"Sigurado po ba kayong Isa ang pangalan at hindi Crystal?"Nanginginig ang mga kamay niya sa galit at hinala. Ayaw niyang paniwalaan pero posible na ang Ate Isabella niya iyon. Kaya lang, kagagaling pa lang niya sa puntod. Imposible pa rin!Para na siyang mababaliw. Ang lakas ng hinala niya na kilala niya ang Isa Del Rosario na iyon kahit pa ngayon pa lang niya narinig."Mag-usap na lamang po kayo ng abogado niyo tungkol dito, Madam."Hindi na siya nagpumilit pa dahil wala naman siyang mapapala. Sumakit lang lalo ang ulo niya paglabas sa presinto sa tindi ng sikat ng araw. Pumara siya ng taxi kahit hindi alam kung saan siya tutungo. Gusto niyang tawagin si Blaze pero ayaw niyang maging abala sa kaibigan. Gusto niya ring sugurin ang Tiya niya pero hindi niya alam kung saan ito nakatira. Sa huli, wala sa loob na nagpahatid siya sa kumpanya ni Levi.Wala siyang balak na pumasok ngayon pero heto siya't nasa kumpanya na. Nagdadalawang isip siyang humingi ng tulong sa lalaki. Gusto niyang i
"Isn't it too early for us to have dinner? I'm so excited!" bulong ni Divine.Ngunit wala sa dalaga ang atensyon ni Levi. Nakatitig siya sa kung paano hawiin ni Bea ang mga folder sa mesa. Maliit siyang ngumisi hanggang sa magsara ang elevator.Hindi naman sa pinagseselos niya ito, wala rin siyang pagpipilian kun'di pakisamahan si Divine."Lolo Alexander said we should get married next month," maingat nitong pagbubukas sa usapan.Nawala ang ngisi niya at seryosong tumingin sa salamin ng elevator."Suit yourself," tipid niyang sagot ngunit natuwa pa rin doon si Divine.He was left with no choice but to follow all of his grandfather's orders. Mas mabuti na iyon kaysa malaman nitong nasa kumpanya lang ang isang Del Rosario. Hindi niya talaga maintindihan ang kinagagalit nito pero mas mabuti ng maingat.Hanggang sa biyahe ay si Divine lang ang nagsasalita. Kanina pa ito sa loob ng opisina dumadaldal. Sinusulit na kasama siya kahit hindi naman siya interesado. Tamad siyang nakatingin sa ka
Matinding pagtitimpi ang ginawa ni Bea para lang hindi kumawala ang namuong selos at inis sa kanyang d*bdib.Tila siya natuliro at ayaw ng isipin kung ano pa ang ginawa ni Divine at Levi sa condo. Huminga na lamang siya nang malalim at pilit na ngumiti."Good for you, Sir. Mukhang kailangan niyo 'yon," pabalang niyang sagot.Hindi na niya hinintay pang makasagot ito ngunit hindi nakatakas ang pagkamangha sa paningin nito. Pumasok siya agad sa elevator at pinindot agad ang ground.Nakakawalang gana. Nakamukmok. Sinadya niya talagang ilagay ang reservation sa pangalan niya. Hindi man lang ba naisip ni Levi iyon? Totoo ring gusto niyang banggitin nito ang pangalan niya kay Divine. Kahit delikado, gusto niyang ipaalam sa dalaga na malapit siya kay Levi. Pero ngayon, mukhang wala na siyang hahabulin."Hays! Forgive and forget na lang, Bea," sita niya sa sarili.Humanap siya ng malapit na convenience store at bumili ng ice cream. Kanina pa niya gustong kumain no'n kahit maaga pa. Nag-almusa
"Gusto ko lang pong hintayin dito si Levi pero inaway niya ko at sinabunutan!" ngawa pa muli ni Divine.Naumid yata ang dila niya at hindi makasagot kahit hindi naman iyon totoo. Wala ng mas lalakas pa sa kabog ng d*bdib niya sa oras na iyon.Muli niyang tiningnan si Levi na malamig pa rin ang tingin sa kanya. Masasaktan siya lalo kung maniniwala ito kay Divine lalo pa't siya 'tong mukhang bruha. Mukha siyang sinabunot ng sampong babae."Don't you know who is this girl?! She is the fiancée of your boss!" nakabibinging sigaw ni Don Alex.Napapikit siya at halos matumba sa sigaw na iyon. Naikuyom niya ang kamay. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit iniisip niya si Levi. Tiyak na mapapahamk ito dahil sa kanya."Inamin niyang may gusto siya kay Levi, Don Alex. Sinabi niyang kaya niya akong palitan bilang fiancée ni Levi-""That's not true, Divine!" gigil niyang sigaw.Hindi siya nakapagpigil. Nangilid ang luha niya. Ang pinaka-ayaw niya ay mapunta sa sitwasyon na hindi siya paniniwalaan. A
"We can still attend the event, Twins. We're still a family!" masiglang pa-anyaya ni Bea.Ngunit walang kumibo sa dalawa. Ang mga biluging mata ni Cyprus ay tumitig sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa takot na mahalata nitong umiyak siya."Did you cry, Mommy?" Imbis na si Cyprus ay si Calvin ang nagtanong.Kinagat niya ang labi at pumikit nang mariin. Ayaw niyang makita ng mga ito na malungkot siya."I didn't. Napuwing lang ako."Pilit siyang ngumiti pero ang seryoso ng kambal. Tumikhim siya at akmang tatayo na ngunit pinigilan ni Cyprus ang kanyang braso."Mommy, Kuya Calvin got bullied just because we don't have a father. I will not attend the event unless we have a father—""Cyprus! Why did you say that? You said we'd keep it a secret!" si Calvin na galit na tumingin kay Cyprus."Mommy needs to know. What if they continue to bully you? That's not fair, Kuya!" giit ni Cyprus.Napaawang ang mga labi niya. Napatitig siya kay Calvin. Mukha itong okay pero ngayon ay alam na niya
"Sir, gagawan ko po ng paraan na may sekretarya kayo bukas," panimula ni Minerva pagkatapos ay umubo pa, "Hahanap po ako ng papalit sa akin pansamantala."Napapikit si Levi at nahilot ang noo. Wala naman siyang magagawa lalo pa't may sakit ang sekretarya niya. Hindi rin niya pwedeng ikansela ang meeting."Okay, make sure that the secretary is reliable and efficient like you," paalala niya.Napailing siya matapos patayin ang tawag. Hindi na siya aasahang may sekretarya pa siyang sasama sa kanya bukas. Duda siyang makakahanap si Minerva o kung may papayag na pumalit sandali sa kanya. Kung hindi niya sana pinatalsik si Bea, may kasama siya sa bukas.He felt like something had hit his heart upon remembering her. It was shallow and longing.Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kailangan niyang makalimot. Sa susunod na buwan, matatali na siya sa babaeng hindi naman niya gusto."Can't you still forget her?"Napapihit siya sa likod matapos marinig ang Lolo niya. Magpapahangin lang sana siya
Pinanatili ni Bea ang diretsong tingin sa pader. Nagkunwari siyang bingi sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Sa totoo lang ay hindi sana siya pupunta pero hindi niya matiis ang kambal. Sinubukan niya ngang magpahuli at baka sakaling tapos na ang meeting pagkarating niya pero mukhang hindi pa nagsisimula. Kakapalan na lang niya ang mukha at kunin ang pagkakataon upang pakiusapan ito."Are you hungry?" tanong nito bigla.Tipid siyang umiling. Hindi naman kasi siya gutom. Nakakain naman siya bago umalis. Hindi ang tiyan niya ang problema niya kun'di ang kabog ng kanyang d*bdib.Hindi na siya ulit nito tinanong. Nakabibinging katahimikan ang namuo sa kanila. Pati na rin ang kalamigan ng paligid ay naramdaman niya.Akmang magsasalita siya ngunit may dalawang lalaking pumasok mula sa pinto. Napatayo si Levi kaya't tumayo rin siya agad. Maliit siyang ngumiti kahit pa hindi siya tiningnan ng mga ito. Parehong blonde ang buhok ng mga lalaki at asul ang mga mata. Halatang banyaga."Good eveni
"Bakit dito? May hotel naman sa kabila, Levi," protesta niya.Nasa loob na sila ng maliit na kwarto pero parang gusto niya na lang manatili sa kalsada. Pinalibot niya ang tingin sa loob ng kwarto. Ang sikip noon tingnan lalo pa't kasama niya si Levi na malaki ang katawan. Ang dingding ay luma na ang pintura at tila ang kisame ay nababasa pa ng ulan. Paglingon niya sa kama ay napakaliit noon, tiyak na hindi sila kakasya."Sa labas na lang ako. Ayoko rito," mahina niyang usal."Do you really want to die outside? Magkakasakit ka sa lamig," sermon nito habang binubuksan ang maliit na kabinet.Pinirmi niya ang mga labi at niyakap ang sarili. Basang-basa siya ng ulan at walang extrang damit. Magkakasakit pa rin siya kahit pa nasa loob na siya ng kwarto."Bakit nga kasi dito? Pwede naman sa hotel sa kabila," parinig niya.Dinig niyang sinara ni Levi ang kabinet. Pag-angat niya ng tingin ay nakalahad na sa harap niya ang isang dirty white na roba."I won't take the risk to drive the opposite
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan