[Charmane POV]
“H-hi. Good evening,” I greeted them while my eyes were set only to my boss. Pero agad kong binawi dahil kanina pa talaga ako naiilang sa kanyang ginagawa. Kung makatitig kasi ay para akong ice cream na nalulusaw.“Oh, hi, lady, good evening,” bati ng kasama niya.“Ahm, by the way, this is Charmane. Charm, this is Greg Ferrer, the owner of this house.”Oh, he is Greg? Ang suwerte nga naman ng girlfriend at mapapangasawa ng taong ito.“Nice meeting you, Charmane.” Mr. Ferrer extended his hand at tinanggap ko naman iyon kahit pa nakakailang.“Same here, Mr. Ferrer.”“Well, Albert is right. You’re really beautiful and you are perfect for each—” Hindi na niya nasabi pa ang susunod na sasabihin dahil marahan siyang siniko ng katabi niya.I felt awkward. Feeling ko nga, namumula ang magkabilang pisngi ko. Ano kaya ang sinabi ng Albert na iyon dito sa Greg na ito? Sh[Brad POV]I had been looking for Charmane everywhere but I don’t know where to find her. Bea took her dahil may pag-uusapan lang daw sila sandali. But it had been ten minutes since they left. Kanina pa rin ako halos paikot-ikot sa buong paligid. So, I decided to go back to our table, only to find out na nandoon na pala siya with Albert and Amanda.I smiled as I walked to their direction. They did not notice me because they were busy chatting.“Hey, guys. Parang naririnig ko yata ang pangalan ko sa usapan ninyo.” Napatingin ang dalawa sa akin. “Siniraan n’yo na agad ako sa kanya?” I saw Charmane’s pale face. She froze when she heard my voice.“That’s not true, Brad. We built you a good image to Charm,” sagot ng dalawa.I just shook my head and smiled. “Good. You, saan ka ba nagsusuot? Kanina pa kita hinahanap. And where is Bea?” tanon
“Look, wala akong pakialam kung girlfriend mo siya o hindi! Kasi in the first place, alam ko kung saan ako nakalugar.”“She’s not my girl,” ulit ni Brad.Nilingon ko siya at saka mapaklang ngumiti. I looked at his eyes down to his soft lips. I raised my fingers to touch it. I didn’t know where did I get my strength to do that. Basta parang nagkaroon lang ng utak ang kamay ko para gawin iyon.“Why so defensive, huh?” I looked at his eyes again while my fingers were still touching his lower lip. “Hindi naman tayo, ‘di ba?”Napalunok siya habang titig na titig sa mga mata ko. Sa bango ng hininga niya ay parang nawawala na talaga ako sa sarili at nanghihina pati mga tuhod ko. Ito na ba ang sinasabi nila na kapag nalalasing ay lumalakas ang loob mo na gumawa ng hindi mo kayang gawin kapag matino ang pag-iisip mo?“No, I’m not defensive. I’m just telling you the truth,” sabi ni Brad sa mahinang boses. “And I don’t want you
Nagising ako sa ingay ng cell phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko. Tinatamad kong iniabot iyon.Lee calling…It was him again. Kagabi pa siya tumatawag pero hindi ko sinasagot. Pati ang mga text niya, hindi ko rin binabasa. Basta in-inform ko siyang nakauwi na ako. Nasa kanya na kung magagalit siya o hindi.Sasagutin ko na sana nang bigla naman iyong huminto sa pagri-ring. Binuksan ko na lang ang mga message niya sa akin simula pa kagabi.Napangiti ako habang binabasa ang mga iyon. Halatang-halata kasi na galit siya sa ginawa kong pagtakas. May nabasa rin akong mga text galing kay Bea. Nag-alala rin siya sa pag-alis ko. Ang alam kasi niya ay sabay kami ni Brad sa pag-uwi. Tinext ko muna si Bea bago bumangon.Tumungo agad ako sa silid ng anak ko. It was weekend and our day to spend time together.“Mommy…” Pagbukas ko pa lang ng pinto
It was Monday morning and time to face my boss. I knew may kasalanan ako sa kanya. I had to face him kahit pa hindi ko alam kung paano kikilos sa harap niya ngayon.I cleaned his office kahit pa malinis naman iyon. Nagpunas ako sa mesa niya at in-arrange ang mga papeles doon. I also rearranged his bookshelf.Pagkatapos kong maayos ang office niya ay lumabas na ako. It was time to clean my table too. Pagkatapos kong maglinis ay pumunta ako sa coffee maker at gumawa ng sarili kong kape. Gagawan ko din sana si Brad pero nagbago ang isip ko dahil baka late siyang pumasok ngayon.Umupo ako sa table ko then I turned on my computer. I scanned his schedules and meetings for that day para kung tanungin niya ako mamaya ay may isasagot na agad ako. Then I proceeded to my unfinished works noong Friday kasi maaga niya akong pinauwi nang araw na ‘yon.Actually, matagal pa naman ang deadline ng
