"Dok, ano pong sabi ng asawa ko? babayaran daw po ba niya ang operasyon ko?" "Sad to say gagawa pa lang daw sila ng paraan. Hayaan mo, manalangin lang tayo. May awa ang Diyos at hihipuin niya ang puso ng asawa mo." "Dok, hindi na lang po ako magpapaopera. iintayin ko lang ang kamatayan ko. Hiyang hiya na ako sa anak ko. Palagi na lang siya ang gumagastos sa amin. Kung bakit kasi hindi ko pa hiniwalayan si David noon. Sana mag-isa ko na lang pinalaki ang anak ko." "Huwag mo nang stressin ang sarili mo. hayaan mong gumawa sila ng paraan. Isipin mo, sila inilalaban ka pero ikaw naman itong gustong sumuko." "Pero dok, hindi naman din sure na gagaling ako di ba? hindi naman tayo nakasisiguro na magiging matagumpay ang operasyon kaya huwag na lang. Hindi na po ako magpapaopera." "Ikaw ang bahala pero ako, bilang Doktor mo, hinihikayat pa rin kitang lumaban. Walang mangyayari kung susuko ka lang. kung may magagawa namang paraan bakit hindi natin ituloy ang operasyon di ba?" totoo
"MOMMY, ANONG IBIG SABIHIN NITO?" "Anak sorry, patawarin mo ako kung pinag-alala kita. Anak, hindi totoong may sakit ako. Ginawa ko lang 'yon para makunsensya ang ama mo." Pinanindigan na lang ni cecil na panatilihing lihim ang tungkol sa karamdaman niya sa anak. Ayaw na niya itong bigyan ng problema. " Ano po? hindi ko po maintindihan! please pakiliwanag po!" Naguguluhan si Leila sa nakita. Kung bakit kinailangan pa ng inang magsinungaling. "Anak, nahuli ko ang Daddy mo. Siya yung kumuha ng pera mo sa ilalim ng kama. Wala pa rin siyang pagbabago. Kahit na pinalabas kong may malala akong sakit hindi pa rin siya nakonsensya anak. Hindi niya ibinalik yung pera mo. Anak patawad kung ngayon ko lang napagtanto na dapat ay matagal ko nang inalis sa buhay nating mag-ina si David. Patawarin mo ako anak." LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Naiiyak ako. Gusto kong umiyak ng malakas sa inis. Nakakapagod na intindihin yung mga nangyayari sa buhay ko. Buntis ako pero bakit ganito? Si Daddy,
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW "ANO PANG INIINTAY MO? TAKE IT!" "JOHN, HINDI. HINDI PERA ANG KAILANGAN KO. PUMUNTA AKO RITO PARA AYUSIN NATIN ITO. ITS JUST A MIS UNDERSTANDING. JOHN, HUWAG KA NAMAN GANIYAN. DON'T BREAK UP WITH ME." I begged. Sobrang hirap ipaliwanag yung side ko. Ang tingin na sa akin ngayon ni John ay mukhang pera at manloloko bagay na hindi ko naman masisisi. Naging mabait siya sa akin at dahil sa mga hindi ko rin naman inaasahan na pangyayari ay iniisip niya tuloy ngayon na inaabuso ko siya. Now he is breaking up with me. Ofcourse hindi ko matatanggap yon lalo na at alam ko naman sa sarili ko na wala naman akong ginagawa na mali ang iniisip niya. Hindi ko alam kung paano ko siya aamuin. Halos lumuhod na ako sa kaniya pero wala talaga. Ang nakakainis pa rito ay napakalamig ng tingin niya sa akin. napakatabang ng pakikipag-usap niya sa akin. Hindi nga siya galit pero yung mga lumalabas sa bibig niya ay nakakasakit sa akin. Halos isampal niya sa mukha ko na muk
