatlo."Oo nga eh, maliit talaga nakipaghalikan ka na nga kanina sa simbahan,eh?! Komento ni Rina sa pinsan nito."Hoy!" bruha hindi ko kagustuhan na halikan ako ng lalaking 'yon, ah!" Pagtatanggol naman ni Em sa kanyang sarili."Sinabi mo eh!" May magagawa ba ako?! Balewalang sagot pa ni Rina sa pinsan nito.Na ngayon ay namumula ang mukha dahil naa
Dahan-dahan nag mulat ng mga mata si Belyn. At ganoon na pang ang gulat niya ng nasa isang magandang kwarto na siya. "Shit, nasaan ako?! Bulalas na tanong pa niya sa kanyang sarili habang sapo-sapo nito ang dalawang kamay ang kanyang ulo niya. At bumalik ang lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay tao, dahil may nagtakip sa kanyang ilong, upang mawalan siya ulirat."Malaman ko lang kung sino ang gumawa nito sa akin. Siguraduhin kong babalatan ko siya ng buhay." Galit na turan pa niya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama. At napatingin siya sa buong paligid, napagtanto niyang siya lamang ang naroon sa loob ng silid."Teka nasaan ang mga kaibigan ko?" Nilukob siya ng kaba at pag alala para sa kanyang mga kaibigan. Dahil hindi niya kasama ang mga ito sa loob ng kwarto kung saan siya naroon. Kaya agad siyang tumayo sa kama at akmang maglalakad na sa may pintuan ng bumukas ito. Ganoon na lang pag lalaki ng kanyang mga mata ng makilala kung sino ang pumasok."Ikaw!?" G
Nakatingin lamang siya sa kamay nila mag-asawa, habang bumababa sila sa hagdan patungo sa komedor. Hindi malaman ni Belyn kung bakit apektado siya sa ginawang paghalik ng lalaki kanina. At ang hindi pa niya maintindihan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Na ngayon lamang nangyaring."Shit!" Siguro kailangan ko pumunta sa doctor upang magpa check up. Baka may sakit na ako sa puso?" Aniya sa kanyang isipan.Nang makarating na sila sa komedor, ay hawak pa rin nito ang kanyang mga kamay, "Good morning, manang Helen!" Bungad na bati ni William sa dalawa tao na nasa komedor. Napalingon ang mga ito."Good morning din po senyorito at senyorita!" magalang na bati ng mga ito sa kanila."Manang Helen ito pala ang asawa ko si Belyn Daragoza Hernandez po." Nakangiti pag papakilala ng lalaki sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil kahit sa kasamahan nito sa bahay pinapakilala siyang asawa."Napakaganda naman ng asawa mo Hijo!" Nakangiti puri ng ginang sa kaniya."Kaya nga kuya William, ang ganda
Chapter 2 Sa isang maliit na bakery shop na puno ng masasarap na amoy ng sariwang tinapay, kasalukuyan inaayos ni Cedrick, ang mga bagong lutong tinapay sa estante ng kanyang breky, abala siya sa paghahanda ng kanyang mga produkto nang biglang nakita niya ang isang babaeng may matamis na ngiti na nakatayo sa entrada ng kanyang tindahan."Hi, lover boy," nakangiti wika ng babae. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ng pagiging mapang-akit."Hi, miss beautiful," magiliw na tugon niya. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" nakangiti saad naman ni Cedrick sa babae. Ang kanyang mga mata ay pasimple hinagod ang malulusog na dibdib nito, halos wala na itong tinatago. Sa sobrang ikli ng suot nito, kaunting galaw lang ay panigurado kita na ang kaluluwa ng babae."Wala naman," sagot ng babae, ang boses ay bahagyang nanginginig. Ang kanyang mga mata nito marahang hinagod ng tingin si Cedrick.“Gusto, ko lang bumili ng mga tinapay,” mapang-akit na wika ng babae.“Sabi raw nila napakasarap daw ng mga
