It's almost eleven in the evening nang matapos ang celebration. Nag enjoy naman ang lahat sa sayawan at chikahan sa mga dating kaklase at kaibigan. And I enjoyed as well. "Ihahatid na kita buds, gabing-gabi na at delikado na sa daan", offer sa akin ni Chris. "H'wag na buds. Kasama ko naman si Bea eh. Sa bahay ko na siya patutulugin at bukas na lang siya uuwi sa kanila." "Doon din ako matutulog sa tita ni CJ kaya idadaan nalang kita sa bahay niyo. Just give me road instruction na lang ha, di ko pa kasi alam kung saan sa inyo eh!", wika nito. Hindi na ako nagsalita pa kasi, nakita kong papalapit sa amin ang mga dati kong estudyante. "Ma'am Precious, mauna na po kami sa inyo ha", paalam sa akin ni Dave. "Mag-co-commute lang ba kayo nak?", tanong ko. "May motor naman kami ma'am. Halos kaming lahat kaya isasabay na namin 'yong iba na walang masakyan", wika naman ni Mark. "Ah oh sige, mga anak. Mag-iingat kayong lahat!" "Sige ma'am Precious, bye! Ingat din po kayo ma'am!" "Chris,
Kinabukasan, gaya ng dati maaga akong gumising. It's still five in the morning kaya tulog pa si Bea. Di bale Linggo naman kaya hindi ko na lang siya gigisingin. Actually, medyo inaantok pa ako, kasi pasado alas dose na ako nakatulog kagabi. Pero kahit gustuhin ko mang matulog pa, ayaw na talagang mag cooperate ng mga mata ko lalo na ang aking isip dahil naglalayag na ito kung saan-saan. Everything that happened in the celebration comes back in my memory. And I couldn't help but smile when I think about Chris. Honestly, hindi ko talaga inaasahan na magkakaayos kami after five years. So magkaibigan na ulit kami. Sana nga, tuloy-tuloy na 'to kasi mahalaga talaga sa akin ang friendship namin. I was in the midst of deep thought, when I received a message from him. Maybe he was thinking na ganitong oras talaga ako gumigising. "Good morning buds. How was your sleep?" "It's okay buds. Good morning din", reply ko. "Uhm, sa Lunes start na ang work niyo buds?" "Yep buds. Kaya maghahanap
Nagdaan pa ang dalawang linggo at naging smooth naman ang samahan namin ni Chris. Samantalang bumalik naman ang communication naming dalawa ni Ace. Naging masyado lang daw kasi siyang busy sa negosyo nila sa France at dahil hindi naman kami pareho ng time dito sa Pinas, kaya hindi na siya nakatawag sa akin. While I was in the faculty room at naghahanda para sa susunod kong klase, biglang nagchat sa akin si Chris. Hindi ko naman akalain na kalungkutan pala ang hatid nu'n sa akin."Hi buds, kumusta? Did I disturb you?", tanong nito."Hello buds. Uhm, hindi naman. I'm still in the faculty room, pero maya't maya papasok na ako sa klase ko", sagot ko naman."Uhm, gusto ko lang sabihin buds na nagkabalikan na kami ni Jackie kahapon."Bigla akong nanghina sa aking narinig, at unti-unti kong nararamdaman ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Nasasaktan ako.Napalinga ako sa buong faculty room. Salamat na lang at ako lang mag-isa ang nandu'n kaya hinayaan ko na lamang ang mga
Alas singko pa lang ng hapon ay sinundo na ako ni Bea. Kelangan daw maaga kaming pumunta ng gym para makaupo kami ng maayos. Marami daw kasi talagang tao ang manonood sa basketball league lalo na't dadayo rito ang mga pulis from other city.Actually, I invited Loraine eh kaso, ayaw namang sumama kasi dadalo raw siya sa birthday party ng kaibigan niya."Mag-iingat na lang po kayo doon ni Ate Bea mama, at saka pakisabi sa bestfriend niyo, "goodluck", nakangiti nitong sabi.Tumango lang ako habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. "Ang ganda niyo naman ma!", my daughter complimented."Alangan namang sabihin mong hindi ako maganda eh, para mo nalang sinabi na hindi ka rin maganda!", nakangiti kong tugon."Sabi ko nga po ma eh! Syempre nagmana po ako sa inyo!At sabay kaming nagtawanan."Oh sige na ma, h'wag ng masyadong magpaganda at baka pagkakaguluhan pa po kayo ng mga police players sa gym!""Ay! May ganu'n? May magkakagulo pa pala sa isang gorang anak?""Hindi naman po kayo go
