Keilani’s POV Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang inilalagay ko sa mesa ang mga inihanda kong pagkain. Pagkasabi niya na gusto niya akong makasamang mag-dinner, nagmadali akong mamili kanina sa mall ng mga pagkaing lulutuin ko. Gusto ko sanang mag-order na lang ng food sa labas, kaya lang, mas gusto kong magluto at magpakitang gilas kay Sylas. Bakit nga ba? Ewan, basta gusto kong matikman niya ang mga luto ko. Kailangan perfect ang lahat. Hindi puwedeng basta-basta lang, kaya naman pinag-isipan ko ang menu. May pasta na may creamy sauce, steak na sobrang lambot at syempre, ang paborito ni Sylas—ang chocolate mousse cake na binili ko pa sa mamahaling pastry shop. Simple lang dapat ang gabi namin, pero gusto ko itong gawing espesyal. Pagkatapos kong maghanda, sarili ko naman ang hinanda ko. Naligo ako ulit dahil pinawisan na ako sa mga ginawa ko. Nagdamit ako ng maganda. Gusto ko, kapag nakikita ako ni Sylas, maayos at kaaya-aya akong tignan. Pero bakit? Oh, shït! Natatandaan ko
Keilani POVTahimik ang umaga ko habang inaasikaso ang mga papeles ng coffee shop sa office room ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang namumugto sa iyak na si Celestia. Halos mapuno ng hikbi ang maliit kong opisina, kaya ibinaba ko ang hawak kong ballpen at tiningnan siya.“Keilani, I don’t know what to do anymore!” sigaw niya, sabay bagsak ng bag niya sa sahig.Hindi ko mapigilan ang kunot sa noo ko habang pinagmamasdan siya. Pero syempre, bilang kaibigan, pinilit kong magmukhang nag-aalala.“Celestia, what happened?” tanong ko, kunwari'y seryoso at may halong simpatya. Lumapit ako sa kanya habang kunwari'y handang dumamay sa kaniya.Habang nagkukwento si Celestia, alam ko na agad ang dahilan ng lahat. Lahat ng ito ay dahil kay Davina at siguradong hindi pa ito ang huli.“S-someone broke into my shop,” sabi niya habang pilit pinipigil ang hagulgol. “They destroyed everything. Wala na akong computers, wala na akong negosyo, Keilani!”Niy
Keilani’s POV Pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ni Braxton, agad akong nagtaka sa nakita ko. Nakabukas ang maleta niya sa sahig at abala siya sa paglalagay ng mga damit at gamit. Napakunot-noo ako habang tinanggal ko ang aking sapatos at inilapag ang dalang bag. “Braxton, anong ginagawa mo?” tanong ko na medyo napataas ang kilay habang pinagmamasdan siya. “Nag-eempake ka? Lalayas ka na ba?” Napatigil siya sa pag-aayos ng gamit at tumingin sa akin habang nakunot din ang noo. “No, I’m not leaving. We have an outing. Company outing ni Sir Sylas.” Napansin ko agad ang tono ng boses niya. May bahid ng pag-iwas, parang ayaw akong bigyan ng masyadong detalye. Tumaas ang kilay ko. “Outing? Kailan mo pa ito sinabi sa akin?” “I mentioned it last week,” sagot niya sabay baling ulit sa kanyang maleta. “It’s not a big deal. Work thing lang naman.” Work thing lang naman? Agad akong nainis. Alam kong kasama doon si Davina, at dahil si Sylas ang boss nila, siguradong nandoon din siya. Parang m