Ang Pagbagsak ng TiwalaHalos hindi makagalaw si Peanut dahil sa nasaksihan niyang pangluluko ng kanyang kapatid at nobyo na si Max. Sa mismong silid ng kapatid niya, kitang-kita ang kababoyan ng mga ito. Hindi naman sana niya makikita ang dalawang taksil kung hindi niya narinig ang ingay ng mga ito.Ang ingay na iyon, ang ingay na nagpabagsak sa kanyang mundo, ay nagmula sa silid ng kanyang kapatid. Ang silid na dati ay simbolo ng pagmamahal at pagkakaisa, ngayon ay nagiging isang pugad ng pagtataksil at panloloko."Max, sayo na ako. Bakit ayaw mong makipaghiwalay kay Pea?" Mapang-akit ang boses ng kapatid, at ang kanyang desperadong paghingal ay may bantas na daing.Ang mga salitang iyon, ang mga salitang nagpapatunay sa kanyang pinakamalalim na takot, ay tumama sa kanya na parang isang kidlat. Ang kanyang kapatid, ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ng buong puso, ang babaeng itinuring niyang kaibigan at kapatid, ay nagtataksil sa kanya."Will you stop bringing that up in bed? You'r
Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Ang bawat pagsikat ng araw ay nagdadala ng bagong pag-asa, bagong lakas, at bagong pasasalamat sa aking puso. Ang aking asawa, si William, ay tuluyan nang gumaling mula sa kanyang karamdaman. Ang bawat araw na nakikita ko siyang naglalakad, nakangiti, at nagkukuwentuhan ay isang himala, isang regalo mula sa Panginoon. Ang aking pasasalamat ay walang hangganan. Ang aking puso ay nag-uumapaw sa kagalakan dahil binigyan Niya ng pangalawang buhay ang aking mahal."Chocolate," ang masuyong boses ni William, na nagpapaalala sa akin ng kanyang pagmamahal sa matamis. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakayakap sa aking likuran, marahan din nitong hinihimas ang hindi ko pa kalakihan na umbok na tiyan. “Yes, im pregnant. Limang buwan na akong buntis,” kaya mas pinili namin na magbakasyon na lang muna para masulo namin ang isa't-isa. Ang kanyang kayap ay nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal at proteksyon. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan,
Nasa labas lamang ako ng operating room kung saan inooperahan ang asawa kong si William. Ang aking mga paa ay parang gawa napako sa sahig bg hospital, hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang aking mga mata ay nakatuon sa pulang ilaw na nagmumula sa loob ng silid, isang ilaw na sumisimbolo ng pag-asa at takot sa parehong oras. Halos mawalan ako ng malay nang makita ko ang dugo mula sa katawan ng aking asawa. Ang dugo na iyon, ang dugo ng lalaking minamahal ko ng buong puso, ay nagmula sa isang bala na dapat ay para sa akin. Siya ang nabaril ni Elina, sinalo ng aking asawa ang bala na dapat ay tumama sa akin. “Ikaw ang dapat mamatay!” sigaw ni Elina at nakita ko kung paano nito iputok ang baril na hawak sa akin, ngunit ganon na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita William. Sa isang iglap, si William ay tumakbo sa harap ko, itinulak ako palayo sa panganib. Ang putok ng baril ay nag-ingay sa buong paligid, ang bala ay tumama sa dibdib ni William. “William!” Malakas kong siga
Elina POV Napuno ng tensyon ang sitwasyon sa pagdating ng mga kaibigan ni William. Ngunit mas hinigpitan ko ang kapit sa babae hawak-hawak ko ngayon at mas diinan ko pa ang tutok ng baril sa sentido nito. “Subukan, ninyo lamang lumapit siguradong sabog ang utak ng babaeng ito,” pagbabanta ko sa mga kaibigan ni William na dahan-dahan lumalapit sa akin. Habang lumalapit ang mga ito. Umatras naman ako habang kapit-kapit pa rin ang asawa ng taong pinakamamahal ko. "Elina, bitawan mo 'yang baril!" nakikiusap na saad ni William sa akin at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala na kahit kailan ay hindi ko nakita noon. Sunod-sunod akong umiling habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit, hindi mo na lamang ulit ako?!” lumuluhang sambit ko. “Diba? Nagmamahalan naman tayo! Bakit ngayon ang hirap mong mahalin? Kasalanan bang ibigin kang muli na dating akin ka naman? Ngunit dumating lang ang bwesit na babaeng ito.” Naglaho na parang bola ang pagmamahal mo sa akin!” madamdamin kong
