Keilani POVMatapos ang mga pasabog naming rebelasyon ni Sylas, ramdam ko pa rin ang tindi ng excitement sa buong event hall. Pero hindi pa tapos ang engrandeng selebrasyon.Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na pagdiriwang.Pagkatapos ng announcement, dumiretso kami sa main showroom ng Merritt Luxury Motor headquarters.Ito ang pinakapaborito kong parte ng buong building. Para itong isang mala-museo na display hall kung saan nakaposisyon ang unang batch ng luxury motorcycles na ilalabas ng kumpanya ko.Ang bawat motor ay may sariling spotlight, may sariling pedestal na parang obra maestrang ipinagmamalaki sa buong mundo.May matte black models na para sa mga mahilig sa sleek at modern aesthetics.May gold-detailed editions na para naman sa mga elite riders na gustong magpakita ng yaman at kapangyarihan.Mayroon ding custom high-performance units na para sa mga tunay na adrenaline junkies na naghahanap ng bilis at precision.Habang papasok kami ni Sylas, bumukas ang malalaking glass
Keilani POVPagdilat ng mata ko sa umaga, wala na akong karapatang tumunganga pa dahil kailangan kong ipagluto ng almusal ang mahal kong asawa. May pasok kasi ito araw-araw sa pinagtatrabahuhan niyang Merritt wine company. Masaya ako kasi maganda-ganda na ang trabaho niya ngayon. Hindi na niya kailangang magtiis pa sa pagiging waiter sa isang maliit na restuarant na ang liit nang kinikita niya kasi dati, madalas kaming magtipid para lang mabayaran ang mga bills namin dito sa bahay.Tatlong taon na kaming nagsasama ni Braxton. Kasal na kami, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagiging anak. Nagpapa-check up naman kami, okay ako, pero siya, simula nung unang check up, hindi na nasundan kasi sobrang busy niya palagi sa trabaho niya. Isa siyang sales manager sa Merritt wine companu kaya madalas siya talaga siyang busy.“Oh babe, maaga ka palang nakagayak ngayon, tamang-tama, luto na ang almusal natin, kumain ka muna bago ka umalis,” sabi ko sa kaniya nang makita kong lumabas na s
Keilani POVHabang nag-iinuman kami ng bestfriend kong si Fletcher, siya ang taga-stalk ko sa mga katrabaho ni Braxton sa Merritt Wine Company. Sinabi ko sa kaniya na hanapin at ipakita sa akin ang mga babaeng ka-work ni Braxton, para malaman ko kung sino iyon at kung ano ang pangalan ng buwisit niyang kabit.“Sandali, lahat ata ng mga babaeng katrabaho niya ay nakita na natin, baka naman hindi niya ka-workmate ang nakita mong kahalikan niya sa coffee shop kanina,” sabi ni Fletcher na tila tinatamad nang maghanap at mag-imbestiga.“Hanapin mong mabuti, kahit ‘yung mga may matataas na posisyon sa Merritt Wine Company, mukhang napakayaman kasi nung babaeng nakita ko kanina. Kahit ako, nung makita ko siya, nainggit ako at nasabi ko talaga na wala akong binatbat sa babaeng iyon,” sabi ko sa kaniya kaya tinapunan ako nang tingin ni Fletcher.Ngumisi siya. “Maganda ka naman at hugis bote pa rin ng gaya sa softdrinks ang katawan mo, hindi ka pa nagkakaanak kaya sexy ka pa rin. Alam mo kung a
Keilani POVTinitigan lang ako ni Sylas. Ang buong akala ko ay magagalit siya. Kaya lang seryoso siya, walang pinakitang emosyon sa akin. Parang wala lang. Naghintay ako sa sasabihin niya, siguro mga dalawang minuto siyang tahimik at nakatingin lang sa akin kaya ako na ulit ang nagsalita.“So, anong masasabi mo, Sir Sylas? Hindi ka manlang ba magagalit sa kanila, sa asawa mo? Wala ka manlang bang gagawin para pigilan si Ma’am Davina. Kasi, mahal na mahal ko po ‘yung asawa ko!”Iba talaga ang nagagawa ng alak. Kung hindi ako nakainom, hindi ko naman masasabi ito. Mabuti na lang at naaya ko si Fletcher na uminom ng alak kanina. Kung hindi, wala, baka kung sumugod ako dito ng walang tama ng alak ay baka pipi at hindi manlang ako nagsasalita.“Don’t cause a scene here in my office. Let’s talk some other day. I’m not the type of person to chase after someone who doesn’t want me. And if you want to know my plans, fine, pag-usapan natin sa ibang araw. Ang gusto ko kapag nakausap kita, ‘yung