Napasinghap ako nang makakita ng isang hindi kanais-nais na bulto ng kahapon. Of all the people in this world, ito pang taong ito ang makikita ko ngayon?This was unexpected but annoying!Hindi ko inaasahang makikita ko pa siyang muli. Bakit kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay siya pa ang magiging ka-business meeting namin nitong amo ko?Hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang hindi siya nakaharap sa gawi namin. I guess he changed a lot. The way he dressed, ibang-iba sa nakilala ko dati. Pati ang pangangatawan niya ay nagbago rin because he gained more muscles hindi tulad dati na medyo payat. Alagang-alaga na siguro siya sa gym ngayon. Maaliwalas din ang mukha niya hindi tulad noon na may maliliit na bigote pa.But wait! Why was I comparing his old and new physique? Kung marami mang nagbago sa kanya? Well, I don’t care. Hindi rin ako nagpunta rito para purihin ang mga pa
Eleven thirty na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog at pabiling-biling lang sa higaan. Sarisari ang mga naiisip ko about my situation between Brad and Andrei. Both of them were occupying my thoughts.Sa totoo lang, parang hindi naman kapani-paniwalang kailangan talaga naming magpanggap ni Brad sa harap ng iba, lalo na sa pamilya niya. It was not because ginugulo sya ni Trixia ay pagpanggapin na niya ako. Pakialam ko ba sa problemang kinakaharap niya? And about Andrei, nakakalito because he was back again at ilang oras pa lang ang nakakaraan ay nagpaparamdam na siya at hindi ko na nga lang pinapansin. I didn’t want him to feel na may pag-asa pa.I didn’t know why it was all happening. ‘Yong dalawang taong parehong may kinalaman sa nakaraan ko ay nagbabalik ngayon.Gustong-gusto ko na sanang sabihin kay Brad ‘yong iginigiit niyang nangyari four years ago. But I didn’t know how and where to start.I held my cell phone. Kanina
[Charmane POV]“I don’t remember—”“Huwag mong ikaila because you already admit it last night. Gusto mong ulitin ko pa ang lahat ng sinabi mo?”Nahihiyang nagbaba ako ng tingin.“Charmane?”I sighed. “Okay. What else do you want to know from me?” Wala nang dahilan para patuloy kong i-deny ang lahat.“It is you?” he seriously asked me again.“Yes.” Tumingin ako sa kanya nang diretso. “Yes. May mababago ba dahil umamin na ako? Look, as what I’ve said last night, nagawa ko lang ‘yon dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang lubos pero niloko lang din pala ako.”There was sympathy in his eyes. “Why did you leave me then in that hotel room after what happened?”Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pamumula ng magkabilang pisngi ko. “T-that’s unnecessary to ask me, Boss.”
Trixie messed up everything. Dahil hindi na kami tulad ng mga nagdaang araw. Brad treated me now as an ordinary employee and not his pretend girlfriend. We were back from the star—boss and secretary.Tatlong araw na rin ang nagdaan mula nang magkasagutan kami. Kinakausap lang niya ako kapag may kailangan siyang ipagawa tungkol sa trabaho. He was too formal. He became so cold to me. ‘Yong dating puro lambingan at landian namin tuwing hindi na kami busy ay hindi na nangyari pang muli. Sa bawat oras na magkasama kami sa office niya ay puro tensiyon na lang ang nararamdaman ko. Kung sakaling kaya ko nga lang ilipat mag-isa ang table ko sa labas ay ginawa ko na para lang makaiwas sa kanya.Gusto ko na rin sanang kausapin si Bea na bigyan na muna ako ng pansamantalang trabaho sa kompanya nila para makaalis na lang dito, to be free of him and to free my heart from pain. Tuwing umiiwas kasi kami sa isa’t isa ay siya namang mas
Thinking Out Loud "Mommy, mommy. Wake-up." "Hmm..""Mommy..."Naaalimpungatan ako sa mga sandaling may pilit gumigising sa antok na antok kong diwa."Mom. I said, Wake up." Boses iyon ni Sam.Ibinuka ko ng kaunti ang mga mata ko at nandoon nga si Sam at ginigisiging ako. Nagtaka pa ako dahil bihis na bihis ito na parang may okasyong dadaluhan.Tiningnan ko ang relo sa aking bisig. It's already 05:30 Pm.Napagod pala talaga ako sa kaka-swimming namin kanina at na nauwi sa mainit na pagniniig naming magasawa.Tumayo ako at nag unat ng katawan. Napapangiti pa ako dahil binihisan pala niya ako ng damit niya at cycling."Sam, where's your Dad and Sister?" tanong ko dito."They are outside the cottage, mommy. Will you please get up Mom and get ready? Also, kindly wear this too?" Tinignan ko ang iniabot ng anak ko saakin.Isang magandang puti na bistida na hanggang tuhod ang haba. Backless iyon at may mga tali pa sa bandang dibdib. Napakasimple niyon ngunit maganda ang tela at kabuoang des
