Keilani’s POVMadaling-araw nun nang magising akong bigla, pinagpapawisan kahit malamig ang gabi. Ilang segundo pa lang akong nakaupo sa gilid ng kama, ramdam ko na agad ang kiliti sa lalamunan na parang may gustong kumawala. Tumakbo ako papunta sa banyo, halos hindi ko na magawang isara ang pinto sa sobrang pagmamadali.Pagkadikit ng tuhod ko sa tiles, nauna nang sumuka ang lahat ng laman ng sikmura ko. Ang bigat sa dibdib, ang init sa loob ng katawan ko, lahat iyon parang gustong sabay-sabay lumabas. Humawak ako sa gilid ng toilet bowl, hinihingal at halos hindi na alam kung paano ko pa kakayanin."Keilani?" boses ni Braxton mula sa pinto. Mukhang nagising siya dahil sa mga tunog na ginagawa ko. Maya maya, naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, marahang tinatapik-tapik habang patuloy akong sumusuka."Are you okay? What’s happening?" nag-aalala niyang tanong habang nakaluhod sa tabi ko.Hindi agad ako nakasagot. Pinilit kong huminga nang malalim matapos ang ilang minuto ng pagsusu
Keilani’s POVTahimik kaming dalawa ni Sylas sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako, nakatingin sa labas ng bintana habang unti-unting umiikot ang mundo ko. Para akong lumulutang sa hangin, hindi ko alam kung saan pupunta o kung anong mangyayari sa mga susunod na oras.Nasa dibdib ko pa rin ang bigat ng sinabi ng doktor kanina. Isang buwan akong buntis. Ang dami kong tanong sa isip na hindi ko alam kung paano sisimulan. Naririnig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sylas habang nagmamaneho. Halata sa kilos niya na iniisip niya rin ang mga nangyari.Nagbunga na ang mga kabayuhang ginagawa namin ni Sylas. Ito ‘yung pangarap namin noon ni Braxton, pero hindi natupad kasi talagang baog siya. Ngayon, natupad na ang parehong pangarap namin pero hindi na siya kasama. Dahil si Sylas ang nakabuntis sa akin. Nabuntis ako ng mayamang lalaki na ‘to na kung single lang ako, tiyak na sobrang saya ko na. Kaya lang, ngayong buntis na ako, parang naduwag ako bigla. Parang natatakot ako na mabalikt
Keilani’s POV Pagod man ang katawan, mas magaan na ang pakiramdam ko habang hinahanda ang hapunan sa kusina. Alam ko na ang dapat kong gawin. Kahit nakakalokang tanggapin na kailangan kong lumayo para itago ang pagbubuntis ko, hindi ko na puwedeng balewalain ang sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko si Braxton, ang mga tanong niya kung sakaling malaman niya ang totoo. Pero hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi siya puwedeng mapunta sa iba dahil paninindigan ko ang karma na gusto kong mangyari sa kaniya. Tatlong taon akong naging tanga, ginawa niyang tanga, pinaniwala na wagas ang pagmamahal niya sa akin bilang asawa niya pero may mga baho talaga na kusang aalingasaw. Dahil sa mga kasalanang ginawa niya, hindi ko siya hahayaang makawala. Ako, gagalingan ko ang pagtatago ng baho ko, at sa tulong ni Sylas, sure akong magagawa ko ‘yun nang maayos. "Keilani, kaya mo ‘to," bulong ko sa sarili habang hinahalo ang sabaw sa kawali. Hindi ko alintana ang latang nararamdaman ko. Kailangan kong magpakat
Keilani’s POVNung hapon ay umalis na ako sa coffee shop kasi nag-message si Sylas na sasamahan na ulit niya ako sa clinic. Sa park na ulit kami nagkita. Doon ako nag-park ng sasakyan ko para lumipat sa magara niyang kotse.Hindi na rin kasi maitatanggi ang nararamdaman ko—ang pagsusuka, ang pagkahilo at ang pagod na tila hindi matapos-tapos. Ayoko sanang sumama kay Sylas noong una, pero pinilit niya ako. At sa totoo lang, mas okay din na may kasama ako. Natatakot kasi ako na baka mahimatay ako.Pagpasok namin sa clinic ng private doctor ni Sylas, ramdam ko agad ang pagiging eksklusibo ng lugar gaya nung unang punta namin dito. Napaka-elegante at tila wala kang makikitang ibang pasyente. Pumasok kami sa consultation room ng ob-gyne, isang babaeng nasa edad singkwenta na may mahinahong boses. Iba iba pala ang naka-assign na doctor dito."Good morning, Miss Keilani. I’ve reviewed your previous test results," sabi niya habang binubuksan ang folder na hawak. "You’re about five to six week