Keilani POVMainit ang araw nang lumabas ako ng bahay, dala-dala ko ang basket para sa pamamalengke ko, ubos na ang stock ng pagkain sa fridge. Medyo lata at masakit pa rin ang ulo ko. Na-stress ako kakaintindi sa mama ni Braxton, inabot kasi ito ng hating gabi kagabi sa kakahintay sa taksil niyang anak, ang nangyari ay hindi naman pala ito umuwi kagabi. Ang dahilan ay need niya raw mag-overtime, pero sure ako, doon siya natulog sa kabit niya at baka nagpakasasa na sa sarap sa kama habang kasama ang Davina na ‘yon. Habang naghihintay ako kagabi sa pagdating niya, hindi ko mapigilang mapaluha kasi naiisip ko na hindi talaga imposible na hindi nagtitikiman ang dalawa sa kama. Tangina ni Braxton, nakakadiri siya, sobra.Habang naglalakad ako, ramdam ko ang init na parang tumatagos sa balat ko. Habang naglalakad ako sa sementadong daan, may mga batang naglalaro ng habulan sa gilid, at ang ingay nila ay parang musika sa umaga. Ang palengke ang laging destinasyon ko tuwing Sabado, para maka
Keilani POVWarning SPG“Anong final na sagot mo, Keilani?” tanong ulit ni Sylas. Humarap ako sa kaniya, napangiwi ako nang makitang hawak na niya ang matigas niyang titë at hinihimas-himas pa. Hindi manlang siya nahihiya sa akin at sa harap ko pa nag-jaköl. “Ipapakulong ko na ba si Braxton at handa ka na bang masira at ma-bully ni Davina?”Bumuntong-hininga ako bago sumagot. “Oo na, papayag na ako sa gusto mo. Kung maglalandian sila, maglandian na rin tayo kung ito ang mas tamang piliin ko.”Ngumiti siya sa naging desisyon ko. “Very good! Ganiyan nga, Keilani. Maging matalino ka. Dapat naman ganiyan talaga. Hindi tayo dapat magpatalo sa mga asawa natin. Kung nagsasaya sila at nagpapakasasa sa sarap sa kama, dapat tayo rin.” Lumapit siya sa akin kaya umatras ako nang dahan-dahan. Nadikit na lang ako sa salamin kaya doon ako nahinto, hanggang sa makalapit siya sa akin. Sinadya niyang idikit ang matigas ng ulo ng titë niya sa gitnang bahagi talaga ng panty na suot ko. Ramdam ko ang kati
Keilani POVPagdating ni Braxton sa pintuan ng bahay, ramdam ko na agad ang bigat ng kaniyang presensya. Oo, ganoon na agad ang napi-feel ko, lalo na’t alam ko na ang ginagawa niyang mali.Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na gagawin niya ito sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa aming dalawa, siya pala ang unang sumuko, siya ang unang gagawa ng kasalanan. Ngayon, nawala tuloy ang pagmamahal na pinanghahawakan ko sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin. Nawala iyon nang makita kong may kalandian siya.Galit ako pero hindi galit na galit kasi may kasalanan na rin ako, may ibang lalaki na rin na nakatikim sa pagkababaë ko.Pagpasok niya ay nakita kong may kaunting alikabok pa sa kanyang sapatos, tanda ng pagod sa maghapong trabaho. Oh, baka pagod sa kakakangkang sa kabit niya. Pero ako? Nakaupo lang sa sofa, ini-scroll ang bago kong phone na bigay ni Sylas. Dapat mapansin niya ito, oo, dapat lang, aba, siya lang ba ang may karapatang magkaroon ng ganito.
