Keilani POVPagkatapos ng event, dumiretso ako sa coffee shop ko na ngayon ay pagmamay-ari na ni Celestia.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, kailangan kong kausapin siya. Siya lang ang isa sa mga kaibigan ko rito sa Pilipinas kaya wala akong ibang makakausap kundi siya lang naman.Pagdating ko roon, tahimik na ang paligid. Marami nang umuwi at tanging tunog ng espresso machine at mahihinang usapan ng ilang customers ang maririnig ko. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang sulok, hawak ang isang tasa ng kape habang nagbabasa ng business report sa tablet niya.Pagtingin niya sa akin, agad siyang ngumiti.“Uy, Keilani,” bati niya agad sa akin at saka itinuro ang upuang kaharap niya. “Didn’t expect to see you here tonight.”Umupo ako at malalim na bumuntong-hininga pagtingin ko sa kaniya.“You won’t believe what just happened,” sabi ko at saka ko sinimulang ikuwento ang buong pangyayari. Mula sa event, sa dami ng nakausap kong CEO, hanggang sa restroom incident kasama si Davina. H
Sylas POVNapansin ko lang na ilang linggo nang may pagbabago sa asawa ko.Dati-rati, ako ang huling umuuwi sa bahay. Ako ang sumasalubong kay Keilani sa pintuan, nag-aabot siya ng tubig at nagtatanong kung kumain na siya. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-iba ang takbo ng mga bagay. Madalas, ako na ang nauunang umuwi sa bahay namin.Pagdating ko palagi sa bahay wala siya, madadatnan ko ang yaya ni Keilys na nilalaro ito. Ilang araw ng mag-isa akong kumakain ng dinner at nalulungkot ako sa part na iyon.Inisip ko na baka sobrang busy lang niya sa work, kasi bago lang ang company niya. Gusto ko sana siyang pasundan sa mga tauhan ko para alamin ang ginagawa niya pero hindi ko ginawa kasi malaki ang tiwala ko kay Keilani.Kadalasan talaga ay alas-nuwebe na siya nakakauwi ng mansiyon. At sa tuwing dumadating siya, gutom na gutom, para bang hindi kumain maghapon. Minsan, kahit hindi siya nagsasalita, kita ko sa kilos niya ang matinding pagod. Ang bumabagsak niyang balikat, ang paraan ng p
Keilani POVHindi na talaga pumayag si Sylas na wala akong kasamang mga bodyguard kapag lalabas ako ng mansiyon. Today ay walang work at wala rin akong training sa pagkakarate. Nandito ako sa mall para mamili ng damit, bag at ibang gamit na need kong suotin para sa isang event na dadaluhan ko, soon. Bawat hakbang ko sa mga marble flooring ng high-class boutique ay may namamangha ako sa sarili ko kasi dati lang ay sa ukay-ukay ako nakikipag-unahan para lang makabili ng mga damit na may sikat na tatak, pero ngayon, heto at nasa mall ako na kung saan ay bilihan ng mga mamahaling gamit, na kung bibilhin mo ay para sa mahirap ay pang isang taon na budget na nilang buong pamilya.Tumigil ako sa harap ng isang display ng luxury handbags. Dahan-dahan kong hinawakan ang mamahaling leather nito. Ang ganda ng bag, sa unang tingin palang ay napukaw na niya ang paningin ko. Kailangan ko kasing pumili ng tamang bag para sa birthday party ng isa sa kilala rin na CEO dito sa Pilipinas. Nakakatuwa dah
Keilani POVPinagmasdan ko ang screen ng laptop ko habang nire-review ang final draft ng social media post para sa Merritt Luxury Motor Company. Isa itong malaking project ko kasi ito ang unang TV commercial at billboard campaign ng kumpanya ko ngayong taon, kaya kailangang perfect ang bawat detalye.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko i-click ang post button.“We are looking for elite models! Be the face of luxury. Merritt Luxury Motor Company is now auditioning for our upcoming TV commercial and billboard campaign. If you have what it takes, visit our headquarters today!”Pagkatapos kong i-post iyon, ini-angat ko ang tingin ko sa paligid ng opisina. Tinawag ko ang isang staff ko para magpatimpla ng kape kasi alam kong isang mahaba-habang trabaho ang mangyayari ngayon sa company ko.Ilang sandali pa, sunod-sunod nang dumating ang mga email at notifications, mga inquiries, applications at direct messages mula sa iba’t ibang modeling agencies.“Ma’am, ang bilis
