MAGKAYAKAP sina Markus at Clarisa ng mga sandaling iyon. Umiiyak si Clarisa habang nakasubsob sa dibdib ni Markus.Ang isang kamay ni Markus ay humahagod naman sa likod ng kan’yang kababata.Damang-dama ni Helena ang mabigat na tensyon ng mga oras na iyon. Para bang hindi siya dapat maging istorbo sa dalawang nilalang na ito na heto, at ika nga ay nasa wagas nilang ‘moment’ na matatawag.Bakit ganoon? Bakit parang bumigat ang pakiramdam niya? Bakit tila, kinurot ang puso niya sa nakitang iyon?Ganoon pa man, napapatda man sa pintuan matapos niyang buksan iyon at ganoon nga ang bumungad sa kan’ya, kagya’t siyang nakabawi agad sa pagkabigla. Isinara niya uli ang pinto ng buong ingat. Nang hindi namamalayan nina Markus at Clarisa. At saka siya lumigid sa may likod bahay. Magkukubli muna siya. Saka na siya papasok. Kapag tapos na ang eksenang iyon ng kan’yang asawa at ng babaeng iyon na pamilyar sa kan’ya ang mukha.Kumalma na si Clarisa sa pag-iyak. Sa paghagulgol na tila ba katapusan na
“P-PAANO mo ako nakilala?” tanong ni Clarisa nang kaharap niya na si Helena ng mga sandaling iyon. Oo. Kaharap niya ito ngayon. Ipinasundo siya nito sa driver nito at ngayon ay naririto silang dalawa sa isang restaurant. Tinawagan siya nito kahapon. Nagpakilala ito sa kan’ya. At inimbita siya na kung maaari’y magkakilala sila ng personal at makapag-usap. Nag-atubili pa siya na pagbigyan ang paanyaya nito, dahil bakit? Sa anong dahilan? Pero nang marinig niya ang pakiusap nito, nagpakumbinsi na rin siya. At saka interesado rin siyang malaman ang dahilan nito kung bakit biglang-bigla’y ibig siya nitong kilalanin at kausapin. At heto nga. Magkaharap na sila ngayon ng babaeng itinururing niyang karibal niya kay Markus. Napakaganda nga pala nito. Higit na maganda sa malapitan. Ano ang binatbat niya rito? Wala! Maski sa kutis nitong ala-porselana, mapapahiya ang balat niya…! Hindi nga nakapagtataka na magustuhan ito ni Markus. Kahit hindi ito nababalutan ng yaman, maski sinong lalaki,
LINGID sa kaalaman ni Markus ang pakikipagkita niya kay Clarisa at ang pag-aalok niya ng tulong dito, kaya hindi na nagtaka si Helena nang kumpirmahin ito sa kan’ya ng asawa kinabukasan.Nakalimutan niya, sobra nga palang malapit sa isa’t-isa ang dalawa kaya tiyak na ipararating ni Clarisa kay Markus ang inalok niya rito. Siguro’y para ipahamak siya sa kan’yang asawa.For sure, kilala rin ni Clarisa si Markus bilang ma-prinsipyong tao, at alam ng dalaga na hindi magugustuhan ni Markus ang ginawa niya. Pero bakit ba? Ano ba ang masama sa ginawa niya? Gusto niya lang namang makatulong…“Tumawag sa akin si Risa. Nagkita pala kayo.” ani Markus sa pagitan ng kanilang pag-aalmusal ng umagang iyon.Tinitigan ni Helena ang asawa. Wala siyang mabasang reaksyon sa anyo nito. Hindi ito tumitingin sa kan’ya. Tuloy lang ito sa pagsubo.“I j-just want to help.”Tumango-tango si Markus. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na makikipagkita ka sa kan’ya?”“I thought you might not agree.”Huminto si Markus
NADATNAN ni Markus si Helena ng gabing iyon na nasa harap ng tv. Sumisinghot at nagpapahid ng luha. Bigla siyang nataranta. “H-helena? Bakit? May nangyari ba?” Mabilis na pagdalo niya rito.Natawa si Helena sa naging reaksyon ng asawa. “Wala. Nanonood lang kasi ako ng MMK. The story touched my heart so much.” Napasinghap pa ang buntis.Sinulyapan ni Markus ang tv na advertisement ang kasalukuyang umeere. Naihilamos nito ang palad sa mukha. “Sus! Akala ko naman…!”“Sorry po, mister. Kasi, sobra talaga akong naapektuhan ng pinanonood ko. You know, this is how the story goes. When Almira’s father died, her mother left her to work abroad. But when her mother was in another country, she was forgotten and left to their relatives because her mother remarried there. Her life became miserable because her auntie’s husband exploited her.” Napabuntong-hininga pa si Helena. Apektado talaga ng sobra sa istorya ng programa.“Ano nang nangyari pagkatapos?” ibig matawa ni Markus. Dumarami ang nadidisk
