Halos mag-dadalawang oras na silang nag-iinuman kaya't medyo umiikot na ang paningin nilang tatlo. Palibhasa'y hindi mga sanay sa alak pero dahil minsan lang sila nagkakasama-sama kaya nilubos nila nito."Oh ano kaya pa, 'wag niyo ng ubusin yan kung hindi niyo kaya." Saad ni aling Belen na inaalalayan si Albert na mukhang matutumba na."Kaya pa ma, may isang case pa oh." Tugon ni Albert."Bulagta 'to mamaya at good luck bukas kung makakabangon kang hindi masakit ang ulo mo." Sabat naman ni Paulo na panay simot ng isda.Lumipas pa ang kalahating oras at sumuko na nga si Albert. Inalalayan pa siya ng kuya nito at ni Paulo na makapasok sa kanyang kwarto.Itinigil na din nila Sason at Paulo ang pag-iinum dahil hindi na din nila kayang ubusin ang natiti
Abala si aling Belen sa pagluluto ng kanilang almusal nang tinawag siya ni Albert. Suminyas ang binata na pumasok sa loob ng kwarto. Agad namang tinawag ni aling Belen si Kara upang siya muna ang magpatapos ng kanyang niluluto."Oh ano masakit na naman ulo mo anak. Uminum lang kasi ng tama." Bungad ng ina.Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Albert at agad niyang sinabi ang lahat tungkol sa nangyari.Ilang minuto bago natapos ni Albert na ikwento ang lahat. Pero si aling Belen ay walang humpay na mapaupo at mapatayo ng mga oras na 'yun. "Hinayaan ko muna siyang punasan ka pero dahil sa napagod ako bigla nalang akong nakatulog sa sala. Wala na sa isip ko na balikan ko kayo sa kwarto." Mamutla-mutlang paliwanag ng matanda.Tahimik pa din si Albert. Hindi naman niya masisisi
Chapter 31 Hindi naiwasang mapatili sa subrang kilig matapos naikwento ni Melisa kay Roxan ang lahat ng masasayang naranasan ni Melisa. Saglit niyang niyugyog ang mga braso ni Melisa dahil sa hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nito para sa pinsan. "Ano ka ba 'te, ayuko namang masyadong umasa. Malay natin iba ang itinadhana sa amin ni Albert." Agad napalis ang ngiti ni Melisa. "Naku huh, nahalikan ka na nga eh, hindi pa ba sapat 'yun? Baka nahihiya ding umamin si Albert sayo. Nag-aalala ka ba dahil nan'doon si Devina sa pamilya nila?" Muling tanong ni Roxan. Tumingala saglit sa kesame si Melisa. "Hindi naman sa gano'n, wala namang feelings si Albert sa kanya. Ang akin lang baka kaibigan lang talaga tingin sa akin nu'n at ako itong umaasa sa wala." S
"Baka nakakalimutan mo anak na kung hindi dahil sa papa ni Devina ay wala ka sa posisyon mong 'yan. Kung makikipag-usap ka kay Melisa doon ka sa malayo at nang hindi marinig ni Devina. Nakaka-awa na nga." Marahang bulong ni aling Belen kay Albert habang nag-aayos ng mga pinamili nila. Sumilip muna si Albert sa may sala nila baka kasi nakikinig si Devina sa kanilang pinag-uusap at bago ito sumagot sa ina. "Ma, hindi ko naman po nakakalimutan ang gano'ng bagay. Ang pangako ko naman kay sir is pakikisamahan ko lang pero labas doon ang kasal. Sa totoo lang naawa ako sa kanya dahil literal siyang namamalimos na mahalin ko siya. At isa pa ma pinipigilan kong magpakita sa kanya ng mabuti dahil baka mas lalo siyang mahulog sa akin, dahil masasaktan lang siya balang araw. "Uuwi na nga sana 'yun sa Manila. Kaso pinigilan ko dahil baka. . .Baka alam mo na." Ani n
Nang matapos na silang kumain saka namang pag labas ni Albert para ihatid sila sa airport. Ilang minuto pa'y nagsipag-paalam na ang mga ito sa kanilang ina. Hanggang sa tuluyan nang maka alis ang mga ito. Halos isang oras bago naka balik si Albert sa kanila. Tamang tama at gising na sina Devina at Paulo para sabay sabay kumain. "Ako na ang kukuha para sa akin Devina." Pigil ni Albert dito nang kukuha sana ang dalaga ng kanyang fresh milk upang lagyan ng kanyang baso. Bahagya lang itong naupo. Mga sandali lang ay parang nakaramdam ito ng panghihilo at mukhang bumabaliktad ang sikmura niya. Hindi niya lang mawari kung sa anong dahilan. "Bakit po mabaho ang sinangag?" Hindi na napigilang itanong ni Devina na halos buong ilong na nito ang tinatakpan niya.
Kinatok ni aling Belen ang kwarto ni Albert upang bigyan ng mga dapat na obligasyon tungkol sa pinagbubuntis ni Devina. Dahil sagrado ito at kailangang may check up sa OB. "Kailangan bang kasama ako ma? Baka kaya naman niya." Tugon ni Albert habang tutok sa trabaho. "Aba'y natural, ano ka ba ng bata?" Sagot ng ina. "Pag-uusapan muna namin ni Devina tungkol diyan." "Hindi ka ba naaawa, kahit habang dugo palang ang anak mo at least may maganda ka nang ginawa sa kanya. Kahit hindi para kay Devina anak." Alo ni aling Belen. "Sasamahan ko naman siya depende sa schedule ng trabaho ko ma." Sagot muli ni Albert upang manahimik nalang ang ina.
"Nag paalam kana din ba sa matalik mong kaibigan, baka kasi sumugod siya doon sa atin eh." Patawang tanong ni Anthony."Oo kaninang lunch break, sinabi ko na." Sagot nito habang abala sa kapipindot sa kanyang cellphone.Tumango lang ito at agad pina andar na ang sasakyan.Ewan ba nila Melisa at Anthony kung bakit hindi na halos sila naiilang sa isa't-isa. May mga times na kasing nagbibiruan ang mga ito at sabay nagtatawanan. Siguro nga dahil padalas na silang nagkakasama. Kaya wala ding magiging problema sakaling umabot nga ng limang buwan na sila'y magkasama sa Korea. Halos kabisado na kasi nila ang bawat ugali nila. At dahil nakakaramdam na si Melisa ng antok ay wala itong magawa kundi ang umidlip saglit.KUMAWALA muna ng malalim na hining
Kakaibang kilig naman ang naramdaman ni Devina nu'ng hinawakan siya ni Albert sa kamay habang papasok ito sa sasakyan. Kahit alam niyang inalalayan lang siya nito pero para sa kanya ay kakaibang init na ang naramdaman niya. Sa unang pagkakataon ay sa wakas nahawakan siya si Albert. Hindi siya makapag salita dahil ramdam pa din niya ang kaba sa kanyang puso. Seryoso namang nag mamaneho si Albert wala itong gustong sabihin kay Devina. Hanggat narating na nila ang nasabing resort. "Sige mag-iingat ka nalang dito. Susunduin nalang kita kapag uuwi kana." Ani ni Albert na agad lumisan sa lugar. Naka ngiti namang pumasok si Devina patungo sa Front desk upang i-present ang kanyang pina-book kahapon. Maya-maya ay may tumawag ito sa kanya. "Uy Devina!" tawag ni Dona.