Keilani POVPagod na pagod ako sa halos ilang oras na pagmamaneho. Ngunit nang makarating kami sa beach resort sa La Union, napalitan ng inis ang pagod ko. Pagtingin ko sa paligid, sosyal ang ambiance ng lugar—maraming mamahaling sasakyan, malinis na tanawin at magarang mga kubo at villas sa tabi ng dagat. Napailing ako nang mapansin ko ang ibang mga empleyado ni Braxton na may kasamang mga asawa.Napairap ako. Talaga lang ha, Braxton? Kaya pala ayaw mo akong isama kasi alam mong lahat ng mga lalaki dito may kasama ring asawa nila. Sino kaya ang niloloko mo? Halatang-halata na may balak silang sumalisi ni Davina. Mabuti na lang at pinagpilitan kong sumama. Habang nakatayo ako malapit sa sasakyan, napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang magarang sasakyan na kararating lang. Kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari niyon—si Sylas. Pagkaparada nito, bumaba agad ang mala-modelong si Davina. Taas-noo siyang naglakad papasok sa resort, hindi man lang hinintay si Sylas.Pagkabukas ng
Keilani POVPagkatapos naming mag-merienda sa umaga ni Braxton, nagkanya-kanyang ayos ang lahat para sa beach activities. Halos lahat ng asawa ng mga empleyado ay nag-effort sa kanilang beach outfits—mga summer dresses, bikinis, at iba’t ibang accessories na tila nasa fashion show.Ako? Siyempre, hindi magpapahuli. Alam kong kasama dito si Davina kaya nag-ready ako kahit hindi naman ako nagsusuot ng ganitong daring na outfit. Isinuot ko ang aking high-waisted bikini na may matching kimono cover-up. Simple pero elegante.Nagulat pa nga si Braxton nang makita ako. Pinuri niya ako na hanggang ngayon ay sexy pa rin daw ako. Sinabi pa niya na bagay sa akin ang mga ganitong kasuotan.Nung nasa beach na ang lahat para maligo, nakita ko si Davina na dumating sa beachfront, naka-one-piece swimsuit na backless, at may suot na wide-brimmed hat. Aba, mukhang lumalaban ang babae.Habang naglalakad ako sa buhangin, ramdam ko ang mga mata ng iba pang mga tao. Nang magkatabi na kami ni Davina sa spo
Keilani's POVNasa dagat na kami, naglalangoy at naglalaro kasama ang ibang empleyado at kanilang mga pamilya. Pinili kong manatili malapit kay Braxton para magpaka-sweet. Kunyari'y ang saya-saya namin bilang mag-asawa. Kahit totoo namang wala akong balak magpaka-romantic, ginusto kong makita ni Davina at ni Sylas na masaya ako sa piling ni Braxton. Si Sylas pinagseselos ko habang si Davina naman at inaasar ko.“Hold my hand,” sabi ko kay Braxton habang tumatawa, na para bang kami ang perfect couple sa eksenang iyon. Tumalima naman siya, bagamat halata sa kilos niya na hindi siya komportable sa ginagawa ko. Pero dahil asawa moment ito ay wala siyang magagawa kundi ang gamitin kong props para sa ganap ngayon dito sa Elyu.Habang nagtatawanan ang iba, napansin kong panay ang tingin sa akin ni Sylas. Pero hindi iyon basta tingin—parang galit ang mga mata niya. Hindi ko maiwasang kiligin sa nakikita ko. Bakit siya galit? Nagseselos ba siya?“Keilani, you’re getting too far,” sabi ni Braxt
Keilani POVTahimik ang penthouse. Napakatahimik na halos marinig ko ang kaluskos ng sarili kong mga yapak sa makintab na sahig. Wala akong naririnig na kahit na anong tunog mula sa ibang kuwarto. Malamang, lahat sila nasa labas pa—abala sa kung anuman ang pinagsasaya nila.Perfect timing, Keilani, sabi ko sa sarili habang papasok sa kuwarto namin ni Braxton. Gusto ko nang matapos ang simpleng misyon na ito—ang kunin ang pitaka niya para makabili siya ng pasalubong para sa mama niya. Hindi ko rin gustong maabutan ng kung sino dito, lalo na ni Davina. Ayokong masira ang gabi ko nang dahil lang sa presensya ng babaeng iyon.Pagpasok ko sa kuwarto, mabilis kong hinanap ang pitaka ni Braxton sa bedside table. Wala roon. Binuksan ko ang drawer, at doon ko na ito nakita. Kinuha ko agad at nagsimula nang lumabas.Sa hallway ng penthouse, tumigil ako bigla. May narinig akong tunog—isang pinto ang bumukas.Napakunot ang noo ko. Walang tao rito kanina. Sino ‘yun?Dahan-dahan akong humakbang pap
