JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW. Valid yung feelings ko. Tama lang naman na sinabi ko sa kaniya na gaya niya ay nagseselos din ako. Ang kaibahan lang namin ako nagtitiwala sa kaniya pero siya hindi. masisisi niya ba ako? I just love her and the fact na unti-unti na siyang nakikilala ay ganoon na rin karami ang mga matang nakatingin sa kaniya. Lalo pa at malaki ang agwat ng edad namin at first time ko lang makaramdam ng insecurities sa sarili. Mali ba ako kung masyado na akong nagiging oa?Nasaktan ko siya at Nasaktan niya rin naman ako. Sige, lets say na bago pa lang ang aming relasyon at hindi pa ganoong katatag ang foundation na meron kami pero hahayaan na lang na namin na ganitong hindi namin naaayos. I gave her time and I gave my self time too. Hindi sa pinapalipas ko ang araw na hindi namin inaaayos ang naging problema namin. its just, I gave her Space but not to the point that I am gonna give up on her. I already misses her. Once talaga na matapos ang premier night nila ay ma
Lahat na yata ng kamalasan ay sinapo na ni Leila. Hindi sila okay ng lalaking minamahal niya, nilangaw ang premier night niya at dumating pa siya sa bahay na ganoon ang dadatnan niya. Halos magtatarang sa takot si Leila ng makita ang ina niya na nasa ganoong sitwasyon. Nagsisigaw siya para humingi ng tulong at sa itsura ng kaniyang ina ay hindi maganda ang lagay nito. "Mommy gising! gising mommy!" pilit niya itong ginigising at hinihiling na sana ay nakatulog lang ito. Inatake sa puso si Cecil. Hindi ito magising gising kahit na anong yugyog ang gawin ni Leila. Sa takot ay sumakit tuloy ang tiyan ni Leila. "A-aray... aray ko..." Hindi niya inintindi yon. Pinilit niyang makahingi ng tulong sa labas. 'Tulong po... Ang mommy ko po, tulungan niyo siya..." Kaagad naman sumaklolo at tumulong ang mga kapit bahay nila na hiningan ni Leila ng tulong at nagtuwang na buhatin ang walang malay na si Cecil. Sobrang bigat ng loob ngayon ni Leila. Matatanggap niya pang pagtiisan ang iban
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW. I heard about what happen in premier night and I am worry about the feelings of Leila. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na niya kailangan pang umasa sa pelikula dahil nandito naman na ako. Nilunok ko na ang pride ko at ako na ang gumawa ng hakbang para magkaayos na kami. Tinatawagan ko siya sa kaniyang phone dahil gusto kong makipagkita ngayon pero hindi siya sumasagot. Naka ilang ulit akong tumatawag pero hindi talaga niya sinasagot. Napapaisip tuloy ako kung hanggang ngayon ba ay may tampo pa ba siya sa akin. if meron handa naman akong Manuyo. Sabihin na natin na ang dami ko nang ginagawa na hindi ko naman gawain dati. Its just, siya ang mundo ko ngayon at nagbibigay ng kulay sa madilim kong mundo. Our Relationship is private but thats not mean na limitado ang mga pwede kong gawin. Oo, tinatago namin sa lahat ang relasyon namin pero kaya kong iparamdam sa kaniya na kaya ko siyang mahalin sa kahit na anong paraan. Hindi lang kasi siya ang