Chapter 58 Two years later “Da… da… da… da…ddy…” “Come again, baby? Let Daddy hear it again. Say, Da… ddy…” “Da… daa… ddy…” Then our baby giggled. “Oh, very good, Princess.” Brad gladly kissed her rosy cheeks. I warmly grinned while watching my husband and our princess na kasalukuyang nasa tabi ng dagat at nakaupo sa puting buhangin. Nasa malapit lang ako at nakatanaw sa kanilang dalawa. Hindi ako napansin ng asawa ko dahil busy siya sa pagtuturo kay Princess ng basic words. Babae ang naging sunod na anak namin ni Brad at wish granted iyon para sa kanya at sa panganay namin. Princess, that’s our daughter’s name. She turned one year and four months today. Si Sam ang pumili ng pangalan ng kapatid niya. Sam was really caring and loving brother to his sister. Siya rin ‘yong tipong ipinagdadamot ang kapatid sa iba noong kakapanganak ko pa lang kay Princess. Ayaw na ayaw talaga niya itong ipahawak at ipakita man lang kahit pa sa mga kakilala lang namin. And according to Ate Sabb, nor
Chapter 57 Equal “Sweetheart… Please don’t distract our wedding. Matatapos din ito. Please behave at makinig tayo kay Father.” I heard him chuckle. “Okay. I love you,” he whispered. “Mga anak, ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi gaya ng kanin na iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay isang simbolo ng pag-iibigan. Huhubugin pa kayo nito sa bawat araw ng inyong pagsasama. Ang bawat problema ng mag-asawa ay isang pagsubok lang ng Diyos na dapat kasama ninyong haharapin at lulutasin. Nawa’y matatag ninyong malagpasan ang mga darating ninyong suliranin sa buhay mag-asawa. Mga anak, ang pag-aasawa rin ay isang sagrado para sa mga taong tunay na nagmamahalan…” Ilan lang iyon sa mga salita ni Father na siyang tumatak sa aking utak. “Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan kayo ng isang matibay na samahan kasama ang anak ninyo at magiging anak pa ninyo, mga anak.” Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Brad sa kamay ko at bahagya pa niyang pinisil iyon. Gumanti rin ako ng pisil
Chapter 56 Down the Aisle I remember so well The day that you came into my life You asked for my name You had the most beautiful smile... Habang naglalakad ako kasama nina Mommy at Daddy sa gitna ng aisle papasok sa simbahan ay damang-dama ko sa aking puso ang bawat liriko na inaawit ngayon ng isang magaling na singer. Sa bawat hakbang ay ramdam ko na ang pagkamit ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mag-ama ko. My life started to change I'd wake up each day feeling alright With you right by my side Makes me feel things will work out just fine Our eyes met. Kita ko sa nangingislap na mga mata ni Brad ang buong pusong pagmamahal niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili na maging emosyonal habang naglalakad patungo sa kanya. Noon, pangarap ko lang talaga ang ganitong kasal para sa amin ni Andrei. But Andrei wasn’t for me. Ngayon, nasagot ko na ‘yong tanong ko noon kung bakit kami naghiwalay at hindi humantong sa ganito. It was because God had His best plan for me. Bradle
Chapter 55 Wedding Dress Pagkatapos ng pamamanhikan ng pamilya ni Brad ay na-set na agad ang kasal. We would have two months to prepare for it. Hindi na namin pinroblema ni Brad ang paglalakad ng mga gagawin. Kasi ang Hernandez clan na ang gumawa ng halos lahat-lahat kaya mas napadali ang preparation sa big wedding namin. “Anak.” Lumingon ako sa bumukas na pinto at napangiti ako. “Mom.” I opened my arms at pinalapit ko siya. Lumapit naman siyang may ngiti sa mga labi. “Are you ready, anak?” Tumango ako. “Yes, Mom.” Nag-excuse muna si Lulu, ang makeup artist and hair stylist ko dahil tapos na niyang ayusin ang buhok at makeup ko. Nag-excuse din ang hired photographer nang matapos niyang kuhanan kami ni Mommy ng mga litrato. Sa kabilang silid naman siya tumungo, kung saan naroon sina Ate at ang pamilya niya. “You look so very beautiful and gorgeous in your wedding gown, anak.” Tinitigan ni Mommy ang kabuuan ko. “Parang kailan lang no’ng baby bunso ka pa namin ng iyong daddy.
