"Don't leave me like this, Baby," mahina niyang usal.
Nangunot ang noo niya sa naging panaginip at halos hatiin sa dalawa ang ulo ni Levi matapos magising. Mahina siyang napaungol matapos maramdaman ang kah*bdan niya sa ilalim ng kumot ngunit sumilay din ang ngisi sa kanyang labi.
It wasn't a dream. He got laid last night.
Natutuwa siya sa kaisipang nakapag-ehersisyo na naman siya kagabi sa kabila ng stress niya sa buhay. Ngunit napamulat ang mga mata niya matapos maisip na baka hindi na naman siya pakawalan ng babaeng nakasiping kung kaya't balak niyang tumakas. Lagi na lang kasing nagiging clingy ang bawat babaeng nakakasiping niya at kulang na lang ay itali siya sa leeg makasama lamang ulit o di kaya ay mapakasalan.
Sinubukan niyang damhin ang katabi ngunit nangunot ang noo niya matapos walang makapang bulto ng babae. Napabalikwas siya ng bangon at napatitig sa parteng iyon ng kama. May gusot at halatang may humiga roon ngunit wala ang babae. Dumapo ang tingin niya sa pinto at makitang may siwang ito, senyales na may lumabas roon.
"It was real, damn!" mahina niyang usal matapos maalala ang panaginip niya.
Akala niya ay kathang isip lamang na may pinipigilan siyang babae na huwag umalis ngunit tila ang nakasiping niya kagabi ang babaeng iyon.
Nasapo niya ang ulo at pumikit muli nang mariin matapos muling dumaloy sa isipan niya ang mga pangyayari kagabi. Bawat detalye ay naalala niya at halos mapamura matapos maalalang hindi siya gumamit ng kahit anong proteksyon.
"Damn, Archie, gulo na naman iyan," pagkausap niya sa sarili.
Napamulat siya at tumitig muli sa kama ngunit wala namang bakas ng dugo roon pero hindi naman lahat ng una ay dinudugo. Kumuyom ang kamao niya sa takot na baka mabuntis ang babae at bigla na lang maghabol. Kapag nangyari iyon ay limas lahat ng mana niya sa kanyang lolo at baka itakwil pa siya kahit nag-iisa siyang apo.
"I need to fix this mess," desididong bigkas niya bago bumangon at hinagilap ang mga damit.
Pinilit niya muling inisip kung ano ba ang itsura ng babae ngunit wala siyang maalala kung hindi ang perpektong katawan nito na kanyang hinagod sa kanyang mga palad. Napatitig siya sa kanyang palad at natigilan. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang lambot ng katawan nito at mas napalunok siya matapos maalalang ang babae mismo ang sumakay sa tiyan niya ay binigyan siya ng magandang biyahe.
Bumigat ang kanyang paghinga at nakagat ang labi. Kahit hindi niya tanda ang itsura nito ay naging maganda ang gabi niya. Ngunit bumabalik ang takot niya na baka mabuntis ito. Gusto niya itong hanapin upang mabantayan at maagapan ang pagsugod nito sa mansyon nila o sa kumpanya kung sakali mang mabuntis ito. Pero sino ba ang niloloko niya? Sa gilid ng kanyang isip ay gusto niya itong hanapin dahil gusto niya ito muling makasama sa kama. Iba ito sa ibang babae na naghahabol sa kanya kung kaya't naisip niya na pupwede itong gawing fuck buddy para matigil na siya sa pagroromansa ng iba't ibang babae gabi-gabi.
Hinagod niya ang buhok at matapos maisuot ang pants ay hinagilap niya lang ang kanyang cellphone at wallet na napadpad sa paanan ng kama. Pagtingin niya ay kumpleto pa naman ang kanyang salapi at cards kaya't dumiretso na lang siya sa ibaba ng hotel at tumungo sa receptionist.
"Miss, may kasama akong babae kagabi di ba?" tanong niya sa receptionist na babae na bahagyang natulala sa kanya.
"Mr. Alcantara," mahinang bigkas nito.
Alam niyang may kasikatan ang apelyido niya ngunit hindi iyon panahon upang umaktong sikat.
"Nakita mo ba ang itsura?" tanong niya muli.
Nangunot ang noo nito at maaaring iniisip na nababaliw na siya't hindi maalala ang itsura ng nakasiping niya.
Napamura siya at hindi makapaghintay, "Pakitingnan nga ang pangalan sa listahan—"
"Pero kayo po ang nag-check in kagabi, Sir. Hindi ko rin po nakilala si Ma'am," anitong muling nagpamura sa kanya.
