Share

Isang Gabing Pagsasalo
Isang Gabing Pagsasalo
Author: Yenoh Smile

KABANATA 1

Author: Yenoh Smile
last update Huling Na-update: 2022-08-06 06:08:30

"Beatrix, siguraduhin mong makukuha mo ang investor bago ka pa man maunahan ng mga Alcantara," ani ng kanyang Daddy na tutok sa hawak na dokumento.

Bumuntong hininga siya at unti-unting niligpit ang mga hawak na folders.

"Yes, Daddy. I'll try—"

"Huwag mo lang subukan. Make it sure, anak. Babagsak tayo kapag hindi natin nakuha iyan," tugon ng kanyang Mommy na kanyang kinatigil.

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na halos lahat ng investors nila ay lumipat na sa kabila, habang ang mga target din nilang investor ay nakukuha rin ng mga Alcantara. Masyadong magaling ang nag-iisang apo ng matanda na si Levi at nagagawa silang matalo nito.

"Kung hindi mo kaya, Bea, si Crystal ang gagawa," dagdag ni Daddy na nilingon ang pinsan niyang nag-aayos na ng bag.

"Alright, Tito. Pero tingin ko kaya naman na po iyon ni Bea. Right, Be?" baling nito sa kanya na binigyan pa siya ng magaan na ngiti.

Tumango na lamang siya sa mga magulang at sa pinsan, at simpleng ngumiti sa kanyang Ate na tinapunan siya ng nag-aalalang tingin.

"Please do not disappoint me, Beatrix. Baka maisipan kong tanggalan ka ng mana at ibigay na lang ang lahat kay Crystal," ani pa muli ng Daddy niya ngunit binalewala na lamang niya.

Alam naman niya kasing hindi tatanggapin ni Crystal lalo pa't wala rin itong interest sa negosyo nilang real-estate. Iba ang gusto nito.

"I'll go ahead. Baka hinihintay na po ako ni Miggy," pagpapaalam niya.

Ngunit hindi nakatakas sa kanyang paningin ang disgusto sa kanyang mga magulang. Hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na ayaw ng mga ito sa kanyang asawa. Para sa kanila ay masyado pa siyang bata noong nagpakasal siya kahit pa nasa edad bente-uno na siya noon. Pero pinagkibit-balikat na lamang niya lalo pa't naitawid nilang mag-asawa ang pitong taong pagsasama. Anak na nga lang ang kulang sa kanila.

"I'll go with you, Be. Bye, Tito!" pagpapaalam ni Crystal bago kumawit sa kanyang braso.

Napangiti siya at kahit paano ay nawala ang bigat ng puso niya. Ang nag-iisa niyang pinsan ang kanyang sandalan bukod sa kanyang Ate. Mabait kasi ito, kaibahan sa Mama nitong si Tiya Madel na halos kalabanin si Daddy.

Nagkwentuhan lang sila pauwi at sa lahat ng sakit ng ulo niya na dinadanas sa kumpanya ay mas gusto niyang umuwi agad at makita na lamang ang kanyang asawa. Nasa bahay lang naman ito at maaaring naglalaro sa kanyang computer games. Alam din niya na ang kawalan ni Miggy ng trabaho ay rason kung bakit ito masyadong hindi gusto ng kanyang mga magulang.

Binalewala niya ang sakit ng ulo at pinilit na ngumiti nang malawak matapos datnan sa sala si Miggy. Ngunit napakunot ang kanyang noo matapos makitang seryoso ito at tila talagang hinintay siya.

"Akala ko naglalaro ka sa itaas," banayad niyang bati rito at binigyan pa ng halik sa pisngi ngunit agad na umiwas ang lalaki.

Nagtaka siya at hindi makapaniwalang iniwasan nga ng kanyang asawa ang kanyang halik.

"What's wrong, Miggy?" seryosong tanong niya.

At tila nanlamig ang kanyang katawan matapos makitang seryosong-seryoso ang titig nito sa kanya.

"Mag-usap tayo, Bea," panimula nito.

