Pangatlong araw na ni Jarren ngayon sa bahay ng mga Enriquez at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikibuan ni Anya. Pareho silang nahihirapan sa sitwasyon na kung saan ay pareho silang may feelings sa isa't isa ngunit kailangan nilang kalimutan. Para kay Anya, naging madaya ang tadhana sa kaniya. Nahulog siya dahil sa kabutihan ng isang binata sa kaniya ngunit malaman laman niya ay inuutusan lang pala ito ng mga magulang niya para protektahan siya. Pakiramdam ni Anya ay napaglaruan ng tadhana ang damdamin niya. Ngayong inamin na ni Jarren na trabaho lang ang lahat ng ipinakita nito sa kaniya, gusto na niya itong kalimutan. Ngunit paano niya kaya sisimulan na kalimutan ang feelings para kay Jarren kung nasa iisang bubong lang sila nakatira? Ngayong araw ay papasok na si Anya sa University. nakabihis na siya at lahat-lahat. Hinahanap na lang niya ang susi ng gagamitin na kotse. Wala ito sa bag niya at wala rin sa sabitan nito. Ikot na nang ikot si Anya sa kakahanap ngunit hi
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Umagang umaga naman at naiiyak na naman ako. Paanong hindi ako maiiyak eh dinig na dinig ng dalawang tenga ko na sinasagot na ni Mallory si Jarren. Sa harap ko pa talaga. Alam kong wala akong karapatan na masaktan. Hindi dapat ako nagrereklamo ngayon dahil isa lang akong trabaho ni Jarren. Isang obligasyon na bayad siya. Hindi ko na pinakita ang malalaking butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ko. Dali-dali akong lumayo sa kanila. lakad takbo ang ginawa ko na para akong may tinatakasan. Walang humahabol sa akin pero pinili kong magtago sa bakanteng lote dito sa University sa may likod ng malaking puno. Gusto ko kasi dito ibuhos yung luha ko na hindi maubos ubos. Basta umiyak lang ako. Nakakadala pala umibig. Napakasakit pala talaga. Hanggang maya maya ay may boses akong narinig. "Anya, is something wrong?" Hindi gaanong pamilyar ang boses sa akin pero parang kilala ko lang din ang nagmamay-ari ng nasabing boses ng lalaki na nagtatanong tung
Hindi na malaman ni Anya kung saan niya ilulugar ang sarili niya. Itong si Jarren, paulit-ulit siyang tinatanggihan pero ayaw pa rin siyang sumaya sa piling ng iba. Ito tuloy si Anya, mabaliw baliw na sa kakaisip kung paano ba talaga ang dapat niyang gawin? Ang hirap ng sitwasyon para kay Anya. Maghapon tuloy siyang hindi nakapag-concentrate. Isip siya nang isip kung paano mapapadali ang lahat para sa kaniya? para hindi na siya masaktan at para sumaya naman din. Kinahapunan, pagsapit ng kanilang uwian. Sinadya ni Anya na pagtaguan si Jarren dahil may importante siyang kailangan na puntahan at hindi niya mapupuntahan iyon kung nariyan si Jarren. Mabuti na lang at nakita niyang muli si Gidgeon at saktong inalok siya nito na ihatid pauwi. Wala nang sinayang na sandali si Anya at kaagad na niyaya si Gidgeon sa sasakyan. "Is something wrong again? Why are you in a hurry?" "Gideon, can you take me to the hospital?" "To the hospital? Why? Is something wrong with you?" "
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Lately, parang nakakainis na si Jarren. Siya na nga itong nagsasabi na hindi nga kami pwede at kalimutan ko na lang daw ang Feelings ko para sa kaniya pero siya naman itong wagas kung makapag paramdam na hindi lang basta tungkol sa trabaho ang pinapakita niyang care and concerns sa akin. Im not sure kung concern pa ba talaga or nagseselos na siya kay Gidgeon. Kasi naman ang OA niya lately. Para sa kapakanan ko naman kung bakit ako nakikipaglapit kay Gidgeon. Para madaling na sa iba ang atensyon ko at hindi puro sa kaniya. Para kako madali ko siyang makalimutan pero paano ko naman magagawa 'yon kung ganito na siya nang ganito? Wala akong nakikitang mali kay Gidgeon maliban sa mabulaklak lang nga ang bibig. Aware ako doon. Hindi ako nagpapadala sa mga salita niya. Mali kong sabihin na oo ginagamit ko si Gidgeon para makalimutan ko na si Jarren. Kasi iyon ang tama. Hindi kami pwede at naiintindihan ko yon. Samantala, pagsapit ng uwian, niyaya niya ak
Hanga na sana si Anya kay Gidgeon at naniniwala na siya na puro ang intensyon nito sa kaniya matapos nitong magpakilala sa kaniyang mga magulang bilang manliligaw kahit na sa kabila ng mga hindi magandang naririnig niya rito tungkol sa pagiging babaero nito. Para kay Anya hindi dapat basehan ang tungkol sa mga naririnig lang dahil ang tao ay makikilala mo ng husto kapag nakakasama mo. Si Gidgeon, nakuha niya kaagad ang tiwala ng dalagang si Anya. lately ay close na close na sila at madalas niya itong naisasakay sa kaniyang kotse. Sa lahat ng naisakay ni Gidgeon sa kaniyang sasakyan at si Anya ang bukod tangi na hindi niya nagalaw. Lahat kasi ng isinasakay ni Gidgeon dito ay nakaka-one night stand niya. At iba si Anya sa kanilang lahat. Inosenteng dalaga si Anya kaya malabong makapuntos si Gidgeon. Na kahit anong pa-cute niya ay walang talab dito at hindi lingid sa kaalaman niya na may ibang minamahal si Anya. China-challenge ni Gidgeon ang sarili niya at bukod doon ay mayroon
