“HOW are you, my love? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Oh wait, let me get you a water. I’m sure uhaw na uhaw ka…”Hindi magawang titigan nang matagal ni Taphney ang Ashton na nakaupo ngayon sa kanyang harapan. Pilit siyang inaasikaso ng binata kahit na mukhang nahihirapan rin naman itong gumalaw sa wheelchair na sinasakyan. “Let me do it for you, man,” wika ng isa sa mga kaibigan nitong nakatayo sa isang gilid at ito na nga ang nagsalin ng tubig upang iabot iyon sa kanya.Isang blangkong tingin lamang ang namagitan sa kanila pagkaabot na pagkaabot ni Taphney sa baso. Unti-unti naman niya iyong ininom.“A-are you o-okay, A-ashton?” sa wakas ay naisakatinig na niya ang tanong na iyon.Pakiramdam niya ay may kung anong bagay na nabasag sa kanyang dibdib nang makita ang isang matamis at inosenteng ngiting iginawad sa kanya ng binata. Maging siya ay nanibago sa binatang kaharap niya.Nasaan na ang masungit, suplado at laging nakaismid na Ashton’g nakilala niya? Anong nangyari
HINDI malaman kung paanong ngiti ang gagawin ni Taphney nang sa wakas ay nakalabas na silang dalawa ni Ashton sa ospital ngunit imbes na sa mansyon ng binata sila dumiretso ay sa hindi pamilyar na lugar sila dinala ng mga kaibigan nito.“Nasaan tayo?” hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong.Mabagal siyang lumingon sa kanyang tabi nang maramdaman niyang may kung sinong pumisil nang mahina sa kanyang kamay. It was Ashton. Inosenteng nakangiti sa kanya habang namumungay ang mga mata. Na animo’y masayang-masaya ngayon ang binata na magkasama sila.“It is one of my property, Taphney. I used to go here whenever I feel stress because of my heavy work-”“Nasaan nga tayo? I want to know the specific place-”“Tagaytay. Will you please stop being rude to Ashton?”Awtomatikong tumalim at lumipat ang mga paningin ni Taphney sa ibang banda nang marinig ang mahina ngunit may diin na wika sa kabila niyang tenga. Agad naman niyang nakilala kung kanino nanggaling ang mga salitang iyon. Kanino
NAGISING na animo'y galing sa isang napakasarap na pagkakatulog si Taphney nang makaamoy ng isang pamilyar na amoy. Ang usok galing sa pinipritong Tinapa!Dali-dali siyang bumangon at masayang-masayang lumabas ng kwartong tinulugan niya. Ngunit ganoon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat niya nang makita ang taong hindi naman niya inaasahan. It was Ashton who's swaying his hips sexily while frying the dried fish. Nakakarinig rin siya ng mga mumunting huni mula sa binata. Animo'y nag eenjoy talaga ito sa ginagawang pagluluto.Bakit nga ba nakalimutan niyang ang binata na nga pala ang kasama niya ilang araw na ang nagdaan? Hindi pa ba siya sanay na sila na lamang dalawa ang nasa iisang bubong ngayon? Hindi katulad dati sa mansyon nito na kahit saan man siya lumingon ay laging may kasambahay siyang nakikita."You seems enjoying what you're doing, Mr. Santocildez." Mabilis na tumigil sa paggiling ng kanyang balakang ang binata at ngayon ay pulang-pula na ang mukhang humarap sa kanya