Keilani's POVNapansin ko agad ang iritasyon ni Braxton nang bumalik ako sa bonfire area. Napansin kong namula ang mga tainga niya habang nakapamulsa ang mga kamay. Alam kong lagot ako."Bakit ang tagal mo, Keilani?" tanong niya agad habang nakatingin sa akin nang masama. "Umalis na ‘yung naglalako ng handy bags."Napakagat-labi ako habang pilit na iniisip ang dahilan kung bakit ako na-delay. Gusto ko sanang sabihin na hinarang ako ni Sylas sa penthouse, pero alam kong hindi pupuwede. Alam kong lagot ako kung malalaman ni Braxton ang tungkol doon."I'm sorry," mahina kong sagot. "May hinanap lang ako sa kuwarto. Saka, hindi ko agad nakita ‘yung pitaka mo."Napabuntong-hininga siya, halatang hindi pa rin nawawala ang inis. "Next time, huwag mo nang patagalin. Kung hindi mo nakita agad, bumalik ka na lang sa akin para hanapin natin nang magkasama. Sayang naman ‘yung bag para sa mama ko."Tumango ako, kahit na natutuwa ako na umalis na ‘yung naglalako. Hindi naman deserve ng mama niya na
Keilani POVNasa kusina ako ngayon, naghahanda ng hapunan. Tahimik ang paligid ng bahay, pero ang isip ko ay abala sa mga plano namin ni Sylas. Naririnig ko ang mahinang tunog ng telebisyon mula sa sala kung nasaan si Braxton. Palagi siyang ganito, komportable sa sofa habang ako naman ang gumagawa ng lahat.Akala niya ay okay ako, pero ang totoo ay hindi pa. Pero pinipilit kong maging malakas, nakainom naman na kasi ako ng gamot kaya medyo kinakaya ko nang kumilos.Habang hinihiwa ko ang mga gulay, tumunog ang telepono ko na nakapatong sa lamesa. Tumigil ako sa ginagawa ko, kinuha ito at nakita ang pangalan ni Sylas na nagpa-flash sa screen.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo, ini-lock ang pinto at sinagot ang tawag."Hello," mahinang sabi ko."Keilani," bulong ni Sylas mula sa kabilang linya. "Did you finish the documents I asked you to prepare?""Not yet," sagot ko habang bumubulong din. "I can’t let Braxton see them. He might get suspicious.""He won’t," sagot ni Sylas nan
Sylas POVNakatayo ako sa harap ng malawak na bintana ng aking opisina, tanaw ang abalang lungsod sa ibaba. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw ng mga gusali. Isang basong whiskey ang hawak ko at tahimik akong nag-iisip habang hinihintay si Braxton na dumating. Ang tahimik na paligid ng opisina ay nagbigay-daan sa mga plano ko na unti-unting nabubuo sa isip ko.Hindi ko kailanman inakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon—na gagawin ko ang lahat para protektahan si Keilani at ang anak namin, habang sinisiguro na mabibigyan ng leksyon ang mga taong nanloko at nagkasala sa kanya, pati na rin sa akin.Pagkatapos ng ilang minuto, may kumatok sa pintuan."Come in," malamig kong sabi.Pumasok si Braxton, nakasuot ng kanyang usual na corporate attire. Mukha siyang kampante, walang kaalam-alam sa mga plano ko."You called for me, sir?" tanong niya habang umupo sa upuang nasa harap ng aking desk."Yes," sagot ko habang inilalapag ang baso ko sa mesa at tumingin nan