NAGISING si Helena na nakatunghay sa kan’ya ang lahat sa harap ng hospital bed niya. Ang kan’yang pinakamamahal na lola, si Markus na mahalaga na sa kan’ya, ang biyenan niya at ang mga kapatid ng kan’yang asawa.“Kumusta ka na, apo? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” Nakangiting bungad ni Doña Amanda sa apo nang magmulat ito ng mga mata. Hinalikan pa nito sa noo si Helena.Napapikit si Helena. Waring pinakikiramdaman ang sarili. “O-okay na ako, lola. Magaan na ang pakiramdam ko…” sumulyap siya kay Markus na nasa may paanan niya at nakangiti ring nakatunghay sa kan’ya. “Mac…” aniya.Dumistansiya si Doña Amanda nang lumapit si Markus sa asawa. Tinanguan nito ang manugang sa apo.Ginagap ni Markus ang isang kamay ni Helena. Masuyo itong hinalikan sa noo. “K-kumusta?”Napapikit uli si Helena sa ginawing iyon ni Markus. May gumitaw na luha sa sulok ng kan’yang mga mata. “M-mabuti na ang pakiramdam ko, Mac. Salamat…” pinisil pa niya ang kamay ni Markus na nakahawak sa kamay niya. “A-ang a
ISA NANG GANAP na mag-asawa ngayon sa tunay na kahulugan noon sina Markus at Helena matapos nilang aminin ang totoong damdamin sa isa’t-isa. Sa harap ng mga nakapaligid sa kanila lalo na sa harap ni Doña Amanda, hindi na pagkukunwari ang ipinakikita nilang pagmamahalan. “So, since na-settle na ang lahat, ready na bang lumabas ng hospital ang mommy ni baby Amanda?” Matamis ang ngiti ni Raquel nang mag-round uli ito sa bestfriend niyang pasyente. Nasa wheelchair na si Helena habang kalong-kalong ang kan’yang sanggol. Nakahanda na sa kanilang pag-uwi. Si Markus nama’y nasa likod nito at siya ang magtutulak sa wheelchair habang may nurse na naka-asiste rin sa likuran nila. Alam na ni Raquel ang masayang nangyari sa kaibigan at sa asawa nito. Sa naging sobrang kaligayahan ni Helena sa damdamin ni Markus sa kan’ya, hindi nito napigilan na i-share agad sa matalik na kaibigan ang nangyaring ganap nilang pagkakaunawaan ni Markus. At masaya si Raquel para kay Helena. “I’m ready, Doc. Lalo at
MASARAP sa pakiramdam pero mahirap nga pala ang maging isang ina. Iyon ang napatunayan ni Helena habang hinehele niya si Baby Amanda.Ito ang unang gabi nila ng kan’yang sanggol sa mansyon. Hindi muna sa nursery room niya ipipirme ang anak habang hindi pa sila nakakapag-hire ng magiging yaya nito. Gusto niya munang enjoy-yin ang pag-aalaga rito habang bakasyon pa siya sa trabaho at ang gusto niya ay katabi ito sa pagtulog. Katabi nila ni Markus.Oo, katabi nila ni Markus. Nakapagitan ito sa kanila. Nasa gitna nila.Kasi ano pa ba ang dapat asahan ngayong nagkamabutihan na sila ng lalaking pinakasalan niya? ‘Di ba dapat ay magkatabi na nga sila nitong matutulog sa kama? At kung sakaling darating na sila sa punto na gawin nang ganap ang pisikal na ugnayan nila bilang mag-asawa, nakahanda siyang ibigay ang sarili niya rito.Napangiti si Helena sa isipin na iyon. Tunay na silang mag-asawa ni Markus. Sa totoong kahulugan ng salitang iyon. Hindi niya iyon inaasahan pero dumating. At nangyar