"Dok, ano pong sabi ng asawa ko? babayaran daw po ba niya ang operasyon ko?" "Sad to say gagawa pa lang daw sila ng paraan. Hayaan mo, manalangin lang tayo. May awa ang Diyos at hihipuin niya ang puso ng asawa mo." "Dok, hindi na lang po ako magpapaopera. iintayin ko lang ang kamatayan ko. Hiyang hiya na ako sa anak ko. Palagi na lang siya ang gumagastos sa amin. Kung bakit kasi hindi ko pa hiniwalayan si David noon. Sana mag-isa ko na lang pinalaki ang anak ko." "Huwag mo nang stressin ang sarili mo. hayaan mong gumawa sila ng paraan. Isipin mo, sila inilalaban ka pero ikaw naman itong gustong sumuko." "Pero dok, hindi naman din sure na gagaling ako di ba? hindi naman tayo nakasisiguro na magiging matagumpay ang operasyon kaya huwag na lang. Hindi na po ako magpapaopera." "Ikaw ang bahala pero ako, bilang Doktor mo, hinihikayat pa rin kitang lumaban. Walang mangyayari kung susuko ka lang. kung may magagawa namang paraan bakit hindi natin ituloy ang operasyon di ba?" totoo
"MOMMY, ANONG IBIG SABIHIN NITO?" "Anak sorry, patawarin mo ako kung pinag-alala kita. Anak, hindi totoong may sakit ako. Ginawa ko lang 'yon para makunsensya ang ama mo." Pinanindigan na lang ni cecil na panatilihing lihim ang tungkol sa karamdaman niya sa anak. Ayaw na niya itong bigyan ng problema. " Ano po? hindi ko po maintindihan! please pakiliwanag po!" Naguguluhan si Leila sa nakita. Kung bakit kinailangan pa ng inang magsinungaling. "Anak, nahuli ko ang Daddy mo. Siya yung kumuha ng pera mo sa ilalim ng kama. Wala pa rin siyang pagbabago. Kahit na pinalabas kong may malala akong sakit hindi pa rin siya nakonsensya anak. Hindi niya ibinalik yung pera mo. Anak patawad kung ngayon ko lang napagtanto na dapat ay matagal ko nang inalis sa buhay nating mag-ina si David. Patawarin mo ako anak." LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Naiiyak ako. Gusto kong umiyak ng malakas sa inis. Nakakapagod na intindihin yung mga nangyayari sa buhay ko. Buntis ako pero bakit ganito? Si Daddy,
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW "ANO PANG INIINTAY MO? TAKE IT!" "JOHN, HINDI. HINDI PERA ANG KAILANGAN KO. PUMUNTA AKO RITO PARA AYUSIN NATIN ITO. ITS JUST A MIS UNDERSTANDING. JOHN, HUWAG KA NAMAN GANIYAN. DON'T BREAK UP WITH ME." I begged. Sobrang hirap ipaliwanag yung side ko. Ang tingin na sa akin ngayon ni John ay mukhang pera at manloloko bagay na hindi ko naman masisisi. Naging mabait siya sa akin at dahil sa mga hindi ko rin naman inaasahan na pangyayari ay iniisip niya tuloy ngayon na inaabuso ko siya. Now he is breaking up with me. Ofcourse hindi ko matatanggap yon lalo na at alam ko naman sa sarili ko na wala naman akong ginagawa na mali ang iniisip niya. Hindi ko alam kung paano ko siya aamuin. Halos lumuhod na ako sa kaniya pero wala talaga. Ang nakakainis pa rito ay napakalamig ng tingin niya sa akin. napakatabang ng pakikipag-usap niya sa akin. Hindi nga siya galit pero yung mga lumalabas sa bibig niya ay nakakasakit sa akin. Halos isampal niya sa mukha ko na muk
"HAYUP KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG NAGPAKITA PA DITO PAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA MO? WALA KANG KWENTA, LUMAYAS KA DITO! HINDI KA NA NAMIN KAILANGAN SA BUHAY NAMIN. IBALIK MO ANG NINAKAW MONG MAGNANAKAW KA. LUMAYAS KA--- LUMAYAS KA!!!" "TALAGANG AALIS NA AKO. KUKUNIN KO LANG ANG MGA GAMIT KO AT HINDING-HINDI NA AKO BABALIK DITO. HINDI KO RIN IBABALIK ANG PERANG KINUHA KO DAHIL KABAYARAN LANG IYON NG PAGTULONG KO SA INYONG MAG-INA. TUMABI KA!" "ANG KAPAL NG MUKHA MO! MAKARMA KA SANA. ISINUSUMPA KO NA HINAYAAN KITANG PUMASOK SA BUHAY KO. HAYUP! WALA KANG KASING SAMA!" "SABIHIN MO NA ANG LAHAT NG GUSTO MO. HINDI AKO APEKTADO." _____________ LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW kararating ko lang sa bahay at ito agad ang narinig ko. it was mommy and Daddy. Galit na galit si mommy kay Daddy samantalang itong si Daddy David, he never say sorry nor feel sorry for what he did. Mas importante sa kaniya ang pera kaysa sa amin na pamilya niya. Ako, napakasakit sa akin na para bang lahat n
