Nagising si Melisa dahil sa mga naririnig niyang may nagtatawanan sa labas ng kanilang bahay. Sa tapat mismo iyon ng kanyang bintana. Hinawi niya ng bahagya ang kurtina ng kanyang bintana at tyaka ito sumilip. Mga magulang niya at si Anthony ang mga iyon. Pinagmamasdan niya ang mga ito na tuwang-tuwa sa pinag-uusapan nila.Hindi maiwasan ni Melisa ang mapangiti sa kanyang nakikita. "Hindi ka pa namin halos kilala pero napapagaan mo na ang loob ng magulang ko." Bulong ng dalaga. Agad na itong bumama upang mag almusal.NAKA upo si Albert sa kanyang higaan, sapo nito ang kanyang ulo. Medyo masakit pa yata dahil sa mga ininum niya kagabi. Nakarinig ito ng tunog sa kanyang cellphone. Kinapa niya ito sa ilalim ng kanyang unan.In-acccept niya ito kahit hindi niya alam kung sino ang nasa kabilang linya."Heeeyy dude!" Bati ni Paulo.
Napabalikwas sa pagkakahiga si Albert. "Ohh wait wait, paki sabi na ako nalang kako ang pupunta sa kanila ma. Ayuko pa munang makita ni Melisa itong bahay niya." Tarantang sagot ni Albert. Na agad kumuha ng maisusuot."Naku talaga anak. 'Yang mukha mo namumula na naman oh." Biro ng ina nito na napapangiti na din.Isang matamis na ngiti ang iginante ni Albert sa kanyang ina. Labis kasi ang tuwa nito ng malaman niyang kasama si Melisa.NAISIPAN ni Melisa na silipin ang lugar na noo'y tagpuan nila ni Albert. Kaso baka makita lang siya nito nina Albert at ng asawa niyang si Devina. Agad siyang bumangon upang hanapin ang kanyang ina upang humingi ng payo.Walang katao-tao ang bahay nila pagkalabas niya sa kwarto at wala din siyang idea kung saan sila nagsipunta. Dumako ito s
Sa likod iyon ng bahay kaya hindi mapapansin na may cottage kaya wala ding idea si Melisa na nandoon si Devina.Marahang kinatok ni aling Belen ang isang kwarto. Pumasok na agad ito nang nalamang hindi naka lock ang pinto."Devina padadalhan kita ng dinner dito." Agad na sabi ni aling Belen."Wala po akong gana. Busog na po ako sa nakita ko kanina." Sagot nito habang nakatalukbong ng kumot ang buong katawan.Napa buntong hininga nalang si aling Belen dahil batid niya sa sarili niya na narinig at nakita lahat ni Devina ang mga kaganapan sa kanilang lahat kasama si Melisa.Ipinaliwanag lahat ni aling Belen ang lahat para kahit kaunti ay maunawaan ni Devina. "Hindi naman namin pwedeng itakwil si Melisa dahil hindi siya iba sa amin, at dahil bata pa lang sila noon ng anak ko
Nang nakarating na sila sa bahay nila agad hinawakan ni Albert ang kaliwang kamay ni Melisa. "Good night Melisa." Kinuyom pa nito ang kamay bago niya binitawan.Pagkabukas ni Melisa ng pinto ng sasakyan ay agad sumalubong sa kanya si Anthony. Bumaba muna ito at isinara ang pinto. Nilagpasan lamang iyon ni Melisa."Hey wait." Habol ni Anthony kay Albert na akmang papaalis na.Binuksan nalang ni Albert ang window ng sasakyan. "Yes?" Sagot nito sa kanya."Next time gawin mong madaling araw ang paghatid mo sa kanya." Pigil pero mahinahong tugon ni Anthony."Sure, kahit sasusunod ko pang linggo ihatid, wala namang problema doon 'di ba?" Sarkastikong sagot ni Albert.Na
Kapwa silang dalawa ang natigilan. Kapwa hindi inaasahan ang muli nilang pagkikita.Halata sa mukha ni Devina ang agad na pamumutla ng mga labi nito. At hindi din makatitig sa mga mata ni Melisa."Hi Devina, nice meeting you again." Kapag kuwa'y inabot niya ang kanyang kamay upang makipag kamayan dito.Ngunit pilit lang siyang ngumiti dito at binuksan ng maluwang ang pinto ng gate upang makapasok siya.Ginantihan niya din ito ng ngiti bago tuluyang makapasok sa loob.Agad isinara ni Paulo ang sliding door ng kwarto at agad pinuntahan si Albert "Dude bangon ka bilis! Si Melisa nasa labas kasama si Devina!"Tinitigan lamang siya nito dahil baka nagbibiro lang ang kaibigan. Ngunit nang kinatok sila ni
Halos mag-dadalawang oras na silang nag-iinuman kaya't medyo umiikot na ang paningin nilang tatlo. Palibhasa'y hindi mga sanay sa alak pero dahil minsan lang sila nagkakasama-sama kaya nilubos nila nito."Oh ano kaya pa, 'wag niyo ng ubusin yan kung hindi niyo kaya." Saad ni aling Belen na inaalalayan si Albert na mukhang matutumba na."Kaya pa ma, may isang case pa oh." Tugon ni Albert."Bulagta 'to mamaya at good luck bukas kung makakabangon kang hindi masakit ang ulo mo." Sabat naman ni Paulo na panay simot ng isda.Lumipas pa ang kalahating oras at sumuko na nga si Albert. Inalalayan pa siya ng kuya nito at ni Paulo na makapasok sa kanyang kwarto.Itinigil na din nila Sason at Paulo ang pag-iinum dahil hindi na din nila kayang ubusin ang natiti
Abala si aling Belen sa pagluluto ng kanilang almusal nang tinawag siya ni Albert. Suminyas ang binata na pumasok sa loob ng kwarto. Agad namang tinawag ni aling Belen si Kara upang siya muna ang magpatapos ng kanyang niluluto."Oh ano masakit na naman ulo mo anak. Uminum lang kasi ng tama." Bungad ng ina.Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Albert at agad niyang sinabi ang lahat tungkol sa nangyari.Ilang minuto bago natapos ni Albert na ikwento ang lahat. Pero si aling Belen ay walang humpay na mapaupo at mapatayo ng mga oras na 'yun. "Hinayaan ko muna siyang punasan ka pero dahil sa napagod ako bigla nalang akong nakatulog sa sala. Wala na sa isip ko na balikan ko kayo sa kwarto." Mamutla-mutlang paliwanag ng matanda.Tahimik pa din si Albert. Hindi naman niya masisisi
Chapter 31 Hindi naiwasang mapatili sa subrang kilig matapos naikwento ni Melisa kay Roxan ang lahat ng masasayang naranasan ni Melisa. Saglit niyang niyugyog ang mga braso ni Melisa dahil sa hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nito para sa pinsan. "Ano ka ba 'te, ayuko namang masyadong umasa. Malay natin iba ang itinadhana sa amin ni Albert." Agad napalis ang ngiti ni Melisa. "Naku huh, nahalikan ka na nga eh, hindi pa ba sapat 'yun? Baka nahihiya ding umamin si Albert sayo. Nag-aalala ka ba dahil nan'doon si Devina sa pamilya nila?" Muling tanong ni Roxan. Tumingala saglit sa kesame si Melisa. "Hindi naman sa gano'n, wala namang feelings si Albert sa kanya. Ang akin lang baka kaibigan lang talaga tingin sa akin nu'n at ako itong umaasa sa wala." S
Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi
Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n
Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando
NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si
Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang
"So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera
MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi
At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang
Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w