Keilani POVTahimik na ang gabi, ang tanging mahinang tunog nalang ng aircon sa kuwarto naming mag-asawa ang maririnig. Mahimbing nang natutulog si Sylas sa tabi ko, hubu’t hubad dahil kakatapos lang naming magkabayuhan. Grabe na talaga si Sylas ngayon kasi kayang-kaya na ang dalawang rounds, siyempre, hindi ako nagpatalo. Laban ako kahit pagod sa work.Gising pa rin ako kasi hindi ako mapakali.Kanina lang, binanggit niya kasi na gusto niyang maging model kami para sa Merritt Luxury Motorcycles. ssang bagay na hindi ko kailanman naisip gawin talaga. Hindi naman ako model, hindi ako sanay humarap sa camera na parang isang high-fashion icon. Pero kapag si Sylas ang may gusto? Mahirap siyang tanggihan.Napabuntong-hininga na lang ako habang kinukuha ang laptop sa bedside table. Marahan kong binuksan ito at siniguradong hindi magising si Sylas. Naghanap ako sa internet ng video na magpapakita kung paano ba ang ginagawang pagmo-model kapag mino-model ang motor.Sa loob ng ilang segundo, l
Keilani POVTahimik ang buong opisina. Ilang segundo na lang bago mag-lunch break, pero wala akong gana lumabas at kumain kasi start na ngayon ng pagda-diet ko ng malala. Nakaupo lang ako sa swivel chair ko, nakatingin sa matte black leather sofa sa harapan ko.Sa totoo lang, wala akong dapat gawin ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagbukas nanuod kagabi ng mga video about modelling? Bakit ba ako nagpaka-stress sa panonood ng mga luxury motorcycle models na parang built na talaga para doon—tall, sexy, effortless ang confidence?Napabuntong-hininga tuloy ako. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Sylas at parang nacha-challenge ako sa gusto niyang mangyari? Hindi bale, sigurado ako na baka may dahilan talaga siya kaya niya gustong mangyari ‘yon.Bumukas ang pinto at pumasok ang assistant ko habang may dalang isang basong kape. Sumunod sa kanya si Luke, isang fashion model instructor na personal kong tinawagan kaninang umaga. Naka-black turtleneck siya at mukhang strict at perf
Keilani POVPagkatapos ng matinding training session ko kanina kasama si Luke, diretsong lakad naman ako papunta sa event area dito sa Merritt luxury motor company ko. Hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan, pero rinig na rinig ko na ang tunog ng camera clicks, ang utos ng photographer at ang malalim na boses ni Luke, ang model trainer na in-hire namin para sanayin din ang napili naming limang magagandang babae at limang matitipunong lalaki na magiging mukha ng first-ever commercial ng kumpanya ko.Pagpasok ko, agad akong natigilan sa eksena sa harapan ko. Sa gitna ng malawak at eleganteng event hall, nandoon ang isang Ferrum GX-5000, ang pinakabagong luxury motorcycle ng Merritt. Kulay deep midnight blue, may mga chrome accents na nagbigay ng futuristic touch. Nakapalibot dito ang mga models at bawat isa ay nakikinig kay Luke habang ipinapakita nito kung paano ang tamang pag-project sa camera.“Alright, everyone,” malakas na sabi ni Luke habang nakatayo sa harapan ng models. “Luxury m