"HAYUP KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG NAGPAKITA PA DITO PAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA MO? WALA KANG KWENTA, LUMAYAS KA DITO! HINDI KA NA NAMIN KAILANGAN SA BUHAY NAMIN. IBALIK MO ANG NINAKAW MONG MAGNANAKAW KA. LUMAYAS KA--- LUMAYAS KA!!!" "TALAGANG AALIS NA AKO. KUKUNIN KO LANG ANG MGA GAMIT KO AT HINDING-HINDI NA AKO BABALIK DITO. HINDI KO RIN IBABALIK ANG PERANG KINUHA KO DAHIL KABAYARAN LANG IYON NG PAGTULONG KO SA INYONG MAG-INA. TUMABI KA!" "ANG KAPAL NG MUKHA MO! MAKARMA KA SANA. ISINUSUMPA KO NA HINAYAAN KITANG PUMASOK SA BUHAY KO. HAYUP! WALA KANG KASING SAMA!" "SABIHIN MO NA ANG LAHAT NG GUSTO MO. HINDI AKO APEKTADO." _____________ LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW kararating ko lang sa bahay at ito agad ang narinig ko. it was mommy and Daddy. Galit na galit si mommy kay Daddy samantalang itong si Daddy David, he never say sorry nor feel sorry for what he did. Mas importante sa kaniya ang pera kaysa sa amin na pamilya niya. Ako, napakasakit sa akin na para bang lahat n
KENNEDY GRANDE. THE YOUNGEST BROTHER OF VLADIMIR GRANDE. A HANDSOME BUSINESS MAN NA SIYANG NAATASAN NGAYON PARA MAG-MANAGE NG LAHAT NG NAIWAN NA NEGOSYO NG MAG-ASAWANG VLADIMIR AT AYLA. DAHIL MATATANDA NA ANG MGA MAGULANG NILA AY KAY KENNNEDY IPINASA ANG TITULO NG PAGIGING CEO. SI KENNEDY NA DATING HAPPY GO LUCKY AY NAGBABALIK NGAYON BILANG MATURED AT RESPONSABLENG CEO PARA SA KANIYANG NAMAYAPANG KAPATID. Hindi na iba si Kennedy sa mundo ng pagbubusiness. Kilala na rin siya kahit papaano dahil may mga napatunayan na rin siya sa industriya ng pagiging Young billionaire. He is smart and stone hearted when it comes to business. Kung si Vladimir ay wholesome, kabaliktaran naman si Kennedy. Mabait siya pero mapagkimkim siya ng galit. kagaya ngayong pagbabalik niya, may isang tao siyang gustong balikan at pabagsakin. Hindi sa kaniya nagkasala ang taong yon pero hindi niya kayang patawarin at ang taong iyon ay walang iba kung hindi si John. Masama pa rin ang loob ni Kennedy dito dahil s
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I came here para sitahin si Leila at tanungin siya tungkol sa kumakalat na issue na inuugnay ang pangalan ko. Galit ako at iniisip na isa na naman ito sa pakulo niya para huwag kong hiwalayan but to my surprise, isang burol pala ang dadatnan ko. Pagkakita na pagkakita niya sa akin ay kaagad siyang yumakap. yakap na sobrang higpit na animoy wala akong nasabi sa kaniya na masasakit. Nag-away kami dahil sa tiwala at sa pera at nauwi sa pakikipaghiwalay ko sa kaniya. I cheated in font of her kaya hindi ko makuha kung bakit nagagawa niya pa rin akong tignan na para bang liwanag sa napaladilim niyang mundo. "S-Sino ang namatay?" tanong ko sa kaniya habang nakakulong ako sa mga yakap niya. "Ang mommy... natuluyan na siya sa sumunod niyang atake. Hindi ko alam John. Ang sabi ng Doktor tumanggi daw si mommy na magpaopera dahil naaawa na raw siya sa akin dahil sa ginawang pagnanakaw ni Daddy. Hiniling niya rin na ilihim sa akin ang tungkol sa sakit niya.
