Share

KABANATA 97

Author: Yenoh Smile
last update Huling Na-update: 2022-10-26 19:29:14

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na bulong ni Bea kay Vin.

Ngumisi ito ngunit hindi siya sinagot. Giniya lang siya nito palapit sa Attorney na nakaupo sa sofa.

"You see, Attorney Carancho, we have been in a relationship for so long. We have twins, a girl and a boy. We would like to get married, but she is still tied to her ex-husband," seryosong kwento nito sa Attorney na tumikwas lang ang kilay.

Nangunot ang noo niya, pilit kumakawala sa hapit nito ngunit humigpit lang ang hawak ni Vin. Nilingon niya rin si Blaze ngunit umakto itong sini-zipper ang bibig.

"Hm, is that so? What about her husband?" may diin na tanong ni Attorney Carancho.

"Ex, you mean?" pagtatama ni Vin.

Umiling ang Attorney. Sumandal sa sofa, bahagyang yumuko bago maliit na ngumisi. Napatanga siya at napakurap. Ang gwapo nito sa anggulong iyon.

"Technically, he is still her husband," swabeng sagot nito.

Pumalatak si Vin, "He doesn't deserve to be called a husband. He cheated."

Nagsalubong ang kilay ng Atto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
josie Parairo
nakarating ako s chapters n to n naiinis akp kay bea dhil tanga at bobo sya wla sya s tamang plano at actions
goodnovel comment avatar
Maui Bacalso Gula
Ang damming paligoyligoy dito pero maganda nman ang story
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku bea bakit pumunta kng mag isa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 98

    "The f*ck, Crystal?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Bea.Lumayo siya nang bahagya sa mesa. Para na siyang basang sisiw, pati cellphone niya ay nabasa. Pagsulyap sa paligid ay halos nakatingin na sa kanila ang lahat ng customer. Nakita pa niyang papalapit ang isang waiter pero hindi na niya pinansin."Serves you right, Bitch," insultong bigkas nito.Tumalim ang tingin niya kay Crystal ngunit mas matalim ang tingin nito. Sa tantiya nga niya ay gustong-gusto siya nitong sabunutan sa oras na iyon. Ayaw niyang gumawa nang eksena kung kaya't pinilit niyang kalmahan ang sarili."Ano bang problem mo?" may gigil ngunit mababang tanong niya.Inirapan siya nito bago hinampas ang mesa sa dalawang kamay nito. Nagtalsikan pa ang ilang tubig na natapon doon. Napapikit siya noong may tumama sa mukha niya. Marahas niya iyong pinunasan."Problema ko? Ikaw ang problema ko, Bea. Ang kapal ng mukha mong humingi ng annulment ngayon, hindi mo pinirmahan ang annulment na hinihingi ni Miggy sa'yo noon!" sig

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 99

    "Seriously? Magsasanib pwersa kayo dahil lang sa akin?" Napamaang si Bea at hindi makapaniwalang tingnan ang dalawang babae sa harap niya.Namamanhid na ang pisngi niya pero ayaw na niyang mag-effort pa. Ano bang laban niya kapag sinabunutan siya ng dalawa? Malamang wala."Akala mo ba hindi namin malalaman na magkasama kayo ni Levi sa probinsya? Ipapaalala ko lang sa'yo na ikakasal na ang lalaking nil*landi mo!" may galit na bigkas ni Divine.Napapikit si Bea nang mariin at marahas na bumuntong hininga."Pwede ba? Si Levi ang tumangay sa amin papunta roon—""Shut up!" Napatigil siya noong sumigaw si Divine.Pinirmi niya ang mga labi. Bakit ba ayaw siyang pakinggan ng mga ito? Paglingon niya muli kay Divine ay halos maiyak itong nakatingin sa kanya."Wala ka bang awa? May asawa kang tao, Bea—""Asawa na inahas niya," sarkastikong bigkas niya at tinuro si Crystal na madilim ang tingin sa kanya."Alam mo naman pala ang pakiramdam ng inagawan, bakit lumalapit ka pa rin kay Levi?" Hikbi ni

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 100

    Hindi alam ni Bea ang gagawin. Hindi niya rin masabing nasasaktan siya sa higpit ng hawak ni Levi sa kanya. Alam niyang galit ito."Hear me out, Levi," pagmamakaawa ni Divine, "Ako na lang, p-lease." Dinig pa niyang humikbi ito."Fine. F*cking go home now and prepare for our wedding tomorrow. Bukas na bukas din, magpapakasal tayo, Divine," may diing utos nito bago siya muling hinila.Hindi na niya narinig ang reaksyon ni Divine. Malamang na nagdiriwang ito. Bigla, nanlaki ang mga mata niya. Tila may punyal na sumugat sa puso niya sa desisyon nito. Tanggap naman niyang magpapakasal nga ito kay Divine pero hindi niya alam na ganoon kasakit iyon at kabigat sa d*bdib niya. Napalunok siya at mabilis na nagyuko matapos maramdaman ang pangingilid ng luha niya."Hop in," galit nitong utos sa kanya noong makarating sila sa sasakyan nito.Ayaw niyang kumilos. Hindi ba dapat ay si Divine ang tinatangay nito at hindi siya?"I said hop in, Bea!"Napaigtad siya at sumusukong pumasok sa loob ng sasa

    Huling Na-update : 2022-10-28
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 101

    Mahigpit na niyakap ni Bea ang sarili. Mariin siyang pumikit at iniwas ang mukha noong subukan siyang halikan ni Levi. Dumapo ang halik nito sa kanyang panga."D-on't, Levi," nanginig ang boses niya.Gusto niyang pumalag lalo na noong maramdaman ang palad nito sa underwear niya. Pilit niyang pinagdidikit ang mga hita ngunit pilit naman nitong pinaghihiwalay ang mga iyon."You got me really, really mad, Bea. Damn!" pagmumura nito.Mahina siyang humikbi. Parang hindi niya ito kilala. Ni hindi niya kayang tingnan ang galit nitong itsura. Naginginig ang mga kamay niyang hinigpitan ang yakap sa sarili. Talaga bang ipipilit nito ang sarili sa kanya kahit ayaw niya?"P-lease, stop," may takot na pakiusap niya.Ramdam na niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya at panga. Gusto niyang maiyak matapos maramdaman ang palad nito sa pagitan ng mga hita niya.Napasinghap siya bigla noong hawakan nito ang panga niya. Mariin niya muling pinikit ang mga mata sa takot na saktan siya nito. Ang puso n

    Huling Na-update : 2022-10-29
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 102

    "What's wrong?" dinig niyang tanong ni Levi bago ito lumapit at hinagod ang likod niya.Hindi siya makasagot pagkat tuloy-tuloy ang pagduwal niya. Ni walang laman iyon. Halos maluha siya sa pagduduwal. Pakiramdam niya nakakain siya ng masama at maasim kahit pa hindi naman."F*ck! Did they sell spoiled pizza?" tanong nito sa sarili.Umiling-iling siya at binuksan ang tubig. Nagmumog siya roon pero natitigilan kapag sumusumpong ang pagduduwal niya. Hindi rin nakakatulong ang amoy ng pizza na kumalat din yata sa paligid."Throw it, Levi," nanghihinang hiling niya.Hindi ito sumagot pero dinig niya ang yabag nito pabalik sa mesa. Pagkaraan ay ang tunog ng trashbin. Hindi naman ito nagtagal. Binalikan siya nito at inabutan pa ng bottled water.Nakahinga siya nang maluwag kahit paano noong naglaho ang amoy ng pizza."I will order again. What do you want?" mabilis nitong tanong habang nagtitipa sa cellphone."Burger without cheese, and plain fries," mabilis din niyang sagot dahil iyon ang pu

    Huling Na-update : 2022-10-29
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 103

    "Lolo Alex wants us to get married tonight," may diing basa ni Levi muli sa text ni Divine.Napamura siya ngunit hindi ito pinadalhan ng mensahe. Sinabi na niyang bukas ngunit heto at mas pinaaga pa!Naiinis niyang tinawagan ang numero ng matanda upang makiusap. May aasikasuhin pa siya bago magpakasal."Lo, please. Give me time. Bukas na bukas ay pakakasalan ko si Divine—""Huwag mo kong sobrang ginagalit, Levi! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo at pasama-sama ka sa Del Rosario na iyon?!"Napapikit siya at nasipa ang paanan ng kama."Lo—""Umuwi ka ngayon din, Levi Archer Alcantara! Ikakasal ka oras mismo!" galit na sigaw ng Lolo Alexander niya mula sa kabilang linya.Napamura siya nang mas malutong at naitapon ang cellphone sa kama. Malamang na nagsumbong si Divine sa Lolo niya. Nagtagis ang mga bagang niya at napaupo sa kama. Pagkaraan ay napasulyap siya sa damit na sinuot kanina ni Bea. Sana lang ay makarating sila ng ligtas sa probinsya.Kinuyom niya ang kamao. Nag-aalala siya para

    Huling Na-update : 2022-10-30
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 104

    "Sign it. Time is running," malamig na bigkas ni Attorney Caracncho kay Levi.Labag man sa loob ay madiin na pumirma si Levi. Kung pwede nga lang ay pupunitin niya ang marriage contract na iyon."Good. I need to go," ani ng Attorney bago mabilis na kinuha ang dokumento pagkatapos niyang pumirma at sinilid sa dala nitong attache case.Kumuyom ang kamao niya. Nagtagis maging ang bagang niya noong lumabas na ang Attorney sa office."Settle yourself. Bigyan niyo ko ng apo," paalala naman ng Lolo niya bago ito sumunod sa Attorney."Treat my sister well, Levi," may bantang bulong ni Richard bago ito sunod na lumabas at malakas na isarado ang pinto.Naningkit ang tingin niya. Tingin ba nito hari na ito ngayong kasal na sila ng kapatid nito?"Uhm, where are we going to live?" biglaang tanong ni Divine.Tumikwas ang kilay niya. Paglingon niya rito ay may ngiti na ito sa labi. Akmang lalapit ito sa kanya ngunit umatras siya."Live? Live on your own," sarkastikong bigkas niya na nagpawala sa ngi

    Huling Na-update : 2022-10-30
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 105

    Nanggagalaiti si Levi. Makita pa lang ang itsura ni Miggy ay naasar na siya. Ganitong lalaki ba talaga ang nagustuhan ni Bea? Mukhang palamunin. Kung nagkakilala na sila noong nag-aaral pa lang si Bea, malamang na siya ang magugustuhan nito."Tingin mo pipirmahan ko iyan?" may diing tanong nito."Miggy! Nagkausap na tayo, di ba?" dinig niyang mariing bulong ni Crystal.Tumikwas ang kilay niya. Mukhang hindi na siya mahihirapan pa."Desisyon ko pa rin kung hihiwalayan ko si Bea o hindi," pabalang na sagot nito na kinairap ni Crystal."Ano pa bang hahabulin mo sa kanya? Ayaw na niya sa'yo! Ako na lang ang nagtitiyaga sa ugali mo at pagiging tambay—""Manahimik ka!"Akmang sasampalin nito ang babae ngunit mabilis na napigilan ni Levi ang braso ni Miggy. Madiin niyang hinawakan iyon at matalim itong tiningnan lalo pa't nakita niya ang takot sa mga mata ng pinsan ni Bea."Never hurt a woman, and that is a golden rule," mabagsik niyang bigkas, "Lalo mo lang pinatunayan na hindi ka bagay kay

    Huling Na-update : 2022-10-31

Pinakabagong kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   WAKAS

    "This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 236

    Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 235

    Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 234

    Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 233

    "Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 232

    "I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 231

    "Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 230

    Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 229

    "What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan

DMCA.com Protection Status