"HOW is he?" Iyon agad ang bungad na tanong ni Taphney pagkatapos ng ilang minuto na pag-eexamine ni Josiah, isa sa mga kaibigan ni Ashton na kasama ni Arjie na pumunta sa bahay na tinutuluyan nila ngayon ng binata. "He's fine, he just needed some rest. Nagkikikilos na naman ba ang mokong na 'to?" Pagbibirong tanong ni Josiah para naman kahit papaano ay mawala ang pag-aalala ng mga taong nasa silid na iyon. Taphney doesn't know what to answer. Parang nakakahiya nga naman kung sasabihin niyang oo, pinagluto, pinaghain at pinaghugas siya ni Ashton. Parang siya pa tuloy ang naging pasyente imbes na 'yung binata. "A-ahhh-""It doesn't matter at all now, right Jos? Since as you said, Ashton is fine now." Nabigla naman ang dalaga nang bigla nalang sumingit na nagtanong si Arjie. Na para bang nahulaan nito na hindi niya alam kung anong isasagot sa tanong ni Josiah. "Yeah, but still-""Then let's not talk about that anymore. Umuwi na tayo." Wala nalang naging imik si Josiah kung hindi
"WHAT'S for breakfast?"Halos mabali ang mga leeg ni Taphney at Ashton nang marinig ang boses na iyon. Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay nandito pa rin ang taong hindi nila inaasahan."You're still here?""Nandito ka pa?"Halos sabay pa nilang tanong kay Arjie na ngayon ay humihikab pa habang nagkakamot ng kanyang tiyan. Hindi naman sinasadyang mapatingin sa gawing roon si Taphney kung kaya't kitang-kita niya ngayon ang hubog na hubog at bakat na bakat na abs ng binata. Tinaas kasi ni Arjie ang kanyang suot na sando nang ito ay magsimulang magkamot."What are you looking at, woman? Hindi ka pa ba kuntento sa abs ni Ashton kaya ang akin naman ang pinagnanasaan mo?"Taphney's face immediately turned to red when she heard those things. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Inismiran na muna ng dalaga si Arjie bago ito pagtaasan ng kilay. "Pinagsasasabi mo?" tanong ni Taphney habang nanunulis ang bibig. "...At saka for your information, marami na 'kong nakitang abs, wala namang p
HINDI na malaman ni Taphney kung ilang oras na ba siyang nagkakampo sa loob ng sasakyan, basta ang sigurado lang siya ay kumakalam na ang sikmura niya at madilim na rin sa labas. "Lintik na saglit lang 'yan! Kanina pa talaga. Dumating kami dito kanina halos tirik na tirik pa ang araw tapos ngayon na madilim na wala pa rin? Aba napakagaling naman!" reklamo ng dalaga at pasalampak na isinandal ang kanyang likod sa kanyang inuupuan. Hindi niya rin kasi alam bakit hindi niya dinala ang cellphone niya. Iyan tuloy, buryong-buryo na nga siya ngayon at kulang nalang ay mawalan na siya ng bait dahil halos kanina pa niya kinakausap ang sarili niya. Muli ay sinulyapan ni Taphney ang malaking bahay na nasa harapan niya, bukas na ang mga ilaw doon at tahimik. Naisip niya tuloy kung may balak pa ba si Ashton na balikan siya o kahit man lang sana kamustahin siya. Parang biglang nakalimot ang binata na iniwan siya nito sa labas at sumama nalang bigla sa daig pa linta kung makadikit na si Pham. N
MEDYO SPG ALERT !!!MABAGAL na iminulat ni Taphney ang kanyang mga mata nang maalimpungatan. Tahimik din siyang napaaray nang maramdaman ang sakit ng kanyang buong katawan. Mabilis niyang iniikot ang kanyang paningin at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita si Ashton na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Wala na siya sa kagubatan. Wala na siya sa gitna ng mga naglalakihang mga puno. Sinubukan ni Taphney na tumayo ngunit masyado namang mabigat ang mga braso ni Ashton na ngayon nga ay nakadagan sa kanyang tiyan. Wala nalang siyang nagawa kung hindi tahimik na magdasal na sana ay lumipat ng pwesto ang binata at maalis ang braso nitong dumadagan nga ngayon sa kanya. Napalingon ang dalaga sa malaking bintana ng silid na kinaroroonan nila, payapa na at wala nang bahid ng lakas ng ulan. Hindi na rin siya sigurado kung anong oras na nga ba. Ang huli nalang kasi niyang naaalala ay nakatulog na siya habang nakasandal sa malaking punong pinagtigilan niya. "A-