Keilani POVSinubukan kong magluto ng almusal ngayong umaga, inagahan ko ulit ang luto ko gaya nang ginagawa ko araw-araw. Kahit wala na akong ganang ipagluto pa siya, ginawa ko na lang ulit kasi bumawi sa kama kagabi si Braxton.Sinabi ko lang kasi na makikipaghiwalay ako, ginalingan bigla sa kama. Kaya lang, kahit naka-two rounds kami kagabi, balewala kasi baog naman siya. Kaya malakas ang loob niyang mambabae kasi alam niyang hindi siya makakabuntis.This time, hindi na siya nagmamadali. Gumayak siya ng dahan-dahan, at saka ako sinabayang mag-almusal.“Na-miss ko ang adobong manok mo tuwing umaga,” sabi niya matapos kaming kumain. Napatingin ako sa bagong cellphone niya na sa wakas ay nilabas na niya. Nakapatong ito sa lamesa.“Ikaw din pala, may kagaya ng cellphone ko?” tanong ko na sa kaniya. Kagabi kasi, hindi niya nilabas ‘yun kaya hindi ko na nabanggit.“Ah, oo, bigay din ng kaibigan ko,” pagsisinungaling niya. Sa totoo lang, pangit din ‘yung naging dahilan ko kagabi. Sinong k
Keilani POVMatapos ang mga pasabog naming rebelasyon ni Sylas, ramdam ko pa rin ang tindi ng excitement sa buong event hall. Pero hindi pa tapos ang engrandeng selebrasyon.Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na pagdiriwang.Pagkatapos ng announcement, dumiretso kami sa main showroom ng Merritt Luxury Motor headquarters.Ito ang pinakapaborito kong parte ng buong building. Para itong isang mala-museo na display hall kung saan nakaposisyon ang unang batch ng luxury motorcycles na ilalabas ng kumpanya ko.Ang bawat motor ay may sariling spotlight, may sariling pedestal na parang obra maestrang ipinagmamalaki sa buong mundo.May matte black models na para sa mga mahilig sa sleek at modern aesthetics.May gold-detailed editions na para naman sa mga elite riders na gustong magpakita ng yaman at kapangyarihan.Mayroon ding custom high-performance units na para sa mga tunay na adrenaline junkies na naghahanap ng bilis at precision.Habang papasok kami ni Sylas, bumukas ang malalaking glass
Keilani POVNgayon na ang araw. OMG, kinakabahan ako na medyo masaya at excited.Ito na ang araw ng pagbubukas ng Merritt Luxury Motor Company ko.Pagkagising ko pa lang, alam ko nang magiging makasaysayan ang araw na ito para sa amin ni Sylas. Hindi lang ito tungkol sa kumpanya ko, ito rin kasi ang araw na ipapakita ko sa mundo na hindi lang ako basta asawa ng isang bilyonaryo na ngayon. Ako mismo ay na rin kasing ganap na CEO ngayong araw.At higit pa doon, ito rin ang araw na ibubunyag namin ni Sylas ang pinakatago naming sikreto, ang aming kasal at ang anak naming si Keilys.OMG, ready na ako.Bago pa mag-alas-diyes ng umaga, nagsimula nang magdatingan ang mga bisita. Hindi ito basta-basta lang na launching even, isa itong engrandeng selebrasyon ng kapangyarihan, yaman, at tagumpay namin ni Sylas.Nakatayo ako sa taas ng grand staircase sa loob ng Merritt Luxury Motor headquarters, nakatingin sa malawak na event hall kung saan nagsisidatingan ang mga pinakamayayamang negosyante, i