KENNEDY GRANDE. THE YOUNGEST BROTHER OF VLADIMIR GRANDE. A HANDSOME BUSINESS MAN NA SIYANG NAATASAN NGAYON PARA MAG-MANAGE NG LAHAT NG NAIWAN NA NEGOSYO NG MAG-ASAWANG VLADIMIR AT AYLA. DAHIL MATATANDA NA ANG MGA MAGULANG NILA AY KAY KENNNEDY IPINASA ANG TITULO NG PAGIGING CEO. SI KENNEDY NA DATING HAPPY GO LUCKY AY NAGBABALIK NGAYON BILANG MATURED AT RESPONSABLENG CEO PARA SA KANIYANG NAMAYAPANG KAPATID. Hindi na iba si Kennedy sa mundo ng pagbubusiness. Kilala na rin siya kahit papaano dahil may mga napatunayan na rin siya sa industriya ng pagiging Young billionaire. He is smart and stone hearted when it comes to business. Kung si Vladimir ay wholesome, kabaliktaran naman si Kennedy. Mabait siya pero mapagkimkim siya ng galit. kagaya ngayong pagbabalik niya, may isang tao siyang gustong balikan at pabagsakin. Hindi sa kaniya nagkasala ang taong yon pero hindi niya kayang patawarin at ang taong iyon ay walang iba kung hindi si John. Masama pa rin ang loob ni Kennedy dito dahil s
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Bilang partner at sion to be her husband, ipinakita ko kay Leila na okay lang ang magkamali at hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa kaniya. Oo. masakit sa akin ang nangyari at dito sa loob ng puso ko ay naroon ang hangarin na maghiganti at pagbayarin si kennedy. Gusto kong durugin ang buto niya ng pinong pino at mabulok siya sa kulungan. Talagang gagawin ko iyon. Para sa akin, walang kapatawaran ang ginawa niya. Na kahit saan pa siya magtago ay hahanapin ko talaga siya. Hindi ko ito palalampasin. Kaya lang ngayon, ipinauubaya ko na muna sa mga Pulis ang lahat. Ipinauubaya ko muna sa kanila ang paghahanap kay kennedy dahil may mas kailangan akong unahin at iyon ay si Leila. Ang sabi ng Doktor ay pwede naman na daw siyang umuwi at sa bahay na lamang magpagaling kaya naman matapos niyang magpahinga saglit dito sa ospital ay hinanda ko na ang mga kakailanganin niya paglabas. Physically, hindi pa talaga siya okay. Ang bakas ng pananakit ni kennedy sa
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Habang papalapit ako sa kwartong tinuro sa akin ng nurse kung nasaan si Leila ay para bang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. Kasabay ng dibdib ko na napakabigat din at puno ng takot at pag-alala. Parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang babaeng mahal ko na naririto dahil sa kapabayaan ko. Dapat mas dobleng pag-iingat ang ginawa ko. I should checked her while im in work. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad si kennedy sakaling mapatunayan ko na siya nga ang may gawa nito. Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako hindi pa man din. Oo, hindi ako naging perpekto at may mga nagsasabi na darating ang karma sa akin pero huwag naman ganito. Huwag namang idamay ang taong mahal ko. Si Leila, siya na ata ang pinaka inosenteng tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Busilak ang kaniyang puso at hindi niya deserve na masaktan. Nagbago ako para sa kaniya, dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Siy
