Dahil sa gulo, dinala ng presinto ang dalawa at naiwan si Anya sa kotse na natutulog gawa ng pinainom ni Gidgeon sa kaniya. Hindi nagtagumpay si Gidgeon sa kaniyang plano sa dalaga dahil sa pagdating ni Jarren. Iyon nga lang, galit si Jarren sa dalaga at tuluyan ng isinusuko ang pagibig niya rito sa pag-aakalang may relasyon ba si Gidgeon at Anya. Walang kaalam-alam si Jarren na kamuntik ng malagay sa peligro ang pagkababae ni Anya. Samantala, walang kaalam-alam si Anya nang magising. Nagising siya na nasa kotse pa rin ni Gidgeon. Naalala niya ang mga nangyari bago siya nakatulog. Ang narinig niya sa ospital na tungkol sa pustahan at masamang plano ni Gidgeon sa kaniyang pagkababae. Kaya naman wala na siyang sinayang na panahon. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan upang makatakas. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Puno ng takot ang dalaga. Akala niya ay tunay ba kaibigan na si Gidgeon ngunit hindi pala. Sobra siyang disappointed sa kaniyang sarili. S
Masakit ang loob ni Jarren na umalis. Masamang masama ang loob niya kay Anya. Dismayado siya ng sobra. Muli siyang bumalik sa dating bahay na kaniyang tinutuluyan dito sa America. Sa kaniyang apartment. Hindi pa ito matatawag na abandonado dahil nandito pa ang gamit ng kaniyang ama at mga appliances nila. Agad na tinungo ni Jarren ang kusina at naghanap ng kahit anong inumin na nakalalasing sa ref. First time lang ni Jarren na masaktan ng husto sa pag-ibig. Ngayon lang siya nagselos ng grabe doon pa sa babaeng wala siyang karapatan. first time din na umiyak ni Jarren sa babae. Pakiramdam niya ay talo siya kahit saang banda tignan. At tama lang ang ginawa niyang pag-alis habang kontrolado niya pa ang sakit. Kasabay ng pagtungga ni Jarren ng alak ay sabay naman na buhos ng malakas na ulan. Mag-isa na lang sa buhay si Jarren kaya kapag may problema ay sa alak siya kumakapit. Palibhasa ay kabataan at kalakasan pa, hindi napansin ni Jarren na nakararami na pala siya ng naiinom
"Anya, stay away from Gidgeon, please! I'm jealous! nagseselos ako sa kaniya! Gusto mo rin naman ako 'di ba?" now, Jarren finally realise that he is not dreaming. Ang ginagawa nila ni Anya ngayon ay totoong nangyayari. Malaya niyang nahahawakan ang dalaga, nahahagkan sa labi, at masolo ngayong gabi. Nadala si Jarren sa kaniyang umaapoy na pag-ibig sa dalaga. Ngayon ay nagpapakatotoo siya ss kaniyang sarili. Nasa kama na sila ngayon kung saan kapwa wala ng suot na damit. Magkapatong sa kama at magkatapatan ang mukha. "Jarren, kaibigan lang ang tingin ko kay Gidgeon. Wala kang dapat na ipagselos dahil ikaw lang naman talaga ang gusto ko. Ikaw lang ang laman ng puso ko. Kanina, kaya ako nagpapasundo sa 'yo ay dahil may nalaman ako. Narinig ko si Gidgeon na may kausap sa phone. May masama siyang balak sa akin. May pustahan sila ng mga kaibigan niya." Paliwanag ni Anya. "Totoo ba yan? gago pala 'yon! Ang kapal ng mukha!" Galit agad ang naging reaksyon ni Jarren. Ngayon ay parang nain
Sobrang pata ang katawan ni Jarren at may bahagyang pagkirot ng ulo nang siya ay magising. Pagmulat ng kaniyang mata ay nakita niya ang isang dalaga na natutulog sa kaniyang braso at nakayakap sa kaniya. Walang saplot at mahimbing ang pagkakatulog. "Para kang Anghel na ibinigay sa akin ng langit. Pangako, hindi ko sa sayangin ang tiwala na ibinigay mo sa akin. Mamahalin kita ng tapat at ipaglalaban ko ang pagiibigan natin." maliwanag pa rin sa alaala ng binatang si Jarren ang mga eksaktong nangyari kagabi. Kung paano akala niya ay nananaginip lang siya hanggang sa magising siya sa katotohanan na totoong pinuntahan siya ni Anya. Tandang tanda pa ni Jarren ang bawat eksaktong nangyari kagabi. Kung paano niya hinagkan ang labi ng dalaga, hinubaran ito ng damit, hanggang sa inangkin sa kama.Walang pinagsisisihan si Jarren sa kung anot anoman ang kahihinatnan ng kanilang kapangahasan. Mahal niya si Anya at nakahanda siyang managot sa magulang nito. Balak niyang ipagtapat sa mga ito ang r
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Noong nagkasakit ako, ang dami kong narealise sa buhay ko. I mean, matagal ko namang narealize na ang importante ang pinaka mahalaga sa lahat at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit hindi ako perpekto at maraming katarantaduhan na nagawa noong araw ay binigyan niya ako ng babaeng napakabuti ng puso at mahal na mahal ako. At hanggang ngayon pinatutunayan sa akin ni Leila ang pagmamahal niya. Kaya naman pilit ko talagang tinulungan ang sarili ko para gumaling. Hanggang sinabi na nga ng Doktor na magaling na ako at malapit ng makauwi. Sobrang saya ko dahil muli ko nang makakasama ang anak ko. Ang nag-iisa kong anak na si Anya. Alam kong simula bata siya ay hindi ako/kami nagkulang ng mommy Leila niya sa pagmamahal sa kaniya. Atensyon, materyal na bagay, at oras. Lahat ng iyon ay ibinigay namin sa kaniya. Ngayon lang. Ngayon lang kami nagkulang dahil nga sa pagkakaroon ko ng sakit kaya aminado kami na may kasalanan din kami kung bakit bigla na l