Keilani’s POVPag-upo ko sa harapan ni Dr. Elaine, agad niyang binuksan ang laptop niya at tiningnan ang body composition analysis na kinuha kanina ng assistant niya. Napansin ko ang seryosong ekspresyon niya habang ini-scan ang numbers.“Well, Mrs Merritt, I have to say, you’re already in great shape,” sabi niya habang nakangiti. “Pero since gusto mong mas maging toned at lean, kailangan nating ayusin ang nutrition at fitness routine mo.”Napatango naman ako. Ganito ang gusto ko sa Dr. Sweet at masayang magsalita. “Gusto ko lang na sigurado akong nasa best form ako bago mag-shoot para sa isang commercial.”Ngumiti siya at tumango, na-gets agad ang gusto kong mangyari. “Good mindset. So, let’s start with the key elements of your diet and training plan.”“Sige, Doc, makikinig po ako, ano-ano po ba ‘yang mga dapat kong gawin?” tanong ko na excited na agad makinig sa kaniya.“Unang-una, kailangan mong taasan ang protein intake mo,” sabi niya habang tinitingnan ako ng seryoso. “Protein wi
Sylas POVNasa terrace ako ng mansiyon habang hawak ang isang basong whiskey. Sa harapan ko, tanaw ko ang maliwanag na buwan. Maliwanag ito, tila ba nanonood din sa akin. Tahimik ang paligid. Tahimik ang gabi. Pero ang isipan ko, kanina pa talaga hindi mapakali.“They crossed the line,” bulong ko sa sarili. “Now, I’ll have to remind them who I am.”Matagal ko nang isinara ang madilim na bahagi ng buhay ko dati. Nang pakasalan ko si Keilani, nang isilang si Keilys, pinili kong iwan ang lahat. Ang mga kasunduan sa dilim, ang mga utos na may kasamang dugo, ang mga gabi ng pag-aabang at pagtugis sa mga kumakalaban sa akin. Inilihim ko ang lahat sa kaniya. Sa kanila. Hindi dahil sa takot kundi dahil ayokong madungisan ang katahimikang pinili ko para sa amin.Pero hindi lahat ng katahimikan ay panghabambuhay pala. At hindi lahat ng tao, marunong rumespeto.Nang marinig ko ang banta ni Beatrice, una kong inisip na baka dala lang ng galit. Pero mukhang hindi kasi kadugo niya si Braxton, kung
Keilani POVSabi ni Sylas, huwag na raw akong pumunta sa lamay ng mama ni Braxton, gulo lang daw tiyak ang mangyayari. Tama naman siya, sure na ‘yon, pero kung hindi ako pupunta at magpapakita, baka mas maniwala ang mga taong malapit kina Beatrice na ako ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Gusto kong ipakita sa kanila na malinis ang loob ko. Na hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang mama nila. Gusto kong ipamukha sa kanila na sila ang dahilan ng mga hindi magandang nangyayari sa buhay nila.Ilang beses ko pang pinilit na payagan ako ni Sylas, hanggang sa magbigay siya gn kundisyon, payag siya basta may kasama akong bodyguard at kasama ko rin daw si Celestia. Para na lang payagan ako, pumayag na rin ako.“Are you ready?” tanong ni Celestia habang nasa tabi ko. Suot niya ang isang simpleng itim na bestida, gaya ko. Nandito na kami ngayon sa gilid ng simbahan kung saan may burulan.“Let’s just get this over with.” Bahala na, alam kong may mangyayari talaga pero tutuloy ako. Magpapa
Keilani POVNamuo ang tawa ng anak kong si Keilys sa sala habang pinapalabas sa TV ang commercial ng Merritt Luxury Motor Company ko. Kitang-kita ang saya sa mukha niya, litaw na litaw ang maliliit na dimples niya sa magkabilang pisngi habang sabay niyang itinuro ang screen kung saan naka-feature ako at ang asawa kong si Sylas.“Mama!” sigaw niya habang palakpak nang palakpak.Ramdam ko ang gigil niya sa tuwa. Nakaupo siya sa tabi ko habang kinakain ang ice cream niya.“Yes, baby. That’s Mama,” sabi ko habang kinikiliti siya sa tagiliran. “And that’s Daddy Sylas, too. We’re both in the commercial. Cool, right?”Tumawa lang si Keilys at yumakap sa akin. Hinalikan ko siya sa ulo habang ginulo ang buhok niya. Wala akong ibang plano sa araw na ito kundi ang magpahinga at makipag-bonding sa anak ko. Si Sylas ay nasa opisina, busy sa meetings para sa expansion ng company na hawak niya, pero ako, wala akong dapat intindihin. Lahat ng kailangan ay maayos na. Panatag na ako sa lahat ng kailang
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d