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW MOM IS GONE. INIWAN NA NIYA AKO AT NAPAKAHIRAP TANGGAPIN DAHIL MASYADONG BIGLAAN. AS HER DAUGHTER, I HAVE REGRETS. She's dying at iniisip niya pa rin ako sa kabila ng hirap ng nararamdaman niya. Anong sakit sa akin tuwing naaalala ko na kumakatok siya pero hindi ko siya pinagbuksan. Kung pwede ko lang ibalik ang oras. Kung pwede lang. Saglit na sumaya ang puso ko nang makita kong dumating si John. Napaka saya ko at napahinahon niya kaagad ang puso ko na hindi na malaman ang gagawin. Akala ko, malinaw na sa kaniya ang pagkamatay ng ina ko. Na hindi gawa-gawa ang sakit ng mommy ko. Akala ko ay na-prove ko na ang sarili ko. Na hindi ko siya niloloko at totoo ako sa nararamdaman ko sa kaniya kaso Akala ko lang pala. Palagi niyang sinasabi na hindi pwedeng may makakaalam ng relasyon namin at matagal na naming napagkasunduan na gawing lihim sa lahat ang relasyon namin at akala ko okay lang yon pero hindi pala. Mas masakit pala kapag sa personal. Hind
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Lumabas siya. Nilabas niya ako. Hindi niya ako natiis. Binuhat niya ako at dinala sa loob at inihiga sa kaniyang kama. Nakita niyang hindi ako okay at ginaw na ginaw at binihisan niya ako. Hindi ako okay pero sa simpleng ginagawa niya kagaya ng ganito ay nababawasan ang lungkot sa puso ko. Mabait naman talaga siya deep Inside. Ramdam ko yung caring niya ay galing sa kaniyang puso. "Bakit kasi nagpaulan ka? ano bang naiisip mo? tignan mo nga ang sarili mo? Leila, buntis ka pero bakit ganiyan ka?" panenermon niya sa akin matapos niya akong mabihisan at kumutan. his voice was kinda disappointed but nandoon pa rin yung care niya. Napaiyak na lang ulit ako. Hindi ko na dapat sabihin sa kaniya ang problema ko pero kailangan kong sabihin kung bakit ako nagpunta rito. "John, wala na kasi ako ibang mapupuntahan. Wala na akong ibang matatakbuhan." pagsisimula kong mag-open sa kaniya. "What do you mean?" "Yung bahay namin... Yung bahay namin ibi
"Good morning, Daddy! yes po. Dito ko na pinatulog si Jarren. Nalasing po kasi siya eh baka kung mapaano pa kako. Okay lang naman po di ba?" Hindi ako magaling magsinungaling pero mukhang na paniwala ko naman ang daddy. Hindi naman siya galit or umalma nang sabihin ko na dito natulog si Jarren sa loob ng kwarto ko. "okay... the breakfast is ready and gisingin mo na si Jarren dahil isasama ko siya mag-golf. Intayin namin kayo sa baba." Nakahinga na nang maluwag si Anya matapos umalis ng kaniyang ama. Dali-dali niyang isinara ang pinto at nilapitan si Jarren. "Do you heard it? Isasama ka raw ni Daddy sa golf Park? Paano yan wala ka pang tulog? sabihin ko kay Daddy na huwag ka nang isama?" nag-aalala si Anya para kay Jarren. Inaalala niya ito dahil wala nga itong tulog. Pareho sila! "Sasama ako!" Dali-dali na bumangon si Jarren. "your Dad wants me to go with him then i'll go with him at the golf park. Don't worry about me, Anya. I'm okay." paniniguro ni Jarren. Or hindi niya lan
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Yaya, ipasok mo na si baby Warren st gabi na. ikaw Babe, hindi pa ba kayo tapos uminom?" halata kay mommy na inip na palibhasa'y na busog kaya panay ang tanong kay Daddy. "Mauna ka na sa kwarto at susunod na rin ako." sagot naman ng daddy. Mukhang nag-eenjoy sila ni Jarren sa pag-uusap. Hindi naman masyadong umiinom ang daddy pero mas mukha pa siyang lasing kaysa kay Jarren. Panay na kasi ang bida tungkol sa kaniyang kabataan na sinasakyan lang ni Jarren. "Jarren, sure ka bang kaya mo pa? namumula na ang mukha mo, oh." ako naman ay pasimpleng bumulong kay Jarren. May usapan pa kasi kami. "Okay pa ako, Anya. Minsan lang ito kaya susulitin ko na. Masaya lang ako dahil okay na okay na kami ng Daddy mo. huwag kang mag-aalala, hindi ako sasagad ng pag-inom dahil may pag-uusapan pa tayo mamaya." sagot niya sa akin na ikinakilig ko. akala ko kasi ay hindi na kami magkakaroon ng pagkakataon para makapag-usap nang masinsinan. "dito ka matutulog?" Talagan