Chapter 54 Together “Hijo, dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi,” sabi ng daddy ni Brad nang matapos kaming maghapunan at ngayon ay nasa sala na at nag-uusap-usap tungkol kay Sam. “Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko rin ho sana ‘yan, Dad. Kaya lang baka ayaw ng asawa ko,” sagot ni Brad. Asawa ko? “Hija, please. Dito na lang muna kayo kahit isang gabi lang, please?” pakiusap ng mommy ni Brad. “Oo nga naman naman, Ate. Gusto pa kasi naming makasama nang mas matagal itong cute kong pamangkin. Please, Ate Charm. Kahit ngayong gabi lang po. Please?” Pati rin ang kapatid ni Brad ay nakiisa sa hiling ng mga magulang niya. “Yes, hija. Pagbigyan mo na kami sa apo namin.” Ang padre de pamilya uli. Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Matapos kasi naming mag-usap kanina sa library ay agad naging okay ang lahat. Humingi siya ng dispensa at pang-unawa sa ginawa sa akin noon sa office. Pati na sa lahat na masasakit at nakakainsultong nasabi niya.
Chapter 53 DNA Test “Oh, there you are. Hi, little angel,” magiliw na bati ng mommy ni Brad sa anak ko. Lumapit pa nang bahagya sa bata. “Hello po. My name is Sam, not Angel,” sagot ni Sam na ikinatuwa ng kapatid niya at ng ginang. “Oh, Mommy, ang cute niya po.” Lumapit pa ang dalaga sa ina nito. Binuhat ni Brad si Sam, saka uli humarap sa ina at kapatid. “Baby, let me introduce you Daddy’s family. Your Gandma and Tita Briana.” “Then where is Grandpa, Daddy?” “He’s right there, baby. Look.” Itinuro pa ni Brad sa anak ang ama at tumingin din naman si Sam. “He’s my father, your Grandpa. Hi, Dad, good afternoon.” The old Hernandez nodded. “Say hi to your Grandpa, son.” “H-hi po.” Sam looked intimidated with the old man. Seryoso kasi itong makatitig sa bata. Lumingon si Sam kay Brad. “Daddy, he looks mad at me,” mahinang sabi niya sa ama na narinig namin. “Hey, stop that, old man. You scared our grandson,” saway ng ginang sa asawa nito. “Yes, Dad! You’re showing your serious sta
Chapter 52 Meet his Family “Boss, kailangan pa ba nating gawin ito?” kinakabahan kong tanong kay Brad. Ngayong araw kasi niya kami ipapakilala ng anak ko sa mga magulang niya. “Yeah! I have to do this, boss.” Hinawakan niya ang kamay kong nangangatal. “Mommy, Daddy, where are we going?” tanong ni Sam. “We’re going to meet my family, son.” Si Brad ang sumagot. “Really, Daddy? Then I have another Grandma and Grandpa?” masayang tanong ni Sam. “Yes, baby, and another tita too.” Hinaplos pa ni Brad ang namumulang pisngi ng anak namin. “Yey! I’m excited to meet them…” masayang sabi ni Sam. Sumulyap sa akin si Brad na nakangiti. Masaya ako at masaya ang mag-ama ko. Pero ako, kinakabahan sa magaganap. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan iyong araw na pumunta ang tatay ni Brad sa office at nagkasagutan kami, pati iyong pagpunit ko sa tsekeng may malaking halaga. I knew mali iyong ginawa ko, pero pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Naramdaman kong ipinatong ni Brad ang kaliwang kamay
Chapter 51 Warning Look Ayoko sanang sabihin, baka kasi iyon pa ang dahilan para magalit siya sa ama niya. Pero kailangan ko rin namang mag-voice out kahit minsan. “H-he wants me to l-leave you and the company. B-binayaran niya ako para lumayo sa ‘yo.” Tiningnan ko kung ano ang magiging reaction niya. “I’m not after your money and you know that. Kahit alam ko na kung gaano ka kayaman ay hindi ko pa rin inilaban ang anak ko sa ‘yo. Kasi kung tutuusin, kaya ko siyang bigyan ng maayos na buhay nang wala ang yaman ninyo.” Nakita ko ang pagtigas ng mukha ni Brad. “I’m not telling you this para magkasira kayong mag-ama. You’re asking me, kaya sinabi ko lang ang totoo.” Bumuntong-hininga siya. “I’m sorry sa ginawa ni Dad. I know you’re not after our wealth, and I admire you a lot because of that,” masuyong sabi niya, pagkatapos ay unti-unting lumapat ang mga labi sa noo ko. “Handa ko na sanang ipagtapat sa iyo ang tungkol sa bata, pero inunahan na ako ng masasakit na salita ng daddy mo.