Keilani POVPagod na pagod ako. Parang ang bigat ng buong katawan ko, parang mababasag ang bawat buto sa bigat ng nararamdaman ko. Nasa kama ako ngayon, nakahiga, pero kahit pahinga ang habol ko, parang mas lalo akong hinihila pababa ng bigat ng konsensya ko. Kanina pa tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng electric fan at mahinang tiktik ng orasan ang naririnig ko. Pumikit ako, pilit inaalis ang alaala ng hapon na iyon. Ngunit kahit pilit kong kalimutan, bumabalik pa rin sa isip ko ang bawat sandali. Ang bawat haplos, ang mga sulyap na puno ng pagnanasa, at ang mga salitang sinabi ni Sylas. Lahat ng mga wild naming ginawa, ang kababuyan, kadirian at kung ano-ano pa, basta, grabe, kakaibang tikìm ang nangyari. Hindi ako makapaniwalang magagawa ko ‘yon sa buong buhay ko. Kahit ako, oo, nandidiri sa ginawa kong ‘yun. Pero, kahit na nakakahiya at nakakadiri ang nangyari, aminado ako na dinala ako sa langit ni Sylas sa sarap nang naramdaman ko. Wild, hard, masakit man, pero sa dulo, gra
Keilani POVKinabukasan, maaga akong nagising. Pinagluto ko na si Braxton kasi medyo parang okay na ang pakiramdam ko, wala ‘yung ibang sakit ng katawan ko.Habang nagluluto ako, biglang dumikit sa likod ko si Braxton, naramdaman ko ang matigas niyang titë.“In heat ako, Keilani,” pabulong niyang sabi.“Wala ako sa mood, Braxton, kakagaling ko lang sa sama ng pakiramdam kagabi, ‘di ba?” walang gana kong sagot sa kaniya.“Wow, teka nga,” biglang sabi niya at saka ako hinarap sa kaniya nang mabilisan. “Seryoso ba ‘to? Tumatanggi ka e, dati lang ay kapag dinikit ko na ang titë ko sa iyo eh, binababa mo na agad ‘yang suot mong panty!”Dama ko sa pananalita niya ang galit at gulat niya.“Oo nga, kasi nga baka mabinat ako, nagkasakit ako kagabi,” pagsisinungaling ko na lang tuloy. Umay pa kasi ako sa dami nang nangyari sa amin kahapon ni Sylas. Iyon talaga ang totoong dahilan. Saka, doon na lang siya magpaka-in heat kay Davina, tutal doon naman na siya nagpapakasasa sa kama.“Sa bagay, oo n
Keilani POVNakausap ko na si Celestia tungkol sa lupa, nabili na namin ito, at handa na akong umpisahan ang konstruksyon. Kinuha ko ang cellphone at sinimulan nang tawagan ang mga kakailanganin ko: contractor, interior designer, at supplier ng materials. Gusto ko, sa loob ng isang linggo, halos tapos na ang lahat—isang mabilisang proyekto para agad kong masimulan ang business ko. Kaya naman ‘yun kasi maliit lang na coffee shop ito.“Keilani, bakit parang nagmamadali ka masyado?" tanong ng contractor habang kausap ko siya sa phone.“Gusto ko lang talagang masimulan agad,” sagot ko habang pilit na itinatago ang kaba sa boses ko. “Kung kaya ng team mo na tapusin ang lahat sa isang linggo, babayaran ko kayo ng extra.”Tumigil siya saglit bago sumagot. “Okay, pero siguraduhin mo lang na lahat ng materials ay maihanda agad. Hindi rin kami puwedeng mag-extend dahil tight ang schedule.”“Don’t worry, ako na ang bahala doon,” mabilis kong sagot.Matapos ang tawag, agad kong inasikaso ang pagb
Keilani POVPagkagising ko kinabukasan, parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi lang dahil sa mga nangyari kahapon kundi dahil na rin sa lumalalang alitan namin ni Braxton. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumilinaw sa akin na wala nang patutunguhan ang relasyon namin.Nakaupo ako sa gilid ng kama, tahimik na nagmumuni-muni habang iniisip kung ano na nga ba talaga ang silbi ng pagsasama namin. Hindi niya sinusuportahan ang mga pangarap ko. Sa bawat plano na ginagawa ko para sa sarili ko, parang lagi siyang kontra. Paano pa kami magiging maayos kung hindi kami nagkakaintindihan?At saka, iyon pa—baog si Braxton. Kahit ilang beses naming subukan, wala pa ring nangyayari. Para bang walang laman ang kinabukasan namin. Kung wala siyang suporta sa mga pangarap ko, wala kaming anak, at hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal niya, ano pa ang silbi ng lahat ng ito?Pagdating ng almusal, naglakas-loob ako na kausapin siya. Nakaupo siya sa mesa, nagbabasa ng diyaryo, pero halatang hindi