ANG sumunod na mga araw ay naging saksi ang mga taong nasa paligid nila sa pagmamahalang ipinamamalas nina Markus at Helena sa isa’t-isa. Tuluyan nang nagpasya si Markus na sa mansyon na sila tumigil na mag-anak alang-alang kay Doña Amanda na hindi man diretsong nagpahayag sa kan’ya ng kagustuhan nitong manatili na lamang sila roon, batid niyang iyon ang nais ng matanda. Patunay ang sobrang kaligayahan na nararamdaman niya rito ngayong kapiling na uli nito ang nag-iisang apo at ang apo nito sa tuhod.Wala namang naging problema si Markus sa pakikitungo sa abuela ng asawa. Ramdam niya rin ang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kan’ya bilang padre de pamilya. Sa mga desisyon na may kinalaman sa kan’yang mag-ina, hindi nakikialam ang donya at hinahayaan na siya ang gumawa ng hakbang. Anito pa’y nakuha na niya ang tiwala at simpatya nito sa kan’ya.“Thank you Mac, ha?” ani Helena isang araw.Nakaupo sila noon sa gilid ng swimming pool. Nakahilig ang ulo ni Helena sa balikat ng asawa haba
EPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang
“TUMAWAG ang abogado ni Helena.” Imporma ni Markus sa asawa nang sila na lamang dalawa ang nasa hospital room nito. “Ipina-kansel na nang tuluyan ni Efraim ang hearing.” Nakaupo ito sa kama katabi ni Helena.Napamaang si Helena. Tinitigan ang asawa. Parang hindi makapaniwala. “A-anong dahilan?”“Walang sinabi. But I hope, may magandang dahilan. O, maaaring nakunsensiya na dahil sa nangyari sa inyo ng lola.”“Knowing Efraim…” malungkot na saad ni Helena.“Ganoon mo siya kakilala? Parang gusto kong magselos, ah?” Biro ni Markus.Mahinang tumawa si Helena. Humilig ito sa dibdib ng asawa. “Totoo ang sinabi ng lola. Matigas ang puso ni Efraim. Even when we were in college. Every time I try to get close to him to end the gap between the two of us and make our competition healthy, he avoids me as if he doesn't know me.”Tumango-tango si Markus.“Until I found out why he was so angry with our family and he only used me for his revenge.”Pinisil ni Markus ang palad ng kabiyak. “At buong akala
“BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok."Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”Iniharap ni Aling Lora a
ISANG MALAKAS NA SUNTOK ang pinawalan ng kanang kamao ni Markus na ang nahagip ay ang bibig ni Efraim. Pumutok iyon at tumalsik ang dugo mula doon.Nagkaroon ng komosyon sa loob ng pribadong opisina ng huli na pwersahang pinasok ni Markus sa kabila ng pagpigil sa kan’ya ng private secretary nito.“P***ng-i*a mo!!!” Galit na galit na sigaw ni Markus at inundayan pa uli ng malakas na suntok si Efraim na ang nahagip naman ay ang kaliwang mata nito.Gumanti si Efraim pero hindi sapat ang lakas ng kamao niya sa bagsik ng kamao ng katunggaling galit na galit sa mga sandaling iyon.Isa pa uling suntok ang pinawalan ni Markus na nagpabalandra kay Efraim sa sahig. Doon na napigilan ng mga guwardiya si Markus na pilit kumakawala sa mga bisig na pumipigil sa kan’ya.“Nabingit sa kamatayan ang lola ni Helena! Maging siya at ang mga anak namin dahil sa kahayupan mo! Papatayin kita!!!” tungayaw ni Markus. Buong lakas na nag-uumalpas sa mga nakahawak sa kan’ya.Pilit bumangon si Efraim mula sa pagka