Napataas ang kanyang kilay, "Nag-uusap na tayo, Miggy. Ano bang problem mo?" Umupo siya sa tabi nito at balak na yakapin ang asawa ngunit lumayo ito na muli niyang kinapagtaka.

Huminga nang malalim ang lalaki at pumikit pa nang mariin.

"I wanted out," may diing bigkas nito.

Naguguluhan man ay sinubukan niya itong intindihin.

"Huh? Gusto mong kumain sa labas? Sige, tara—"

"I wanted to be out of this marriage, Bea," bigkas nito na nakapagpabingi sa kanya.

Hindi niya sigurado kung tama ang narinig niya o nililinlang lamang siya.

"What, Miggy?" mahina niyang bigkas.

Muling humugot nang malalim na hininga ang lalaki at tinitigan siya.

"Sige, tatagalugin ko," anito, "Gusto ko ng kumawala sa kasal nating dalawa. Gusto ko ng makalaya sa parusang pagsasamang ito," tuloy-tuloy na bigkas nito at hindi man lang nahiya sa kanya.

Umawang ang kanyang mga labi at tila nanginig ang kanyang mga tuhod. Bigla, nanghina rin ang pakiramdam niya ngunit ayaw niyang paniwalaan ang narinig.

"N-agbibiro ka ba?"

Umiling si Miggy, "I-i fell out of love, Beatrix."

At tingin niya ay iyon ang pinakamasakit na salitang narinig niya sa tanang buhay niya. Mas masakit pa sa salita ng kanyang Daddy, at mas masakit pa sa pagkatalo niya sa mga investors.

Parang piniraso ang puso niya matapos marinig ang mga salitang iyon mula sa asawa niyang pitong taon na niyang nakasama, minamahal, at mamahalin pa sana.

Napayuko siya at pinigilan ang pangingilid ng kanyang luha.

"Hindi na kita mahal, Bea. Nawala na lang bigla," pag-uulit pa nito.

Sa puntong iyon, martilyo na ang pumukpok sa puso niya. Isang mainit na likido ang bumagsak sa kanyang pisngi.

"Pitong taon iyon, Miggy. Paanong nawala?" tanong niya na halos bulong na lamang.

Gusto niyang sampalin ang sarili upang magising sa masamang panaginip na iyon ngunit sapat na ang sakit na kanyang nararamdaman upang malamang hindi siya nananaginip.

"Mabuti kang asawa, Bea. Mabait, maalaga, mapagmahal—"

"Then why did you f*cking fall out of love?!" hindi niya maiwasang sigaw.

"Kasi baog ka!" malakas din nitong sagot na nagpa-angat sa kanyang ulo mula sa pagkakayuko.

"A-no?"

"Baog ka, Bea. Pitong taon na tayong nagsasama pero hanggang ngayon hindi ka mabuntis-buntis! Gusto kong magkaroon ng anak. Sapat na siguro ang pitong taon."

Muling bumagsak ang mainit niyang luha. Siya rin naman ay gustong gusto ng magka-anak ngunit anong magagawa niya kung hindi pa talaga pinagkakaloob ng Diyos sa kanila ang bata?

Suminghot siya't sinubukang kunin ang kamay nito ngunit winaksi lamang ni Miggy ang kamay niya.

"B-aka, baka pwede pa tayong maghintay? Isang taon pa, please. Hindi naman ako baog—"

"I had enough, Bea. Sapat na ang nasayang na pitong taon. Huwag mo ng dagdagan."

Tumayo si Miggy at tinalikuran siya. Humakbang ito patungo sa hagdan dahilan upang mapatayo siya.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at agad na tumayo. Hinagilap niya rin ang bag dahil mukhang hindi niya kayang matulog sa bahay na iyon dahil sa hapdi ng puso niya.

"U-uwi muna ako sa amin. Baka mainit lang ang ulo mo ngayon. Babalik ako kapag... nakapag-isip ka na nang maayos."