"I want to see the CCTV's."
Iyon na lang ang pag-asa niya upang matagpuan ito ngunit noong panoorin niya lahat ay walang malinaw na kuha sa mukha ng babae. Tabon ang buhok nito sa kanyang mukha at minsan naman ay nakasubsob sa kanyang dibdib.
Sunod-sunod na malulutong na mura ang pinakawalan niya bago lumabas ng hotel. At halos magmura siya muli matapos maalalang sasakyan ng babae ang ginamit nila patungo sa hotel at naiwan ang sasakyan niya sa convenience store. Wala tuloy siyang magawa kundi tumungo roon at tanungin na rin ang cashier sa itsura ng babae ngunit iba na ang naroon.
Namewang siya matapos rumehistro sa isipan kung paano silang napunta at humantong sa kama.
"Baog siya," mahinang usal niya. Iyon kasi ang naalala niyang kinaiiyak nito.
Kailangan niyang kumalma at alam niyang hindi ito mabubuntis, ngunit nagpaigting lang iyon sa kagustuhan niyang gawin itong fuck buddy dahil lusot siya sa responsibilidad kung sakali.
Nakagat niya muli ang labi at pasipol-sipol na sumakay sa sasakyan niya. Imbis na sa mansyon ay sa bahay ng kaibigan siya tumuloy.
"Ang blooming mo, Archie!" ani ng kaibigan kung kaya't nasuntok niya ito sa braso.
"G*go ka, Joselito. Ginawa mo pa akong babae."
Napasimangot ang kaibigan nito at mahina siyang sinuntok sa tiyan na kanyang kinahalakhak.
"Hina mo g*ago!" insulto niya sa kaibigan ngunit napailing-iling ito at inabot ang hawak na cellphone.
"Makatawa ka pa kaya kapag nakuha na ng mga Del Rosario ang mga investors niyo? Patay ka sa Lolo mo, Archie." Ngumisi ito habang siya ay napatitig sa litrato ng dalawang investors nila na kausap si Joseph Del Rosario.
"Levi Archer Alcantara was stripped of his wealth," biro ni Joselito na nagpakuyom sa kanyang kamao.
Hindi pwedeng malusutan siya ng mga ito. Hindi niya hahayaang mapamana lamang sa sakim na assisstant ng kanyang Lolo ang pinaghirapan ng mga magulang niya.
"Babawiin ko rin sila," aniyang tinutukoy ang mga investors.
Tinapik siya sa balikat ni Joselito at binulungan.
"Ligawan mo na lang iyong bunsong Del Rosario para tapos ang laban," mungkahi nito kung kaya't napabaling siya sa kaibigan.
Unti-unti siyang napangisi matapos maalala ang eleganteng babaeng miminsan niyang nakikita sa mga events.
"Baka magwala si Joseph Del Rosario kapag nagalaw ang prinsesa niya," aniyang winawaksi sa isipan ang magandang babae.
"Exactly, Archie! Hindi mo naman bubuntisin, roromasahin lang. Galitin ang dragon upang bumagsak ang kumpanya nila," komento nito.
"G*ago! Ang sama ng plano mo, baka makulong pa ako." Umiling-iling siya at winaksi ang ideya. Isa pa, ang babae kagabi ang naiisip niya.
"Alukin mo na lang ng kasal, Archie. Hindi ka naman rin lugi sa isang Beatrix Del Rosario. Maganda na, mabango pa. Para lumagay ka na rin sa tahimik," ani muli nito.
Ngumisi siya, "Iba ang makakapagpatahimik sa akin," aniya matapos sumilay sa isipan niya ang nangyari kagabi at alam niyang gagawin niya ang lahat mahanap lamang babaeng iyon.
