Pinagbuksan ko ng pinto ang mga kaibigan kong sina Monique at Kylie. Tinawagan ko kasi sila kanina na pumunta sa apartment ko at dito na sila maghanda para sa pagpunta namin sa nightclub. Nagyaya kasi ako sa kanila, kasi wala lang, gusto ko lang magpakalasing kahit ngayon lang.
“Hi, Ally!” bati kaagad ng mga kaibigan ko sa akin nang tuluyan kong nabuksan ang pinto. Sinalubong kaagad nila ako ng mahigpit na yakap.
They’re my best friends since we were in high school. Same lang din kami ng university na in-attend-an noon at sabay na naka-graduate. Si Monique ay isa ng manager ng isa sa mga kilalang hotel habang si Kylie naman ay nagmamay-ari ng isang restaurant na unti-unti na ring dumarami ang branch.
Sa aming tatlo, ako talaga ang mahirap. Mga may kaya ang mga pamilya nila habang ako no’n ay nakapasok lang sa isang kilalang school dahil sa scholarship ko. Pero hindi naman ako nagreklamo, dahil nga rin sa hirap ng buhay namin ay ginawa ko iyong rason para pag-igihan ang pag-aaral.
I graduated in highschool and college with flying colors. At ngayon, kumikita rin ako ng malaki bilang isang executive assistant ni Sir Sebastian.
“Hi, girls. Pasok kayo,” sinabi ko nang nakawala sa yakap nilang dalawa.
“Grabe, girl, ha. Himala na nagyaya kang mag-club, napaka-once in a blue moon,” komento ni Monique at binagsak ang dalang paper bag sa sofa ng sala ko.
“True, napaka-rare. Kaya pumayag na rin kami, kasi alam namin may ichi-chika ka later,” nakangising turan naman ni Kylie at umupo sa pang-isahang sofa.
Pareho silang hindi pa nagbi-bihis at nasa bitbit nilang paper bag ang kanilang mga gamit at damit na susuotin nila mamaya pagpunta namin sa club.
“Meron talaga akong ichi-chika. Basta, mamaya sasabihin ko sa inyo. By the way, nag-dinner na kayo?” Dumiretso ako sa kusina ng apartment ko at hindi naman mahirap makipag-usap sa kanila dahil kitang-kita naman sila mula rito.
“Ano’ng dinner? ‘Di uso dinner sa amin,” natatawang sambit ni Kylie na nakamasid lang sa akin.
“Ah-huh,” pagsang-ayon naman ni Monique na busy na kaka-scroll at kaka-tipa sa kan’yang cellphone.
I just shook my head while grinning. Gumawa na lang ako ng sandwich para naman may laman ang tiyan ko bago kami mag-walwal. Mahirap na ‘no.
“EEW, are you for real, Alliana Raine Ramos?! Magj-jeans ka at magt-T-shirt lang talaga sa club? My gosh, ha!” maarteng wika ni Kylie at hinila ako palapit sa kan’ya.
Nakabihis na kasi sila at puro mga revealing ang suot nilang dresses. Parehong hapit na hapit sa magaganda nilang katawan ang mga suot nilang dress habang ako ay naisipang mag-jeans at magt-T-shirt lang.
Ano ba’ng masama sa suot ko? Hindi naman ako maghahanap ng lalaki ro’n, ‘no! Gusto ko lang magpakalasing at kalimutan ang nangyari kanina sa office ni Sir kahit pansamantala. ‘Yon lang naman. ‘Tsaka, hindi ako mahilig magsuot ng mga sexy na damit. Siguro mga business suit okay pa, like skirts and pants, pero mga gan’yang dresses na suot nila? There’s no way! Pakiramdam ko naka-h***d ako kapag suot-suot ko ang mga gan’yang damit, at feel ko rin hindi babagay sa akin.
“Bakit ba? Iinom lang naman tayo do’n,” kontra ko pa.
“What? Hindi LANG tayo iinom, magbo-boy hunting din tayo!” Si Monique, emphasizing the word ‘lang.’
