Share

CHAPTER 122 - Count On Him

"MISS, GISING NA PO."

Ungol lang ang ini-sagot niya nang marinig ang tinig na iyon kasabay ng pag-yugyog ng kung sino man ang nagsalita sa balikat niya. Nahihilo siya at lumulutang ang pakiramdam niya. Gusto niyang matulog–– bagay na kay ilap sa kaniya sa nakalipas na mga linggo.

"Miss, magsasara na po kasi kami. Gising na po."

Muli siyang umungol at pilit na inangat ang ulo saka nagmulat. Isang babaeng nakasuot ng pulang t-shirt ang nabungaran niya. "Isang... tower pa ng beer, please..."

"Miss, hindi na po kami magbibigay ng drinks, hanggang alas once lang po kasi kami rito at magsasara na po kami ngayon."

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status