Sylas POVNakatayo ako sa harap ng malawak na bintana ng aking opisina, tanaw ang abalang lungsod sa ibaba. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw ng mga gusali. Isang basong whiskey ang hawak ko at tahimik akong nag-iisip habang hinihintay si Braxton na dumating. Ang tahimik na paligid ng opisina ay nagbigay-daan sa mga plano ko na unti-unting nabubuo sa isip ko.Hindi ko kailanman inakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon—na gagawin ko ang lahat para protektahan si Keilani at ang anak namin, habang sinisiguro na mabibigyan ng leksyon ang mga taong nanloko at nagkasala sa kanya, pati na rin sa akin.Pagkatapos ng ilang minuto, may kumatok sa pintuan."Come in," malamig kong sabi.Pumasok si Braxton, nakasuot ng kanyang usual na corporate attire. Mukha siyang kampante, walang kaalam-alam sa mga plano ko."You called for me, sir?" tanong niya habang umupo sa upuang nasa harap ng aking desk."Yes," sagot ko habang inilalapag ang baso ko sa mesa at tumingin nan
Keilani POVNasa kusina ako ngayon, naghahanda ng hapunan. Tahimik ang paligid ng bahay, pero ang isip ko ay abala sa mga plano namin ni Sylas. Naririnig ko ang mahinang tunog ng telebisyon mula sa sala kung nasaan si Braxton. Palagi siyang ganito, komportable sa sofa habang ako naman ang gumagawa ng lahat.Akala niya ay okay ako, pero ang totoo ay hindi pa. Pero pinipilit kong maging malakas, nakainom naman na kasi ako ng gamot kaya medyo kinakaya ko nang kumilos.Habang hinihiwa ko ang mga gulay, tumunog ang telepono ko na nakapatong sa lamesa. Tumigil ako sa ginagawa ko, kinuha ito at nakita ang pangalan ni Sylas na nagpa-flash sa screen.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo, ini-lock ang pinto at sinagot ang tawag."Hello," mahinang sabi ko."Keilani," bulong ni Sylas mula sa kabilang linya. "Did you finish the documents I asked you to prepare?""Not yet," sagot ko habang bumubulong din. "I can’t let Braxton see them. He might get suspicious.""He won’t," sagot ni Sylas nan
Keilani’s POVPagkalabas ni Braxton ng bahay kaninang umaga, sinundan ko siya ng tingin mula sa bintana. Ang tagal na ng ganitong routine—umaalis siya ng maaga, at ako, naiiwan dito, parang nakakulong sa sariling tahanan. Hindi na ako nagluluto ng almusal kasi sanay na siyang magluto sa umaga, kaya naman kapag gigising ako ay kakain na lang. Pero, kahit na ganoon, hindi ako mahiyang sa mga luto ni Braxton. Magsasangag na nga lang ng kanin na madali namang lutuin, palpak pa. Ang alat! Ang piniritong itlog naman ay lasog-lasog. Ang itlog at hotdog ay sunog, halatang malakas ang apoy nung lutuin. Nagtiyaga na lang ako kasi masamang magsayang ng pagkain.Kakatapos ko lang mag-almusal at uupo na sana ako sa sofa pero ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang tunog ng doorbell."Sino na naman kaya ‘to?" tanong ko sa sarili ko habang tumayo mula sa sofa. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang pamilyar na mukha ni Celestia. Nakasalamin siya, naka-cap, at parang nagmamadali."Keilani