"Mag-prepare daw tayo ng food. Dito daw sila mag-dinner ni Jarren mamaya." Awtomatikong napabalik si Anya sa kinatatayuan ng ina. Sabay pa silang Napatili. "Legit ba?" "Oo nga! Magpaganda ka anak mamaya. kami na nila manang ang bahala sa food. Yung kwarto na tutulugan niya pahanda mo na." support na support si Leila sa pagmamahalan ni Jarren at Anya. Masaya siya na makitang muli ang sigla ng kaniyang anak. Ang malawak nitong mga ngiti at ang kislap ng mata. "Luh, im nervous. But tama ka mom. Kailangan maganda ako mamaya." Hindi matawaran ang pagkasabik ni Anya sa narinig. Dali-dali niyang pinuntahan ang anak at sinabi ang magandang balita na nalaman. "Baby, hulaan mo kung bakit masaya si mommy?" pagkausap niya sa anak na kala mong kaya siya nitong sagutin sa tanong. Ramdam ng batang si Warren ang kasiyahan ng ina kaya napangiti ito kay Anya. "Ang daddy mo darating mamaya! Magkikita na kayo ulit!" Agad na inutusan ni Anya ang yaya ni Warren na ilabas ang mga bagong damit n
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW aaminin ko man tlga sa asawa at anak ko ang tungkol kay jarren at sa pagtratrabaho niya rito. Talagang sasabihin ko n tlga sana dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ng asawa ko na kesyo may bagong babae ako at kung ano ano. Bukod doon ay matagal ng napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin. Sadyang wrong timing lang at bago pa man ako umamin ay nalaman na ni Anya na si Jarren ang aking bagong secretary. Bigla bigla na lang siyang dumating dito at kumatok. Hindi ako prepared. Si Jarren pa ang pinagbukas ko ng pinto ayan tuloy wala na kaming lusot. Matalino si Anya at obvious din naman ang suot ni Jarren. Alam kaagad niya kung ano ang ginagawa ni Jarren dito sa loob ng office ko. Hanggang sa ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nagkita sila ay ganito talaga ang mangyayari. Tamang tama ang sinabi ko kani-kanina lang. Itong si Jarren biglang nawala sa sarili. Nakalimutan niya na na nandito ako at nakikita sila. But infairness, makikita mo
JARREN POINT OF VIEW "Jarren, gawin mo 'to..." "Jarren, ikaw ang umatrend dito..." "Jarren, kailangan mong matutunan yung ganito, ganiyan...." "Jarren, galingan mo pa! nagkukulangan pa ako!" "Jarren, hindi ganito! ganito dapat! ulitin mo!" "Jarren, there is no room for mistakes here!" Aaminin ko, hindi pala ganun kadali. Mahirap pala. Akala ko ay malapit na ako pero malayo pa pala. Marami pa akong kakainin na Bigas para i-prove yung sarili ko. Araw-araw binibigay ko yung best ko pero kulang pa rin. Araw-araw ako napapagod pero nagkakamali la rin. Iniisip ko na lang palagi ang mag-ina ko at sila ang inspirasyon ko. Sa kanila ako kumukuha ng lakas para sa Araw-araw. Hindi madali ang maging isang CEO. Hindi pala madali ang ginagawa ni Mr. Enriquez sa Araw-araw. Lalo ko siyang kinahahangaan sa araw araw na nakakasama ko siya. He deserve all this. Early morning, Late Nights. Narealise ko rin na hindi lang ang katangian ng pagiging CEO ang itinuturo niya sa akin. Natutun