"Anya, may aaminin ako." biglang pagsingit ni Jarren. Kung kanina ay sweet at clingy siya kay Anya ngayon ay parang natahimik siya at parang may gumugulo sa kaniyang isipan. Naisip ni Jarren na aminin na kay Anya ang tungkol sa kaniyang pagpapanggap. "gaano kaseryoso? seryoso ba yan? hmmm...." napansin din pala ni Anya ang pag-iiba bigla ni Jarren. Bigla itong naging seryoso. "Hindi ba inamin ko sa 'yo dati na bayad ako ng nga magulang mo? na nagtratrabaho ako sa kanila bilang taga bantay mo? Anya, hindi ka ba nagtaka kung bakit ka ipinagkatiwala sa isang tulad ko na lalaki? knowing your parents na sobrang strict sa pagpapalaki sa 'yo? hindi ka ba napaisip noong pinatira pa nila ako dito?" "Hindi naman. Bakit nga ba? magandang tanong nga yan? bakit nga ba, Jarren?" "Dahil ang alam ng mga magulang mo is bakla ako. Kaya natatakot ako Anya... natatakot ako sa iisipin nila tungkol sa intensyon ko sa 'yo. Anya, gusto kong puntahan ang daddy mo at ako na mismo ang aaminin sa kaniya
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi madali sa pakiramdam ang tumira dito ngayong nandito na ang mga magulang ni Anya. May guilt akong nararamdaman dahil mabuti naman ang intensyon ko sa anak nila pero may kailangan pa akong linawin at ipaliwanag. Hindi ko ginusto na magsinungaling o magpanggap. Hindi ako ganon. Isa pa, hindi ko gawain na manloloko ng tao. Ang problema ay hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon. wrong timing. Nadatnan pa nila na magkasama kami sa iisang kwarto kaya no choice tuloy ako kung hindi patuloy na magpanggap na bakla. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagpapaniwala sa kanila ng bakla ako. Kaya lang wala, eh. Kung hindi ko gagawin yun mas lalong magagalit sila at mag-iisip kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kami lang. Aware ako kung gaano kamahal si Anya ng kanyang mga magulang at kung hindi ako nagpanggap na bakla ay baka mapatay nila ako ng di oras. Hindi ko pinagsisisihan ang aking kapangahasan. Mahal ko si Anya at nakahanda ako
Sabay sabay naghapunan ang apat. Masaya silang nagkwentuhan sa harap ng hapag kainan. Lalo na ang mag-ina, marami silang napag-usapan ni Anya na tila ikinatuwa ng puso ni Leila. Maya maya pa ay nauna nang nagpaalam si Anya na papasok sa kwarto. Sumunod naman si John na nag-aya na sa kwarto. Huling pumasok si Jarren. Si Anya, nakatingin lang siya sa orasan hanggang lumalim ang gabi. Iniintay niya na maghating gabi para makasama ang nobyo. "Oh My Jarren! sobrang ginalingan mong magmahal kaya heto hindi ako mapakali nang hindi ka nakakatabi. I Hate this. gusto ko lagi tayong magkasama." Ang pusong nagmamahal ay hindi napipigilan. Hindi natatakot at palaging gustong sundin ang tinitibok ng puso. Tulad ni Anya, bagamat nandito na ang kaniyang mga magulang ay hindi iyon hadlang para matakot siya. Gustong gusto niya si Jarren at inlove na inlove siya dito na kahit siguro siraan pa ay hindi magbabago ang pagtingin niya rito. Si Jarren ang una sa lahat ng kaniyang unang karanasan ka
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano
"Good afternoon. We're police officers. We're here to execute a search warrant on your house." "What? Why?" "It's about the missing necklace. You're the suspect, so we need to search your belongings." "What necklace? I didn't steal anything. You can search all my belongings." "Search the entire area. Go through each item one by one." "Sir, positive. This is the necklace. I found it inside his shoe." "No. I don't know how it got there! I didn't take anything. I didn't steal it. I know the owner of that necklace. She's my girlfriend, so it's impossible for me to steal it." "Maybe it's best if you explain yourself at the police station. We're arresting you because we found the necklace on you." Walang ka alam-alam si Anya tungkol sa pagkakakulong ni Jarren. Umalis siya mula sa bahay nito ng masaya at maayos. Ang hindi niya alam ay pagkaalis niya ay siya namang may pumuntang mga Pulis at dinampot ito. Anya had no Idea na nakuha kay Jarren ang nawawala niyang kwintas.
