“MAY napapansin ako, apo.” ani Doña Amanda sa harap ng pag-aalmusal nila kinaumagahan.Nagtatanong ang mga mata ni Helena sa abuela.“Ang saya-saya mo ngayon.” nanunukso ang tono ng matanda.“Lagi naman akong masaya lola. Of course with you, with my husband and now, because of my Baby Amanda.”“Hmmn…iba ang saya mo ngayon, apo.” Ayaw paawat ng donya. Sumulyap pa ito kay Markus na ngingiti-ngiti lang sa pagitan ng pagsubo. “Baka masundan agad ang apo ko sa tuhod?!”Nasamid si Markus. Bale ba’y humihigop na ito ng kape.Ang lakas ng tawa ng matanda.“Ang lola talaga, nang-iintriga!” alangang matatawa o maiinis si Helena sa abuela. Hinagod nito ang likod ng asawa. “Okay ka lang, mah – M-mac?” Pinigil niya muna ang sarili sa pagsambit ng bagong endearment sa asawa dahil lalo silang tutuksuhin ng matanda.Tumango si Markus. Pinahid na lang nito ang talsik ng kape sa kan'yang polo shirt at natawa na lamang sa lola ng kabiyak sabay ganti na lang ng biro. “Okay lang po ba lola na sundan aga
KANINA pa pabalik-balik ng lakad sa pasilyo ng ospital si Efraim. Hindi mapakali. Halata sa anyo ang stress. Ang mabigat na dinadala.“Efraim…!” Labyaw dito ng tiyahing si Mary. “Can you calm down? Come here. Instead of worrying, let's pray. Please?” Tinapik pa ng may edad na babae ang bakanteng upuan na katabi nito para maupo doon ang pamangkin. “I’m worried about you too, hijo. Hindi lang kay Glenda. Baka kung mapa’no ka rin diyan!”Napahinuhod si Efraim. Tumabi nga ito sa tiyahin na agad hinawakan ang mga kamay niya at sumambit ng taimtim na dasal.“I c-can’t help it, auntie…” napaiyak na ang lalaki matapos ang panalangin ni Mary. Umiyak ng labis sa sariling mga palad.Hinagod ni Mary ang likod nito. Niyakap ang pamangkin.“It’s been four years. And this is the third pregnancy of my wife. Ano, mawawala na naman ba? Sobra kaming nag-iingat. Sobra ko siyang iniingatan, auntie…!”“Ssshh…! I know, I know.” Napaluha na rin si Mary. “Makakaligtas ang anak ninyo ngayon. Pakikinggan ng Diy
“MARKUS…!” may tumawag sa pangalan ni Markus habang papalabas na siya ng building ng P&A Corp.,matapos ang nakakapagod na maghapong pagta-trabaho sa opisina.Nilingon ni Markus ang tumawag sa kan’ya. Nasorpresa siya nang malamang ang dating kaibigan na si Lester ang nagtawag. Kasunod niya ito na kalalabas lang mula sa elevator.‘Dating kaibigan,’ dahil umpisa nang ma-involved siya noon kay Helena, at inisip nitong binalewala niya ang pagkakaibigan nila dahil sa hindi niya pagsasabi rito ng mga naging ganap sa buhay niya, umiwas na ito sa kan’ya at maging siya man, hindi nag-reach out na ibalik sa dati ang samahan nila.Huminto siya sa paghakbang upang makaantabay ito sa kan’ya.“S-sir Markus ---” ani Lester na nag-aalangan.Kumunot ang noo ni Markus. “Makoy, Lester. Kagaya ng dati. Ako pa rin si Makoy na kaibigan mo. Dati…”Napayuko si Lester. Napahiya. Nahalata iyon ni Markus. “N-nakakailang nang tawagin kita ngayon sa pangalan mo lang. Boss na kita.”Natawa ng mahina si Markus. “Da
MARAMI nang nangyari sa buhay nina Markus at Helena sa loob ng halos apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Sa kabila ng sa maling paraan sila nagkaroon ng kunwari’y ‘relasyon,’ nauwi naman iyon sa totohanan at nasumpungan nilang mahalaga sila sa isa’t-isa.Si Markus ay nakatapos ng kolehiyo at nagkaroon ng degree. At dahil alam niya na’ng deserving na siya para tumaas ang lebel ng trabaho niya sa kumpanya ng mga Montenegro, tinanggap niya ang posisyong ibinigay sa kan’ya ng kabiyak niyang CEO ng P&A Corp. Siya na ang Marketing Director ngayon sa kumpanya na responsible sa direction, guidance at leadership ng marketing. Ang tanggapan niya ang tipikal na namamahala sa marketing strategy ng kumpanya pagdating sa kanilang mga produkto. Bagay na nagagampanan niya nang buong husay kaya naman napabilib niya ng husto si Helena. Anito, hindi siya nagkamali ng pagtitiwala kay Markus. Si Doña Amanda’y ganoon na lamang din ang paghangang nabuo sa kabiyak ng kan’yang apo.Hindi na rin tu
HINDI naikubli ni Helena ang pagiging matamlay kahit pilit nitong pinasisigla ang sarili habang pinapalitan ng disposable diaper ang anak. At hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Markus.Habang binabagtas nila ang daan pauwi, lalo itong tumamlay nang makatulog na sa kandungan nito si Mandy. Malungkot ang mga mata nitong nakatanaw lang sa bintana ng kotse. Paminsan-minsa’y kumukunot ang noo at tila kaylalim ng iniisip.Ginagap ni Markus ang isang palad ng kabiyak at marahan iyong pinisil. “Okay ka lang, mahal?” ani Markus na dinala pa sa labi niya ang kamay ng asawa.Pilit na ngumiti si Helena. “Napagod lang ako, mahal…”Tumango si Markus kahit hindi kumbinsido sa narinig. “Gusto mong dumaan muna tayo kay Dra. Raquel? Sa bahay niya?”Umiling si Helena. “Nothing to worry, mahal. Pagod lang talaga ako.”Nagkibit balikat na lang si Markus. “Okay. Malapit na naman tayo sa bahay. Magpahinga kang mabuti. Hindi kita iistorbohin.”Mahinang tumawa si Helena. “What do you mean na hindi mo ako
SINALUBONG si Efraim nang araw na iyon ng mga kasambahay nilang nag-aalala.“Kanina pa po kami kumakatok sa silid ninyo Sir, para pakainin sana si Ma’m Glenda pero hindi po niya kami pinagbubuksan. Wala rin po kaming naririnig na anuman mula sa loob.”“Then get the duplicate key para nabuksan n’yo sana ang kuwarto!” Galit si Efraim.“H-hindi po namin makita ang mga duplicate na susi, Sir…!”“What?!”“B-baka po, itinago ni Mam Glenda, para hindi po namin siya ma-monitor katulad ng lagi ninyong ibinibilin.”Napahugot ng malalim na hininga si Efraim. Sunod-sunod itong kumatok ng malalakas sa pinto. “Glenda sweetheart, I’m here. Buksan mo ang pinto…!”Walang tugon.“Sweetheart, please? Open the door…!” sunod-sunod uling katok ni Efraim.Wala pa ring tugon.“Glenda, ano ba? Buksan mo ang pinto!” nauubos na ang pasensiya ni Efraim. Lagi na lamang bang ganito? “Sweetheart, please? I will break this door down if you don’t open it!”Wala talagang sumasagot.Nagpasya na si Efraim. Bum’welo siya
HUNGKAG ang pakiramdam ni Efraim kahit na nga ba katatapos lang nilang mag-usap ni Glenda through video call, makaraan ng ilang sandali nang dumating siya mula sa opisina.Ilang araw matapos itong umalis, walang oras na hindi niya pinananabikan ang asawa, pero ito, kung bakit ang nararamdaman niya naman dito ay ang kawalang gana ng pakikipag-usap sa kan’ya sa ilang beses nilang komunikasyon sa internet. Pilit na lamang niyang ini-ignora ang naiisip kung talaga bang nagbago na ang damdamin nito sa kan’ya at wala na ang dating init ng pagmamahal nito. Ganoon pa man, uunawain na lamang niya lagi, na kung may nabago nga sa damdamin ng asawa sa kan’ya, epekto lamang iyon ng labis nitong kalungkutan dahil sa ilang beses nilang pagkabigo na magkaroon ng anak. Pansamantala lamang iyon. At iyon ang gusto niyang panghawakan.Pinipilit niya na lang i-pokus ang sarili sa trabaho para malibang at upang makalimutan ang mga alalahaning tila tumo-torture sa kan’yang utak, pero tila mabibigo rin si