Keilani POVHindi ko alam kung excitement ba ang nararamdaman ko o kaba sa mga susunod kong hakbang para sa pangarap kong coffee shop. Kahit papaano, natutuwa akong kasama ko ulit si Celestia ngayong araw. Siya kasi ang klase ng kaibigan na hindi lang marunong sumuporta kundi talagang game sa kahit anong plano ko. Pagdating niya sa bahay, dala niya ang malaking tote bag na palaging puno ng kung ano-anong gamit. Ngumiti siya sa akin habang inabot ang kape na dala niya.“Ready ka na ba? Mukhang madugo ang shopping na ‘to,” biro niya sabay inom ng sarili niyang kape.Napatawa na lang ako. “Oo naman. Kung gusto mong bigyan kita ng allowance, sabihin mo lang,” sabi ko nang pabiro rin.“Hmm, maybe I should take you up on that offer,” sagot naman niya sabay kindat.“Oo, akong bahala sa ‘yo, basta samahan mo lang ako palagi, aambunan kita ng grasya,” sagot ko at ngayon din, nagulat siya kasi binigyan ko siya ng limang libong piso.“Hoy, seryoso ba?” hindi siya makapaniwala.“Itabi mo na ‘yan
Sylas POVTahimik sa opisina ko, maliban sa bahagyang ugong ng air conditioning. Ang araw ko na ito ay puno ng deadlines, reports, at mga meeting, pero lahat ng iyon ay tila walang halaga kumpara sa plano kong binubuo sa isipan ko. Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pag-akyat sa hagdan ng tagumpay, kundi pati na rin sa pagiging maestro ng bawat hakbang ng laro.I reached for the intercom, pressing the button with a deliberate precision. “Call Braxton to my office. Now.”“Yes, sir,” sagot ng receptionist.Ibinalik ko ang telepono sa cradle at tumingin sa malinis kong mesa. Organized chaos. Pero para sa akin, walang bagay na nagaganap nang hindi ko pinapahintulutan.Ilang minuto lang, narinig ko ang marahang pagkatok sa pinto.“Sir Sylas, good morning po,” bati ni Braxton, magalang at may pormalidad. Ang kaniyang postura ay malinis at maayos, tila isang taong gustong mapahanga ang boss niya. Kahit na alam kong gago ang isang ‘to.“Come in,” I said, leaning back on my leather chair.
Keilani POVPagkatapos naming mag-almusal ni Braxton, gumayak na ako. Wala siyang pasok ngayon, pero ako ay may lakad kaya gumayak ako. Nung paalis na ako, bigla siyang nagsabi na sasama siya sa akin kasi gusto niyang masilip ang pinapagawa kong coffee shop. Nagulat pa ako kasi hindi naman siya concern sa business ko, tapos ngayon, sasama siya sa akin.Pagdating namin doon, narinig ko ang tunog ng martilyo at lagari, ang ingay ng mga taong abala sa kanilang trabaho. Nakita ko ang istruktura ng shop—halos buo na ito. Napakalapit na ng katuparan ng pangarap ko.“Ang ganda na ng itsura, ‘di ba?” tanong ko kay Braxton habang binuksan ko ang pintuan ng shop.“Yeah, it’s coming together,” sagot niya, pero hindi ko naramdaman ang enthusiasm sa boses niya.Habang naglalakad kami sa loob, tiningnan ko ang bawat sulok ng shop. Pinagmamasdan ni Braxton ang mga manggagawa, na abala sa kani-kanilang gawain. Napansin kong tahimik lang siya, tila malalim ang iniisip.Isa-isa na ring dumating kahapon
