แชร์

Chapter 13

ผู้แต่ง: NovelistLove
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-10-29 19:42:56

Pagkatapos maligo ni Melisa ay agad bumalik ito sa sala. Tamang tama at nag luto si Roxan ng mainit na supas sakto sa malamig na panahon.

 

Maghapon din silang nag kwentuhan habang nag pe-prepare sa lulutuin si Melisa ng kanilang hapunan.

 

Kinabukasan.

Madaling araw palang ay may natanggap na mensahe si Albert. Bahagya pang nakapikit ang mga mata nito dahil sa silaw ng cellphone. Kanang mata niya lang ang minuklat niya upang basahin kung sino ang nag message.

Unknown number ang nag message pero patuloy pa din niya itong binasa. At sa pagkakabasa niya ay agad bumilog ang kanyang mga mata. Agad itong bumangon at lumabas ng kwarto. Dali-dali niyang kinatok ang kwarto ni Paulo at dahil bukas naman ay pumasok nalang ito.

 

"Dude, gising muna dali." Bung
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 14

    "Eh 'di sino pa ba?" Mapang-asar na tanong ni Jhoan. "Naku po te, kung ano 'yang iniisip mo sorry you've got it wrong." Pailing-iling habang napapatawa si Melisa. "Nag-simula lang sa pageant ang lahat. May nabingwit ka na agad na fafa." Pabiro pang sagot nito. Inirapan ni Melisa ang mapang-asar na tugon ng pinsan. At hindi na ito umimik pang muli. Nang naka rating na sila ay nauna munang bumaba ng sasakyan si Melisa upang buksan agad ang pintuan. Ngunit sa 'di kalayuan mismo sa kanyang pintuan may napansin siyang isang batang lalaki parang nasa edad na sampong taon, na naglagay ng makapal na bulaklak sa tapat ng kanyang pinto. Agad niyang nilapitan ito. "Ikaw ba ang nag bibigay

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 15

    12 o'clock na ng tanghalin. Niyaya ni Jhoan si Melisa na kumain sila sa labas. Bonding na din nila 'yun bukod sa nakalipas na araw. Agad naman ding pumayag si Melisa. "Oh sige dahil maganda ka ngayon libre kita. Ako na mag babayad lahat." Ani ni Jhoan at agad tinawag ang waiter. "Sagot mo kasi bagong loan ka lang te." Sabay tawa ni Melisa. Napatawa na din si Jhoan dahil iyon naman ang totoo. Iilan lang na dish ang pinili ni Melisa dahil hindi naman niya type ang mga pagkain doon hindi kasi siya mahilig sa Chinese Food. At isa pa less sya sa pagkain dahil mabilis siyang lumobo. Nang dumating na ang kanilang order ay agad silang kumain. Bigla nilang naalala na isang oras lang pala

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 16

    "Dude, why didn't you tell me before na nagkita na pala kayo ni Melisa. At si Melisa at Devina?" Agad bungad na itinanong ni Albert sa kaibigan nito. "Huh? Kelan kami nag kita?" Pagtatakang tanong din ni Paulo. "May naalala ka ba noong may babae dito'ng pumunta dahil sa nalaman niyang papagawain itong lugar na 'to?" Mariing tanong ni Albert na naghihintay sa sagot ng kaibigan. Nag iba agad ng expression ng mukha ni Paulo ng may na-alala siya. "Ohh wait yes naka-usap ko din 'yun saglit nagulat nga din ako nu'n dahil may biglang magandang dilag na sumalubong sa 'kin, gusto niya daw maka-usap 'yung naka bili ng lupa dito which is ikaw nga 'yun pero sabi ko nasa America ka at never ko din yatang nasambit pangalan mo sa kanya. At dahil may mga ala-ala daw sila ng kanyang kaibigan dito sa pinag

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 17

    "Na sa Manila siya pero wala pa akong idea kung saan sa Manila. But I do my very best to find her. I really miss her so much." Naka ngiti ito ng humarap kay Devina. Upang maramdaman ng dalaga na hindi lang siya ang babae sa buhay ni Albert. Pilit na ngiti ang ginanti ni Devina kay Albert. Hindi na din siya muling nag salita pa. At dahil hindi ito mapakali sa kinatatayuan ay agad itong nagpaalam na magpapahinga muna doon sa cottage. Dahil simula nu'ng nagawa ang malaking bahay ay hindi pinagamit ni Albert ang Master bedroom kundi ang guest room lamang. Pagkaalis ni Devina ay agad nilapitan ni Paulo si Albert. "Hey dude tama ba 'yang sinabi mo? Baka isumbong ka nu'n sa papa niya lagot ka 'yan." Pabulong nito. "Naka-usap ko na si Sir Fernando lately. Nag advice siya sa anak niya na magpakabait sa