Hindi alam ni Beatrix noong araw na iyon kung saan tutungo. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa siya sa halos muntikan na pagkakita ng lalaki sa kanya noon sa hotel. Kung hindi siya tumakbo ay baka pa naabutan siya nito matapos magising.Ngayon ay dalawa na ang problema niya. Alam niyang mayaman din ang lalaking iyon at pinapanalangin niyang hindi siya nakilala nito kun'di ay itatakwil siya ng kanyang Daddy sa pakikipagtalik sa iba gayong kasal pa siya kay Miggy. Sising-sisi siya na nagawa niya iyon. Wala na rin siyang pinagka-iba kay Miggy dahil sa nangyari. Nagkasala na rin siya at iyon ang kinakatakot niya.Dalawang araw din siyang namalagi sa ibang hotel, nagdadalawang isip kung uuwi ba sa ancestral house nila o sa bahay nilang mag-asawa. Kung uuwi siya sa mansyon ay magagalit ang Daddy niya, pero kung uuwi siya sa bahay nilang mag-asawa ay baka nandoon pa rin ang pinsan niyang si Crystal.Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi talaga niya lubos maisip na magagawa iyon ni Crystal
Naningkit ang mga mata ni Beatrix habang tinatanaw ang lalaki sa malayo. Bigla ay gusto niya itong takbuhin upang mas malinaw na makita ang itsura. Pamilyar ang bulto nito pero alam niyang hindi pa niya nakikita ang lalaki. Pero gusto niya itong makilala ngayon.Akmang maglalakad siya patungo roon matapos makitang sumakay na ito ng sasakyan. Ngunit naantala ang paghakbang niya noong maramdaman ang mahigpit na hawak sa kanyang siko."Where do you think you're going, Bea? Pirmahan mo na para matapos na ang lahat sa atin," ani Miggy na mariin na tinititigan ang dalaga.Mahinang tumawa si Bea at muling binalingan ang asawa—ang dating asawa. Para sa kanya ay hiwalay na sila kahit walang annulment. Ngumisi siya at kunwaring binasa muli ang papel.Humihigpit ang hawak niya roon sa bawat martilyong pumupukpok sa puso niya. Wala na talaga ang binuo niyang pag-ibig at balak na pamilya. Naglaho ang pangarap niyang manatiling Mrs. Sandoval."Here's the ballpen. Pirmahan mo na, Be.""Don't call me
Dinamdam niya ang lahat ng iyon. Sa tanang buhay niya ay hindi niya maalala kung kailan ba natuwa ang Daddy niya sa kanya. Personal man o sa negosyo, lagi itong galit."Disappointment?" tanong niya sa sarili.Siguro nga ay nakakadismaya ang pagpapakasal niya ng maaga tapos ay ang asawa pa niya ang nanghihingi ng hiwalayan.Bumuntong hininga siya at nilagyan ng nude lipstick ang mga labi bago hinagilap ang kanyang handbag. Sakto iyon sa pagbukas ng pinto at iluwa ang Ate niya.Tumikhim ito, "Gusto ko sanang malaman kung sinong babae ni Miggy. Pinapatanong ni Daddy."Sandali siyang natigilan. Gusto niya sanang sabihin agad ngunit baka mas kampihan nila si Crystal."Trust me, Bunso. Galit si Daddy sa'yo pero hindi niya palalampasin ang ginawa ni Miggy," hikayat nito.Muli siyang bumuntong hinga, "Si Crystal, Ate," balewalang bigkas niya.Tila tanggap na niyang hindi anghel ang pinsan niya."What?" litong tanong nito.Kumibit balikat siya at inangkla ang braso sa kapatid, "Kung ayaw mong
Daig pa ni Levi ang nanalo sa loto sa nadiskubre. Kanina pa lang sa pintuhan ng restaurant ay nakuha na ni Beatrix Del Rosario ang atensyon niya. Nagtataka siya kung bakit ito naroon sa lugar ng meeting nila. Malayo pa lang ay nagnanakaw na siya ng tingin sa taglay nitong pino at ganda. Ang ash blonde nitong buhok ay may buhay habang ang kutis ay kumikinang.Nang makalapit ay mas namangha siya sa istura nito. Bagay ang malalantik nitong pilikmata sa cute nitong ilong at labing nagkorteng puso. Ang liit ng mukha nito ay kaya lamang yatang sakupin ng kanyang palad. Dumako ang tingin niya sa katawan nito, at paniguradong maliit lang ito kapag nasa ilalim na niya.Nakagat niya ang labi sa naisip. Hindi niya inasahan ang ganitong reaksyon ng katawan niya sa dalaga. Tila hinihila ang katawan niya na maidikit rito kung kaya't mas humakbang siya palapit. Mahina pa siyang natawa matapos nitong sampalin nang mahina ang mga pisngi na para bang ginigising ang sarili.Ngunit mas namangha siyang ma