I couldn’t help but to groan habang pinagtutulungan nila akong hubarin ang sinuot ko nang jeans.
At ano’ng magbo-boy hunting? Wala naman sa plano ‘yon!
“Mabuti na lang talaga at may extra dress ako here. Nararamdaman ko kasing magkakaganito ka.” Naghalukay si Kylie sa dala niyang paper bag, pagkatapos ay may hinugot doon at humarap sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung gaano ka-revealing ng dress na hawak-hawak niya. Kulang na lang pati kaluluwa ko ay ibalandara ko!
“No way!” sigaw ko at akmang lalayo pero mabilis nila akong hinila pabalik.
“Yes way, girl,” tuwang-tuwa na sabi ni Monique.
“WHAT THE HELL?” sigaw ko nang tuluyang nakita ang sarili sa salamin, suot-suot na ang red dress na binigay ni Kylie at may light make-up na rin na naka-apply sa mukha ko. Nakalugay ang buhok ko na hanggang balikat ang haba at bahagyang nakakulot ang dulo nito.
Kagaya ng suot ng mga kaibigan ko ay hapit na hapit din sa katawan ko ang pulang dress ni Kylie. Sleeveless iyon at above the knee ang haba. Doon ko lang naisip na may laban din pala ang katawan ko sa katawan ng mga kaibigan kong alagang-alaga.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan ang sarili. Pakiramdam ko hindi ako ‘yong nasa salamin. Ngayon lang kasi ako nag-ayos ng ganito. All because when my friends keep insisting na aayusan nila ako kapag gumagala kami ay umaayaw talaga ako. Baka kasi hindi bagay sa akin at ma-disappoint lang ako. But while looking at myself in the mirror, na-realize kong may chance din pala akong magmukhang tao. Geez.
“Ako ba talaga ‘to?” hindi ko makapaniwalang tanong at pinasadahan ang katawan ko ng aking mga kamay habang nakatitig pa rin sa sarili ko.
“Oo naman, gaga ba you?” untag ni Kylie na nasa likod ko lang at nakangising nakatingin din sa repleksyon ko, gano’n din si Monique na hindi matanggal-tanggal sa mga labi ang napakalaking ngiti.
“Oh, pak! You’re so beautiful and sexy. Tingnan lang talaga natin kung walang lalaki ang lalapit sa ‘yo,” ani Monique at hinawakan ang magkabila kong balikat mula sa likod ko.
“True.” Tumango si Kylie. “Sus, kung ‘andito lang ‘yong boss mo, naku, baka naglaway na iyon.” Naghalakhakan naman silang dalawa sa sinabi ni Kylie, pero ako ay mabilis na nabura ang ngiti sa aking mga labi.
They knew about my feelings for my boss. Matagal na. Palagi ko rin kasing kini-k’wento sa kanila since sila lang naman ang mga kaibigan ko at ang p’wede kong sabihan ng mga hinanaing ko sa buhay.
They were positive na someday daw ay mapapansin at magkakagusto rin ang boss ko sa akin. Pero alam kong mali sila.
I knew it was impossible. Malayong-malayo ako sa mga tipo ni Sir. I was the one who picked girls for him, lahat ng iyon ay puro magaganda at sexy, tapos mga successful din sa bawat career nila, but they still didn’t get my boss’ interest. Kaya imposibleng mapansin ako ni Sir.
THE MOMENT we entered the club, mabilis na sumalubong sa akin ang napakalakas na party music na umaalingawngaw sa bawat sulok ng high-end club. Nakakabulag din ang mga party lights na iba-iba ang kulay, especially the blinking lights na masakit sa mata.
Majority of the people in the club were already wasted. Many were already making out with their partners kahit saan ako lumingon. Alas diyes na rin kasi ng gabi kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ganito na ka-wild ang mga tao rito.
Narinig ko ang pagsigaw ng mga kaibigan ko sa aking tabi, halatang enjoy na enjoy sa nakikita. Napailing na lamang ako. Mga party animal talaga ang mga ‘to, eh.