Keilani POVPagpasok ko ng bahay, ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Nauna siyang umuwi kasi dumaan pa ako sa isang coffee shop para magpalipas ng ilang oras. Tawag siya nang tawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Sa dami nang iniisip ko, halos nakadalawang kape na nga ako. Nung medyo kumalma ako, saka lang ako umuwi rito sa bahay.Nakita ko si Braxton na nakaupo sa sofa, tahimik na nakatungo, parang nag-aabang ng parusa sa akin. Pero para sa akin, wala nang puwang ang awa. Ang galit ko ay parang apoy na hindi mapapawi kahit anong paliwanag niya.Tiningnan ko siya, diretso sa mata niya. “How could you, Braxton?” tanong ko na halos pabulong pero puno ng emosyon.Hindi siya agad sumagot. Tumayo siya, lumapit sa akin, pero umatras ako.“Wala ka bang sasabihin? Wala kang paliwanag? O baka naman wala ka talagang konsensya?” dagdag ko habang hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita nang masakit.“Keilani, let me explain. Please,” sagot niya habang hawak ang noo na para bang siya pa
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d
Keilani POV“A-ano ‘yun?” tanong ko naman.“Nung bago lang kayong kasal ni Braxton, naalala ko, may nabuntis siyang isang babae,” pag-aamin niya na kinagulat ko.“Talaga?” hindi na ako nagalit, wala naman na sa akin si Braxton. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko pa.Nahiya siya pero umamin pa rin siya. “Hindi ko sinabi sa iyo kasi…kasi iyon ang ginamit kong panakot kay Braxton para mapapayag siyang may mangyari sa amin palagi sa kama,” sabi niya kaya napailing ako.“Gaga ka talaga, so, sino ang nabuntis niyang babae?” tanong ko kasi napapaisip ako kung sino ‘yon. “Pero, teka, nabuntis? Hoy, baog ‘di ba si Braxton?”Nagulat tuloy ako bigla. “Hindi siya baog, Keilani.”“Sure ka ba diyan, kasi simula’t sapul, alam kong baog talaga siya.”“Nagkaanak siya sa isang babae at pati na rin sa isang babae. Magaling siyang magtago ng sikreto, Keilani. At dahil kung bakit hindi rin kayo magkaanak, ito ay dahil hindi niya kayang suportahan kapag nabuntis ka pa niya. Kasi dala-dalawa na ang an
Keilani POVNang magdesisyon kami na Sylas ipasara ang hotel at maghain ng kaso dahil kumampi at kinunsinte nila ang kawalangyaan nila Davina at Braxton, nasilaw sila sa kakaunting halaga na binigay nito, hindi nila alam na makakapangyarihang tao ang kinakalaban ng dalawa. Sa totoo lang, chill lang ako, si Sylas lang ang talagang mainit na kapag ginawan mo ng mali o kasalanan, siya ang hindi titigil hangga’t hindi ka napupunta sa kulungan.Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, at ang mga balita mula sa mga kasong isinampa laban kay Braxton at Davina ay patuloy na dumarating. Wala na silang magawa. Ni hindi nila naisip na ang kanilang mga kasalanan ay isa-isang lilitaw at ang kanilang mga kasalanan ay magiging sanhi ng pagbuo ng mga kaso na hindi nila kayang tapusin.“Keilani, it’s all over for them,” sabi ni Sylas na seryosong nakatingin ang mga mata sa akin. Kapag alam ni Sylas na talong-talo na ang kalaban, masayang-masaya at makakapag-relax na siya. “Wala nang lu
Keilani POVPagbalik namin ni Sylas sa mansiyon matapos ang isang masarap na bakasyon sa Boracay, napabuntong-hininga ako kasi alam kong balik na sa trabaho.Pero sa isang banda, masarap ang naging bakasyon namin dahil sobrang daming ganap, ang saya ng mga tawanan at pagmamahalan bonding naming mag-asawa.Sakto naman na kakauwi lang namin ay may isang magandang balita kaming natanggap.Dalawa sa walong model na dapat sana’y kasali sa commercial ad ng Merritt Luxury Motor Company ang dumating sa bahay namin. Kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba at pati na rin ang galit, pero alam kong may mahalaga silang sasabihin kaya sila nagpunta rito.Tama ang hinala ko kasi may pinakita sila.Nang ipakita nila sa amin ang mga nakuha nilang CCTV footage mula sa hotel room na pinag-stay-an nila, agad kong naramdaman ang matinding galit. Tama ang hinala ko.Sa screen, malinaw ang mga istura ng dalawang taong isa-isang sumusundo sa mga models. Kahit may suot silang facemask, hindi maikakaila na sila