Keilani POVPagkatapos ng matinding proseso ng hiring, wala na akong oras para magpahinga. Ngayon naman, nakatutok ako sa susunod na magaganap. Ang paghahanda naman para sa grand opening ng Merritt Luxury Motor Company.Hindi ito basta simpleng opening lang. Kailangang mag-iwan ito ng mark sa mga tao. Kailangang maging engrande, makapangyarihan at hindi malilimutan ng industriya.At higit sa lahat, ito ang magiging unang hakbang ng pagbabalik ko sa eksena ko rito sa Pilipinas.Nakatayo ako sa harap ng malaking desk sa CEO office ko habang nakatutok sa laptop habang pinakikinggan ang PR team ko."Ma’am Keilani, we need to invite top-tier media outlets," sabi ng head ng marketing team ko."Yes," sagot ko at saka nagtaas ng kilay. "I don't want small-time blogs covering this. We need the biggest networks, the most influential journalists."Pinindot ko ang speakerphone at tinawagan ang isang kilalang PR agency dito sa Pilipinas.“Hello, shis is Keilani Merritt. I want an exclusive media c
Keilani POVSimula pa lang ng araw, ramdam ko na agad ang bigat ng responsibilidad sa balikat ko. Totoo na ba talaga ito?Ang buong Merritt Luxury Motor Company ay nasa huling yugto na bago ang grand opening at ang isa sa pinakamahalagang hakbang sa prosesong ito ay ang pagbuo ng team ko, ang pagpili ng mga taong magpapatakbo ng kumpanyang ito kasama ko.“Keilani, today is crucial.”Napalingon ako kay Sylas, na ngayon ay nakatayo sa tabi ko habang hawak ang isang makapal na file ng mga aplikante. Suot niya ang kanyang usual corporate attire, isang well-tailored navy blue suit—at ang seryosong ekspresyon niya ay nagsasabing hindi biro ang araw na ito kaya kailangan kong galingan."You have to be hands-on in choosing your people," dagdag niya. "From top executives down to the factory workers. Your team will define the success of your company."Napabuntong-hininga ako. Hindi ko inakala na darating ang araw na ako mismo ang magpapasya kung sino ang tatanggapin sa isang multinasyunal na ku
Keilani POVPagkatapos ng tour sa manufacturing area, bumalik kami sa main building at nagtungo sa isang private elevator. Grabe, ang gara pati elevator."This leads to your office," sabi ni Sylas bago niya pindutin ang button ng top floor.Dumaan muna kami sa meeting room kung saan gaganapin ang mga malalaking board meetings. Malaki ang conference table, may high-tech na projector, at may floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng breathtaking na view ng city skyline."This is where you’ll have meetings with executives, partners, and investors," paliwanag ni Sylas.Tumango ako habang ninanamnam ang bawat impormasyon na sinasabi niya. At habang nakikita ko ang lahat at nakikinig kay Sylas, kinikilig talaga ako.Pagpasok namin sa opisina ng CEO, para akong napako sa kinatatayuan ko.Ang opisina ko...syet!Napakalawak. Napakalinis. Napaka-elegante.May malaking glass desk sa gitna, may sariling seating area at isang bookshelf na puno ng business books at decorative pieces. May maliit na
Keilani POVNakatayo ako sa harap ng isang napakalaking gusali, nakatingala, habang unti-unting nilalamon ng isip ko ang katotohanang ito na ang magiging opisyal na kumpanya ko.Nasa harap na ako ngayong ng Merritt Luxury Motor Company na binigay sa akin ni Sylas.Dalawang buwan ko na itong pinag-aaralan sa loob ng mansiyon, pero ngayon lang ako talagang nakapunta dito—sa pisikal na anyo nito kasi kakatapos lang gawin nung nakaraang araw. Iba pala kapag personal mong nakikita ang isang bagay na magiging bahagi ng buhay mo habang buhay."Speechless?" bulong ni Sylas sa tabi ko na nakangiti habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.Napakurap-kurap ako bago dahan-dahang bumuntong-hininga."This is... huge," sagot ko na hindi pa rin makapaniwala."Of course, it is. You’re the CEO of a luxury motor company, Keilani. You didn’t expect it to be small, did you?" Tumawa siya nang mahina bago inakbayan ako at inalalayan papasok sa loob.Wala pang tao sa loob, siyempre. Hindi pa ito nag-o-operate. P