“Let’s go, guys! I reserved a seat for us!” sigaw ni Kylie sa amin dahil kung hindi niya iyon gagawin ay hindi talaga kami magkakarinigan sa lakas ng tugtog.
Sinundan namin ng tingin ang itinuro ni Kylie sa itaas. Ang VIP area kung saan kitang-kita rin ang nasa ibaba kung nasaan ang dancefloor.
Ang yaman talaga ng bruhang ‘to. To think na high-end ang club na ‘to. Bigla tuloy akong nahiya. Ako ‘yong nagyaya pero sila ‘yong gumastos. Babayaran ko na lang din si Monique mamaya dahil kotse niya ang ginamit namin papunta rito. Ang mahal pa naman ng gas.
Alam ko ‘yon dahil may kotse rin ako, ‘yon nga lang ay pagmamay-ari ni Sir. ‘Yong company din naman ang nagbabayad ng gas na ginagamit ko, pero nasasayangan din talaga ako. Though pinahiram lang din muna ni Sir sa akin ang kotse niya para raw hindi na masiyadong hassle para sa ‘kin kapag may mga errand ako.
Oh, ‘di ba? Mabait talaga ‘yong si Sir. Kaya mahal na mahal ko ‘yon, eh. Chos! Mahal ‘agad? ‘Di ba p’wedeng gusto lang?
Dumiretso na kami ng mga kaibigan ko sa VIP area. Hinihila ko pa pababa ang suot kong red dress dahil umaangat talaga ito sa bawat hakbang ko. Ramdam na ramdam ko pa naman ang mga tingin na binabato ng mga kalalakihan sa mga kaibigan ko pati na rin sa akin.
I could see lust and admiration in their eyes as we walked in front of them. Sarap tusukin ng mga mata, eh.
Pagkaupo pa lang namin sa couch na naka-L shape, may waiter na ‘agad na lumapit sa amin at inilapag ang dalawang bote ng alak at mga maliliit na baso. Nang tiningnan ko ang mga label ng alak ay alam kong isa iyong kilala na brand. It was a whiskey.
Kagaya sa ibaba ay medyo dim ang lights dito. May iilan ding naka-occupy sa mga katabi naming mga couch.
Mas okay dito dahil hindi gano’n karami ang mga tao kumpara sa baba at mas nagkakarinigan din kami nang mabuti.
“Let’s get wasted, girls!” tili ni Monique at sinalinan kami ng whiskey sa mga nakahanda na naming baso.
Pinagtama namin ang mga maliit na baso at sabay na tinungga ang laman no’n. I shut my eyes tightly as the whiskey drew harshness in my throat. It was like burning there down to my poor stomach.
Naka-ilang baso pa kami ng whiskey bago nagsalita si Kylie.
“So, ano’ng chika mo, babae ka?” tanong niya sa akin na kinatingin din ni Monique sa akin.
Hindi pa naman sila natatamaan ng alak. Matataas kasi ang alcohol tolerance nila. Hindi katulad ko na medyo umiikot na ang paningin ko pero kaya pa naman.
“Ayon nga, inutusan na naman ako ni Sir na hanapan siya ng babae,” nakangisi kong wika pero mababakas ang pait sa tono ng aking boses. Muli kong binuhos ang natitirang whiskey sa aking baso sa lalamunan ko at pikit-mata iyong nilunok ng walang pagda-dalawang isip. Dumampot ako ng isang nakahiwa nang lemon at s******p iyon na kinangiwi ko ulit dahil sa pait no’n.
“Na naman? Ano ba naman ‘yang boss mo! Bulag ba ‘yon at hindi ka nakikita?” umiiling na wika ni Monique at napainom na rin sa kan’yang baso.
“Ay, hindi, friend. Kasalanan din ng magaling nating kaibigan. Kung mag-first move ka kaya? E, ‘di napansin ka!” suhestyon naman ni Kylie.
“Gusto mo ba akong ma-sisante?” Inikot ko ang mga mata ko sa kaibigan.