Hindi na niya hinintay na sumagot ito at tinahak na lamang niya ang pinto. Alam naman niyang noon pa may lamat ang relayson nila. Siya lang naman kasi ang patay na patay sa lalaki at tila napilitan lamang itong ikasal sa kanya. Pero ramdam niyang mahal naman siya nito noon... hindi na nga lang ngayon.

Umuwi siyang luhaan sa kanilang ancestral house. Pinagpasalamat niyang nasa opisina pa ang pamilya niya ngunit noong kinagabihan ay hindi naman siya nakaligtas sa kanyang Ate Isabella na nanunuri ang mga tingin. Ni-lock pa nito ang pinto matapos makapasok sa kwarto niya.

"Umiyak ka?" anitong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin at muling pinunasan ang pisngi.

"Dahil na naman ba kay Miggy?" anitong may duda sa kanyang tono.

Simple siyang tumango, at kahit ayaw niyang magsalita ay hindi naman niya kayang kimkimin ang sakit na nararamdaman.

"Baog ako, Ate," iyon nag nasabi niya lalo pa't iyon lang din naman ang umiikot sa kanyang isipan. Kinuwestiyon niya ang sarili kung bakit hindi nga niya mabigyan ng anak ang asawa hanggang ngayon.

"Ano?! Bea, walang tayong lahing baog. Baka iyang asawa mo ang baog!" histerya nito ngunit umiling siya.

"Healthy si Miggy, Ate—"

"Healthy ba iyong maghapong nakaharap sa computer? Duda nga ako baka may ibang exercise iyang ginagawa at hindi tumataba," anito.

Pumikit siya nang mariin sa narinig. Alam niyang walang babae ang asawa niya. Tanggap naman niyang maaaring may pagkukulang siya pero walang rason para mambabae ito lalo pa't binibigay niya ang lahat dito. Buong puso at kaluluwa, hindi nga lang ang anak na hiling nito.

Dinig niyang napabuntong hininga ang kanyang Ate. Matapos iyon ay mahigpit na yakap ang binigay nito sa kanya.

"Gusto kong bawasan ang sakit na nararamdaman mo, bunso, pero alam kong kakayanin mo iyan. Basta tandaan mo, oras na nagloko iyang asawa mo, matuto kang bumitaw. Huwag kang tanga. Okay?" anitong tinataasan naman siya ng kilay.

Mahinang natawa si Bea sa kanyang Ate at mahigpit na yumakap din dito.

"Akala ko pa naman sasaktan mo si Miggy," biro niya.

"Bakit? Matutuwa ka ba kapag sinaktan ko siya?" Taas kilay muli na tanong nito.

Mabilis siyang umiling na pareho nilang kinatawa. Alam naman niya sa sarili niyang ayaw niyang masaktan ang asawa kung kaya't ganoon na lang niya ito pinoprotektahan sa kanyang Daddy.

Ilang araw din siyang namalagi sa kanilang ancestral house pero noong medyo gumaan na ang pakiramdam niya ay nagbalak na siyang bumalik sa kanilang bahay. Umaasa siyang nag-iba na ang nasa isip nito. Na sana ay luminaw na at naikosidera ang hiling niyang isang taon pa. Umaasa din siya na sa loob ng isang taon ay mabubuntis na siya.

Tahimik niyang binuksan ang bahay. Alam naman niyang hindi niya dadatnan sa sala ang asawa ngunit umasa siyang nandoon ito. Pero iba ang dinatnan niya. Nagkalat na bra at panty ang nasa sofa at may nakasabit pa sa sandalan ng upuan. Sigurado siyang kanya ang mga iyon pero alam niyang hindi niya sinuot ang mga iyon. Isa pa, ilang araw siyang wala sa bahay kaya't paanong nagkalat ang mga damit panloob niya.

Hindi kaya nasasabik na aking asawa?

Nangilabot siya sa naisip pero alam niyang hindi gawain ng asawa niya ang suminghot ng kanyang damit. May dumapong ibang ideya sa isip niya ngunit matatag ang paninindigan niyang hindi mambabae si Miggy.