JOHN POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ngayon ay alam ko na ang totoo. Paano kung huli na? Paano kung napagsamantalahan na ng Jarren na yan ang anak ko? Baka makapatay ako! Kahit paano ko isipin, dinadala ako sa iisang kasagutan. Hindi ako mapili pagdating sa mamahalin ng anak ko. Wala akong paki kung mayaman ba o mahirap. Basta mahal ng anak ko, pipilitin kong gustuhin! Kaya lang sa sitwasyon na ito, hindi ko kayang tanggapin si Jarren kung totoo man na may itinatago silang relasyon ng anak ko. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang mga taong sinungaling, manggagamit, at mapagsamantala. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang kinatatakutan ko. Ang matulad ang anak ko sa mga naging babae ko noon. Bilang ama napaka sakit non. Ayokong mangyayari sa anak ko ang mga pangit na karanasan na binigay ko sa mga dumaan na babae sa akin noon. Hindi ako makagawa-gawa ng unang hakbang dahil kulang ako ng sapat ng ebidensya. Oo, bagamat nagsinungaling si Jarr
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW I GET IT! Valid naman talaga na mag-alala sila Daddy dahil hindi naman talaga biro ang halaga ng kwintas na nawawala. Bukod doon, regalo niya iyon sa akin at alam ko na mahalaga ito ss kanila. Its not just a necklace, it is a Precious gift for their daughter. Ako din naman, pinahahalagahan ko yon. Lahat bg binibigay nila sa akin ay pinahahalagahan ko ng husto. Hindi ko naman ginusto na mawala ito. Actually, suot suot ko pa ito kagabi. Suot ko pa 'yon habang nag-ses&x kami ni Jarren. Iyon lang ang tanging bagay na hindi niya hinubad sa akin. Kaya lang nasaan na kaya 'yon? Ngayong umaga tuloy ay nagkakagulo kami dito sa bahay. Syempre, hahanapin at hahanapin namin iyon kahit pa sabihin na marami namang pera ang mga parents ko at kayang kaya nila ako bilhan ng panibago. Pero dahil nga mahalaga ito sa kanila, hinahanap pa rin nila. "Iyon na nga, eh! Saan mapupunta yon? kung nandito lang yon nandito lang yon. Hindi yon mawawala unless may kumuha! unl
Sabay sabay naghapunan ang apat. Masaya silang nagkwentuhan sa harap ng hapag kainan. Lalo na ang mag-ina, marami silang napag-usapan ni Anya na tila ikinatuwa ng puso ni Leila. Maya maya pa ay nauna nang nagpaalam si Anya na papasok sa kwarto. Sumunod naman si John na nag-aya na sa kwarto. Huling pumasok si Jarren. Si Anya, nakatingin lang siya sa orasan hanggang lumalim ang gabi. Iniintay niya na maghating gabi para makasama ang nobyo. "Oh My Jarren! sobrang ginalingan mong magmahal kaya heto hindi ako mapakali nang hindi ka nakakatabi. I Hate this. gusto ko lagi tayong magkasama." Ang pusong nagmamahal ay hindi napipigilan. Hindi natatakot at palaging gustong sundin ang tinitibok ng puso. Tulad ni Anya, bagamat nandito na ang kaniyang mga magulang ay hindi iyon hadlang para matakot siya. Gustong gusto niya si Jarren at inlove na inlove siya dito na kahit siguro siraan pa ay hindi magbabago ang pagtingin niya rito. Si Jarren ang una sa lahat ng kaniyang unang karanasan ka
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi madali sa pakiramdam ang tumira dito ngayong nandito na ang mga magulang ni Anya. May guilt akong nararamdaman dahil mabuti naman ang intensyon ko sa anak nila pero may kailangan pa akong linawin at ipaliwanag. Hindi ko ginusto na magsinungaling o magpanggap. Hindi ako ganon. Isa pa, hindi ko gawain na manloloko ng tao. Ang problema ay hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon. wrong timing. Nadatnan pa nila na magkasama kami sa iisang kwarto kaya no choice tuloy ako kung hindi patuloy na magpanggap na bakla. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagpapaniwala sa kanila ng bakla ako. Kaya lang wala, eh. Kung hindi ko gagawin yun mas lalong magagalit sila at mag-iisip kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kami lang. Aware ako kung gaano kamahal si Anya ng kanyang mga magulang at kung hindi ako nagpanggap na bakla ay baka mapatay nila ako ng di oras. Hindi ko pinagsisisihan ang aking kapangahasan. Mahal ko si Anya at nakahanda ako