Keilani’s POVMatapos ang tanghalian, hindi ko siya pinalampas ng pagkakataong mahirapan ulit. Dahil nasa bahay ko siya at nakiusap pa para magtago, naisip kong sulitin ang araw na ito. Habang lumalapit siya sa akin at nagdididikit, sasamantalahin kong makaganti ng paunti-unti."Celestia," tawag ko sa kanya habang nagpapahinga siya sa sofa. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, halatang pagod na siya sa paghuhugas ng pinggan. Basa-basa pa nga ang suot niyang damit. At mukhang ngayon palang siya magpapahinga."What now, Keilani?" tanong niya na halatang wala na siyang gana."Magmerienda naman tayo. Gusto ko ng pizza," sabi ko sa kaniya—sabay ngiti nang matamis. Sa mga ngiti kong ‘to ay mauuto ko siya."Pizza?!" tanong niya habang napapailing. "Seriously? You don’t just make pizza from scratch! Ang hirap kaya niyan!"Tumawa ako, nagpapakitang parang wala lang sa akin. "Eh ‘di bumili ka ng dough. The rest, kaya mo na ‘yan. Alam kong magaling ka diyan, Celestia."Napabuntong-hininga siya. "
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d
Keilani POV“A-ano ‘yun?” tanong ko naman.“Nung bago lang kayong kasal ni Braxton, naalala ko, may nabuntis siyang isang babae,” pag-aamin niya na kinagulat ko.“Talaga?” hindi na ako nagalit, wala naman na sa akin si Braxton. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko pa.Nahiya siya pero umamin pa rin siya. “Hindi ko sinabi sa iyo kasi…kasi iyon ang ginamit kong panakot kay Braxton para mapapayag siyang may mangyari sa amin palagi sa kama,” sabi niya kaya napailing ako.“Gaga ka talaga, so, sino ang nabuntis niyang babae?” tanong ko kasi napapaisip ako kung sino ‘yon. “Pero, teka, nabuntis? Hoy, baog ‘di ba si Braxton?”Nagulat tuloy ako bigla. “Hindi siya baog, Keilani.”“Sure ka ba diyan, kasi simula’t sapul, alam kong baog talaga siya.”“Nagkaanak siya sa isang babae at pati na rin sa isang babae. Magaling siyang magtago ng sikreto, Keilani. At dahil kung bakit hindi rin kayo magkaanak, ito ay dahil hindi niya kayang suportahan kapag nabuntis ka pa niya. Kasi dala-dalawa na ang an
Keilani POVNang magdesisyon kami na Sylas ipasara ang hotel at maghain ng kaso dahil kumampi at kinunsinte nila ang kawalangyaan nila Davina at Braxton, nasilaw sila sa kakaunting halaga na binigay nito, hindi nila alam na makakapangyarihang tao ang kinakalaban ng dalawa. Sa totoo lang, chill lang ako, si Sylas lang ang talagang mainit na kapag ginawan mo ng mali o kasalanan, siya ang hindi titigil hangga’t hindi ka napupunta sa kulungan.Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, at ang mga balita mula sa mga kasong isinampa laban kay Braxton at Davina ay patuloy na dumarating. Wala na silang magawa. Ni hindi nila naisip na ang kanilang mga kasalanan ay isa-isang lilitaw at ang kanilang mga kasalanan ay magiging sanhi ng pagbuo ng mga kaso na hindi nila kayang tapusin.“Keilani, it’s all over for them,” sabi ni Sylas na seryosong nakatingin ang mga mata sa akin. Kapag alam ni Sylas na talong-talo na ang kalaban, masayang-masaya at makakapag-relax na siya. “Wala nang lu
Keilani POVPagbalik namin ni Sylas sa mansiyon matapos ang isang masarap na bakasyon sa Boracay, napabuntong-hininga ako kasi alam kong balik na sa trabaho.Pero sa isang banda, masarap ang naging bakasyon namin dahil sobrang daming ganap, ang saya ng mga tawanan at pagmamahalan bonding naming mag-asawa.Sakto naman na kakauwi lang namin ay may isang magandang balita kaming natanggap.Dalawa sa walong model na dapat sana’y kasali sa commercial ad ng Merritt Luxury Motor Company ang dumating sa bahay namin. Kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba at pati na rin ang galit, pero alam kong may mahalaga silang sasabihin kaya sila nagpunta rito.Tama ang hinala ko kasi may pinakita sila.Nang ipakita nila sa amin ang mga nakuha nilang CCTV footage mula sa hotel room na pinag-stay-an nila, agad kong naramdaman ang matinding galit. Tama ang hinala ko.Sa screen, malinaw ang mga istura ng dalawang taong isa-isang sumusundo sa mga models. Kahit may suot silang facemask, hindi maikakaila na sila