Keilani’s POVNung hapon ay umalis na ako sa coffee shop kasi nag-message si Sylas na sasamahan na ulit niya ako sa clinic. Sa park na ulit kami nagkita. Doon ako nag-park ng sasakyan ko para lumipat sa magara niyang kotse.Hindi na rin kasi maitatanggi ang nararamdaman ko—ang pagsusuka, ang pagkahilo at ang pagod na tila hindi matapos-tapos. Ayoko sanang sumama kay Sylas noong una, pero pinilit niya ako. At sa totoo lang, mas okay din na may kasama ako. Natatakot kasi ako na baka mahimatay ako.Pagpasok namin sa clinic ng private doctor ni Sylas, ramdam ko agad ang pagiging eksklusibo ng lugar gaya nung unang punta namin dito. Napaka-elegante at tila wala kang makikitang ibang pasyente. Pumasok kami sa consultation room ng ob-gyne, isang babaeng nasa edad singkwenta na may mahinahong boses. Iba iba pala ang naka-assign na doctor dito."Good morning, Miss Keilani. I’ve reviewed your previous test results," sabi niya habang binubuksan ang folder na hawak. "You’re about five to six week
Keilani’s POV Pagod man ang katawan, mas magaan na ang pakiramdam ko habang hinahanda ang hapunan sa kusina. Alam ko na ang dapat kong gawin. Kahit nakakalokang tanggapin na kailangan kong lumayo para itago ang pagbubuntis ko, hindi ko na puwedeng balewalain ang sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko si Braxton, ang mga tanong niya kung sakaling malaman niya ang totoo. Pero hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi siya puwedeng mapunta sa iba dahil paninindigan ko ang karma na gusto kong mangyari sa kaniya. Tatlong taon akong naging tanga, ginawa niyang tanga, pinaniwala na wagas ang pagmamahal niya sa akin bilang asawa niya pero may mga baho talaga na kusang aalingasaw. Dahil sa mga kasalanang ginawa niya, hindi ko siya hahayaang makawala. Ako, gagalingan ko ang pagtatago ng baho ko, at sa tulong ni Sylas, sure akong magagawa ko ‘yun nang maayos. "Keilani, kaya mo ‘to," bulong ko sa sarili habang hinahalo ang sabaw sa kawali. Hindi ko alintana ang latang nararamdaman ko. Kailangan kong magpakat
Keilani’s POVTahimik kaming dalawa ni Sylas sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako, nakatingin sa labas ng bintana habang unti-unting umiikot ang mundo ko. Para akong lumulutang sa hangin, hindi ko alam kung saan pupunta o kung anong mangyayari sa mga susunod na oras.Nasa dibdib ko pa rin ang bigat ng sinabi ng doktor kanina. Isang buwan akong buntis. Ang dami kong tanong sa isip na hindi ko alam kung paano sisimulan. Naririnig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sylas habang nagmamaneho. Halata sa kilos niya na iniisip niya rin ang mga nangyari.Nagbunga na ang mga kabayuhang ginagawa namin ni Sylas. Ito ‘yung pangarap namin noon ni Braxton, pero hindi natupad kasi talagang baog siya. Ngayon, natupad na ang parehong pangarap namin pero hindi na siya kasama. Dahil si Sylas ang nakabuntis sa akin. Nabuntis ako ng mayamang lalaki na ‘to na kung single lang ako, tiyak na sobrang saya ko na. Kaya lang, ngayong buntis na ako, parang naduwag ako bigla. Parang natatakot ako na mabalikt
Keilani’s POVMadaling-araw nun nang magising akong bigla, pinagpapawisan kahit malamig ang gabi. Ilang segundo pa lang akong nakaupo sa gilid ng kama, ramdam ko na agad ang kiliti sa lalamunan na parang may gustong kumawala. Tumakbo ako papunta sa banyo, halos hindi ko na magawang isara ang pinto sa sobrang pagmamadali.Pagkadikit ng tuhod ko sa tiles, nauna nang sumuka ang lahat ng laman ng sikmura ko. Ang bigat sa dibdib, ang init sa loob ng katawan ko, lahat iyon parang gustong sabay-sabay lumabas. Humawak ako sa gilid ng toilet bowl, hinihingal at halos hindi na alam kung paano ko pa kakayanin."Keilani?" boses ni Braxton mula sa pinto. Mukhang nagising siya dahil sa mga tunog na ginagawa ko. Maya maya, naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, marahang tinatapik-tapik habang patuloy akong sumusuka."Are you okay? What’s happening?" nag-aalala niyang tanong habang nakaluhod sa tabi ko.Hindi agad ako nakasagot. Pinilit kong huminga nang malalim matapos ang ilang minuto ng pagsusu