"Please, Elina, nakikiusap ako, tama na!" nakikiusap ni William sa babae, na pareho nating alam na walang nangyari sa ating dalawa."No!" mariin nitong sagot habang patuloy na umiiling. "Anak mo ang dinadala ko!" giit pa niya habang kita sa mukha ni Elina ang matinding galit."William, anak mo ito. Bakit ayaw mong maniwala! Hindi ba mahal mo naman ako? Noon pa tayo dalawa ang nagmamahalan at nangako sa isa't-isa na magsasama hanggang sa dulo ng ating buhay?" mariing sinabi ni Elina habang nakatitig sa mukha ng dating kasintahan."Oo, nagkasundo tayo. Noon. Ngunit ano ang ginawa mo? Mas pinili mo ang lokohin at saktan ako kaysa sa mahalin ako. Binigay ko ang lahat ngunit hindi ka nasiyahan at naghanap ka pa ng ibang lalaki. Sana matanggap at mapatawad kita kung isang beses mo lang ako niloko, ngunit hindi. Maraming pagkakataon na nagpaka-tanga ako para hindi masira ang ating relasyon, pero sa kabila ng aking pasensya at pagtitiis, nauubos din pala kaya napapagod na ako.“Ako na ang nak
"Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ng babae, mataray na binalingan ako at tinaasan ang kanyang kilay.Natatawa na lamang ako sa sarili habang tinitingnan ang babae. Parang ang lakas ng loob nito na magtanong kung ano ang ginagawa niya sa opisina ng aking asawa.Nginitian ko siya at tinapatan ang kanyang mapanuring tingin."Luh! Dapat ako ang magtanong niyan sa'yo! Anong ginagawa mo dito sa opisina ng aking asawa!" pinagdiinan ko ang salitang "asawa" para malaman ng babae na alam kong siya ang hindi dapat nandito.Ngunit sa halip na matinag ang babae, ngumisi pa ito at tila nanalo na kung umasta sa akin."Ah, ikaw pala ang asawa ni William," sabi ng babae, kasabay ng kanyang paglapit sa amin ni William.Tumango ako, “Oo ako, nga!” seryoso sagot ko sa ex ng aking asawa.Bumaling ng tingin ni Elina kay William, nginisian pa nito ang aking asawa tila may nais ipahiwatig at alam na alam ko kung ano ibig nitong sabihin.At naiirita ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin asawa n
Pagkarating nila sa company agad silang bumababa ni William sa kotse ng iparada nito sa parking area ang sasakyan.Hawak kamay silang pumasok sa loob ng company.Halos lahat ng employee binabati silang dalawa.“Good morning, ma'am Belyn at sir William!” nakangiti bati ng mga staff.“Good morning guys!” tugon nilang mag-asawa.Napangiti ako sa mainit na pagtanggap ng mga empleyado ng aking asawa sa amin pagdating. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Balik-bati ko sa mga ito na puno ng kasiyahan ang puso ko.nagpapasalamat rin nag aking asawa sa mga staff nito at binati rin ang mga empleyado. "Salamat sa inyong lahat! Masaya kami na makita kayong lahat ngayong umaga," sabi ni William sa mga staff nito.Habang naglalakad sila patungo sa kanilang mga opisina, hindi maiwasang mapansin hawakan ni William ang kamay ng asawa niya ng mahigpit. ang pagkakapit ng kamay nilang dalawa ni Belyn isang munting senyales ng pagkakaisa at suporta sa isa't isa.Napapangiti na lamang ako sa pinaggagawa ng a
William pov Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi habang pababa ng hagdan. Labis ako natuwa sa nalaman hindi ako ang totoong ama ng dinadala ni Elena at hindi ko rin ito ginagalaw ng gabing sinasabi nitong may nangyari sa amin dalawa. Sa hotel kung saan ako naroon ng panahon nasa macau ako.Ang laki ng pasasalamat ko sa aking asawa na si Belyn, napakatalino nito ang lahat at sa lahat ng tumulong para malaman ang totoo. Ito rin ang dahilan para sabihin nito ang totoo pagkatao sa akin. hindi naman ako nagalit kung naglihim naman ito sa akin ng katauhan nito. Na isa itong agent at nagtatrabaho sa malaking organisasyon. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil alam ko naman kung saan ito nabibilang isa lang ang humahawak sa aking asawa wala iba kundi ang pinsan kong si Agatha.Pagbaba ko ng hagdan ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kusina upang ipagluto ng masarap na almusal ang asawa ko.Naabutan ko sina manang pati na rin ang ibang kasambahay na naghahanda ng ag