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi ako nagdalawang isip na isugod si Mr. Enriquez sa ospital matapos ko siyang makita sa harap ng aking bahay na nahihirapang huminga na tila para bang inaatake siya. Sa itsura niya ay mukha talagang hindi maganda ang lagay niya kaya naman agad ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan niya para dalhin ng ospital. Sa totoo lang, awang awa ako sa kaniya. Kahit na marami siyang ginawa na hindi maganda sa akin ay tinatanaw ko pa rin ang magagandang nagawa niya sa akin. Nauna niya akong tinulungan kaya naman ano ba naman itong ibalik ko ang magagandang nagawa niya sa akin at kinalimutan ang mga pangit niyang nagawa. Dinala siya sa loob ng E.R. at ako naman ay pinaiwan na sa labas. Habang nag-aantay, panay ang dasal ko na sana ay maging okay siya. Totoo. Naiisip ko kasi si Anya at ang anak namin. Alam kong pag may nangyaring masama kay Mr. Enriquez ay sila yung unang malulungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon. Nandoon yun
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW 2 YEARS AGO, After My apo's Blood transfussion, nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Jarren ng pang sarilinan. That time, ayoko talaga hanggang maaari but in my mind my nagsasabi rin sa akin na maging fair at pakinggan ang nais na sabihin sa akin ni Jarren. Humingi siya ng tawad at inamin ang mga nagawa niyang pagkakamali pero wala sa iyak niya ang nakakuha ng loob ko. Bilang isang ama, masamang masama ang loob ko sa kaniya nadagdagan pa ng malaman kong ginawa niyang kabit ang anak ko. Sobrang sakit noon para sa akin. Mabait pa nga ako at nagawa ko pang magtimpi bilang nasa gilid lang kasi namin ang apo ko. Sa aming naging pag-uusap noon ay nagulat ako sa kaniyang inamin. Honestly hindi ako naniniwala that time. Na baka sinasabi niya lang yon para matakasan ang aking galit at para lokohin muli ako. Hindi ko siya tinanggap para sa anak ko. Kahit la sinabi niya sa akin na hindi totoong naikasal siya. Para sa sakin ay walang sense iyon. Hind
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Dapat sa mga oras na ito ay nagsasaya na ako dahil sa wakas ay gagaling na ang anak ko. Sa wakas ay nakuha na niya ang kailangan niya at hindi na siya mahihirapan pa. Masaya naman ako bilang ina. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang dumating ang araw na ito pero itong araw din pala na ito ang isa sa mga malungkot na araw sa buhay ko. Si Jarren, nagpapaalam na siya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at mga mata. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang nangyari o napag-usapan nila ng Daddy sa loob ng kwarto at ganitong nagpapaalam si Jarren. Ibig sabihin hindi naaayos. Ibig sabihin hindi naging okay ang pag-uusap nila. "Anya, Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. kayo ng anak natin. Anya, sorry sa mga maling desisyon ko. Goodbye, Anya! alagaan mong mabuti ang anak natin. Til we see again, Anya. Pangako, babalik ako. babalikan ko kayo ng anak natin." Umalis na si Jarren at nag-iwan ng isang panga
Puno ng pag-aalala si Jarren tungkol sa mag-ina niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mga dumarating. balik balik siya mula sa lab hanggang Entrance. Patanaw-tanaw kung nariyan na ba ang kaniyang mag-ina. Iniisip ni Jarren na baka labis na nasaktan si Anya sa nangyari kagabi at sa ibinigay niyang sitwasyon dito. Gustong-gusto nang aminin ni Jarren ang totoo. Na hindi totoong kasal sila na Mallory. Na gawa gawa lamang niya ito. Hanggang sa dumating na nga ang kanina niya pang inaantay. Ang kaniyang anak. Kaya lang ay hindi si Anya ang may bitbit rito kung hindi si John at kasama nito ang ina ni Anya. Napaatras ng dalawang hakbang si Jarren nang magtama ang mata nila ni John. Ngayon lang sila muli nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi alam ni Jarren kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip ni John. Nakahanda naman si Jarren sa galit nito. Hindi na siya galit kay John. Kinalimutan na niya ang masakit na ginawa nito alang