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Minsan naiisip ko na sama bumalik na lang ako sa dati. Yung panahon na inlove na inlove ako kay Mallory at hindi ko pa tinatanggap ang trabaho na inalok sa akin ni Daddy. Dati kasi masaya naman ako at nakukuntento na na makita si Mallory araw-araw. Kung hindi ko na lang sana tinanggap ang magandang alok ni Mr. Enriquez sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Akala ko madali, akala ko kaya ko pero hindi pala. Sa tuwing kasama ko si Anya mas lalong nagsusumigaw ang nararamdaman ko sa kaniya at sa tuwing nakikita ko siya kasama si Gidgeon ay parang gusto kong sumabog sa selos. Wala akong magawa kung hindi magtago ng nararamdaman. Pagtatago na ako rin yung nasasaktan. lalo pa ngayon, binibigyan ni Anya ng pagkakataon si Gidgeon, iniiwasan na niya ako bagay na kailangan mayroon akong gawin. Dalawa lang naman ang pagpipilian ko. Kung umalis na lang ako at umuwi ng Pilipinas bago pa man tuluyang mahulog ako ng husto sa babaeng hindi ko pwedeng mah
Dahil sa gulo, dinala ng presinto ang dalawa at naiwan si Anya sa kotse na natutulog gawa ng pinainom ni Gidgeon sa kaniya. Hindi nagtagumpay si Gidgeon sa kaniyang plano sa dalaga dahil sa pagdating ni Jarren. Iyon nga lang, galit si Jarren sa dalaga at tuluyan ng isinusuko ang pagibig niya rito sa pag-aakalang may relasyon ba si Gidgeon at Anya. Walang kaalam-alam si Jarren na kamuntik ng malagay sa peligro ang pagkababae ni Anya. Samantala, walang kaalam-alam si Anya nang magising. Nagising siya na nasa kotse pa rin ni Gidgeon. Naalala niya ang mga nangyari bago siya nakatulog. Ang narinig niya sa ospital na tungkol sa pustahan at masamang plano ni Gidgeon sa kaniyang pagkababae. Kaya naman wala na siyang sinayang na panahon. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan upang makatakas. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Puno ng takot ang dalaga. Akala niya ay tunay ba kaibigan na si Gidgeon ngunit hindi pala. Sobra siyang disappointed sa kaniyang sarili. S
Masakit ang loob ni Jarren na umalis. Masamang masama ang loob niya kay Anya. Dismayado siya ng sobra. Muli siyang bumalik sa dating bahay na kaniyang tinutuluyan dito sa America. Sa kaniyang apartment. Hindi pa ito matatawag na abandonado dahil nandito pa ang gamit ng kaniyang ama at mga appliances nila. Agad na tinungo ni Jarren ang kusina at naghanap ng kahit anong inumin na nakalalasing sa ref. First time lang ni Jarren na masaktan ng husto sa pag-ibig. Ngayon lang siya nagselos ng grabe doon pa sa babaeng wala siyang karapatan. first time din na umiyak ni Jarren sa babae. Pakiramdam niya ay talo siya kahit saang banda tignan. At tama lang ang ginawa niyang pag-alis habang kontrolado niya pa ang sakit. Kasabay ng pagtungga ni Jarren ng alak ay sabay naman na buhos ng malakas na ulan. Mag-isa na lang sa buhay si Jarren kaya kapag may problema ay sa alak siya kumakapit. Palibhasa ay kabataan at kalakasan pa, hindi napansin ni Jarren na nakararami na pala siya ng naiinom
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano
"Good afternoon. We're police officers. We're here to execute a search warrant on your house." "What? Why?" "It's about the missing necklace. You're the suspect, so we need to search your belongings." "What necklace? I didn't steal anything. You can search all my belongings." "Search the entire area. Go through each item one by one." "Sir, positive. This is the necklace. I found it inside his shoe." "No. I don't know how it got there! I didn't take anything. I didn't steal it. I know the owner of that necklace. She's my girlfriend, so it's impossible for me to steal it." "Maybe it's best if you explain yourself at the police station. We're arresting you because we found the necklace on you." Walang ka alam-alam si Anya tungkol sa pagkakakulong ni Jarren. Umalis siya mula sa bahay nito ng masaya at maayos. Ang hindi niya alam ay pagkaalis niya ay siya namang may pumuntang mga Pulis at dinampot ito. Anya had no Idea na nakuha kay Jarren ang nawawala niyang kwintas.
JOHN POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ngayon ay alam ko na ang totoo. Paano kung huli na? Paano kung napagsamantalahan na ng Jarren na yan ang anak ko? Baka makapatay ako! Kahit paano ko isipin, dinadala ako sa iisang kasagutan. Hindi ako mapili pagdating sa mamahalin ng anak ko. Wala akong paki kung mayaman ba o mahirap. Basta mahal ng anak ko, pipilitin kong gustuhin! Kaya lang sa sitwasyon na ito, hindi ko kayang tanggapin si Jarren kung totoo man na may itinatago silang relasyon ng anak ko. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang mga taong sinungaling, manggagamit, at mapagsamantala. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang kinatatakutan ko. Ang matulad ang anak ko sa mga naging babae ko noon. Bilang ama napaka sakit non. Ayokong mangyayari sa anak ko ang mga pangit na karanasan na binigay ko sa mga dumaan na babae sa akin noon. Hindi ako makagawa-gawa ng unang hakbang dahil kulang ako ng sapat ng ebidensya. Oo, bagamat nagsinungaling si Jarr
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW I GET IT! Valid naman talaga na mag-alala sila Daddy dahil hindi naman talaga biro ang halaga ng kwintas na nawawala. Bukod doon, regalo niya iyon sa akin at alam ko na mahalaga ito ss kanila. Its not just a necklace, it is a Precious gift for their daughter. Ako din naman, pinahahalagahan ko yon. Lahat bg binibigay nila sa akin ay pinahahalagahan ko ng husto. Hindi ko naman ginusto na mawala ito. Actually, suot suot ko pa ito kagabi. Suot ko pa 'yon habang nag-ses&x kami ni Jarren. Iyon lang ang tanging bagay na hindi niya hinubad sa akin. Kaya lang nasaan na kaya 'yon? Ngayong umaga tuloy ay nagkakagulo kami dito sa bahay. Syempre, hahanapin at hahanapin namin iyon kahit pa sabihin na marami namang pera ang mga parents ko at kayang kaya nila ako bilhan ng panibago. Pero dahil nga mahalaga ito sa kanila, hinahanap pa rin nila. "Iyon na nga, eh! Saan mapupunta yon? kung nandito lang yon nandito lang yon. Hindi yon mawawala unless may kumuha! unl
Sabay sabay naghapunan ang apat. Masaya silang nagkwentuhan sa harap ng hapag kainan. Lalo na ang mag-ina, marami silang napag-usapan ni Anya na tila ikinatuwa ng puso ni Leila. Maya maya pa ay nauna nang nagpaalam si Anya na papasok sa kwarto. Sumunod naman si John na nag-aya na sa kwarto. Huling pumasok si Jarren. Si Anya, nakatingin lang siya sa orasan hanggang lumalim ang gabi. Iniintay niya na maghating gabi para makasama ang nobyo. "Oh My Jarren! sobrang ginalingan mong magmahal kaya heto hindi ako mapakali nang hindi ka nakakatabi. I Hate this. gusto ko lagi tayong magkasama." Ang pusong nagmamahal ay hindi napipigilan. Hindi natatakot at palaging gustong sundin ang tinitibok ng puso. Tulad ni Anya, bagamat nandito na ang kaniyang mga magulang ay hindi iyon hadlang para matakot siya. Gustong gusto niya si Jarren at inlove na inlove siya dito na kahit siguro siraan pa ay hindi magbabago ang pagtingin niya rito. Si Jarren ang una sa lahat ng kaniyang unang karanasan ka
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi madali sa pakiramdam ang tumira dito ngayong nandito na ang mga magulang ni Anya. May guilt akong nararamdaman dahil mabuti naman ang intensyon ko sa anak nila pero may kailangan pa akong linawin at ipaliwanag. Hindi ko ginusto na magsinungaling o magpanggap. Hindi ako ganon. Isa pa, hindi ko gawain na manloloko ng tao. Ang problema ay hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon. wrong timing. Nadatnan pa nila na magkasama kami sa iisang kwarto kaya no choice tuloy ako kung hindi patuloy na magpanggap na bakla. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagpapaniwala sa kanila ng bakla ako. Kaya lang wala, eh. Kung hindi ko gagawin yun mas lalong magagalit sila at mag-iisip kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kami lang. Aware ako kung gaano kamahal si Anya ng kanyang mga magulang at kung hindi ako nagpanggap na bakla ay baka mapatay nila ako ng di oras. Hindi ko pinagsisisihan ang aking kapangahasan. Mahal ko si Anya at nakahanda ako