DAHAN-DAHAN na umalis mula sa kamang kinahihigaan si Taphney nang hindi na mapigilan ang paninigas ng kanyang pantog. Kanina pa siya naiihi!Nang makarating at tuluyan na ngang mailabas ng dalaga ang kanina pa niya pinipigilang pagputok ng kanyang pantog ay nakahinga rin siya agad nang maluwag. Nakatulala siya ngayon at inaalala ang nangyari kagabi. Ashton and her made love. All night and nonstop. Kung hindi pa nga siya makakaidlip ay baka hanggang ngayon ay nagbabakbakan pa rin sila ng binata. Ashton made her a complete woman. He was her first, and giving herself to him was one of the most beautiful choices she made.Nang matapos na nga umihi ay agad rin siyang lumabas ng banyo. Agad na bumungad sa kanya ang hubad pang katawan ng binata na tanging manipis na kumot lamang ang humaharang sa pagkalalaki nito. "Silipin ko kaya? Baka tulog din ang alaga ni Ashotn?" mahina at pilyang saad ni Taphney sa sarili. Hindi na nga siya nag atubili at tahimik na humakbang patungo sa direksyo
"CALL for back ups, Knight! Mas madali natin mahuhuli ang putanginang Jake na 'yan pag may back ups galing sa headquarters!" "Copy, Milo!" Mabilis na muling pinagtuunan ng atensyon ni Ashton ang kotseng hinahabol nila at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nagsisimula ang mga ito sa pagpapaputok ng baril at inaasinta sila."Fuck it! Iilag mo, Bishop!" mariing utos niya sa kaibigan."Ano pa nga ba? Alangan namang hayaan kong matamaan 'tong sinasakyan natin eh di pare parehas tayong kumaway kay San Pedro." Mahigpit na napakapit sa kanyang kinauupuan ang binata at kulang nalang ay madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagngingitngit niya. Imbes na matawa si Ashton sa sarcastic na saad ni Arjie ay mas tinalasan niya ang kanyang mga mata. Kailangan niyang makalkula kung saan nanggagaling ang mga putok ng baril at kung ilan ang mga tao na sa tingin niya ay sakay ng tatlong sasakyang nasa harapan nila.Ang tanging impormasyon lang kasi na sinabi ni Alex k
"BITAWAN mo 'ko Jake! Huwag na huwag mong mahawakan ni dulo ng buhok ko!" "Why? Parang dati naman-" "Fuck you!" Kung nakakamatay lang ang titig ay baka kanina pa bumulagta si Jake sa tindi ng mga matatalim na tingin na pinupukol rito ni Taphney. Nagising nalang siya kanina na nasa byahe pa rin sila. Ni hindi nga rin siya sigurado kung gaano na ba katagal siyang nakatulog. "You know what Taphney? Ayos naman tayo noon ah. I love you and you love me. Hindi na ba pwedeng maulit iyon?" Hindi sigurado si Taphney kung seryoso ba ang tanong na iyon ni Jake o nagpapatawa lamang ito. Maulit? Baliw nalang ang taong gugustuhin na bumalik sa binata."Huwag ka ngang patawa Jake. Joke time ba 'to? May mga hidden cameras ba dyan?" sarkastikong tanong ni Taphney at mabilis na ngumisi. Ngunit mukhang hindi man lang tinalaban ni kaunting kahihiyan si Jake dahil muli na naman itong nagsalita. "Tell me what do you want, ibibigay ko sayo lahat. Gagawin mo para sayo lahat. Just please, choose me Ta