Ngunit halos magtaasan ang kanyang mga balahibo matapos makarinig ng mga halinghing mula sa itaas. Nanginig ang kanyang kamay at tila tinambol ang kanyang puso. Bawat hakbang niya paakyat sa hagdan ay siyang paglakas ng halinghing ng isang babae at maging ni Miggy. Sa bawat sigaw nila ng sarap ay siya namang punit ng sakit sa kanya.

Nagbagsakan ang mga luha niya lalo pa noong makarating sa tapat ng kanilang kwarto. Maliit pa iyong bukas at hindi na sinara sa sobrang pagmamadali. At kahit puno na ng luha ang kanyang mga mata ay malinaw na malinaw niyang nakikita ang dalawang taong nagtatalik, nagpapasarap katawan ng isa't isa.

Wala sa sariling inabot niya nag doorknob ngunit hindi gumawa ng kahit anong ingay. Niluwangan niya ang pinto para lamang sampalin siya ng katotohanan na masarap na niroromansa ng kanyang asawa ang babae sa ilalim nito. Dinig pa niyang nagkatawanan ang dalawa sa gitna ng kanilang halinghing. Nagkapalitan pa ang mga ito ng pwesto at sa pag-angat ng babae ay para siyang tinanggalan ng ulo matapos makita ang pinsan niyang si Crystal na kulang na lang ay lapain ang kanyang asawa.

Hindi niya napigilan pabagsak na niyang binuksan ang pinto dahilan upang mapatigil ang dalawa sa kanilang ginagawa. Nagpupuyos ang damdamin niya at wala siyang pakialam sa gulat na rumehistro sa mukha ng dalawa.

"Ang bababoy ninyo! Mga walanghiya!" malakas niyang sigaw na kulang na lang ay ikapatid ng kanyang hininga.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hassan Hasna Tuluganan
ang sakit nmn
goodnovel comment avatar
Adora Miano
NAKU ano ba to kwento napakasakit ,,Ang karibal ay kapamilya naku, maganda to
goodnovel comment avatar
Dimple
intense simulan palang......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 2

    Hindi niya alam kung paano niya nagawang tumayo roon sa harap nila nang hindi babagsak agad. Oo at sa una ay nagulat ang mga reaksyon nila ngunit pagkaraan ay halos magpuyos siya sa galit noong pinagpatuloy pa ng dalawa ang ginagawa kahit pa nahuli na niya ang mga ito. Ngising-ngisi si Crystal at talagang pinakita sa kanya kung gaano ito nasasarapan sa pagromansa ng kanyang asawa. Kagat labi pa ito at talagang pinahindayog ang katawan.Malinaw na malinaw niyang nakikita ang paggalaw ng katawan nila. Kinakain siya ng selos, inggit, at galit lalo pa't mukhang mas ganado ang asawa niya kay Crystal kumpara sa tuwing sila ang gagawa ng bagay na iyon sa mismong kama na iyon.Gusto niyang magmura nang malutong. Triple ang sakit na makita ang mga itong nagpapasarap sa mismong kama nilang mag-asawa na siya pa ang pumili at bumili!Wasak na wasak ang puso niya at tila madudurog na iyon matapos marinig ang malakas at malanding ungol ng kanyang pinsan na alam niyang nakarating sa rurok ng kapusuk

    Huling Na-update : 2022-08-07
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 3

    Akala niya ay nananaginip lang siya sa lalaking nasa convenience store ngunit hindi. Totoo ang lalaki at mukhang siya ang nagyaya rito papunta sa hotel. Hindi pa sila nakapapasok sa hotel at nakababa sa sasakyan ay inupo na siya nito sa kandungan nito at sinunggaban ang kanyang mga labi.Mahina siyang napaungol at nailiyad ang likod matapos maramdaman ang mainit nitong dila sa kanyang bibig. Kumapit siya sa braso nito at muling napaungol matapos maramdaman ang tigas noon sa kanyang palad. Bumaba ang halik nito sa kanyang panga habang ang mga kamay nito ay dumapo sa kanyang hita."Sh*t," mahina niyang bigkas matapos humaplos ang kamay nito patungo sa gitnang hita niya.Swabe itong tumawa at kinagat ang kanyang leeg, "Do you want to do it inside the car, or on the soft bed, Baby?" senswal na tanong nito sa kanyang punong tainga.Bumigat ang kanyang paghinga at nayukyok ang kanyang ulo sa balikat nito."Inside a room please. Gusto kong humiga, ayaw kong sumakit ang katawan ko," hiling ni