JOHN ENRIQUEZ POINT IF VIEW My day is ruined. In truth, I shouldn't be affected by what that old woman said because it's part of the past. I don't know if what she said is true or not. My point is, it was just a one-night stand between me and her daughter. A social climber who likes to get involved with wealthy guys like me. Na gusto akong makarelasyon pero noong panahon na iyon ay hindi talaga ako nag-cocommit para makipag relasyon. baliw ang babaeng yon. pati ang ina niya ay baliw din. Anong magagawa ko kung patay na ang anak niya. Hindi naman ako yung pumatay. hayyy... sira na talaga ang araw ko. "tss, anong hindi ako sasaya? bakit, Diyos ka ba para diktahan ang mangyayari?" inis kong sabi sa hangin. Inutusan ko ang mga tauhan ko na ligpitin na mabuti ang kalat dito. Wala na. sira na ang araw ko kaya hindi na ako makakapagtrabaho ng maayos. i cancelled all my appointments and meetings today and decided to go home. Sure ako na kapag nakita ko ang mag-ina ko ay kahit papaano
Puno ng takot ang nararamdaman ngayon ni Leila. Sa itsura pa lang ni kennedy ay talagang desidido ito na maangkin siya ngayon. ngayon lang niya nakitang ganito si kennedy. malayong malayo sa pagkakakilala niya rito. "KENNEDY HINDI PWEDE. PLEASE MAAWA KA! MARAMI PANG IBA DIYAN. HUWAG NAMAN AKO. HAYAAN MO NA AKO. HINDI TAMA ITO. PAKIUSAP PLEASE???" Talagang pinipilit ni Leila na lumaban. iniiwasan niya ang mga halik ni kennedy. Ginagawa niya ang lahat para makalaban dito. Bagamat lalaki si kennedy at hamak na mas malakas sa kaniya ay nanindigan pa rin si Leila na hindi niya hahayaang makuha ni kennedy ang gusto niya. Naroon yung tumatawag na siya sa Panginoon upang humingi ng tulong at magkaroon ng himala. "Diyos ko, huwag niyo po sanang hayan na magtagumpay si kennedy. Ang gusto ko lang naman po ay maayos ang lahat ngunit bakit ganito? kayo na po ang bahala," dalangin ni Leila. patuloy pa rin niyang nilalabanan si kennedy. Iniisip niya ang kaniyang mag-ama. Masakit kay kennedy na k
Pagkaalis ni John ay hindi muna ako nagmadaling umalis dahil marami pa naman akong oras at hapon pa naman siya uuwi. Sinulit ko ang gana ni baby Anya sa pagkain. Ang sarap lang makita na talagang lumalaki na siya at na-eenjoy na niyang kainin ang mga masasarap na pagkain. Katuwang ko oa rin si yaya Gina sa pag-aalaga sa kaniya. Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta na ako na ako na ang magpapaligo kay baby at hinayaan ko na siyang magligpit ng aming kinainan. Sobrang saya sa pakiramdam na umaayon na ang tadhana para sa aming lahat. Yung tipong masasabi ko na nandito na kami sa part kung saan ay nabubuhay na kami sa aming pangarap. Nagmamahalan kami ng Daddy niya at mahal na mahal namin si baby Anya. Kaunting panahon na lang at ikakasal na kami no John at titira sa malaking bahay at tuwang na palalakihin ang aming nag-iisang anak ng puno ng pagmamahal. Kaya naman panay ang dalangin ko na sana ay wala ng dumating pa na problema sa amin ni John. Napakarami na kasi naming pinagdaana
Maagang gumising si Leila at naghanda ng almusal para sa kaniyang mag-ama. Masaya niyang hinarap sa hapag kainan ang kaniyang pamilya. Lalo na ang kaniyang unica iha. Gaya ng lagi na niyang ginagawa na ngayon, tuwing umaga ay siya mismo ang nagpapakain dito. "Babe, nabanggit ko sa 'yo na papasok ako ngayon. Kailangan ako sa office pero I promise uuwi agad ako." Paalam ni John sa kaniya sabay hawak sa kaniyang balikat. "Ahh, oo. No worries. Okay lang kami dito." Sagot naman agad ni Leila na tila naglalaro sa isipan ang kaniyang plano pag-alis ni John. Medyo may part sa kaniya na parang nakokonsensya dahil magsisinungaling siya kay John. "Good! Oh, paano maliligo na ako. Salamat sa masarap na breakfast babe." Dali-dali na tumayo si John sa upuan at humirit muna ng isa pang higop sa tasa na may laman na kape at pagkaraan ay humalik sa noo ni Leila at nagmamadali na pumasok sa kwarto. Samantala, desidido si Leila na ituloy ang kaniyang plano na pagpunta kay kennedy. Sa isip-isip