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 18

    Humikab pa ito ng ilang beses sabay kusot pa sa mga mata nito. "So far so good pero nakakapagod." Tanging sagot lang nito. "Sa dinami-rami ba naman kasing babae na pwedeng gawing sekretarya ni Sir eh ikaw tong napili. Dahil nga ba sa makamandag mong kagandahan?" Pabiro pa nito sabay kurot sa pisngi ni Melisa. "Ganu'n ba 'yun? Mukha ang pinagbabasihan parang hindi naman yata." Agad napa hagikhik na din si Melisa. Ikinwento din ni Melisa na sinundo din siya ni Anthony kaninang umaga kaya't medyo napapangiti ito habang nagkukwento sa pinsan. "Ohh talaga lang huh. Buti at nalaman niya kung saan ka nakatira." Ani pa ni Jhoan habang nag hahanda ng hapunan. Napa lingon agad si Me

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 19

    Sinubukan niyang ilibot ang mga mata nito at baka meron ngang may nagmamasid sa kanya. Dahil sila-sila lang naman doon sa lugar na 'yun kaya't inisa-isa niyang tinitigan ang mga ito. At dahil nakasuot ito ng sun glasses ay hindi mahahalata na tinititigan sila ni Melisa. Ngunit wala naman. Lahat naman silay naka focus kay Anthony. Except lang sa isang lalaking na sa dulo na tulad niya'y naka sun glasses din. Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Anthony ay agad na silang nagsialisan upang magsimula sa kani-kanilang tungkulin. "Pre, sorry at medyo na-late ako saglit pero naka abot naman ako sa mga assignment mo sa akin bago lang." Tawag nito kay Anthony sabay nag akapan ito. "No worries pre. Akala ko nga 'di ka makakarating." Sagot ni Anthony na sabay nagkalasan sa pagkaka

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 20

    Devina. Tama 'yun ang asawa ngayon ni Albert. Bigla itong tumigil sa pakikipagtarayan kay Paulo. Para na namang binuhusan ng napaka lamig na tubig ang kanyang puso. Bigla niya ulit hinarap si Paulo. "Bakit ba ayaw mong sabihin nalang. Ganu' pa din naman kung si Albert din ang magsasabi ah." Kunot noo nitong pinagmamasdan ang binata. "Mas maganda kung sa kanya mo malaman. Pagagalitan ako nu'n. Maghintay ka dahil mga makalawa susuyurin na niya ang Manila para makita ka lang." Agad naging seryoso ang boses ni Paulo. Hindi na muling nagsalita pa si Melisa dahil wala din naman siyang malalaman tungkol kay Albert. Kaya't nagpaalam na itong uuwi na. "Sana mapag-isipan mo mamaya ang lahat ng sinabi ko sayo. Kung alam mo lang na nasasabik ka nang makita ng kaibigan mo. Oh siya

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 21

    Napa-atras si Roxan sa kanyang kinatatayuan. Pinag masdan pa niya nito ang lalaking nangangalang Albert. Agad niyang pinakalma ang kanyang sarili. Medyo nabigla siya kasi dahil familiar nito ang pangalan. Agad niya itong hinarap. "Teka si Albert ka tama? So ikaw ba 'yung kababata ng pinsan kong si Melisa?" Kalmadong tanong nito. "Yup, akala ko nga'y naligaw na ako dahil hindi si Melisa ang nabungadan ko. Anyway saan siya?" Seryosong tanong nito na gumawad ng ngiti. Napalabi nalang agad si Roxan dahil wrong timing ang pag dating nito. "Naku malas mo lang talaga dahil pag kadating at pagkadating mo ay siyang kaaalis lang nila pauwi ng San Diego." Ani ni Roxan. "Ah Kaalis lang niya o baka nagtatago lang?" Kunot noo'ng tanong ng binata.

บทล่าสุด

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 70

    Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 69

    Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 68

    Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 67

    NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 66

    Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 65

    "So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 64

    MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 63

    At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 62

    Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w

DMCA.com Protection Status