BUONG kalungkutang lumapit si Markus kay Doña Amanda kasunod ang kapatid nitong si JR matapos itong talikuran ni Efraim.Hindi man niya narinig ang usapan ng dalawa, batid niyang negatibo ang naging kaganapan noon.Matalim ang mga matang nasundan na lamang niya ng tingin ang ama ni Mandy na kaybilis ng mga hakbang paalis sa kubling lugar na iyon kasunod ang asawa nitong si Glenda.“Matigas ang puso niya…” parang sa hangin nagsalita si Doña Amanda. Malungkot pa itong napangiti.“L-lola…” ani Markus na naaawang tinitigan lang ang matanda.Kumapit ito sa braso niya. “T-tena, hijo. Umuwi na tayo…” Kumapit din ito sa braso ni JR. Napagitnaan siya ng magkapatid na iginiya siya patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kanilang kotse.Walang kibo at nanatiling tahimik lamang ang matanda habang binabagtas nila ang daan pauwi.Maya’t-maya ay pinagmamasdan ito ni Markus sa rear view mirror. Hindi niya maiwasan ang labis na pag-aalala rito.Nakatanaw lang ang mga mata ni Doña Amanda sa labas
NAGTAGIS ang bagang ni Markus matapos mapanood ang video na ipinadala ni Efraim sa social media account ng kapatid na si JR.“A-ano ang gagawin natin, anak? Hindi ‘yan dapat mapanood ni Mama Amanda.” ani Aling Lora na agad napaluha. “Baka, kung ano pa ang mangyari sa matanda…!”“Hindi talaga titigil si Efraim…!” Naniningkit sa galit ang mga matang wika ni Markus.“K-kuya, bakit hindi na lang ninyo ibigay sa tunay na tatay ni Mandy ang karapatan sa anak niya? Para hindi na lumala ang problema?” Alanganin man sa sinabi ay lakas-loob na nulas ng labi ni JR.Tiningnan ng masama ni Markus ang kapatid. “Hindi iyan ang solusyon, JR! Kapag ibinigay namin ang gusto ni Efraim, tiyak na ilalayo niya si Mandy sa amin. Sa ating lahat! Aangkinin niya na ang bata dahil wala silang anak ng kan'yang asawa! Malabo na siyang magkaroon ng anak dahil malalagay sa peligro ang buhay ng asawa niya kapag nagbuntis uli ito kaya ganoon siya kapursige na makuha sa amin ang custody ni Mandy!”Napapikit si JR saba
“INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal
“WALA siyang utang na loob…!” Nagpupuyos ang kalooban ni Aling Lora patungkol kay Clarisa. “Sa kabila ng lahat nang ginawa sa kan’ya ni Helena, ito pa ba ang igaganti niya?” Inakbayan ni Markus ang ina. “Mag-uusap kami, ‘Nay…” “Hindi. Huwag ka nang makalapit-lapit sa babaeng ‘yun, Makoy! Ako ang makikipag-usap sa kan’ya!” “Nay…?” “Ipaubaya mo sa akin ‘to, anak…” madilim ang anyo ni Aling Lora. “Huwag n’yo naman sanang sasabunutan, ‘Nay. Ha?” Nagbiro na lang si Markus. Ni hindi man lang napangiti si Aling Lora. “Higit pa sa pagsabunot ang dapat niyang matikman, Makoy…!” “Nay?” “Kung bakit kasi sobrang gandang lalaki mo, kuya. Kaya patay na patay sa ‘yo si Ate Risa. Sobra ring nainlab sa ‘yo si Ate Helena. Sana all!” biro rin ni JR. Gustong palamigin ang init sa paligid. Pinandilatan ni Aling Lora ng mata ang anak. “Hindi ito ang tamang oras sa pagbibiro, JR!” labyaw nito. Napakamot sa ulo si JR. “S-sorry, ‘Nay. Kuya…” Tinanguan na lang ni Markus ang kapatid. “Puntahan na nat
NAPAHAGULGOL si Helena matapos marinig ang lahat ng sinabi ng asawa.Limang taon…Halos limang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari ang pagpapakasal nila ni Markus at sa loob mga taon na iyon, buong akala nila, walang nalalaman ni anuman ang kan’yang lola, pero hindi pala ito naging ignorante sa totoong naging ugnayan nila ni Markus noong una.At sa kabila na niloko niya at pinaglihiman ang abuela, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting galit o hinanakit sa kan’ya. Pakiramdam niya nga, mas lalo pa siyang minahal ng lola Amanda niya.Ang iyak niyang iyon ay hindi lamang sa pasasalamat na hindi siya sinumbatan ng abuela. Iyak din iyon ng pasasalamat na sa loob ng mga panahong iyon, sa kabila ng nalaman nito, hindi iyon nakaapekto sa kalusugan ng matanda, lalo na nang dumating si Mandy sa buhay nila, tila ba mas ninais pa nitong humaba ang buhay.“P-puntahan na natin ang lola, Mac. I will ask for her forgiveness…!” ani Helena na tigmak sa luha ang mga mata.“Tayong dal