“Oh, tapos now magre-reklamo ka? Iba na ngayon, girl. Nagfi-first move na rin ang mga babae para magka-love life. Ikaw masiyado kang conservative, walang mangyayari sa ‘yo.” Sumang-ayon naman si Monique sa sinagot ni Kylie na kina-simangot ko.
“Ayoko lang talaga. ‘Tsaka trabaho ko ang nakasalalay kung magfi-first move ako, ‘no!”
“Ewan ko sa ‘yo, girl.” Monique shook her head. “I-clear mo nga, gusto mo bang mapansin ka niya o hindi?”
Dagli naman akong tumango. “Of course, gusto ko.”
“’Yon naman pala! Gumawa ka ng way! ‘Di ‘yong mag-a-ala-Maria Clara ka diyan. Ayan tuloy, napag-utusan ka na namang hanapan siya ng babaeng p’wede niyang i-date.”
Kung ano-ano na lang ang mga sinu-suggest ng mga kaibigan ko na p’wede kong gawin para raw makuha ko nang tuluyan ang atensyon ni Sir Sebastian. Pero lahat ng ‘yon ay inaayawan ko. Ayon tuloy, sa sobrang inis nila sa akin kulang na lang ay sabunutan nila ako nang sabay-sabay o pagsampal-sampalin dahil sa frustration nila sa akin.
“Sorry naman! ‘Yong huling boyfriend ko no’ng highschool pa. At hindi ako ang nag-first move!” katwiran ko pa sa kanila pero inikutan lang nila ako ng mga mata at kung ano-ano na naman ang mga sinasabi sa akin.
Nagpatuloy na lang kami sa pag-inom at hindi na iyon pinag-usapan pa. Gano’n lang ang ginagawa namin habang nagtatawanan nang biglang sumagi ang paningin ko sa couch na katabi lang ng couch na nasa tabi namin. Bale may isang couch na nakapagitan sa amin.
My brows furrowed a little nang namukhaan ang lalaking isa sa nakaupo roon. Si Silas Vergara, ang kapatid ni Sir Sebastian na mas bata ni Sir ng isang taon.
Prente itong nakaupo roon habang may isang babaeng naka-kandong sa kan’ya, ngunit ang mga mata niya ay nakatuon sa akin. Kitang-kita ko pa ang mapaglarong ngiti na nakaguhit sa kan’yang mga labi na kina-kulo ng dugo ko.
I rolled my eyes in annoyance. Hindi lingid sa kaalaman ko kung gaano ka-iresponsable si Silas. Kung gaano ka-responsible si Sir Sebastian ay gano’n naman siya ka-iresponsable. Masiyado itong carefree sa buhay at parang walang plano. And I knew his reputation too well. Masiyado itong babaero at isang party goer. Pero kahit na gano’n ay pinapaburan pa rin ito ng kanilang ama.
Hindi ko nga alam kung bakit gano’n. Si Sir Sebastian ‘yong naghihirap upang mas lumago pa ang negosyo nila pero siya ‘yong palaging pinag-iinitan ng ama nila, habang si Silas naman ay pinapaburan. Mabuti na lang talaga at sobrang bait ng ina nila kay Sebastian at kay Sir naman ito kuma-kampi.
Hindi ko na lang sana papansin ang gago’ng iyon ngunit lumipat din ang tingin ko sa taong naka-upo lang din sa kaparehong couch kung saan ang grupo ni Silas.
Halos malaglag ang panga ko nang nakita roon si Sir Sebastian na tanging ang white dress shirt na lang ang suot pang-itaas at naka-bukas na rin ang tatlong butones nito. Naka-rolyo na rin papuntang siko ang sleeves ng dress shirt niya at may hawak-hawak na isang baso ng alak sa kanang kamay. And worse, may nakaupong babae sa tabi niya at malayang naglalakbay ang kamay nito sa dibdib ng boss ko!