“KAILANGAN nating harapin ito, Helena. Kailangan nating harapin si Efraim.” Matigas ang anyong sabi ni Markus matapos malaman mula sa asawa ang gustong mangyari ng dati nitong karelasyon.“S-sasamahan mo ako?” Kahit iyon talaga ang gusto niyang mangyari, ang damayan siya o samahan ni Markus sa laban na iyon, ibig pa ring makatiyak ni Helena.“Anong klaseng tanong ‘yan? Mag-asawa tayo, Helena. Pamilya. Sa lahat ng sitwasyon, kailangang magkaramay tayo, ‘di ba? Hindi kita puwedeng pabayaan.”Napayakap si Helena sa kabiyak. “N-natatakot ako, Mac…!”Iniharap ni Markus ang asawa sa kan’ya. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Ano ang ikinatatakot mo?” kunot ang noong tanong nito.“B-baka, kunin niya si Mandy sa akin. Sa atin!”“Helena, Helena…! Nasaan na ang talino ng asawa ko? Natabunan ba ng takot at mga negatibong kaisipan?”“Mac, sa sistema ng batas, alam kong nasa akin ang lahat ng karapatan kay Mandy, lalo na at nilayuan ako ng ama niya…pero, hindi alam ni Efraim na buntis ako nang
EPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang
“TUMAWAG ang abogado ni Helena.” Imporma ni Markus sa asawa nang sila na lamang dalawa ang nasa hospital room nito. “Ipina-kansel na nang tuluyan ni Efraim ang hearing.” Nakaupo ito sa kama katabi ni Helena.Napamaang si Helena. Tinitigan ang asawa. Parang hindi makapaniwala. “A-anong dahilan?”“Walang sinabi. But I hope, may magandang dahilan. O, maaaring nakunsensiya na dahil sa nangyari sa inyo ng lola.”“Knowing Efraim…” malungkot na saad ni Helena.“Ganoon mo siya kakilala? Parang gusto kong magselos, ah?” Biro ni Markus.Mahinang tumawa si Helena. Humilig ito sa dibdib ng asawa. “Totoo ang sinabi ng lola. Matigas ang puso ni Efraim. Even when we were in college. Every time I try to get close to him to end the gap between the two of us and make our competition healthy, he avoids me as if he doesn't know me.”Tumango-tango si Markus.“Until I found out why he was so angry with our family and he only used me for his revenge.”Pinisil ni Markus ang palad ng kabiyak. “At buong akala
“BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok."Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”Iniharap ni Aling Lora a
ISANG MALAKAS NA SUNTOK ang pinawalan ng kanang kamao ni Markus na ang nahagip ay ang bibig ni Efraim. Pumutok iyon at tumalsik ang dugo mula doon.Nagkaroon ng komosyon sa loob ng pribadong opisina ng huli na pwersahang pinasok ni Markus sa kabila ng pagpigil sa kan’ya ng private secretary nito.“P***ng-i*a mo!!!” Galit na galit na sigaw ni Markus at inundayan pa uli ng malakas na suntok si Efraim na ang nahagip naman ay ang kaliwang mata nito.Gumanti si Efraim pero hindi sapat ang lakas ng kamao niya sa bagsik ng kamao ng katunggaling galit na galit sa mga sandaling iyon.Isa pa uling suntok ang pinawalan ni Markus na nagpabalandra kay Efraim sa sahig. Doon na napigilan ng mga guwardiya si Markus na pilit kumakawala sa mga bisig na pumipigil sa kan’ya.“Nabingit sa kamatayan ang lola ni Helena! Maging siya at ang mga anak namin dahil sa kahayupan mo! Papatayin kita!!!” tungayaw ni Markus. Buong lakas na nag-uumalpas sa mga nakahawak sa kan’ya.Pilit bumangon si Efraim mula sa pagka
BUONG kalungkutang lumapit si Markus kay Doña Amanda kasunod ang kapatid nitong si JR matapos itong talikuran ni Efraim.Hindi man niya narinig ang usapan ng dalawa, batid niyang negatibo ang naging kaganapan noon.Matalim ang mga matang nasundan na lamang niya ng tingin ang ama ni Mandy na kaybilis ng mga hakbang paalis sa kubling lugar na iyon kasunod ang asawa nitong si Glenda.“Matigas ang puso niya…” parang sa hangin nagsalita si Doña Amanda. Malungkot pa itong napangiti.“L-lola…” ani Markus na naaawang tinitigan lang ang matanda.Kumapit ito sa braso niya. “T-tena, hijo. Umuwi na tayo…” Kumapit din ito sa braso ni JR. Napagitnaan siya ng magkapatid na iginiya siya patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kanilang kotse.Walang kibo at nanatiling tahimik lamang ang matanda habang binabagtas nila ang daan pauwi.Maya’t-maya ay pinagmamasdan ito ni Markus sa rear view mirror. Hindi niya maiwasan ang labis na pag-aalala rito.Nakatanaw lang ang mga mata ni Doña Amanda sa labas
NAGTAGIS ang bagang ni Markus matapos mapanood ang video na ipinadala ni Efraim sa social media account ng kapatid na si JR.“A-ano ang gagawin natin, anak? Hindi ‘yan dapat mapanood ni Mama Amanda.” ani Aling Lora na agad napaluha. “Baka, kung ano pa ang mangyari sa matanda…!”“Hindi talaga titigil si Efraim…!” Naniningkit sa galit ang mga matang wika ni Markus.“K-kuya, bakit hindi na lang ninyo ibigay sa tunay na tatay ni Mandy ang karapatan sa anak niya? Para hindi na lumala ang problema?” Alanganin man sa sinabi ay lakas-loob na nulas ng labi ni JR.Tiningnan ng masama ni Markus ang kapatid. “Hindi iyan ang solusyon, JR! Kapag ibinigay namin ang gusto ni Efraim, tiyak na ilalayo niya si Mandy sa amin. Sa ating lahat! Aangkinin niya na ang bata dahil wala silang anak ng kan'yang asawa! Malabo na siyang magkaroon ng anak dahil malalagay sa peligro ang buhay ng asawa niya kapag nagbuntis uli ito kaya ganoon siya kapursige na makuha sa amin ang custody ni Mandy!”Napapikit si JR saba
“INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal
“WALA siyang utang na loob…!” Nagpupuyos ang kalooban ni Aling Lora patungkol kay Clarisa. “Sa kabila ng lahat nang ginawa sa kan’ya ni Helena, ito pa ba ang igaganti niya?” Inakbayan ni Markus ang ina. “Mag-uusap kami, ‘Nay…” “Hindi. Huwag ka nang makalapit-lapit sa babaeng ‘yun, Makoy! Ako ang makikipag-usap sa kan’ya!” “Nay…?” “Ipaubaya mo sa akin ‘to, anak…” madilim ang anyo ni Aling Lora. “Huwag n’yo naman sanang sasabunutan, ‘Nay. Ha?” Nagbiro na lang si Markus. Ni hindi man lang napangiti si Aling Lora. “Higit pa sa pagsabunot ang dapat niyang matikman, Makoy…!” “Nay?” “Kung bakit kasi sobrang gandang lalaki mo, kuya. Kaya patay na patay sa ‘yo si Ate Risa. Sobra ring nainlab sa ‘yo si Ate Helena. Sana all!” biro rin ni JR. Gustong palamigin ang init sa paligid. Pinandilatan ni Aling Lora ng mata ang anak. “Hindi ito ang tamang oras sa pagbibiro, JR!” labyaw nito. Napakamot sa ulo si JR. “S-sorry, ‘Nay. Kuya…” Tinanguan na lang ni Markus ang kapatid. “Puntahan na nat
NAPAHAGULGOL si Helena matapos marinig ang lahat ng sinabi ng asawa.Limang taon…Halos limang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari ang pagpapakasal nila ni Markus at sa loob mga taon na iyon, buong akala nila, walang nalalaman ni anuman ang kan’yang lola, pero hindi pala ito naging ignorante sa totoong naging ugnayan nila ni Markus noong una.At sa kabila na niloko niya at pinaglihiman ang abuela, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting galit o hinanakit sa kan’ya. Pakiramdam niya nga, mas lalo pa siyang minahal ng lola Amanda niya.Ang iyak niyang iyon ay hindi lamang sa pasasalamat na hindi siya sinumbatan ng abuela. Iyak din iyon ng pasasalamat na sa loob ng mga panahong iyon, sa kabila ng nalaman nito, hindi iyon nakaapekto sa kalusugan ng matanda, lalo na nang dumating si Mandy sa buhay nila, tila ba mas ninais pa nitong humaba ang buhay.“P-puntahan na natin ang lola, Mac. I will ask for her forgiveness…!” ani Helena na tigmak sa luha ang mga mata.“Tayong dal