    Huling Na-update : 2022-08-07
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 4

    "Don't leave me like this, Baby," mahina niyang usal.Nangunot ang noo niya sa naging panaginip at halos hatiin sa dalawa ang ulo ni Levi matapos magising. Mahina siyang napaungol matapos maramdaman ang kah*bdan niya sa ilalim ng kumot ngunit sumilay din ang ngisi sa kanyang labi.It wasn't a dream. He got laid last night.Natutuwa siya sa kaisipang nakapag-ehersisyo na naman siya kagabi sa kabila ng stress niya sa buhay. Ngunit napamulat ang mga mata niya matapos maisip na baka hindi na naman siya pakawalan ng babaeng nakasiping kung kaya't balak niyang tumakas. Lagi na lang kasing nagiging clingy ang bawat babaeng nakakasiping niya at kulang na lang ay itali siya sa leeg makasama lamang ulit o di kaya ay mapakasalan.Sinubukan niyang damhin ang katabi ngunit nangunot ang noo niya matapos walang makapang bulto ng babae. Napabalikwas siya ng bangon at napatitig sa parteng iyon ng kama. May gusot at halatang may humiga roon ngunit wala ang babae. Dumapo ang tingin niya sa pinto at maki

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 5

    Hindi alam ni Beatrix noong araw na iyon kung saan tutungo. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa siya sa halos muntikan na pagkakita ng lalaki sa kanya noon sa hotel. Kung hindi siya tumakbo ay baka pa naabutan siya nito matapos magising.Ngayon ay dalawa na ang problema niya. Alam niyang mayaman din ang lalaking iyon at pinapanalangin niyang hindi siya nakilala nito kun'di ay itatakwil siya ng kanyang Daddy sa pakikipagtalik sa iba gayong kasal pa siya kay Miggy. Sising-sisi siya na nagawa niya iyon. Wala na rin siyang pinagka-iba kay Miggy dahil sa nangyari. Nagkasala na rin siya at iyon ang kinakatakot niya.Dalawang araw din siyang namalagi sa ibang hotel, nagdadalawang isip kung uuwi ba sa ancestral house nila o sa bahay nilang mag-asawa. Kung uuwi siya sa mansyon ay magagalit ang Daddy niya, pero kung uuwi siya sa bahay nilang mag-asawa ay baka nandoon pa rin ang pinsan niyang si Crystal.Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi talaga niya lubos maisip na magagawa iyon ni Crystal

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 6

    Naningkit ang mga mata ni Beatrix habang tinatanaw ang lalaki sa malayo. Bigla ay gusto niya itong takbuhin upang mas malinaw na makita ang itsura. Pamilyar ang bulto nito pero alam niyang hindi pa niya nakikita ang lalaki. Pero gusto niya itong makilala ngayon.Akmang maglalakad siya patungo roon matapos makitang sumakay na ito ng sasakyan. Ngunit naantala ang paghakbang niya noong maramdaman ang mahigpit na hawak sa kanyang siko."Where do you think you're going, Bea? Pirmahan mo na para matapos na ang lahat sa atin," ani Miggy na mariin na tinititigan ang dalaga.Mahinang tumawa si Bea at muling binalingan ang asawa—ang dating asawa. Para sa kanya ay hiwalay na sila kahit walang annulment. Ngumisi siya at kunwaring binasa muli ang papel.Humihigpit ang hawak niya roon sa bawat martilyong pumupukpok sa puso niya. Wala na talaga ang binuo niyang pag-ibig at balak na pamilya. Naglaho ang pangarap niyang manatiling Mrs. Sandoval."Here's the ballpen. Pirmahan mo na, Be.""Don't call me