"Saan ka pa ba pupunta, Bea? Bumalik ka na sa kumpanya kung ayaw mong magalit si Daddy," may gigil na utos ng Ate niya mula sa kabilang linya ngunit wala roon ang atensyon niya kun'di na kay Levi Alcantara.Kanina pa gustong kumulo ng dugo niya sa lalaki. Napakahambog nito at napakayabang. Akala yata nito ay pinapantasya niya pagkatapos makita ang larawan sa cellphone. May bilin pang play dirty, play dirty ang loko."Bea! Ano na?!" sigaw ng Ate niya.Huminga siya nang malalim at sinundan ng tingin ang papalabas na bulto ng lalaki kasama ang dalawang investors nito. Kailangan niyang sumunod doon dahil wala siyang masasabing report sa Daddy niya. Ang layo ng mesa at ang presensya ng lalaki ay hindi nakatulong sa focus niya, lalo na ang mga sulyap-sulyap nito."Sandali lang ako, Ate. Extended yata meeting nila, susundan ko lang."Umungol ito ng pagtanggi, "Huwag na. Baka mapahamak ka pa! Umuwi ka na ng maaga. May dinner tayo sa mansyon."Pagpatay ng tawag ay mapait siyang ngumiti. Dati r
Imbis na lumayo ay mas diniin ni Levi ang mga labi sa dalaga. Ang balak niya ay itago lamang ang itsura nito ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito hinalikan. Sa pagpikit ng mga mata niya ay naging pamilyar ang mga labi nito matapos gumuhit ang isang pangyayari sa hotel. Alam niyang ngayon niya pa lang nahalikan ang dalaga kaya't imposibleng ito ang babae sa hotel. Isa pa, hindi ito agresibo, hindi kagaya ng babaeng sa hotel.Mas lalo niya rin itong hinapit matapos maramdaman ang pagtulak nito. Mas mabuti na ang ganitong paraan kaysa mahila ng mga investor niya ang dalaga. Kanina pa niya ito sinusundan ng tingin at alam niyang kanina pa rin ito minamatyag ni Mr. White at Mr. Wilson."Mr. Alcantara," dinig niyang tawag sa kanya ni Mr. Wilson.Napapikit siya nang mariin at pinakawalan ang mga labi nito. Ngunit agad niya ring sinubsob nang marahan ang mukha nito sa kanyang dibdib upang hindi makilala. Mahigpit niya itong niyakap at sinuguradong hindi malalaglag ang
Muling pinunasan ni Beatrix ang kanyang mga labi bago pumasok sa kanilang mansyon. Natatakot siyang may naiwang bakas ang isang Alcantara sa kanyang katawan at ikagalit iyon ng kanyang Daddy. Ngunit nagtaka siya matapos makitang maliwanag pa ang mansyon kahit dis-oras na ng gabi. Sa ganitong oras ay dapat tulog na ang lahat.Tinangay siya ng kanyang mga paa patungo sa kusina para lamang magulat matapos makitang nandoon pa rin ang pamilya niya at tila hinihintay siya."Wala kang ideya kung saan nagpunta si Bea?" malamig na tanong ng kanyang Mommy sa kanyang Ate na umiling lang."Joseph, baka bukas na umuwi iyon. Kumain na lang tayo. Malamig na ang lahat ng ito," baling nito sa kanyang Daddy.Napatigil siya sa paghakbang at natulala sa maraming pagkain. Binugso siya ng kaba at panghihinayang."Did you have fun?" biglaang tanong ng kanyang Daddy bago siya nito binalingan ng tingin.Napakurap siya habang napasinghap naman ang kanyang Mommy."Saan ka ba galing na bata ka?! Hindi mo man lan
Ilang beses ding naulit ang ganoong panaginip kay Beatrix bago ang event. Nasanay na siya na sumasagi sa isipan niya si Levi Alcantara kapalit ng lalaking nakasiping niya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay gusto niya si Levi. Wala lang siyang choice dahil makulit ang utak niya."Behave, Bea. Maraming pwedeng kuning investors doon. Huwag mong hayaang makuha lahat ng mga Alcantara, kun'di, babagsak tayo nang tuluyan," habilin sa kanya ng kanyang Ate Isabella.Tumango na lamang siya bago bumaba, naabutan niya pa ang Mommy at Daddy niya na papaalis at ni hindi siya tinapunan ng tingin. Piniga ang puso niya dahil doon ngunit hinayaan na lamang niya. Alam niyang lalambot din muli ang mga puso nila sa kanya, hindi nga lang iyon.Sa biyahe ay nag-isip na siya kung paano lalapit sa mga target investors nila. Kailangan may makuha siya kahit isa para naman matuwa ang Daddy niya. Mahirap ang gusto nila lalo pa't papabagsak na ang kumpanya nila.Sa bungad pa lang ay hinanda na niya ang ngiti mata
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan