Napakabilis ang paglipas ng mga araw, hanggang ang mga araw ay nagiging mga buwan at mga taon. Nanatili pa rin akong isang public servant na nagtuturo sa mga kabataan sa public school. Kahit nakakapagod ang pagiging isang guro ngunit napamahal na talaga ito sa akin lalo na't 15 years na rin ako sa serbisyo. Samantalang patuloy pa rin ang pagpapalitan namin ng chat ni Bea sa messenger at hindi pa rin ito nakakalimot na mag-update sa akin tungkol sa buhay at pag-aaral niya. Active pa rin ako sa gc namin sa batch nila, at palagi ko pa ring kinukumusta du'n ang mga dati kong estudyante. Tungkol naman kay Ace, he become one of my good friends. Mga two years na siyang nanliligaw sa akin pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Ewan ko nga ba! Hindi talaga maaaring turuan ang puso. He has everything a woman is looking for; good looks, stable job and refined personality. Pero hindi ko kayang i-commit ang sarili ko sa kanya para sa isang romantic na relasyon. Gusto naman siya ng
"Hi ma'am, nandito ka na po ba sa Cebu?", chat sa akin ni Bea. Alam kasi niya na ngayon ang flight ko, kaya lang hindi agad ako nakapag-update kasi natulog kaagad ako pagdating ng hotel."Yes nak, mga almost eleven na ako dumating at dumiretso agad ako dito sa Elegant Circle Inn. Tapos nakatulog ako kaya hindi na ako nakapag-update sa iyo.""Ah okay po ma'am. Pasensya na po at hindi po kita mapapatuloy sa boarding house namin, kasi masikip po talaga dito. Baka hindi ka po magiging komportable. Apat din kasi kami sa room eh!", pagpapaliwanag nito."Okay lang 'yon nak. Walang problema.""Hmm. Puntahan kita dyan ma'am. Sabay tayong maghapunan mamaya.""Sige nak, hintayin kita dito."Pagkatapos naming mag-usap ni Bea sa messenger, nagsend ako ng message kay Loraine at sinabi kong nandito na ako sa Cebu at para siya na lang din ang magsabi sa granny niya. Mamaya ko nalang siya tawagan kasi alas tres pa ng hapon at may klase pa 'yon. Maya't maya'y may nagpop-up na chat head at kay Ace 'yon
"So 'asan na ang boyfriend mo nak? Ipakilala mo na siya sa akin at kikilatisin ko!", sabi ko kay Bea. "Coming pa lang po siya mimi! Relax lang po." "Anong pangalan niya nak?" "Raffy San--Oh, nandito na siya mimi!" Sinundan ko kung saan nakapokus ang mga mata ni Bea. Nakangiti 'yong lalaki habang papalapit sa kinaroroonan namin. Gwapo ito at matangkad. Matikas ang pangangatawan at katamtaman lang ang kulay ng balat. "Hi Bea!", bati nito. "Hello. Uhm, ipapakilala ko sa iyo ang nag-iisa kong 'mimi." "Si Miss Precious Sarmiento." "Mi, this is my boyfriend Raffy Sandoval." "Hello po. Nice meeting you!", bati ng lalaki sabay inilahad ang kanyang kamay. "Hello!", matipid kong tugon. Ngunit nabigla ako nang may magsalita sa likuran ng lalaki. At si Ace 'yon! "Hi Pres! It's good to see you again!" "Oh, Ace, hi!" Saglit na natigilan sina Bea at ang boyfriend niya habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Ace. "Bro, magkakilala kayo? Hmm. Is she the woman you told me?", ta
"Hi mimi, sorry to keep you waiting. Tara na at kakain na tayo. Kuya, let's go!", yaya ni Bea."Uhm, saan kayo kakain?", sabat ni Ace."Sa Shawarma Gourmet kami, Ace. It's my graduation treat for Bea.""Oh really mimi? Mahal kaya du'n! Pwede namang sa Chowking lang tayo. May pera naman ako dito. Nakakahiya naman na ikaw pa ang magpapakain sa amin. Eh, ikaw na nga itong naabala kasi umabsent ka pa ngayon sa trabaho!""Sus, okay lang 'yon nak, ano ka ba! Para ka namang 'others", nakangiti kong sabi."Du'n din naman ang punta namin Pres. Sumabay na kayo sa amin!", sabi ni Ace."Oo nga naman love, sumabay na kayo sa amin. I think kasya naman tayong lima du'n sa Ford", sabat naman ni Raffy."Hindi kaya nakakahiya sa mommy mo love?", tanong ni Bea."Nauna ng umalis si mommy love, kasi may importante daw silang lakad ni Daddy. So ano? Let's go!", excited na wika ni Raffy.Magkahawak-kamay sina Bea at Raffy habang papalabas ng gym, while nasa likod naman si Andrew. Sabay din kami ni Ace at da
"Hi buds, good evening. I am inviting you to my birthday celebration tomorrow. Actually, it's a joint celebration naming tatlo ni Bea at CJ. I'm sure naikwento na ni Bea sa iyo na natanggap na kami sa trabaho", chat sa akin ni Chris.Actually tumawag ito sa akin kanina sa messenger, pero hindi ko sinagot kaya nagsend nalang ito ng message. "Imbitado lahat ng ka-batch namin at sure ko na hahanapin ka nila du'n.""Alam ko masama ang loob mo sa akin buds, pero sana dumalo ka bukas, kahit para kay Bea at kay CJ nalang. Please...please!"Binasa ko lang ang mga chat niya. Hindi ako nagreply, ni react, as in wala talaga. Ayaw ko ng makita siya. Ayaw ko ng alalahanin pa ang nakaraan. Magkamukha lang sila ni Alex, but he could never be my bestfriend. Makaraan ang ilang minuto, muli kong tiningnan ang messenger. Salamat naman at hindi na nagchat sa akin ang lalaking 'yon. Ngunit nagpop-up naman bigla ang message ni Bea."Hi mimi, please dumalo ka bukas ha! H'wag mo nalang isipin na birthday '
So far, maganda naman ang ambiance ng MMJ function hall. Maayos ang decoration with nice table skirting design. Maayos ang pagka-arrange ng mga mesa at upuan. The place is well-lighted at katamtaman lang ang lamig ng aircon sa loob.Ngunit hindi naman ako komportable sa kinauupuan ko. Ba't pa kasi dito ako pinaupo ni Bea sa unahan, gayong p'wede naman ako sa likuran? "Hindi ko nakita ang mama at kuya mo nak? Pati na rin ang pamilya ni Chris at CJ. Bakit? Hindi ba sila kasali rito?", naguguluhan kong tanong."Hindi mimi. Exclusive lang po ito sa highschool batch namin. Separate 'yong celebration namin with the family. In my case, I will have my celebration with them next day. Ewan ko naman sa kanila ni Chris at CJ", sagot nito."So, bakit mo naman ako inimbita dito?""Aba, syempre naman mimi, ikaw naman ang adviser ng batch namin sa Grade 10, 'di ba? So, kelangan talagang nandito ka!""Basta mimi, thank you talaga at dumalo ka", nakangiti nitong sabi."Oo kasi, magaling kang maghanap
Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni Chris, nagkasundo na ulit kami. Tama nga naman si Tess, everybody deserves a second chance, so it's better to forget the past and create new memories. "Have you forgiven me already buds?', tanong ni Chris sa akin, habang pareho kaming nakatingala sa mga bituin sa langit. "Yes buds, pero---kapag iniwan mo ulit ako sa ere, hinding-hindi na talaga kita patatawarin pa!", mariin kong sabi tapos sabay kaming nagkatinginan."Hindi na talaga buds. Promise! We will always be friends, until forever. No matter what happens, I will never give up our friendship." "But one thing I ask buds---"dagdag na sabi nito. "Please h'wag na h'wag mo ng isipin na reincarnation ako ni Alex. Magkaiba kami buds. Kung nagkataon mang magkamukha kami, still we are two different persons. Lahat ng mga sinabi ko sa iyo noon, totoo 'yon at nanggaling sa puso ko. At kung nangyari man na sinabi din 'yon nu'n ni Alex, well, it's just a coincidence." "Oo nga pala buds, ba't '
It's almost eleven in the evening nang matapos ang celebration. Nag enjoy naman ang lahat sa sayawan at chikahan sa mga dating kaklase at kaibigan. And I enjoyed as well. "Ihahatid na kita buds, gabing-gabi na at delikado na sa daan", offer sa akin ni Chris. "H'wag na buds. Kasama ko naman si Bea eh. Sa bahay ko na siya patutulugin at bukas na lang siya uuwi sa kanila." "Doon din ako matutulog sa tita ni CJ kaya idadaan nalang kita sa bahay niyo. Just give me road instruction na lang ha, di ko pa kasi alam kung saan sa inyo eh!", wika nito. Hindi na ako nagsalita pa kasi, nakita kong papalapit sa amin ang mga dati kong estudyante. "Ma'am Precious, mauna na po kami sa inyo ha", paalam sa akin ni Dave. "Mag-co-commute lang ba kayo nak?", tanong ko. "May motor naman kami ma'am. Halos kaming lahat kaya isasabay na namin 'yong iba na walang masakyan", wika naman ni Mark. "Ah oh sige, mga anak. Mag-iingat kayong lahat!" "Sige ma'am Precious, bye! Ingat din po kayo ma'am!" "Chris,
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.