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 7

    Dinamdam niya ang lahat ng iyon. Sa tanang buhay niya ay hindi niya maalala kung kailan ba natuwa ang Daddy niya sa kanya. Personal man o sa negosyo, lagi itong galit."Disappointment?" tanong niya sa sarili.Siguro nga ay nakakadismaya ang pagpapakasal niya ng maaga tapos ay ang asawa pa niya ang nanghihingi ng hiwalayan.Bumuntong hininga siya at nilagyan ng nude lipstick ang mga labi bago hinagilap ang kanyang handbag. Sakto iyon sa pagbukas ng pinto at iluwa ang Ate niya.Tumikhim ito, "Gusto ko sanang malaman kung sinong babae ni Miggy. Pinapatanong ni Daddy."Sandali siyang natigilan. Gusto niya sanang sabihin agad ngunit baka mas kampihan nila si Crystal."Trust me, Bunso. Galit si Daddy sa'yo pero hindi niya palalampasin ang ginawa ni Miggy," hikayat nito.Muli siyang bumuntong hinga, "Si Crystal, Ate," balewalang bigkas niya.Tila tanggap na niyang hindi anghel ang pinsan niya."What?" litong tanong nito.Kumibit balikat siya at inangkla ang braso sa kapatid, "Kung ayaw mong

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 8

    Daig pa ni Levi ang nanalo sa loto sa nadiskubre. Kanina pa lang sa pintuhan ng restaurant ay nakuha na ni Beatrix Del Rosario ang atensyon niya. Nagtataka siya kung bakit ito naroon sa lugar ng meeting nila. Malayo pa lang ay nagnanakaw na siya ng tingin sa taglay nitong pino at ganda. Ang ash blonde nitong buhok ay may buhay habang ang kutis ay kumikinang.Nang makalapit ay mas namangha siya sa istura nito. Bagay ang malalantik nitong pilikmata sa cute nitong ilong at labing nagkorteng puso. Ang liit ng mukha nito ay kaya lamang yatang sakupin ng kanyang palad. Dumako ang tingin niya sa katawan nito, at paniguradong maliit lang ito kapag nasa ilalim na niya.Nakagat niya ang labi sa naisip. Hindi niya inasahan ang ganitong reaksyon ng katawan niya sa dalaga. Tila hinihila ang katawan niya na maidikit rito kung kaya't mas humakbang siya palapit. Mahina pa siyang natawa matapos nitong sampalin nang mahina ang mga pisngi na para bang ginigising ang sarili.Ngunit mas namangha siyang ma

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 9

    "Saan ka pa ba pupunta, Bea? Bumalik ka na sa kumpanya kung ayaw mong magalit si Daddy," may gigil na utos ng Ate niya mula sa kabilang linya ngunit wala roon ang atensyon niya kun'di na kay Levi Alcantara.Kanina pa gustong kumulo ng dugo niya sa lalaki. Napakahambog nito at napakayabang. Akala yata nito ay pinapantasya niya pagkatapos makita ang larawan sa cellphone. May bilin pang play dirty, play dirty ang loko."Bea! Ano na?!" sigaw ng Ate niya.Huminga siya nang malalim at sinundan ng tingin ang papalabas na bulto ng lalaki kasama ang dalawang investors nito. Kailangan niyang sumunod doon dahil wala siyang masasabing report sa Daddy niya. Ang layo ng mesa at ang presensya ng lalaki ay hindi nakatulong sa focus niya, lalo na ang mga sulyap-sulyap nito."Sandali lang ako, Ate. Extended yata meeting nila, susundan ko lang."Umungol ito ng pagtanggi, "Huwag na. Baka mapahamak ka pa! Umuwi ka na ng maaga. May dinner tayo sa mansyon."Pagpatay ng tawag ay mapait siyang ngumiti. Dati r

    Huling Na-update : 2022-09-04

Pinakabagong kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   WAKAS

    "This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 236

    Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 235

    Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 234

    Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 233

    "Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 232

    "I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 231

    "Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 230

    Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 229

    "What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status