Kinatok ni aling Belen ang kwarto ni Albert upang bigyan ng mga dapat na obligasyon tungkol sa pinagbubuntis ni Devina. Dahil sagrado ito at kailangang may check up sa OB. "Kailangan bang kasama ako ma? Baka kaya naman niya." Tugon ni Albert habang tutok sa trabaho. "Aba'y natural, ano ka ba ng bata?" Sagot ng ina. "Pag-uusapan muna namin ni Devina tungkol diyan." "Hindi ka ba naaawa, kahit habang dugo palang ang anak mo at least may maganda ka nang ginawa sa kanya. Kahit hindi para kay Devina anak." Alo ni aling Belen. "Sasamahan ko naman siya depende sa schedule ng trabaho ko ma." Sagot muli ni Albert upang manahimik nalang ang ina.
"Nag paalam kana din ba sa matalik mong kaibigan, baka kasi sumugod siya doon sa atin eh." Patawang tanong ni Anthony."Oo kaninang lunch break, sinabi ko na." Sagot nito habang abala sa kapipindot sa kanyang cellphone.Tumango lang ito at agad pina andar na ang sasakyan.Ewan ba nila Melisa at Anthony kung bakit hindi na halos sila naiilang sa isa't-isa. May mga times na kasing nagbibiruan ang mga ito at sabay nagtatawanan. Siguro nga dahil padalas na silang nagkakasama. Kaya wala ding magiging problema sakaling umabot nga ng limang buwan na sila'y magkasama sa Korea. Halos kabisado na kasi nila ang bawat ugali nila. At dahil nakakaramdam na si Melisa ng antok ay wala itong magawa kundi ang umidlip saglit.KUMAWALA muna ng malalim na hining
Kakaibang kilig naman ang naramdaman ni Devina nu'ng hinawakan siya ni Albert sa kamay habang papasok ito sa sasakyan. Kahit alam niyang inalalayan lang siya nito pero para sa kanya ay kakaibang init na ang naramdaman niya. Sa unang pagkakataon ay sa wakas nahawakan siya si Albert. Hindi siya makapag salita dahil ramdam pa din niya ang kaba sa kanyang puso. Seryoso namang nag mamaneho si Albert wala itong gustong sabihin kay Devina. Hanggat narating na nila ang nasabing resort. "Sige mag-iingat ka nalang dito. Susunduin nalang kita kapag uuwi kana." Ani ni Albert na agad lumisan sa lugar. Naka ngiti namang pumasok si Devina patungo sa Front desk upang i-present ang kanyang pina-book kahapon. Maya-maya ay may tumawag ito sa kanya. "Uy Devina!" tawag ni Dona.
Lumipas pa ang ilang oras sa kanilang pag ku-kwentuhan tungkol kina Melisa at Devina kaya hindi nila namamalayan ang oras. SA WAKAS at nakarating na sila Anthony at Melisa. Ramdam ng dalawa ang pananakit sa kanilang mga likod at balakang sa kauupo. Umabot sila ng 14 hours kaya't mga alas-dyes na ng gabi sila nakarating. Ilang sandali pa ay naka baba na sila sa eroplano. "Ito na yata 'yung van na susundo sa atin papunta sa Hotel na pina reserved sa atin. Sandali at tatanungin ko." Ani ni Anthony. Sakto at iyong van nga ang susundo sa kanila. At laking gulat naman ni Anthony na isa ding Pinoy ang driver ng sumundo sa kanila. Agad itong binalikan ni Anthony si Melisa sa kanyang kinatatayuan. "S-siya ba ang susundo?" Utal na tanong ni Melis
Tahimik lang na tumango si Devina. At dahil gutom na nga ay agad itong kinuha ang isang bowl na ginataang kalabasa. "Ako na, mainit pa 'to at mabigat." Ani ni Albert na dahan-dahang sinandukan niya ang plato ni Devina. Hindi kumurap ang mga mata ni Devina, dahil hindi niya akalaing magagawa sa kanya 'yun ni Albert. Hindi kaya ay lumambot na ang puso nito sa kanya? Tama nga ang iniisip niya noon na baka mamahalin na din siya ni Albert dahil sa batang dala-dala niya. Hindi niya pinahalata ang kilig na nararamdaman niya. Parang mag-asawa na ito kung ituring siya. Pigil ang mga ngiti nito upang hindi makita ni Albert o ni aling Belen. Pakiramdam niyang tumatalon na ang kanyang puso sa mga oras na 'yun. Kapwa silang tatlo tahimik habang kumakain. Parang normal n
Matapos ang masinsinang pag-uusap ng dalawa, minabuti nalang munang magpaalam ni aling Marta para naman makahinga ng mabuti ito. Disappointed na kasi ito para kay Albert. Pero wala naman siyang magagawa baka hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ni Albert para sa anak. Tanaw-tanaw pa ni aling Belen ang kaibigan habang palabas iyon sa kanilang gate. Napalunok nalang ng laway si aling Belen para sa mga kahaharapin nila kay Melisa dahil tiyak nilang lalayo na ito. Sakto at pag pasok siya ng bahay saka ding lumabas si Devina. "Umalis na po 'yung kaibigan mo ma?" Tanong niya habang nagsusuklay sa basa niyang buhok. "Oo may gagawain pa daw kasi siya sa kanila." Tanging naisagot lang ni aling Belen at dumiretsyo ito sa kusina upang ayusin ang pinamili niya. "May pagkain na
"Oh bakit mukha ka yatang nalugi sa mukha mong 'yan Marta?" Puna ni 'tay Jose nang makita niyang tahimik sa sala ang asawa.Biglang inayos ni aling Marta ang mukha nito upang hindi mahalata ng asawa. "Nalugi? Naku kelan pa ba ako nalugi." Agad naman niyang sinundan ng tawa para naman mas lalong hindi mahalata ang dala-dalang problema."Eh kanina lang na pag alis mo papunta kay Belen ang saya-saya mo, nang dumating ka mukhang problemado kana." Agad namang umupo din siya sa tapat ng kinauupuan ni aling Belen."Ah baka napagod lang, medyo may katandaan na nga ako Jose." Pabiro nalang niyang sagot."Naku ganyan din ako, tumatanda na tayo. Pero hindi pa nag-aasawa ang anak natin. Baka malipasan na 'yun sa pag-aasawa dahil sa katatrabaho niya. Pero basta para sa'kin si Albert
Agad sumalubong ang mga kilay ni Melisa sa naging surpresa sa kanya ni Anthony. At saglit pa'y hindi na niya din napigilan ang pag guhit ng matamis na ngiti sa labi nito. Nanatili lang siyang tahimik habang iniikot ang mga mata sa mga palamuti sa kanyang dingding at sa kesame. Mga makukulay na lobo at ibat-ibang kulay ng mga bulaklak ang talagang nagpasaya sa mukha ng dalaga.Agad tumikhim si Anthony. "Nagustuhan mo ba?" Masayang tanong niya."O-oo, mukhang ngayon ko lang kasi 'to naranasan sa buhay ko." Sagot ni Melisa habang abalang hinahawakan ang mga bulaklak."You deserve it, because I just want you to be happy. Happy birthday again my. . .M-Melisa."Agad niyang kinabig ang dalaga upang mayakap ito.Tulala lamang si Melisa sa mga naging aksyon
Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi
Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n
Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando
NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si
Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang
"So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera
MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi
At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang
Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w