HINDI lumipas ang ilang araw na hindi nagkausap at hindi nagkaayos sila Taphney at Ashton. Ngayon ay halos dalawang linggo na ang lumipas noong nagkaroon sila ng mainit na usapan ng binata noon sa basement ng ospital. "Ready na kayo, Miss Taphney?" Si Mila iyon. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likod at agad na tumango. Hindi niya lubos maisip na ngayong araw ay magaganap na ang isang pangyayaring matagal nang umuukil sa kanyang utak."Sigurado ka bang okay na ang lahat, Mila? Iyong venue? Pati mga guest-""Huwag na po kayong mag alala, Miss Taphney. Nagawa na po namin lahat ni Alex. Ang dapat niyo nalang pong gawin ngayon ay sumakay sa bridal car and then magandang bumaba doon, na alam kong easy'ng easy nalang po para sa inyo. Congratulations po ulit, Miss Taphney."Isang matamis na ngiti ang agad na sumilay sa mga labi ng dalaga. This is it! Ikakasal na siya sa wakas kay Ashton! Hindi nga siya makapaniwala na sa ikli ng panahon simula noong magpropose sa kanya ang binata ay ha
"I KNOW what I am asking to you is too much, Mr. Vergara. Hindi ko rin naman po kayo masisisi kung mahirap para sa inyo na patawarin ako. I done a lot of bad things not only to you but also to Taphneyg-""Alam mo naman pala eh. Then why do you still have a guts to ask me for forgiveness?" Napalunok nalang ng laway si Ashton nang marinig muli ang pambabarang iyon mula sa ama ni Taphney. Ilang minuto na silang magkaharap ngayon. At kahit ilang minuto na ang lumipas ay ngayon palang sila nakapag usap ng matanda. Danilo Vergara has a very hectic schedule. Kaya kahit sinabi ng secretary nito na hindi siya mapaglalaanan ng oras ay nagpumilit pa rin siyang puntahan ito.Hindi na niya gugustuhin pa na lumipas ang ilang araw na hindi siya nakakahingi ng tawad at hindi niya nakakausap ang ama ng dalaga.Iwinaksi nalang ni Ashton ang kanyang ulo at balak na sanang gawin ang naiisip nang bigla muling magsalita ang matandang Vergara."Don't you ever try to kneel in front of me, again Mr. Santoc
TANGHALI na nagising si Taphney. Alas dos na ng tanghali ay doon pa lamang siya kumakain. Wala na ang ama niya nang hanapin niya ito. Maaga raw umalis sabi ng kanilang mayordoma na si Nanay Esting. Sila Mila at Alex naman ay umuwi rin kinagabihan kahapon. Sila rin ang regalong tinutukoy ni Ashton kaya't mabilis siyang nagpasalamat sa binata. Nang matapos kumain ay mabilis na ring hinugasan ng dalaga ang kanyang mga pinagkain. She was about to go back in her room when one of their maid suddenly come to her and said that she have a visitor.Agad namang kumunot ang noo ni Taphney. Wala naman siyang naiisip na bisitang dadalaw sa kanya. Ipinagkibit balikat na lamang iyon ng dalaga at dali dali na rin lumabas ng kanilang dining area.At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang bisitang tinutukoy ng isa sa mga kasambahay nila."Mrs. Santocildez..." Hindi malaman ni Taphney kung ano ba dapat ang itawag niya sa ina ni Ashton. Alam niya kasing hindi sila okay noo
PIKIT ang mga mata ni Taphney habang nakahiga sa kanyang higaan. Hindi na niya naabutan ang ama niya. Pumasok na raw ito sa private office nito. At nang subukan niyang buksan ang pinto ng silid ng iyon ay naka lock na iyon sa loob.Kaya hinayaan nalang muna iyon ni Taphney at dumiretso na lamang sa kwarto niya.“Palad ay basang-basaAng dagitab ay damang-damaSa 'king kalamnang punong-punoNg pananabik at ng kabaLalim sa 'king bawat paghingaNakatitig lamang sa iyoNaglakad ka ng dahan-dahanSa pasilyo tungo sa altar ng simbahan”Agad na napangiti si Taphney nang marinig niya ang lyrics ng kantang iyon sa isang music application na ni download niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ng dalaga habang dinadama niya ang lyrics ng kantang pinapakinggan.“Hahagkan na't 'di ka bibitawanWala na 'kong mahihiling paIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikaw'Di maikukumparaAraw-araw 'kong dala-dala paboritongPanalangin ko'y makasama ka sa pagtandaAng hiling sa Diyos na may gawa