Keilani’s POVPagkaupo ko sa sofa, parang lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung paano ko haharapin ang susunod na araw sa dami ng kailangang gawin. Pero kahit pilit kong pakalmahin ang sarili, napansin kong parang mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa dati.Pumikit ako at huminga nang malalim. Baka dahil lang sa pagod. Kailangan ko sigurong magpahinga nang maaga.Narinig kong umupo si Braxton sa kabilang dulo ng sofa matapos niyang tumawag para mag-order ng pagkain. "Dinner will be here in thirty minutes. Are you sure you’re okay, Keilani?" tanong niya habang nakatingin sa akin.Tumango ako, pero hindi na ako nagsalita pa.Habang naghihintay kami ng pagkain, bigla akong nakaramdam ng init sa loob ng katawan ko. Parang ang bigat-bigat ng hangin sa paligid. Tumayo ako at tinungo ang bintana para magbukas ng sariwang hangin, pero kahit na malamig ang simoy ng gabi, parang hindi pa rin ito sapat para maibsan ang init na nararamdaman ko."K
Keilani’s POVPagkatapos ng mahabang trip namin, bumalik na rin ang lahat sa normal. Si Braxton, maaga pang pumasok sa trabaho. Nagpaalam siya sa akin kaninang umaga habang inaayos ko pa lang ang unan sa kama. Mabuti nga at namamansin na siya, kinabukasan kasi matapos ang pagsapak sa kaniya ni Sylas dahil sa kakulitan niya, nagtanong siya kung anong nangyari at sa ibaba siya ng kama nakatulog. Wala siyang kaalam-alam na pagkatapos siyang makatulog dahil sa sapak ni Sylas sa mukha niya ay nag-sëx pa kami ni Sylas. Tuwang-tuwa ako ng gabing ‘yun kasi hindi lang isa, kundi two round ang nangyari sa amin. Lahat ng round sa loob niya pinutok ang tamöd. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay mabuntis na ako ni Sylas."I’ll see you later, Keilani. Don’t overwork yourself, okay?" sabi niya habang hinahalikan ang noo ko. Ngumiti ako nang tipid at tumango. Nasa mood siya kasi nangako ako sa kaniya na hindi na aalis ng gabi at doon na matutulog palagi sa bahay namin. "Take care," sago
Keilani POVPagpasok ni Braxton sa kuwarto namin, agad akong nakaramdam ng pagod na hindi lang pisikal kundi emosyonal din. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya kahit nasa may pintuan pa lang siya. Pasuray-suray siyang lumapit habang hawak ang isang baso ng kung anuman ang iniinom niya sa dagat kanina."Keilani, love," tawag niya habang pilit na inaabot ang aking kamay. "You’re still awake! That’s good. Come on... let’s spend some time together. Nasa mood akong makipag-iyutän ngayon sa ‘yo. Nami-miss na kitang bayuhïn."Napatingin lang ako sa kaniya, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Alam kong lasing na siya, kitang-kita sa mga mata niyang namumula at sa ngiting tila walang problema sa mundo. Pero ako? Pagod na pagod na ako sa buong araw na ito. Kailangan ko ng pahinga. Isa pa, kakabayö lang sa akin kanina ni Sylas, kaya wala talaga ako sa mood ngayon, lalo na’t paumaga na."Braxton, lasing ka na. Please, matulog ka na lang. I need to rest," sabi ko nang mahina habang pilit na pinakalm