"Tara na mimi, at i-congratulate na natin sina Chris!", excited na wika ni Bea. Ngunit hindi pa rin ako tumayo sa kinauupuan ko, kasi madami pa namang taong nagsiksikan. Sa isip ko, okay na sigurong hindi na ako lumapit pa kasi nandu'n naman ang gf ni Chris. Nakita ko ngang yumakap si Jackie sa kanya at ang sweet nga nilang dalawa. "Mimi! Baba na tayo at ayun oh! Sinesenyasan na nila tayo!", untag sa akin ni Bea.Hinila niya ang kamay ko, kaya wala na rin akong magawa kundi sumunod na lang sa kanya papunta sa court."Congratulations sa pagkapanalo niyo Chris, CJ!", bati ni Bea sabay nakipag-apiran sa kanila."Congratulations sa inyo!", sabi ko naman at kinamayan silang lahat.Sandaling nagkatinginan kami ni Jackie kaya ako na ang naunang bumati sa kanya."Hi nak! Kumusta ka na?""Okay lang", matipid nitong tugon saka ngumiti ng bahagya.Hindi na rin ako gaanong nakikipag-usap dito kasi feel ko parang ayaw ako nitong kausapin. I feel like she doesn't want my presence here. Hindi nama
"Hi buds!", bati sa akin ni Chris nang sunduin niya ako sa school namin. He opened the door of the passenger seat and then he offered his hand to me."Nakakahiya naman sa iyo buds. Sinadya mo pa talagang pumunta rito para sunduin ako! Magkano na kayang babayaran ko sa iyo?", seryoso kong wika."Absolutely, this is free of charge, my Queen!", nakangiti nitong tugon."Thank you so much my King!"At sabay kaming nagtawanan. And then he pulled closer to me and fixed my seatbelt."Okay, let's go!", wika nito at pinaandar na ang sasakyan.Habang nasa daan kami ay panay ang kwentuhan namin. Ganito naman talaga kaming dalawa kapag nagkakasama. Hindi nauubusan ng kwento. Mula noon pa naman kasi komportable na ako sa kanya. Masarap naman kasi siyang kausap kaya nga goodvibes talaga kami."Uhm, by the way buds, can you please help me sa pag-prepare para sa birthday ni Bea?", pag-iiba ko ng topic."Yup. I remember, birthday na pala niya sa Linggo. So what's the plan?""Actually, my konti naman ak
While I was waiting in the sala at hinihintay ang pagdating ni Chris, I got a message from him na he's on his way na. Kaya pinuntahan ko si Loraine sa kwarto niya para magpaalam. "Nak, aalis na ako. Kumusta? Masakit pa ba ang puson mo? Ayaw mo ba talagang sumama?", tanong ko. "Hindi naman gaanong masakit ma, but still not comfortable, kaya dito na lang ako." "Oh sige nak. Take a rest nalang muna. Bye!", sabi ko saka humalik sa pisngi niya. "Sige po ma, have a good time and take care!", sabi nito. "Uhm, sino pala makakasama niyo sa pagsundo kay Ate Bea ma?" "Ah, si Chris nak." Tumango lang ito at bahagyang ngumiti saka kumaway sa akin. Hindi ko na lang pinuntahan si mama sa kwarto niya kasi I'm sure natutulog na rin 'yon, tutal at alam naman niyang aalis ako ngayon for Bea's birthday celebration. Maya't maya'y narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya tiyak kong si Chris na 'yon. I grabbed my bag then I went out out and locked the door. Paglabas ko ng g
Bea was a emotional when she was asked to deliver a message. Hindi ko rin maiwasang mapaluha kasi naramdaman ko kung gaano siya kasaya. Nandito ang pamilya niya, mga kaibigan, ka batchmates sa grade 10 and of course nandito 'yong bf niya. "I wanna say thank you to all of you for coming here. And special thanks to my boyfriend for this birthday surprise. Maraming salamat love! Thank you kasi nandito ka---"She paused for a while, as she wiped her tears. "Mimi, thank you so much. Hindi naman magiging posible 'to kung wala ang tulong mo. Thank you sa lahat ng suporta mo sa akin palagi. Chris, salamat sa pagtulong mo kay mimi, para sa celebration na 'to. And most of all, to my mother and brother. Thank you ma, kuya Andrew. I know na plano mo rin sana na maghanda para sa birthday ko, kaya lang sinabi ko na h'wag nalang at ipunin nalang ang pera para sa pag-take ko ng board exam. Thank you sa lahat ng sakripisyo mo kuya at pagtulong mo kay mama para mapag-aral ako. I couldn't ask for more.
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.