Oh. My. God. What the hell is happening?!
akiramdam ko hindi ako makahinga sa senaryong nakikita ng mga mata ko. My heart sank so deep as I clenched my chest with my right hand.Alam kong wala akong karapatan na masaktan dahil isa lang naman akong sekretarya niya. But as someone who loves him, I couldn’t help but to get hurt with what I was seeing. Dahil kahit ayokong makaramdam nitong pagpiga ng puso ko ay nararamdaman ko pa rin at hindi ko pa rin kayang pigilan.Nang naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng aking mga mata ay marahas kong iniwas ang tingin mula sa boss ko at sa malanding babae na parang linta kung maka-dikit sa kan’ya! Ako dapat ‘yon, eh!“Woah, what happened to you, woman?” nagtatakang tanong ni Kylie nang nakita ang sunod-sunod kong pagtungga ng whiskey.
I knocked on the fully opaque glass door thrice in front of me and opened it afterwards with a tablet on my other hand. Kaagad namang sumalubong sa aking mga mata ang aking boss na si Sir Sebastian Vergara, sitting on his swivel chair with that fine navy tailor-made suit in all his glory.Abala ito sa kakabasa ng mga sandamakmak na papeles sa kan’yang table habang nakakunot ang noo, but he’s still gorgeous even with that serious face. Really.Kahit naman siguro ano’ng emosyon ang naka-printa sa mukha niya ay mala-Adonis pa rin ang mukha nito. Kaya hindi ko rin maiwasang humanga sa ka-g’wapuhan niyang taglay. Kulang na lang talaga ay patayuan ko siya ng rebulto para mas maipakita ko ang labis-labis na appreciation ko sa mukha niya. Chos.I immediately erased those wild and forbidden t
akiramdam ko hindi ako makahinga sa senaryong nakikita ng mga mata ko. My heart sank so deep as I clenched my chest with my right hand.Alam kong wala akong karapatan na masaktan dahil isa lang naman akong sekretarya niya. But as someone who loves him, I couldn’t help but to get hurt with what I was seeing. Dahil kahit ayokong makaramdam nitong pagpiga ng puso ko ay nararamdaman ko pa rin at hindi ko pa rin kayang pigilan.Nang naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng aking mga mata ay marahas kong iniwas ang tingin mula sa boss ko at sa malanding babae na parang linta kung maka-dikit sa kan’ya! Ako dapat ‘yon, eh!“Woah, what happened to you, woman?” nagtatakang tanong ni Kylie nang nakita ang sunod-sunod kong pagtungga ng whiskey.
Pinagbuksan ko ng pinto ang mga kaibigan kong sina Monique at Kylie. Tinawagan ko kasi sila kanina na pumunta sa apartment ko at dito na sila maghanda para sa pagpunta namin sa nightclub. Nagyaya kasi ako sa kanila, kasi wala lang, gusto ko lang magpakalasing kahit ngayon lang.“Hi, Ally!” bati kaagad ng mga kaibigan ko sa akin nang tuluyan kong nabuksan ang pinto. Sinalubong kaagad nila ako ng mahigpit na yakap.They’re my best friends since we were in high school. Same lang din kami ng university na in-attend-an noon at sabay na naka-graduate. Si Monique ay isa ng manager ng isa sa mga kilalang hotel habang si Kylie naman ay nagmamay-ari ng isang restaurant na unti-unti na ring dumarami ang branch.Sa aming tatlo, ako talaga ang mahirap. Mga may kaya ang mga pamilya nila habang ako no&rsquo
I knocked on the fully opaque glass door thrice in front of me and opened it afterwards with a tablet on my other hand. Kaagad namang sumalubong sa aking mga mata ang aking boss na si Sir Sebastian Vergara, sitting on his swivel chair with that fine navy tailor-made suit in all his glory.Abala ito sa kakabasa ng mga sandamakmak na papeles sa kan’yang table habang nakakunot ang noo, but he’s still gorgeous even with that serious face. Really.Kahit naman siguro ano’ng emosyon ang naka-printa sa mukha niya ay mala-Adonis pa rin ang mukha nito. Kaya hindi ko rin maiwasang humanga sa ka-g’wapuhan niyang taglay. Kulang na lang talaga ay patayuan ko siya ng rebulto para mas maipakita ko ang labis-labis na appreciation ko sa mukha niya. Chos.I immediately erased those wild and forbidden t