“TAPHNEY anak, kamusta ang pakiramdam mo?”Mabilis na napalinga si Taphney nang marinig niya ang boses ng daddy niya. Tipid siyang ngumiti dito nang magtama ang mga mata nila.“Okay lang po ako, daddy…” sagot niya kapagkuwan at muli nang bumalik sa pagtitingin ng mga bulaklak sa garden nila.Halos tatlong linggo na rin ang lumipas magmula noong lumabas sila ng kanyang ama sa ospital. At simula noong umuwi siya rito sa bahay nila ay ni minsan hindi pumalya sa pangangamusta ang daddy niya.“Gusto mo bang kumain? O kaya naman ay lumabas-”“Hindi na po dad… okay lang po ako rito. At saka ayoko pong lumabas, gusto ko lang magpahinga.” Matamlay na wika ng dalaga at malakas na napabuntong hininga.Sa totoo lang ay siya na mismo ang naaawa sa sarili niyang ama dahil ramdam naman niyang pilit nito ginagawa ang lahat ng makakaya para pasayahin siya o hindi naman ay kausapin siya. Pero kahit na anong pilit rin ni Taphney na ngumiti at kalimutan ang mga bagay na tapos nang mangyari ay nahihirapan
“SIGURADO ka bang buhay pa ‘yan, Rook? Parang ang tagal na niyang tulog ah.”“Isang shot lang ang tinurok ko sa kanya, at saka dapat by this time ay gising na siya…”“Eh bakit hindi pa rin? Lagot ka Rook! Baka natuluyan mo na ‘yang kasambahay ni Milo ha!”“Fuck you, I am doctor at hindi pa ko nagkamali ni isang beses. At saka kung sakali nga na nagkaroon ng mali at natuluyan ang kasambahay ni Milo then kukunin ko si Bishop as my lawyer-”“Spare me from your stupidity Rook and Pawn. Wala akong planong madamay sa mga katangahan niyo sa buhay.” Masungit na wika ni Bishop at muli na ngang itinuon ang mga mata sa labas ng chopper.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Ashton. Ilang minuto na ang lumipas magmula noong pumunta sila sa kanilang headquarters para ipaalam sa mga nakatataas na leader ang gagawin nilang plano.Of course, they provided them everything, at katulad pa rin dati, saka lamang darating ang mga tauhan ng organization nila kapag sa loob ng twenty minut
RAMDAM na ramdam ni Taphney ang pananakit ng buo niyang katawan pagmulat na pagmulat niya pa lamang ng kanyang mga mata.Pakiramdam niya ay tila may kung anong masakit sa katawan niya.Mabilis na kinabahan ang dalaga nang maalala niya ang huling nangyari.Nahihirapan may ay pilit niyang kinapa at hinawakan ang kanyang tiyan.At ganoon na lamang ang pagwasak ng puso niya nang wala na siyang maramdaman na bata sa sinapupunan niya.Ang anak niya! Anong nangyari sa anak niya?!Hindi na napigilan pa ni Taphney na hindi maiyak. Iniikot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid. Nasa ospital siya.At napakarami ring tubo ang nakakakabit ngayon sa buong katawan.Isa isang tinanggal iyon ng dalaga at buong lakas na pinilit ang sariling bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.Ngunit hindi niya pa man naitatayo ang katawan niya nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya.“Taphney what are you doing?!”It was Ashton. Puno ng pag aalala ang buong mukha nito at nagmamadalin