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW What can i ask for? How can I say no this man l love the most? Ofcourse yes! Yes ang naging sagot ko. I feel like im floating. My cheeks are blushing. Sobrang gwapo ni John habang nakaluhod at inaalay ang singsing sa akin. Hindi ko inaakala na sa simbahan mauuwi ang lahat pagkatapos ng mga nangyari sa aming past. Hindi madali magmahal ng isang John Enriquez. Too risky. Madami akong iniluha. Madami akong tiniis. Madami akong pagseselos pero tignan mo nga naman ang nagagawa ng pag-ibig. Akala ko ay hindi na magbabago ang isang tulad niya pero heto at inaalok na niya ako ng pang habang buhay namin na pagsasama. Sa harap ng anak namin, sa harap ng mga taong naririto at naging saksi sa kaniyang Proposal, oo ang isinagot ko. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao ng hagkan ni John ang mga labi ko. Sobrang tamis ng kaniyang mga labi. Naiiyak ako. Sobra kasi akong nasurpresa at hindi ko na iniisip na maraming tao ang nakatingin sa amin. Ipinikit ko lang an
Maluha-luha si John habang pinagmamasdan ang kaniyang mag-ina. Nakita niya kung gaano kasaya si Leila ngayong inamin na niya ang tungkol kay baby Anya. John did the right thing. Dahil sa desisyon niyang sabihin na kay Leila ang totoo habang maaga pa dahil dito na nabuo ang desisyon ni Leila na iisang tabi na lang si kennedy at unahin silang mag-ama. Nababanggit na si John ng tungkol sa kasalan. Masayang masaya si Leila sa mga nangyayari. Hindi niya akalain na mauuwi na sa kasalan ang kanilang pagmamahalan ni John. Hindi kumikibo si Leila. Habang buhat niya si baby Anya ay palihim itong kinikilig. Sa puntong ito ay hindi na naiisip ni Leila ang tungkol sa utang na loob niya kay kennedy. Ang kaniyang atensyon ay naka-focus sa kaniyang mag-ama. "Anak, baby, nakikilala mo ba ang amoy ni mommy? hah? Ako ito, ang mommy mo, salamat anak dahil buhay ka. Salamat at magagampanan ko pa rin ang pagiging mommy sa 'yo. Ang bait ni Lord noh? nagawa niyang pagsama-samahin tayong muli. Alam mo b
Ha? ano naman 'yon?" "Basta! sabihin na lang natin na pinaka mahalaga sa 'yo." "Hindi ba pwedeng bukas na lang?" "Hindi pwede. Ngayon mo siya kailangang makita." Kung bakit ba hindi ako makahindi pagdating kay John. Kahit anong pagpupumilit kong ipagpabukas na lang ang sinasabi niyang surpresa ay hindi talaga sya pumayag na hihindi ako. Iniisip ko ngayon si kennedy, sino na kaya ang bantay niya ngayong mukhang matatagalan pa ako bago makabalik doon sa ospital. Papunta na kami ngayon sa bahay ni John. "Im sure magugustuhan mo ang surpresa ko sa 'yo," wika niya sabay lingon sa akin. pilit na lang akong ngumiti. Parang sinisilaban ang puwet ko. Ano ba kasing surpresa iyan hayy nako. Makalipas ang ilang minuto namin na biyahe ay nakarating na kami sa Building kung saan narito rin ang unit na tinutuluyan ni John. John owned this Building at marami pang iba. Hindi ako makapaniwala na makakabalik muli ako rito. Ni minsan ay hindi ko naisip kasi na magkakabalilan pa kami. well