Keilani POVHalos dalawang buwan na rin mula nang bumalik kami sa Pilipinas. Sa panahong iyon, marami nang nangyari. Si Sylas, muli nang humarap sa publiko bilang CEO ulit ng Merritt AeroWorks, habang abala sa pagharap sa mga business partners at investors. Samantalang ako, nananatili lang muna sa mansiyon, tahimik pero hindi naman patulog-tulog.Yung dating company ni Sylas ay binigay na niya sa isang loyal niyang tauhan, maliit lang kasi iyon at hindi naman dapat nang pag-aksayahan ng oras. Sa loob ng dalawang buwang ito, walang nakakaalam ng tunay kong ginagawa. Wala silang ideya na ang dating Keilani na tahimik at nagtatago noon ay nagbabagong-anyo sa likod ng mga saradong pinto. Hindi nila alam na ang pagbabalik ko sa Pilipinas ay hindi lang basta simpleng pagbabalik.Ito ay isang pagbabalik na may pasabog.Ang ang pasabog na iyon ay ang pag-upo ko bilang bagong CEO ng Merritt Luxury Motor Company. Bagong company na ginawa ni Sylas para ipahawak sa akin.Hindi ko rin lubos maisi
Keilani POVSa huling araw namin sa Italy, nagpaorganisa ng engrandeng despedida sa amin ang lola ni Sylas. Hindi ako makapaniwala kung gaano siya kasaya sa amin ni Sylas, lalo na kay Keilys na apo niya sa tuhod.Sobrang saya rin ng mga staff sa hacienda. Para bang kahit isang linggo lang kami rito, naging parte na rin kami ng pamilya nila.Sa labas ay napakabongga rin.Ang buong garden ay puno ng eleganteng dekorasyon, may mahahabang lamesa na natatakpan ng mamahaling linen, nakapalamuti ang mga kandila at bulaklak sa gitna, at isang mini stage sa harapan kung saan may tumutugtog na live band. Parang isang mala-fairytale na dinner party.Napalingon ako kay Sylas na nakatayo sa tabi ko habang hawak si Keilys. Suot niya ang itim na suit na perfect na bumagay sa tindig niyang parang hari sa lupain nilang ito. Napangiti tuloy ako."Are you happy?" tanong niya habang nakatingin sa akin."I'm more than happy," sagot ko.“Mabuti naman, kasi habang buhay na kitang pasasayahin, hindi lang sa
Keilani POVSa loob ng isang linggong Pag-stay namin sa Italy, wala kaming ibang ginawa ni Sylas kundi ang gumala at tuklasin ang kagandahan ng bansang ito para naman masulit namin ang Italy, nandito na rin naman kami, e ‘di gumala na kami nang gumala.Sa bawat araw, iba’t ibang lugar ang aming pinuntahan, at sa kabila ng saya, may kaunting kirot sa puso ko sa tuwing iniiwan namin si Keilys sa kanyang lola kapag gagala kami. Ngunit hindi ko hinayaan ang lungkot na iyon na sirain ang aming paggagala kasi naisip ko na kung kasama man sa galaan si Keilys, hindi rin kami mag-e-enjoy ni Sylas kasi sobrang alagain pa sa ngayon ang anak namin. Kapag lumaki siya, saka na lang namin siya igagala rito sa Italy, tutal ay may hacienda naman ang lola niya rito, tiyak na paglaki niya ay makakagala at makakagala pa rin siya rito sa Italy.Unang araw ng paggala namin ni Sylas, pinuntahan na namin ang Rome. Siyempre, hindi puwedeng hindi namin bisitahin ang Colosseum. Habang nakatayo kami sa harap nit